Chapter 48Rence’s POVIsang araw na ang nakalipas nang umalis sila Kuya Lance papuntang Japan. Tinatanong nga ako ni Mommy ngayon kung bakit daw hindi ako sumama kay Kuya.
Rence: Because I wanna spend my summer vacation with my new friend.
Mommy: New friend? Saan mo naman siya nakilala?
Rence: Taga dito din po siya sa subdivision. By the way, girl siya.
Mommy: Ohh.. Girl pala. New crush mo ba?
Rence: Mom?! No. She’s just my friend. Wala kasi yung parents and Ate niya dito sa Manila. Siya lang mag-isa kaya I decided to join her na lang.
Mommy: I see. Defensive masyado ang anak ko. Haha. Bukas pupunta kami ng Dad mo sa Batangas para bisitahin ang Lolo mo. Kung gusto mo, isama mo ang kaibigan mo.
Rence: Really?
Mommy: But make sure na magpaalam na muna kayo ng maayos sa parents niya.
Rence: Okay, Mom! Thanks.
Mommy: What’s her name nga pala?
Rence: Krizz. Her name is Krizz.
After a small chitchat with my Mom, I went upstairs and took a shower.
Habang papunta ako sa bahay ni Krizz, napansin kong ang sakit ng panga ko. Yun pala, kanina pa ako nakangiti. Haha.
Nagdoorbell na ako at lumabas ang isa sa katulong nila.
Rence: Magandang araw po. Si Krizz po ba, andyan?
Manang: Ay hijo, wala siya ngayon dito.
Rence: Saan ho nagpunta?
Manang: Sinundo siya ng mga kaibigan niya kaninang umaga dito. Gumala ata.
Rence: Ganon po ba? Mga anong oras ho kaya ang uwi niya?
Manang: Gagabihin yun panigurado. Itext mo na lang kaya?
Rence: Ah. Sige po. Salamat.
Sana pala tinawagan ko muna siya bago ako nagpunta dito. Sinadya ko kasi na hindi siya tawagan. I wanna surprise her sana. Haizt. Makauwi na nga lang ako at nang makatulog.
Katie’s POVMaaga akong gumising kanina para mapagmasdan ang sunrise. Tanaw na tanaw mula dito ang malawak na dagat. Nasa mataas na lugar kasi ang bahay nila Aya. Masyado nga lang tahimik.
Lance: Anong ginagawa mo dito?
Katie: Wala lang. Nagiisip ng mga gagawin. Nasaan sila Lizzie?
Tumabi sa akin si Lance at nilean niya ang ulo niya sa shoulder ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya. Napangiti ako. Pero hindi, kinikilig pala ako.
Lance: Nasa baba, kausap si Enzo.
Katie: Eh si Henry?
Lance: Hindi ko pa nakikita. May LQ ata yung dalawa.
Katie: O, bakit naman?
Lance: Nagseselos kasi si Henry kay Enzo.
Katie: Ano? Hahahaha! Siraulo talaga yun. Pero kung sabagay, ang gwapo kasi ni Enzo eh. Di ba?
Lance: Yah. Pero may napansin lang ako sa lakad niya. Hindi siya deretso maglakad. Parang may pilay.
Katie: Napaka-observant mo naman. Pero may napansin din ako sa mukha niya. Para bang may kamukha siya. Familiar lang.
Lance: Artista?
Katie: Oo. Koreano eh. Iniimagine ko siya kapag black ang hair niya at medyo mahaba. Pero hindi ko makuha eh. Haha.
Lance: Kulay mais kasi ang buhok.
Katie: Pero ang cute niya magsmile. May mimim siya.
Lance: Ano yung mimim?
Katie: Yung dimple sa ilalim ng mata.
Lance: Ahh. Dami alam ah? Haha.
Katie: Ako pa! Hehe. Tara, baba na tayo.
Habang pababa kami ng hagdan, may naririnig kaming parang nag-aaway.
Lizzie: Henry, ano ba?! Naiinis na ako sayo.
Henry: Ikaw pa may ganang mainis diyan. Eh di mainis ka! Psh!
Ang ingay ng sahig ng bahay sa kakalakad nilang dalawa. Ano ba naman tong dalawang to? Pinagmasdan lang muna namin silang dalawa.
Lizzie: May nagawa ba akong kasalanan sayo? Kagabi mo pa ako dinededma.
Henry: Ewan ko sayo. Magsama kayo ni Mais!
Nagkatinginan kami ni Lance. Alam na!
Pumunta na sila ng living room kaya sumunod na din kami. Ang saya pala ng manood ng ganito. Haha. Napapangisi na lang kami ni Lance.
Lizzie: Wag mo nga akong tinatalikuan!
Henry: Naririndi na ako sa ingay mo.
Lizzie: Paano ako hindi mag-iingay eh ayaw mo ako kausapin ng matino.
Ngayon lang kami napansin nung dalawa na nakatayo dito.
Lizzie: Andyan pala kayo.
Lance: Kanina pa kaya. Anyways, ako na ang sasagot sa katanugan mo. Nagseselos si Henry sa inyong dalawa ni Enzo.
Lizzie: What?! Really? Oh my gad! Bakit hindi ko naisip yun?
Henry: Oh, shut up!
Umupo na muna kami ni Lance sa sofa. Mukhang hindi pa matatapos ang dalawang to sa pagbabangayan nila. Haha. Nakakatuwa talaga.
Lizzie: My gad, Henry. Bakit ang babaw mo? Yun lang magseselos ka na?
Henry: Hindi ako ngseselos.
Lizzie: Sige, deny pa. Haay nako.
Henry: Oo na. Nagseselos na. Anong magagawa ko? Alam ko hindi pa tayo. Wala akong karapatan magselos. Pero mahal kita eh.
Ang corny talaga ng pinsan ko kahit kailan.
Lizzie: Nag-uusap lang kami no. Kawawa naman yung tao.
Henry: Oo nga eh. Kaya kinalimutan mo na ako.
Lizzie: Ang drama mo.
Henry: Whatever. Doon ka na lang. Mas bagay kayo.
Lizzie: Ows? Talaga? Kaso hindi naman niya ako gusto. Saka hindi ko siya type. Kaya malabong maging kami.
Katie: So, ibig sabihin ba nun may chance talaga si Henry?
Henry: Hindi rin. Sa tingin ko nga balewala lahat ng effort ko.
Lizzie: Manhid ka lang.
Henry: Huh?
Lizzie: Wala! Bingi!
Lance: Haha! Alam na oh. Sayang bingi si Henry.
Henry: Ehh??!! Ano yun?
Ewan ko kung nagbibiro lang ba to o nabingi talaga eh.
Dumating bigla si Enzo.
Enzo: Nakahain na po ang lunch.
Lizzie: Thank you, Enzo. Tara na guys.
Sumunod na kami sa kanila. Pero kinalabit ko muna si Henry.
Katie: Pinsan, mag-hantay ka lang.
Henry: Huh?
Katie: Ewan ko sayo. Bingi!
Rence’s POV*yawn*Wow, gabi na pala. Ang haba din pala ng tulog ko. Tinignan ko ang cellphone ko. Puro txt galing sa barkada ko. Wala man lang mula sa kanya.
Naghilamos ako ng mukha at bumaba na. Pupunta na lang ako sa club house.
Para akong namatayan ng aso sa sobrang lungkot ngayon. Bakit kaya? Umupo ako sa pool side at nagtampisaw.
*humming the song Where Are You Now by Honor Society*Nasaan na kaya siya?
Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko. Tatawagan ko na ba siya o hindi na lang?
Nakatitig lang ako sa phone ko kung ididial ko na ba o hindi na. Waaaaaaaa!!
Krizz: Tawagan mo na kaya.
Ayyy!! Xit!! Muntik ko ng mahulog sa pool phone ko sa sobrang gulat ko. Tumayo ako agad at hinarap siya.
Rence: Krizz naman eh!
Krizz: Sorry. Hindi ko alam na magugulatin ka pala.
Parang ang bading ata nang pagkakasabi ko. Nakakahiya. Pero nagulat kaya talaga ako.
Rence: Anong ginagawa mo dito?
Krizz: Bakit? Bawal na ba ako pumunta dito?
Rence: Tinatanong lang kita.
Krizz: Tinatanong lang din naman kita.
Rence: Haissh! Anyways, nakauwi ka na pala.
Krizz: Ay hindi pa. Wala nga ako ngayon dito eh.
Sinapian ba ngayon to?
Rence: Ayoko na ngang magsalita. Mambabara ka lang ng mambabara.
Krizz: Bakit nagsalita ka pa din?
Napataas na ang kilay ko.
Krizz: Ahahaha! Biro lang. Inaasar lang kita. Bakit ka nga pala pumunta sa bahay kanina?
Rence: Wala. Trip ko lang.
Krizz: Weh?
Rence: Weh ka din.
Krizz: May sasabihin ka ba saking importante kaya pinuntahan mo ako sa bahay kanina? Kasi pwede mo naman ako itxt di ba?
Rence: Ehh kasi ini..
Krizz: Iniimbitahan ako ng Mom mo na sumama sa inyo sa Batangas. Tama ba?
Rence: Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa.
Krizz: Paki mo ba?
Rence: Yan ka na naman eh. Teka, paano mo pala nalaman yun?
Krizz: Kagagaling ko lang sa bahay niyo bago ako nagpunta dito. Mommy mo nakausap ko kanina. Kinabahan nga ako eh. Ang taray niya kasing tignan.
Rence: Mukha lang ganun yun, pero mabait yun.
Krizz: Yah. And she’s a beautiful woman.
Rence: Naman. Tignan mo naging bunga. Gwapo.
Nagpogi pose ako at tinawanan niya lang ako. Haha.
Rence: So, pwede ka bang sumama?
Krizz: Sure.
Rence: Seryoso? Nakapagpaalam ka na ba sa parents mo?
Krizz: Ako na ang bahala dun mamaya.
Rence: Yes!
Sobrang natuwa ako kasi makakasama siya.
Rence: Krizz, may gusto sana akong sabihin sa’yo.
Krizz: Ano yun?
Naglalakad na kami papunta sa bahay nila.
Rence: Isipin mo na corny ako, pero gusto ko lang sabihin na hanggat nandito ako, hinding hindi mo mararamdaman na nag-iisa ka. Kahit hindi ako mangako, gagawin ko ang makakaya ko para mapasaya ka lang.
Krizz: Bakit mo to ginagawa?
Rence: Simple naman ang sagot diyan. Mahalaga ka kasi sa akin. May special space ka dito woh.
Tinuro ko yung heart ko at ngumisi. Bago pa maging awkward ang moment…
Rence: Hahaha! Oh, andito na pala tayo sa tapat ng bahay niyo.
Krizz: Actually, kanina pa.
Rence: Oh. Eh di pasok ka na sa loob. Matulog ka ng maaga. 7am pa lang susunduin ka na namin dito. Okay? Sige, goodnight.
Walang preno akong nagsalita dahil kinakabahan ako. Parang hindi ako handa sa maririnig ko kapag nagsalita siya. Kumaway na lang ako sa kanya at umalis na.
Rence: Haay.. Ano bang nangyayari sa’yo Rence?
Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Hindi ako makatulog sa akin ginawa. Baka magkailangan kaming dalawa ni Krizz bukas.
*beep*
1 message received
From: Krizz
Thank you for always there for me and letting me know that I have a special space in your heart. I just want you know that you’re the only guy who told me such heart-kinded words. Sana makilala pa natin ang isa’t isa. See you tomorrow. Goodnight and sweetdreams.
PS: Ang cute mo pala kapag kinakabahan ka. Haha. Sige, sleep well.
Oh my gad! Chineck ko ulit kung sa kanya ba galing to. Sa kanya nga talaga. Pero teka.. Nagtxtback ako at tinanong na baka na wrong sent lang siya.
From:: Krizz
Mukha bang hindi ikaw yung nagsabi na mahalaga ako sa’yo at hindi mo ako iiwan?
To: Krizz
Waa! Krizz, hindi mo na kailangang ipaalala pa. Nahihiya ako. Haha.
From: Krizz
Ang bading mo dude. Haha. Sige, tulog na ako. Sleep ka na din. Thank you.
To: Krizz
Thank you too. See you in my dreams. Hep! Wag ka na magreply. K? Haha! Sweetnight. *hugs*
Inoff ko agad yung phone ko. Baka kasi magreply siya. Ayoko nang makabasa pa ng sagot niya. Baka hindi na ako makatulog eh. Haha. Goodnight.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Ito na po ang update ko. Sorry po sa super late na update. hihi.