Teentalk

Author Topic: TMW 2: I'll Be Your Love... "Hello? Are you there?" P.2 UPDATED NA PO!!!  (Read 9720 times)

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... "I need a HERO!" UPDATED NA PO!!!
« Reply #75 on: May 10, 2010, 08:46:53 pm »
FIRST!!! Tama ba?  :D

Grabe~ Mas nagiging interesting na siya. Hindi kaya `yung nagligtas sa kanya na "tao/hayop" `yung napanaginipan niya? Excited na akong makilala si blue-font-guy  ;D
« Last Edit: May 10, 2010, 08:48:24 pm by ~mystic.lady »
Inactive.

caila_viance09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 126
  • Karma: +8/-2
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... "I need a HERO!" UPDATED NA PO!!!
« Reply #76 on: May 11, 2010, 09:26:04 pm »
haha.. danda naman..
sana my HERO din ako..
atE paula ,ang galing mo po talaga..
ang lawak po ng imagination mo.. :D

-pHau09-

eight_teen18

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 19
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... "I need a HERO!" UPDATED NA PO!!!
« Reply #77 on: May 17, 2010, 12:21:39 am »
hi ate! new reader here, i just finished reading TMW 1 and napadpad po aq d2 sa season 2.. lol!
hmm, cnu kya ung tao sa dream nya?? cnu kya ung blue font guy?? the way u described him, i think he's hot! lol! hope u can update soon :) ;)
dO u Realy tHinK i Can't Get OvEr u??:))

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... "I need a HERO!" UPDATED NA PO!!!
« Reply #78 on: June 02, 2010, 08:08:23 am »
FIRST!!! Tama ba?  :D

Grabe~ Mas nagiging interesting na siya. Hindi kaya `yung nagligtas sa kanya na "tao/hayop" `yung napanaginipan niya? Excited na akong makilala si
blue-font-guy  ;D

Congrats Zee!!! :) Hindi nga kaya? ::) Ako rin excited na!!! Thank you! :)

haha.. danda naman..
sana my HERO din ako..
atE paula ,ang galing mo po talaga..
ang lawak po ng imagination mo.. :D

-pHau09-
Thank you Paula! Ako nga din sana may hero akong tulad ni KD! :)


hi ate! new reader here, i just finished reading TMW 1 and napadpad po aq d2 sa season 2.. lol!
hmm, cnu kya ung tao sa dream nya?? cnu kya ung blue font guy?? the way u described him, i think he's hot! lol! hope u can update soon :) ;)


Shen!!! ;) Ang saya-saya naman andito ka rin!!!Ha ha... Sana nga hot talaga siya!!! :) Update na ako. Thank you. :)

Hi po!!! Excited po ako sa update na ito dahil makikilala na natin ang isa sa magiging LOVE INTEREST ni KD. ;) Sino kaya siya at ano ang magiging role niya sa buhay n gating bida? Abangan nyo rin po ang pangalawang teoriya ukol sa pangalawang assignment ni KD!

Hope you like it. Thank you in advance-PAULA-

CHAPTER 11: ORDINARY DAY

This is just an ordinary day
Wipe the insecurities away
I can see that the darkness will erode
Looking out the corner of my eye
I can see that the sunshine will explode
Far across the desert in the sky

Beautiful girl
Won't you be my inspiration?
Beautiful girl
Don't you throw your love around
What in the world, what in the world
Could ever come between us?
Beautiful girl, beautiful girl
I'll never let you down
Won't let you down

This is the beginning of your day
Life is more intricate than it seems
Always be yourself along the way
Living through the spirit of your dreams

Beautiful girl
Won't you be my inspiration?
Beautiful girl
Don't you throw your love around
What in the world, what in the world
Could ever come between us?
Beautiful girl, beautiful girl
I'll never let you down
Won't let you down
Down, down...
-Dolores O’Riordan


‘Ordinary Day’

Mag-aalas otso na ng magising ako. Masakit pa ang katawan ko mula sa ginawa namin kahapon. Sa totoo lang ngayon ko lang naisip na parang coffee in sachet pala ang trabaho ko, kumbaga THREE IN ONE. ;) Paano bukod sa pagiging reporter ay IMBESTIGADOR at CAMERAWOMAN na ako.

Hindi ko kasi makakasama ngayon si Kuya Tatu sa kadahilanan na kailangan niya pang magpahinga. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kwarto ni Kuya Tatu. Gising na siya at naghahanda na siya para sa araw na ito. Mabilis ko na siyang kinausap na hindi ko muna siya isasama dahil mapapagod lang siya at sigurado akong magtataka ang mga tao kapag nakita ang hitsura niya. Hindi sana siya papayag dahil ayaw niyang mag-isa ako pero nakumbinsi ko rin siya sa huli.

Ibinilin ko na lamang siya kay Miss Sharona. Nangako naman ang mabuting ginang na aalagaan si Kuya Tatu. Pagkalabas ko ng villa ay nakakapaso ang init ng araw. Mag-aalas diyes palang pero tirik na tirik na ang araw. Dalawang destinasyon lang ang patutunguhan ko ngayon, ang una ay ang GUBAT at ang pangalawa ay ang BARANGAY HALL.

Hindi naman pala nakakatakot ang gubat sa umaga. :) Ang sarap sa matang tignan ang nagtataasang puno maging ang lumilipad ng ibon sa himpapawid. Ang gubat talaga ang gustong unang puntahan dahil nais kong mag-imbetiga dito tungkol sa nangyari kagabi.

Pagdating ko sa gitna ng gubat ay nakatayo pa rin ang tent namin. Obvious na wala pang nagagawi sa parteng ito. Inaayos ko yung tent at ilang gamit na iniwan namin bago tinungo yung daan patungo sa tent ng mga NAKA-ENKUWENTRO NAMIN MGA MAMA kagabi.

Tulad ng tent namin ay nakatayo pa rin ang kanila, ang kaibahan nga lang ay tila may IPU-IPONG dumaan sa pwesto nila. Nakakalat ang ilang delata, ilaw, bag at damit nila sa lupa. Aalis na sana ako dahil wala naman ako nakitang ‘interesting’ na bagay ng may pumukaw sa paningin ko. Sa may damuhan ay may nakita akong kumikinang ng bagay. Kumuha muna ako ng tissue paper sa body bag ko bago ko hinawakan yung RADYO. Isang radyo na may kalumaan nga ang nakita ko. Hinawakan ko ang radyo at napansin ko na may cassette tape sa loob. Pinindot ko yung play at ganun na lamang yung panlalaki ng mata ko sa narinig kong tunog.


AWOOO!!!   :o :o :o


Tumaas ang balahibo at halos napatalon pa ako! :o :-\ Ang iyak pala kasi ng naririnig namin kagabi na lobo ay RECORDED? ???

Bukod sa inis na nararamdaman ko dahil INISAHAN kami ng mga lalaki kagabi ay naawa ako sa mga taong, naniniwala na may TAONG-LOBO dito! >:( Sigurado kasi akong hindi lang kami ay inuto ng mga pangit na yun! Hindi ko nga lang maintindihan kong bakit nanloloko sila? ??? Bakit nila tinatakot at pinapaniwala ang mga tao na may taong-lobo na nakatira dito? ??? Akala ko sa Manila lang maraming taong manloloko at masama, yun pala maging sa liblib na lugar na ito ay may mga taong nanakit sa kanilang kapwa.

Napailing na lamang ako bago nilagay yung radyo sa hawak kong plastic kung saan nakalagay ang ilang naiwan naming gamit. Wala sana akong balak i-report sa pulis yung nangyari kagabi pero dahil sa nalaman kong panloloko ng mga mamang yun, sorry na lang sila.


Mag-aalas dose na ng tanghali ng makarating ako sa barangay hall. Tinext ko na si Kapitan Artemio na pupunta ako dito kahit na hindi na ako interesadong malaman ang tungkol sa taong lobo. Gusto ko lang sabihin sa kanya ang nangyari sa amin kagabi at ang katotohanan na wala naman talagang taong-lobo dito sa San Lagdameo.

“Tao po Kapitan…”

Iilang bahay lang ang makikitang nakapaligid sa barangay center. Halos wala ngang tao sa daan, tiyak nananghalian na ang mga tao. Buti pa sila kanin ang kakainin, ako magtitiyaga muna sa Skyflakes Wheat na baon ko at tubig na maligamgam na!

Akmang kakatok na sana ulit ako ng nagbukas ang pintuan pero hindi si Kapitan Artemio ang iniluwa kundi ang isang lalaking mukhang nagtratrabaho sa barangay center dahil sa suot nitong, KATULONG NI KAP SA PAGTULONG SA BAYAN! ;)

“Magandang tanghali po, pasensiya na sa abala. Andiyan ho ba si Kapitan?”

“Pasensiya na ho pero NAGMAMADALING umalis si Kapitan.” I texted Kapitan Artemio that I will come to his barangay center. Maybe he was too busy that he was not able to reply.

Dismayado man ay napangiti na lang ako sa lalaki. :( “Sige salamat, pakisabi na lang na dumaan si KD ng GBN 27.”

Napatango sa akin yung isang kawani ni Kapitan at akmang maglalakad na sana ako papaalis ng magsalita siya.

“Miss hindi ba nag-iimbestiga ka tungkol sa taong lobo?” I nodded my head in reply. “May alam kasi akong KASO na tiyak pag-iinteresan nyo.”

Bahagyang napataas yung kilay ko sa kawani pero hindi niya pinansin yun. ??? Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong na, “May NAKAKULONG ho kasing BALIW na PUMATAY NG ILANG BABAE dito sa San Lagdameo.” :o :o

May nakakulong na BALIW na pumatay ng ilang babae? ??? Kung tutuusin, mas attention-grabber ang tungkol sa taong-lobo pero ang CRAZY MURDERER na sinasabi ng kawani na ito ay mukhang interesting. :) :)

“Maari nyo po bang ikwento sa akin ang tungkol sa baliw na sinasabi ninyo?”

“Nais ko sanang ikwento sa inyo ngunit mas maganda na makuha na lang ninyo ang buong detalye sa PULISYA.”

That means I need to go to the police station! Mukhang masyadong tinatago ang kaso tungkol sa baliw na lalaking yun.

“Maraming salamat ho sa binigay ninyong impormasyon, Ginoong…”

He smiled at me. “Mang Teofisto na lang, isa ako sa tanod ni Kapitan.” :)

Sinuklian ko yung ngiti niya bago nagpasalamat at umalis na ng barangay center.


Ang police station ng San Lagdameo ay matatagpuan sa bayan na mismo. Sumakay na ako ng traysikel patungo sa pulisya. Kung ikukumpara sa presinto sa Manila ay hindi naman pahuhuli ang presinto ng San Lagdameo. Hindi kalakihan ang police station bukod sa may mobile patrol sa may parking lot ay mukhang sapat na rin ang bilang ng pulis na nakadestino dito.

Pagkapasok ko sa police station ay nanibago ako. Una dahil sa kalinisan ng presinto. Sa Manila kasi wala ni isang police station akong nakita na hindi makalat at madumi. Sanay na kasi ang mga mata ko na magulo at maingay ang mga presinto kaya naman pakiramdam ko tuloy hindi police station ang pinasukan ko ngayon kundi ospital. ;) Ang kaibahan nga lang sa ospital ay maraming tao, sa San Lagdameo precinct ay isang tao lang ang nasa counter at walang pulis ang palakad-lakad lang.

“Magandang hapon po…” Magalang kong bati sa babaeng pulis na nakapwesto sa may counter.

Bahagyang tinaas muna ng babaeng pulis na ang apelyido ay ‘Fernandez’ ang salamin na suot niya bago nagsalita. “Magandang hapon, anong maipaglilingkod sa iyo?”

One thing I learned from my previous assignment was to give my identity even if it is a POLICE. Mahirap kasing magtiwala lalo pa’t sa linya ng trabaho ko pero kung gusto ko talaga kaagad makuha ang impormasyon na kailangan ko, wala na akong choice kundi ibigay ang precious name ko at ng network.

I sighed deeply before I open my mouth. “Ako po si KD Ranales ng GBN 27.”

Napangunot sa akin si Officer Fernandez. Mukhang hindi siya naniniwala na media man ako ha! >:( Kukuhanin ko na sana yung id ko sa bulsa ng pantalon ko ng magsalita siya.

“GBN 27? ??? Istasyon ba iyon sa radyo o sa telebisyon? ??? ???

Kung siguro nasa Manila ako ay hindi ko matatanggap na hindi kilala ng mga pulis ang network pero dahil nasa liblib akong bayan ay iintinidihin ko na lang.
“Television station po ang GBN…”

“Anong channel ba yung GBN 27?” ??? At binuksan niya yung telebisyon na nasa nakalagay sa istante sa tapat niya.

Ayoko sana siyang pigilan sa paglipat ng channel para hanapin yung GBN 27 pero kailangan ko ng gawin lalo pa’t alam ko naman na mapapagod lang siya kakahanap.

“Ah sa cable lang ho makikita ang network na pinagtratrabahuhan ko.”

Binaba niya yung remote control na hawak niya. “Ganun ba? ??? Kung ganun ay hindi ka taga-rito…” Napatango ako sa kanya. “Taga-saan ka Miss KD ng GBN 27?”

Nakita kong isinulat niya ang pangalan ko sa notebook na nasa tabi niya. Kung ano man sinulat niya sa tabi ng pangalan ko ay hindi ko na nabasa dahil sinarado na niya at tinago ang notebook.

Hindi ko alam kung maiirita ako o maiinis sa tono ng pagtatanong ni Officer. :-\ Thank God, my parents taught me to be respectful always.

“Taga-Maynila po…”

Napatango-tango siya sa akin. “Ang layo naman ng napadpadan mo, nawawala ka ba?” ???

Mukha ba akong nawawala? >:( “Hindi ho ako nawawala. I’m here in San Lagdameo because of my assignment.”

“Assignment ???Ano naman yung assignment mo?” ???

Kung alam ko lang na dito palang sa counter ay may ambush interview na eh di sana nakapaghanda na ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot yung tanong niya. “May nakarating sa network namin na balita ukol sa ISANG BALIW na pumatay ng ilang kababaihan dito sa San Lagdameo.”

Bahagyang nanlaki yung mata ni Officer Fernandez. :o “Nais mo bang gawan ng istorya ang tungkol sa kanya?” ??? Napatango ako sa kanya. “Kailangan mo munang magpasa ng sulat sa aming police superintendent.”

Sa totoo lang malapit na ako mawalan ng pasensiya. :-\ Why getting stories here are more difficult than in Manila? >:( Calm down KD, think of the way!

“Officer Fernandez gagawin ko ho yan pero para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito, maari ko bang makausap ang taong humahawak ng kaso niya.”

Nilabas niya ang log book niya at pinapirmahan niya ako dun. Pagkatapos nun ay kinuha niya yung id ko at binigyan ako ng visiting pass.

“Ang In-depth Investigation and Special Enforcement Unit ang may hawak ng kaso ni Harold ‘The Exorcist Crazy Man’ Lucrecio. Kumanan ka lang sa hallway na yan at nasa pinakadulong kwarto ang opisina ng IISE unit.”

Napatango ako sa kanya at nagpasalamat pero bago ako tuluyan magtungo sa sinasabi niyang departamento ay nagtanong muli ako.

“Officer, huling katanungan na lang po, sino po ba ang namamahala sa unit?”

“Si Private Investigator RIGER TOLENTINO.”

PI Riger Tolentino? ??? Looks like a cool name for an investigator. :)
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinungo ko na yung direksiyon na sinabi sa akin ni Officer Fernandez.


This is the first police station that I entered where the hallway is fully air-conditioned. :) Paano naman kaya nangyari yun? ??? Samantalang di naman masyadong kilala ang bayan na ito at isa pa mas matindi pa ito sa kulungan sa Makati na ang sisipag magbayad ng mga tao ng tax eh napakainit ng presinto!

Tahimik ang buong hallway, halos wala nga akong nakasalubong na pulis. May mga pulis nga kaya dito? ??? ??? Kung meron man, nasaan naman kaya sila? Wag nilang sabihin na nasa field silang lahat! Paano naman yung mga preso dito?

Nakarating ako sa dulo ng hallway na maluwalhati. Kitang-kita talaga ang kaibahan ng In-depth Investigation Unit sa ibang opisina na nadaanan ko. Paano may tila ITIM NA TELA ANG NAKATAKIP sa buong bintana ng opisina. Di tulad ng ilang kwarto na nadaanan ko na halos kita ko na yung laman ng loob. Sa unit na ito parang may tinatago… ???

Hindi ko tuloy mapigilan na mapasilip sa may maliit na salamin sa may pintuan. Tanging yun lang ang walang takip. Sa kasamaang-palad ay wala rin naman akong makita dahil MADILIM SA LOOB! :o

Napaisip tuloy ako na marahil ay MATANDA na yung sinasabi ni Officer Fernandez na Private Investigator Riger Tolentino. :) Sino ba naman kasing nasa tamang katinuan na ganito ang hitsura ng opisina? ::)

Sisilip na sana muli ako ng may pumigil sa akin.

“Miss SINISILIP MO BA AKO?”

Napanting yung tenga ko sa narinig ko. >:( Ako naninilip? ??? Ang kapal naman ng kung sino man na akusahan ako! >:(

Sa sobrang inis ko ay nakataas yung kilay kong na napalingon sa kung sino man sa likuran ko.

Malalagot sa akin itong lalaking ito! Maghanda na siya… >:( Ganun na lamang yung panlalaki ng mata ko ng makita ko na yung MAYABANG at PRESKO na lalaki sa likuran ko ay GWAPO naman pala!  :o :o :o

SINO NAMAN KAYA SIYA? ???


Preview: Chapter 12

“Ikaw… Ikaw si-“ Hindi ko na napagpatuloy pa yung dapat kong sabihin dahil may sumigaw mula sa likuran namin.


“ENGKANTO! MALIGNO! DIWATA!!!”


Pagtingin ko ay nanlaki ang mata ko dahil kilala ko yung nagwawalang MGA LALAKI papunta sa kinatatayuan namin!  :o :o :o


“Why are you interested with Harold’s case, Miss Ranales?”

This guy is clever! Kanina ko pa iniiba yung tanong ko dahil nagbabakasakali ako na mahulog siya sa trap ko pero bumabalik pa rin siya sa tanong kong bakit ako interesado sa kaso ni Harold! Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoong dahilan? :-\

I looked at his eyes. Somehow, I feel something inside me saying that, YOU CAN TRUST HIM KD! Can I really trust this guy? :-\ :-\ :-X
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

caila_viance09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 126
  • Karma: +8/-2
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #79 on: June 02, 2010, 01:26:54 pm »
wee.. ate ang ganda po ng update..
next na po..
-phau09-/color]

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #80 on: June 04, 2010, 04:22:33 am »
ang ganda ng update!! pogi pla yung pulis. haha.
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

Untitled

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #81 on: June 04, 2010, 03:35:33 pm »
Hi there!

I started reading the first part of Too Many Walls a few days ago. And continued on the second part which is this. Great plot though, although there are a lot of grammatical errors. But, that's okay, I do understand the story despite those. :D

I shall wait for the next update then!

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #82 on: June 05, 2010, 06:52:04 pm »
wee.. ate ang ganda po ng update..
next na po..
-phau09-/color]

Thank you Paula! Update ako soon... :)

ang ganda ng update!! pogi pla yung pulis. haha.

Salamat Shen! Makikilala pa natin yung poging pulis sa mga susunod na update! :)

Hi there!

I started reading the first part of Too Many Walls a few days ago. And continued on the second part which is this. Great plot though, although there are a lot of grammatical errors. But, that's okay, I do understand the story despite those. :D

I shall wait for the next update then!

Hello! Thank you for reading TMW. I really appreciate your comment. I know that there are lot of grammatical errors. I'm still practicing and hopefully my grammar will improve. Thank you so much for the patience. By the way Paula here, I'll update as soon as I can. Again, thank you. :)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #83 on: June 05, 2010, 09:06:15 pm »
kaya mo yan ate phau! tira tira! i'll be waiting for the next update!  ;)
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #84 on: June 05, 2010, 10:10:49 pm »
Waaa~ Ngayon ko lang nabasa `yung update.  :-X

The update is O0
Inactive.

jelly_16

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 99
  • Karma: +8/-0
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #85 on: June 11, 2010, 11:01:59 am »
Hi ate paula!! nandito na din ako sa TMW 2..  :D
i'll support this story too..
parang exciting yung mga susunod na mangyayari..
i'll wait for your next update.. :) ;)

caila_viance09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 126
  • Karma: +8/-2
  • TeenTalker
Re: TMW 2: I'll Be Your Love... 'Ordinary Day?' UPDATED NA PO!!!
« Reply #86 on: June 11, 2010, 04:52:56 pm »
ate dont worii..
im willing to wait ur update.. :D ;D ;)

-pHAu09-

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
kaya mo yan ate phau! tira tira! i'll be waiting for the next update!  ;)

Ha ha... Salamat Shen! Hope you like the next update! :)

Waaa~ Ngayon ko lang nabasa `yung update.  :-X

The update is O0


Okay lang Shen... Thank you! :) :)

Hi ate paula!! nandito na din ako sa TMW 2..  :D
i'll support this story too..
parang exciting yung mga susunod na mangyayari..
i'll wait for your next update.. :) ;)

Gellie!!! I'm glad that you are here!!! :) :) Eto na ang next update! Thank you! :)

ate dont worii..
im willing to wait ur update.. :D ;D ;)

-pHAu09-
Thank you Paula. Don't worry the wait is over! ;)


Hi po! Good news! :D :D Dahil tapos na po yung Theater Play ay mas madalas na po akong makakapag-update! Yehey!!! ;D :D Excited ako sa chapter na ito dahil sa DALAWANG DAHILAN, una ay makikilala na natin lalo ang new guy sa buhay ni KD at ang pangalawa ay magkakaroon tayo na malaman ang tungkol sa kanya! ;) I advise na PAKINGGAN NYO PO YUNG KANTA habang binabasa nyo yung update. Hopefully magustuhan nyo yung update, thank you. –PAULA-

CHAPTER 12: GETTING TO KNOW YOU

Getting to know you, getting to know all about you,

Getting to like you, getting to hope you like me,

Getting to know you, putting it my way, but nicely,

You are my cup of tea.

Getting to know you, getting to feel free and easy,

When I am with you, getting to know what to say.

Haven't you noticed? Suddenly I'm bright and breezy,

Because of all the beautiful things and new things

I'm learning about you day by day.

-James Taylor


‘Getting to know you’


Halos lahat ng tipo ng tao ay nakilala ko na. Mapa-mayaman, mahirap, tomboy, bakla, may ngipin o wala ay nakasalamuha ko na. Hindi ko nga lang maintindihan ay kung bakit napatulala ako sa LALAKING KAHARAP ko! :P

Hindi naman siya kalakihan ng katawan, tama lang yung built niya. Kumbaga kung may away ay maipagtatanggol ka naman niya. Maliban dun ay makatawag pansin yung labi niya na parang lalaking version ni Angelina Jolie! :-* :o Parang sarap tuloy… ::) Natauhan ako bigla sa kung anu-anong tumatakbo sa isip ko! KD may I remind you that you have an assignment! ;)

Napalunok muna ako bago ibinuka ang bibig ko para magsalita.

“Excuse me perhaps you were mistaken.”

Napangunot-noo siya sa akin, hindi niya siguro inaasahan ang sagot ko.

He grinned at me. 8) “Hindi ako nagkakamali Miss MATARAY. Nasa teritoryo kita kaya nararapat lang na galangin mo ako.” 8) Did he just say Miss Mataray? ??? Ako mataray? ??? Wala pa kayang nasa matinong pag-iisip na sabihin na mataray ako!  >:(

Malapit na talagang umusok yung ilong ko sa antipatiko na ito na buti na lang ay gwapo! Bukod sa tinawag niya ako sa ganun pangalan ay ano yung pinagsasabi niya na dapat igalang ko siya sa kanyang teritoryo?  >:(

“Mr. Whoever you are! If you want MY RESPECT, kindly show me that you are indeed a respectable person!” Bulyaw ko sa kanya. Eh gusto ko ngang sabihin sa kanya na Mr. Airhead siya! ;) ;) Buti na lang napigilan ko yung sarili ko.

Akala ko ay sisigawan niya ako kaya naman nagulat ako sa ginawa niya :o :o :o


CLAP! Pumalakpak ba naman ang mayabang na ito!   >:(


“Miss mukhang may pinag-aralan ka naman…”   Talagang may pinag-aralan ako! >:( Gusto mo pagalingan pa tayo! Sinusubukan talaga ng lalaking ito ang pasensiya ko ha! >:(  “Hindi mo ba napansin yung BADGE na suot ko?”

May tinuro siya at dun ko lang napansin yung suot niyang badge. Nanlaki yung mga mata ko ng mabasa ko yung pangalan na nakalagay dun. :o :o

“Ikaw… Ikaw si-“   :-\ Hindi ko na napagpatuloy pa yung dapat kong sabihin dahil may sumigaw mula sa likuran namin.


“ENGKANTO! MALIGNO! DIWATA!!!”


Pagtingin ko ay nanlaki ang mata ko dahil kilala ko yung nagwawalang MGA LALAKI papunta sa kinatatayuan namin! :o :o :o

TATLONG SILANG LALAKI na kahit ipikit ko ang mga mata ko ay kilalang-kilala ko pa!
:-X  Sino ba ang makakalimot sa tatlong mamang eto na nanakot sa amin ni Kuya Tatu?   ???

Si PRIVATE INVESTIGATOR RIGER TOLENTINO, ang lalaking gwapo pero antipatiko at mayabang ay napangunot-noo sa tatlong lalaki na nahihintatakutan ang hitsura.

Humarap siya sa akin sabay tanong na, “What are they talking about?” ???  Aba malay ko! >:( >:( Mukha ba akong maligno, engkanto o diwata?

Nagkibit-balikat ako sa kanya. Let him figure out the answer! ;)  Napailing siya sa akin at ng wala na talaga siyang mahita ay napatingin muli siya sa tatlo na papunta sa kinatatayuan namin dalawa.

“Nanggugulo ba kayo dito sa presinto?” Hindi ko inaasahan yung baritono niyang boses ng nagsalita siya sa mga mama.

Nagkatinginan yung tatlo sa isa’t-isa. “Kami nangugulo? ??? Sir yang babaeng katabi mo ang magpapahamak sa iyo!” Walang kagatol-gatol na wika nung lalaki na isa sa mga nambugbog kay Kuya Tatu.

Gusto ko sana irapan yung mama pero pinigilan ko ang sarili ko.  Ayokong gumawa ng eksena na lalong magdidiin sa di-makatotohanang paratang ng mga ito!

“Mister mag-iingat-ingat ka sa sinasabi mo dahil pwede akong magsampa ng slander!”

Hindi man lang natinag yung tatlo sa banta ko. “Wala kaming pakielam sa slander na pinagsasabi mo! Ang gusto namin ay bayaran kami ng kung sino mang nanakit sa amin!” >:( At pinakita nilang tatlo yung sugat at pasa na tinamo nila kagabi.

“Alam namin na kilala mo siya kaya naman kung ayaw mong masama ka sa demanda ikakaso namin sa KAIBIGAN mo eh palabasin mo na siya!”

Gusto ko sanang banatan sila na hindi ko kilala ang pinagsasabi nila pero natigilan ako ni PI Riger.

“Mga bossing hindi naman ako makapapayag sa sinasabi nyo.” Napalingon sa akin si Riger at parang kinabahan ako sa kung ano man tumatakbo sa isip niya.  :-\ :-X

He smiled at me before he held my SHOULDER! 8)  “Wala kayong karapatan na BASTUSIN ang GIRLFRIEND ko!”


Sinong girlfriend ang pinagsasabi nito? ??? Ako ba yun? :o Parang gusto kong makawala sa mahigpit na paghawak niya sa balikat ko at sampalin siya! >:(  How dare him to say that I’m HIS GIRLFRIEND!  >:(

Yung tatlo ay parang natameme bago nagkatinginan sa isa’t-isa. Nagsalita yung mamang ‘kumidnap’ sa akin kagabi.

“Sir pasensiya na… Mukhang nagkamali kami…” :-\ Sinikuhan niya yung dalawa pa niyang kasama na napatanu-tango naman.
Bakit parang nagbago yung ihip ng hangin? ??? Naniwala kaya sila sa sinabi nitong antipatiko na ito?

“Hindi yata si Ma’am yung nakita namin… Pasensiya na talaga kayo sir...” :-\ Napatingin sa akin yung isa pang nambugbog kay Kuya Tatu. “Sorry talaga Ma’am…”

Kahit na alam kong napilitan lang sabihin ng mga mamang ito ang ‘sorry’ ay napatango na lamang ako.

“Wala naman ng problema mga bossing di ba? Siguro naman pwede nyo na kaming iwan ng GIRLFRIEND KO?” 8) At diniinan niya talaga yung dalawang huling kataga na sinabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na sila papaalis na napapailing-iling.  Humarap naman agad sa akin si Antipatiko na seryoso ang mukha.


“Now who are you?”

Napalunok at kinabahan na ako dahil mukhang hindi ko na magugustuhan ang mga susunod na mangyayari. :-\ :-X


The room is different from the outside. Maayos ang lahat ng mga gamit na makikita sa loob. Mula sa malinis na lamesa na wala man lang nakapatong na mga folder hanggang sa mga libro sa mga shelves na iba’t-iba talaga ang laki.

Umupo siya sa swivel chair at napatango naman sa akin, hudyat na pwede ko ng okupahan ang upuan sa harap niya.

“You want coffee, juice or water?” Tanong niya agad sa akin pagkaupo.

“Thank you for the offer.”

Napabuntung-hininga siya bago tumingin sa akin. “Let’s go down to the business. Anong ginagawa mo dito sa presinto MRS. RANALES?”

Napataas ako ng kilay sa pag-iiba bigla ng tono ng pagtatanong niya. “It is Miss Ranales, Mr. Tolentino.” >:(  Napangiti siya sa pagtatama ko. 8) Mukha na ba akong may asawa? ???  “Gusto ko sanang ireport yung nangyari sa amin ng kasama ko kagabi.”

Napangunot-noo siya, marahil ay hindi niya inaasahan yung sinabi ko.
“What do you want to report? Is about the three men awhile ago?” ???

Magaling siya… Alam niya na agad yung tumatakbo sa utak ko! ;)   

“Yes.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ang tanong niya.

“Silang tatlo ang nanakot sa amin ng kasama ko noong nasa gubat kami.” At mula sa plastic bag na hawak ko ay nilabas ko yung radyo na nakuha ko kanina.

“Itong radyo na hawak ko ay nakuha malapit sa tent ng mga lalaking yun.” Hindi ko na hinintay pa siyang nagsalita at pinindot ko na yung play.

Isang nakakataas balahibo na tunog ang namayani sa loob ng opisina. I glanced at him. Napapatango lang yung ulo niya.

“Sila ang mga nanakot sa mga hunters sa pamamagitan ng tunog na inaakalang taong-lobo ng mga tao.”

“Ill inform the department whose handling the case. Iwan mo na yung radyo at gagamitin yan bilang pangunahing ebidensiya...”

Pinatong ko na yung radyo sa lamesa. “Mr. Tolentino, can I ask something?”

Hindi man lang siya nabigla o nagulat sa tinanong ko kaya naman bago pa siya makapagsalita ay nagtanong na ako.

“I heard about a man who killed several girls and he’s imprisoned inside your premises.”

Umayos siya ng upo bago niya ako matamang tinitigan, “Who are you talking about Miss Ranales?” 

Huminga ako ng malalim bago ko binuka ang bibig ko. “I’m talking about HAROLD LUCRECIO.”

Mr. Tolentino forehead creased. “Why are you interested with Harold’s case, Miss Ranales?”

“Kahit naman siguro sino ay magiging interesado sa kaso ni Harold.”

“You have a point. Nais ko lamang ipaalala sa iyo na KOKONTI lang ang nakakaalam sa kaso ni Harold.”

Napangiti ako sa kanya. “Isa na ko sa kokonti na sinabi mo Mr. Tolentino pero gusto kong talaga malaman kong ano ang totoong kwento ni Harold?”

Ilalabas ko na sana yung notepad ko ng natigilan ako. “I tell you the story about Harold but you have to convince me first with you’re answer. Why are you interested with Harold’s case, Miss Ranales?

This guy is clever! Kanina ko pa iniiba yung tanong ko dahil nagbabakasakali ako na mahulog siya sa trap ko pero bumabalik pa rin siya sa tanong kong bakit ako interesado sa kaso ni Harold! ;)   Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoong dahilan? :-\

I looked at his eyes. Somehow, I feel something inside me saying that, YOU CAN TRUST HIM KD!  ;)  Can I really trust this guy? :-\



PREVIEW: CHAPTER 12.2

“Wag mo akong sisihin KD kung may mangyari sa iyo. Sinabihan na kita na hindi ito magandang ideya...”

I’m not sure if he is really concern with me or he doesn’t like trouble.  At least pumayag siya at sinamahan pa ako!   ;)

“Good afternoon Sir…” Nakasaludong bati ng warden na may hawak ng mga presong may mga espesyal na kaso.

“Magandang hapon Pascua. Alam kong naging malaking abala sa iyo ang permiso na hingi ko pero maraming salamat at pumayag ka sa hiling ni Miss Ranales.”

Napatango si Ginoong Pascua bago napangiti sa akin. “Para sa isang magandang dilag ay oo talaga ako. :) Hindi ko alam kung bakit naging interesado ka sa kwento ng buhay ni Lucrecio pero tiyak matutuwa yun na may bibisita sa kanya. Matagal na rin kasi na walang dumadalaw sa kanya at sa pagkakatanda ko ay ang abogado niya ang huling dumalaw sa kanya na sampung taon na ang nakakalipas.”



“Malapit mo na bang matapos ang special assignment?”

“Hindi pa nga eh pero may positibo ako sa lead na hawak ko ngayon. Aish nagpadala na pala akong paunang report kay Sir Randall, natanggap na ba niya?”    

Narinig kong sumagot si Aisha sa tanong ko pero hindi ko naintindihan dahil may pumukaw ng atensyon ko.

ISANG PIGURA ANG NAKITA KONG NAGLALAKAD SA HARDIN. Hindi ko talaga inaasahan na TITINGIN SIYA SA GAWI KO! :o :o :o

Kaya naman agad akong umupo at pilit na pinagkakasya ang sarili ko sa madilim na parte ng verandah. :-\

“KD are you still there?”

“Yes I’m still here. Aish, can I call yu back in a minute? May aayusin lang ako sandali…” Hindi ko na hinintay pa yung sagot ni Aisha at pinindot ko na yung cancel call sa cellphone ko.

Mabilis man ang tibok ng puso ko ay nilakasan ko ang loob ko na SILIPIN yung nakita ko kanina.

WALA NA ANG PIGURA… Tahimik ang buong paligid at ang tanging naririnig ko na lamang ay mabilis na tibok ng puso ko. :-\
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

caila_viance09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 126
  • Karma: +8/-2
  • TeenTalker
:Dnext na po..
ganda talaga  nang kwento ..

:D-pHau09-

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
oww. kaw riger ah.. may hd ka kay kd, may pa-gf gf ka pang nalalaman. bwahahaha. gnda tlga ng story!!
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website