6:Di ko alam kung gano ako katagal nakaupo dun sa ilalim ng puno... Basta, ang alam ko, nakapag-reflect na ko sa lahat ng mga naging boylet ko (which by the way is marami-rami na rin...)... kaya malamang matagal na kong naliligo sa di pa rin humihinang ulan...

At alam nyo ba napansin ko? Most of the time, lagi na lang akong naiiwan for someone else!!!!
Siguro may mali sa'kin... Siguro.... Siguro....
Siguro alien ako! Long-lost cousin ni ET! o ni Mojacko! o ni Doraemon!!! O_O
Langya naman, Marjorie... akala ko ba nag-eemote ka?Tapos, bigla kong napansin na tumigil ung patak ng ulan sa'kin, habang todo pa rin ang buhos sa paligid ko...
Ehto na ang mothership... Sinusundo na ko?!?"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Nagtatagalog ung alien?

Napaikot akong bigla at ahyun, sa tabi ko lumantad ang mukha ni Johann!
Sheesh! Mas gusto ko na ung idea na mothership toh eh!Ako: Anong ginagawa mo dito?
Johann: (lipat ung payong sa kabilang kamay nya) Hinahanap ka ng tropa mo... Pati sa'kin hinanap ka...
Loka talaga ung mga un...-__-
Johann: So, break na kayo...?
Langya, gano ba kabilis mag-travel ang balita?!
Ako: San mo naman narinig yan?
Johann: Kay Raphael... Sinabi raw sa kanya nung girlfriend nung kabarkada ni George... Nag-aalala yata syo ung gurl... tapos nung la sumasagot ng cellpone at telepone nyo, eh nagkagulo na mga kabarkada mo kung nasan ka na...
Ako: Walang tao sa bahay... Nasa business trip si Mommy...
Johann: Dad mo?
Ako: Nasa Amerika...
Johann: Bakit di mo tinawagan tropa mo?
Ako: Then what? Para mag-alala lang sila?
Johann: Tange... Mas nag-aalala na nga sila ngayon eh... Kaya nagprisenta na kong hanapin ka...
Tiningnan ko lang sya... Bakit ba sobrang pakielamero nito?
Johann: Umiiyak ka ba?
Ako: Ano?
Johann: Basang-basa ka kasi eh, di halata kung umiiyak ka o ano...
Ako: Care mo ba?
Johann: Sungit mo talaga!
Ako: Umuwi ka na nga... Uuwi na rin ako maya-maya...
Tinitigan ako ni Johann... Tapos, he shoved na lang bigla ung payong sa kamay ko...
Johann: Oh sige...
(tumayo na para umalis)Ako: Hoy! Eng-eng ka ba?! Mababasa ka!
Johann: Kesa naman ma-todo basa ka pa sa pag-uwi mo... Sa'yo na yang payong ko, kunin ko na lang bukas...
Ako: (napatayo para payungan sya) Sira ka talaga! La ka bang magawang matino?! Bahket ba kung san-sa ka sumusulpot?!? BAHKET BA ANG KULIIIITTTT MO?!?!?!?!
Marjorie, sumisigaw ka?Johann: Sinisigawan mo ko dahil sa payong? Wow, sobrang concern naman yan...
Ako: (binalik ung payong sknya) Sira! Managinip ka ng gising...
Tinalikuran ko na sya... Shockingnez, kahiya ah, nawala poise ko...
Johann: Lam mo, okay lang namang umiyak ka eh... Kung di mo naman mahal ung g*gong un, di ka magpapaulan dito eh...
Ako: Bakit naman ako iiyak sa harap mo? o ng kahit sino? Ayokong maging mahina noh...
Johann: (hinaltak buhok ko) Sira! Anong masama dun? Di naman ibig sabihin pag umiiyak ka, mahina ka... Ibig sabihin nun, di ka alien..
Umiiyak ako kanina di ba? Ibig sabihin di ako alien? O__O
Sheesh! Di ko pala kamag-anak si Doraemon! Sayang!
Ako: Di lang ako sanay na nakikita ng iba na... lam mo na... Ung parang vulnerable...
Nung di nagsalita si Johann, napatingin ako sa kanya (baka natutunaw na di ko pa alam eh!)... Instead, ang nakita ko ung pagkalalim-lalim nyang mata na nakatitig sa'kin...
Johann: Sige, ganito na lang, Marjorie... Whenever you feel vulnerable -- or sad -- asahan mo, andito ako... Umiyak ka, sumigaw ka, hampasin mo pa ko sa sobrang galit mo, basta, nandito ako....
Wow……..
Johann: Pero syempre, siguraduhin mong di mo ko mapapatay ha...

Natawa ako... Tiningnan ko lang sya sandali, tapos, ngumiti na ko...
Ako: So, papayungan mo ba ko hanggang sa bahay? Yoko nang mabasa ng ulan eh...
Johann: Ano kah? Dinala ko toh, para ikaw magpayong sa'tin noh!
Ako: Sira ka ba?!
Op cors, ako panalo...hehe.. Hanggang sa bahay, pinayungan ako ni Johann... Todo alalay sa'kin...
Okay na sana eh...
Kaya lang, nanghingi pa ng pamasahe pauwi ung loko...
___________________________
♥ To Be Continued.