Teentalk

Author Topic: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy  (Read 5288 times)

cherryflavoredcandy

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3008
  • Karma: +138/-88
  • Unknown Heroine
10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« on: January 04, 2009, 05:35:35 pm »
Maybe some of you have already read about this e-mail  I just want to share it to all of you
“It is easy to see the faults of others, but not so easy to see one’s own faults.”

FYI

Mga ‘Bad Foods’ na Hilig ng Pinoy
DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong

TAYONG mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, distilled water na lang!

9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak — May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapag­dudulot din ng maraming kanser.

6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito’y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Hilaw na karne –- Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa. Siguraduhing luto ang inyong kina­kain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.

4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi nag­hugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Minsan, nakakita ako ng isang magtataho na gumamit ng kanyang tuwalya para tanggalin ang sobrang tubig sa kanyang taho. Huwag makipagsapalaran!

3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na nagdudulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chicharon bulaklak — Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman ang gusto ko eh, hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” sabi ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon –- Ang paborito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Ingat!

mayenzÜ

  • Guest
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #1 on: January 04, 2009, 07:33:06 pm »
Kung totoo man ito, I'm not that much affected kasi naman guilty lang ako sa #6 at #1. ;D

keouie

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1765
  • Karma: +18/-10
  • saol.gáire.grá
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #2 on: January 04, 2009, 11:45:49 pm »
Dahil aka nga ng mga Pinoy "MASARAP ANG BAWAL!". Hehe, pero hilig man o hindi, nasa pag-kokontrol din kung gano kadalas ang mga ito kainin. Sumasama lang naman ang kahit anong kainin natin kapag ito'y sumobra. Kung iisipin mo, halos lahat nalang ng pagkain ay nakakataba/nakaka-kanser/nakaka taas kolesterol etc.

paper_doll

  • taffy
  • ***
  • Posts: 432
  • Karma: +23/-10
  • Kumplikadong tao
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #3 on: January 05, 2009, 10:17:31 pm »
masama talaga yang mga yan kung frequent..

kelangan in moderation..

karamihan guilty ako sa iba diyan.. hehe

peahymee

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-1
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #4 on: January 06, 2009, 01:06:29 am »
yes..i agree with that..too much junk food is bad for our body..
sobranh nkktba pa!!

sacred cow

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 524
  • Karma: +25/-38
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #5 on: January 06, 2009, 01:18:56 am »
how about sisig?
Thinkpad T410: i5-540M(2.53GHz), 4GB RAM, 320GB 5400rpm HD, 14.1in 1280x800 LCD, 512MB nVIDIA Quadro NVS 3100M, CDRW/DVDRW, Intel 802.11bgn, WWAN option, Bluetooth, Modem, 1Gb Ethernet, UltraNav, Secure Chip, FPR, Camera, 6c Li-Ion, Win7 Ultimate 64bit

pach

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 11129
  • Karma: +885/-648
  • i wanna singa
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #6 on: January 06, 2009, 10:56:22 am »
 i just simply refuse to believe that these foods are ''un healthy''.


« Last Edit: January 06, 2009, 10:58:04 am by pach »

imyourangel

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3944
  • Karma: +64/-77
  • happy. :)
    • http://galacticcircle.blogspot.com
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #7 on: January 06, 2009, 06:46:07 pm »
Guilty lang ako sa 10 and 9. Haha. I don't eat lechon na these days since I don't want to eat pork anymore. (muslim? no)
I'm coming back to the
HEART OF WORSHIP
and it's all about you,
JESUS.

niknoknik

  • jellybean
  • **
  • Posts: 203
  • Karma: +14/-4
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #8 on: January 06, 2009, 08:14:35 pm »
super guilty!haha,i cant help it,masarap sila eh.=)

cesc_carla15

  • Guest
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #9 on: January 06, 2009, 10:25:10 pm »

Haha, guilty lang ako sa #9. I don't eat meat kasi.

Icecold656

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 815
  • Karma: +75/-39
  • ...Conceited... ♥
    • I am Aileen
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #10 on: January 06, 2009, 11:47:14 pm »

Guilty at 9, 6 and 1 xD

Would appreciate a vote from you for the 2009 Blog Awards~ [ Vote for Me ♥ ]
My new TeenTalk account - I am Aileen

Reiko Sasaki

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4186
  • Karma: +884/-168
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #11 on: January 07, 2009, 03:58:54 am »

Ang chicharon talaga nakaka-sakit yan sa puso pag sobra ka talaga kumain. Dati nung bata ako adik ako diyan kasi every time umuuwi kami ng probinsya (Bulacan) lagi yan ang kinakain ko pag walang magawa. Ngayon, siguro once a year nalang ata ako kumakain. O, sabihin nalang natin na hindi na ako kumakain.
« Last Edit: January 07, 2009, 04:01:00 am by Reiko Sasaki »
「 just hit me that much instead 」

joyceanne08

  • Guest
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #12 on: January 07, 2009, 07:11:59 am »
Guilty sa lahat!haha.Ü

Basta pag sobra talaga,masama.

lafashionista

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 15
  • Karma: +18/-1
  • boo or kick in your butt?
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #13 on: January 10, 2009, 05:56:29 pm »
thnaks for the nifo.
at least habang kumakain ako ng mag yan nasa isip ko kung ano yung mga bad effenct

SuchADramaQueen

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 83
  • Karma: +5/-0
  • TeenTalker
Re: 10 Bad Foods na hilig ng mga Pinoy
« Reply #14 on: January 10, 2009, 06:32:26 pm »
Haha. :)) I'm so guilty. I love fries pa naman. :((

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website