Nag-away na ba kayo ng iyong mga kabarkada? Bakit? Paano kayo nagkabati?
Ako oo. Nung 3rd year kami. magka-group kasi kmi ng mga friends ko sa isang project. yung araw na nag-away kami ay yung araw na deadline ng project. malayong-malayo pa kasi kami sa tinatawag na finished project. yung kaibigan naming si marie ay tinawag ng isang naming teacher at may pinagawa sa kanya. pumayag naman kaming umalis siya muna. maglalunch na at hindi pa rin siya nakabalik samantalang kaming mga natira sa classroom ay busy na busy sa paggawa ng project. tinatanong namin sa aming mga sarili kung bakit wala pa si marie. pabiro naming sinabi na kapag di pa siya dumating ay hindi na siya kasali sa project at sinabi rin naming 'parang nakalimutan na niya ata na may project pa kami at ngayon yung deadline'. biro lang yun kasi naiintindihan naman namin na may pinapagawa sa kanya. nung lunch na, ewan lang namin kung bakit sinabi ng iba naming mga classmates na sumali na sa kanila si marie at nagalit daw sa amin. gusto namin siyang kausapin kung bakit. nang mag-usap kami sinabi niya na sinabi namin na hindi siya tumutulong. sumagot kami na naiintindihan namin kung bakit wla pa siya sa classroom. (uhm.nakalimutan ko na kung bakit umabot sa iyakan yung usapan na iyon tsaka nagwalk-out si marie) basta nagalit kami kasi sumali siya sa ibang group at sumama pa sa kanya si rose. sa loob ng barkada namin, close talaga sila. nagalit rin kami kay rose kasi sumama siya kay marie. pagkatapos meron kaming narinig na sinabi ni marie na bad influence yung iba sa amin sa barkada. pano raw kasi kapag may mga assignments eh nagtatambay pa kami at naguusap samantalang gusto na raw nina rose at marie na gumawa. hindi namin alam na ganun na yung tingin nila dun. kapag may tests hinahayaan lang naman namin si marie na pumunta sa isang sulok at magaral.
bsta ganun. hindi na kami nagusap buong araw. merong kaming group pic na isasama namin sa proj. pinuno namin ng stickers yung mga mukha nila. parang namatayan kami after nung paguusap pero habang dinidikit namin yung mga stickers tumawa kami na parang mga witch.hehe. tsaka "Femme Fatale" yung name ng barkada namin.pinalitan naming yung 1st word ng isang bad word (starts with F) at yung 2nd 'friends'.
hindi kami na-late sa pagpass ng proj, nagandahan pa yung teacher namin sa aming ginawa. authentic daw.
kinuwento ni kate na kasalubong pa nina marie at rose yung ina niya.hindi raw nila siya pinansin.nagtanong yung ina ni kate sa kanya kung nagaway kami nina marie at rose. kinuwento na lang ni kate yung lahat ng nangyari.
mga 1 week ata kaming di bati. nakalimutan ko na kung paano kami nagkabati basta parang unti-unti lang na bumalik sa dati.
ang haba na pala ng naikwento ko.hehe.sorry..
well yun yung 1st and i hope the last fight namin.

ikuwento niyo na lang rin yung sa inyo.
