21:
Nung hapon, habang naka-park kami sa labas ng house ko, naisip ko nang sabihin kay Johann na friend lang tingin ko sa kanya... Ay nako, wag nyo nang itanong kung bakit, sinasabi ko yan sa lahat ng nanliligaw sa'kin...

Ehwan ko ba, parang naging test na yan... Pag tinuloy pa rin nila pangliligaw, eh di masaya... Kung hinde, eh di wag... Ayaw mo kong paghirapan, chuva, marami pang iba!

Einiweiz, ahyun nga at tinutukso nanaman ako ni Johann, kung bakit raw ang takaw-takaw ko, pero di ako tumataba... Tama ba naman un?! Nung natahimik sya, kinalabit na ko ng Safeguard ko para magsalita...
Ako: Johann, nanliligaw ka ba?
Syempre, dapat sure muna ako noh... Baka naman di pala, tapos ddramahan ko... Kahiya!
Johann: Di pa ba halata?
Ako: Hinde...

joke! Ano... hinde, kasi, Johann, kaibigan lang tingin ko syo eh... Di ba pwedeng ganon na lang?
Parang luma na ung linya noh? La na kong maisip na revival eh..
Johann: Oh?
Un lang? Ano ba namang reaction yan?Ako: Yah...
Johann: Ngayon?
huh?
Ako: So, friends tayo, stop saying na mahal mo ko... Weird eh...
Johann: Bahket?
Ako: Kasi nga... Nakikinig ka ba?
Ang hirap namang mag-explain!Johann: Hinde.
Ako: Langya... -__-
Johann: Tagal na...

Na-expire na ung binili kong hiya eh..
Ako: Ano ba? Seryoso ako dito!
Johann: Alam ko... Ganda mo pala pag seryoso ka...
Ako: Alam ko rin!
(hinga malalim) Teka nga, the point is, stop saying mahal mo ko, dahil I don't love you... And it's hard...
Johann: Hmmmmm....
Walang pupuntahan itong pag-uusap na toh.... -__-
Ako: Ay nako... Sige na, see you na lang tomorrow...
Bumaba na ko ng kotse... Nawiwindang ang utak... Halos lahat ng sinabihan ko nun either nagalit or nag-give in -- nag-sorry, or pumayag -- tapos tuloy pa rin sa panliligaw -- which by the way is konti lang... Pero, si Johann... Wala... No reaction... Wa care... Alien yata talaga sya eh! O
oO
Bago ko mabuksan ung gate, bigla akong tinawag ni Johann na nakasilip sa bintana ng car...
Johann: Marge!
(umikot ako para humarap sa kanya) Naisip ko lang, ang sabi ko mahal kita.... Di ko sinabing mahalin mo rin ako...
Tapos nun, nag-drive na sya paalis... Ako naman, na-shock... Nagcalculate kagad ang brain ko tungkol sa sinabi nya -- at parang geom -- nagkagulo-gulo nanaman ang brain cells ko!
Kung ang ibig sabihin nun ay ang sa palagay ko ay ibig sabihin nun.........
Oh my mama mia de kalabaw! WOW!
Okay... wala pang nagsasabi sa'kin nun -- EVER!__________________________
♥ To Be Continued.