CHAPTER 86: SWEET-BITTER RELATIONSHIP
*THREE-CALL CONVO*
KARISSA: Alam niyo yun nakakainis siya!
CIARA: Oo kanina pa namin naririnig yan sayo.
RAYNE: Karissa, bakit ba asar na asar ka diyan? Parang stag party lang.
KARISSA: Ni-lalang mo lang yun stag party? STAG PARTY yun Rayne!
RAYNE: Alam ko.
KARISSA: Bakit parang ok lang sa inyo? Andun din yun mga boyfriend niyo.
CIARA: Karissa, we trust them.
RAYNE: Saka normal lang yun noh.
KARISSA: Paano kung may biglang may mangyari?
CIARA: Teka nga Karissa. Bakit ba stress na stress ka diyan? Wala ka bang tiwala kay Marion?
KARISSA: Alam niyo naman na arranged marriage lang tong kasal namin.
RAYNE: So?
KARISSA: Kahit gusto niya matuloy tong kasal namin, alam kong hindi dahil mahal niya ko. May iba pa siyang dahilan.
CIARA: Anong ibang dahilan yan sinasabi mo?
KARISSA: Dahil sa mama niya. Nagkabati na kasi si Marion at Dad niya. Nakwento niya sa akin, huling hiling pala ng Mama niya ang ikasal siya sa akin.
RAYNE: So sinabi ni Marion yun un dahilan kung bakit ka niya papakasalan.
KARISSA: Hindi.
CIARA: Hindi naman pala eh. Nag-aassume ka lang.
RAYNE: Ganito na lang, Karissa. Sa ngayon, wag ka magisip ng kung ano kung bakit nagpakasal sayo si Marion. Isipin mo na lang, kahit anong mangyari, ikakasal kayong dalawa.
CIARA: Saka tungkol sa stag party, wag ka na magalit sa fiancee mo. Mas ok ng magloko na siya ngayon kaysa after ng kasal niyo.
*END CALL*
*NEXT MORNING*
Andito na ko sa harap ng bahay nila Karissa,
Ang tagal naman nun,
Ganito ba talaga mga babae?
Galit pa kaya yun?
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, dahil alam kong nagselos siya. [i/]
*BLAG*
MARION: ANO BA?! Wag mo nga balibagin un pintuan ng kotse ko!
KARISSA: Sorry ah!
MARION: Karissa naman, heto na naman tayo. Ok, kung ayaw mo magkaroon ng stag party para sa akin, icacancel ko na lang.
KARISSA: Wag na. Isipin mo pa ang KJ ng fiancee mo.
MARION: Karissa naman.
KARISSA: Magdrive ka na. Kailangan din natin matapos agad dahil may final practice kami ng cheering mamaya.
Hindi na ko nagsalita ulit,
Mukhang mainit pa din ang ulo nitong isa,
Obvious naman diba sa pagbugbog sa pintuan ng kotse ko,
Kung ibang tao siguro yun, baka pinaputol ko na yun kamay kaso hindi eh,
Si KARISSA yun eh, takot ko lang diba?
Hindi ko na ulit inopen yun stag party issue,
Naku talaga, papatayin ko talaga ang nagimbento niyan stag party na yan,
Kahit patay na yun, ipapahukay ko yun katawan niya para ma-double died ko.
OK NA KAMI EH! EPAL TALAGA!
SI JAPS NA NAMAN MAY KASALANAN NITO EH!
Kung hindi niya sana naisip ipagsabay yun celebration at stag party ko eh,
Edi OK PA RIN KAMI!
Habang pinapatay ko si Japs sa utak ko,
Hindi ko napansin na andito na pala kami sa pagawaan ng gown at suit namin,
Pagkapasok namin dun, inasikaso nila agad kami,
Naghiwalay kaming dalawa dahil magbibihis kaming dalawa.
Actually, hindi ako masyado nasisiyahan sa set-up namin
Oo, gusto ko naman talaga ikasal kami,
Sino naman hindi matutuwa kung ikakasal ka sa taong mahal mo?
Pero ayaw ko ng ganito yun tipong planado na nila lahat,
Hello?! Kasal kaya NAMIN toh!
Sana hinayaan nila kaming ayusin tong SARILING KASAL namin,
Tapos na pala ako magsukat ng suit ko,
Pumunta na rin ako sa lobby para hintayin si Karissa,
LADY1: Mr. Gotiangco, may gusto po ba kayong kainin?
MARION: No need. Tapos na ba si Karissa?
LADY1: Hindi pa po, Sir. Medyo nahihirapan po siyang suotin yun gown niya.
MARION: Hindi ba siya mahihirapan niyan sa mismong kasal?
LADY1: Hindi naman po. Masyado lang po kasing mahaba yun gown niya.
MARION: Mahaba yun gown niya?! Paano na lang kung bigla siyang madapa ng dahil dun.
LADY1: Hindi naman po, Sir.
MARION: Tapos sinusukat pa niya ngayon yun gown niya, di ba bawal yun? Baka hindi matuloy yun kasal namin.
LADY1: Pamahiin lang naman po yun, Sir. Ay Sir Marion, balik na po ako sa dressing room ni Ms. Asajar.
DRESSING ROOM...
LADY1: Naku, Ms. Asajar, mahihimatay yata ako sa takot dahil po sa fiancee niyo.
KARISSA: Ganun talaga yun. Sorry ah.
LADY2: Pero halatang sobrang caring sayo ng fiancee mo, Ms. Asajar.
KARISSA: Karissa na nga lang tawag niyo sa akin, diba? Anyway, kung alam ko lang ganun magiging reaction niya, vndeohan ko sana siya.
To tell you the truth,
Hindi na ko galit o naiinis kay Marion,
Drama ko lang lahat yun kanina,
Narealize ko kaninang umaga na ang babaw ko naman para magalit sa kanya
Pero naiisip ko din, pagtripan ko lang kahit konti si Marion,
Tignan niyo nga ngayon, ang cute cute niya
Kanina ko pa gusto talaga tumawa ng malakas pero syempre kailangan pigilan ko,
Baka mahuli pa niya yun surprise ko sa kanya,
YES, meron akong surprise sa kanya,
Actually hindi ako nagsusukat ng gown ngayon,
Ang ginagawa ko talaga ay nagdedesign ng bago kong gown,
Kinausap ko kasi kagabi yun designer ko at pumayag siya
At kayang kaya niyang matapos yun bago kami ikasal,
Since nabanggit ni Marion na gusto talaga niya, kami ang magdedesisyon ng kasal namin, kaya heto, ako magdedesign at pipili ng gown ko,
Wait, nabanggit ko na ba na NEXT WEEK na kasal namin?!
Nagulat ako pagkagising ko ng umaga,
Un ang headline sa newspaper ngayon,
Medyo nagtampo nga ko kina Mommy at Daddy,
Dahil hindi man nila ako ininform bago nila nilabas sa media,
Hindi ko nga din alam kung alam na ni Marion or talagang wala siyang pakialam kung mapaaga yun kasal namin.
DESIGNER: Ms. Karissa, ok na po ba yun ganitong design?
KARISSA: Wow! Perfect! Yan nga yun gusto kong design!
LADY1: Ms. Karissa, tapos na po ba kayo? Kasi mukhang naiinip na yun fiancee niyo po.
KARISSA: Oo nga pala. Halika, sukatin ko na yun gown na dapat sa akin.
Anong petsa na at bakit hindi pa lumalabas si Karissa?
May balak pa ba siyang lumabas diyan sa dressing room?
Ganun ba kahirap isuot un gown niya?
LADY1: Sir, ipapakita na po namin si Ms. Karissa, suot suot na niya yun gown niya po.
FAKE WEDDING GOWN
Biglang bumukas yun dressing room at hayun, si Karissa nakasuot ng wedding gown,
Hindi na ko magsisinungaling, mas lalong gumanda si Karissa dahil sa suot niyang gown
Pero hindi ko maintindihan yun sarili ko,
Iba yun feelings ko,
Parang hindi ko gusto yun gown na suot niya
Hindi dahil hindi bagay sa kanya,
Feel ko naman kahit anong gown babagay sa kanya
Pero feel ko kasi hindi kasi ganitong gown yun gusto ko para sa kasal namin,
KARISSA: Maganda ba?
MARION: Oo.
Alam kong medyo pilit yun sagot ko.
Kaysa naman hindi ako sumagot baka magaway na naman kami,
Sana lang hindi niya napansin yun.
Halatang kabaligtaran yun ibig sabihin ng sagot niya,
Hindi ko maintindihan kung ayaw niya yun gown or wala lang talaga siyang pakialam sa suot ko.
Bumalik na ko sa dressing room para magpalit,
Napaisip naman ako bigla, baka naman masayang tong effort ko para sa surprise ko sa kanya para sa gown ko talaga.
Mukhang napansin nga ni Karissa,
Kasi bumalik siya agad sa dressing room ng walang sabi-sabi,
Kasalanan ko na naman toh,
Niready ko na rin un kotse dahil aalis na kami,
Pupunta pa kami sa photoshoot para sa invitation namin,
AT MARION’S CAR...
KARISSA: Kailangan nasa school na ko ng 4pm.
MARION: Teka, kakain pa tayo. Tapos 2 hours yun photoshoot at yun pagayos ng invitation, 1:00 pm na nga oh.
KARISSA: Magdrive thru na lang tayo.
MARION: Paano naman ako-- *sigh* Sige na. Mcdonald na lang ba?
KARISSA: Oo.
nagdrive-thru na lang kami sa Mcdo,
Pansin ko nga ang daming inoorder ni Karissa,
Ganun na yata siya kagutom
Nagulat na lang ako ng may biglang lumitaw na BigMac sa harapan ko
MARION: Ano yan?
KARISSA: Duh? Pagkain. Hindi pa naman ako ganun ka-sama para kumain magisa dito tapos ikaw diyan nagddrive. Parehas naman tayong hindi pa kumakain.
MARION: Sige, salamat. Kainin ko na lang mamaya yan, nagddrive pa ko.
KARISSA: Marion, alam mo ba nangangalay na ko kung kumakagat ka na kaya?
O_O?!
Nagulat naman ako sa sinabi ni Karissa,
It means susubuan niya ko or siya ang magpapakain sa akin?!
TOTOO YUN?!!!
At dahil alam kong hindi siya nagbibiro, kumagat na rin ako,
Pagkatapos nun, nagulat naman ako nun bigla niyang pinunasan ng tissue un tabi ng labi ko,.
KARISSA: Sorry, ang kalat talaga kainin nitong Big Mac.
Isa lang, PROMISE! NGAYON LANG!
Puwede bang kiligin ang isang Marion Gatcheco-Gotiangco?!
Ganito kami ni Karissa sa buong byahe,
Pati fries pinapakain niya sa akin, pinapainom niya din ako ng coke
Feel na feel ko talaga, para na kaming magasawa.
Kilig naman kayo diyan?
hindi rin nagtagal yun kasiyahan ko dahil nakarating na kami sa photoshoot venue,
Nagready na kami agad, nagbihis at nagmakeup na rin,
Pumunta na rin kami sa photographer pagkatapos para makapagsimula na,
PHOTOGRAPHER: WOW! The perfect couple is already here! You two look do good! Bagay na bagay talaga kayo.
MARION: Can we start now?
ang rude na naman nitong si Marion,
Ayaw niya na ba kong makasama kaya gusto na niya matapos toh,
Pagkatapos ko lakasan yun loob kanina para pakainin siya,
Ganito ba gagawin niya?
Tong photographer na toh, ang dami pang sinasabi,
Though sobrang nagustuhan ko yun sinabi niya
Kaso nagmamadali kami ni Karissa,
Baka kasi malate siya sa practice nila,
Ayoko naman na ako sisihin niya pag nalate kami,
Ayaw ko na ulit magaway kami
Nagstart na yun photoshoot,
At ramdam na ramdam ko yun awkwardness namin sa isat isa,
Buti na lang, sabi nga nun photographer bagay na bagay kami
Kaya hindi nahalata sa camera yun awkwardness namin,
Natapos na rin kami sa photoshoot at sa pagayos ng invitation
Medyo natagalan pa kami dahil nagdecide pa kami para sa mga abay ng kasal namin.
Si Ciara at Rayne ang bridesmaid niya at ako, syempre best man ko si Pardx.
Pagkatapos lahat, sumakay na kami agad ng kotse at umalis na agad.
Habang nasa byahe, ramdam ko yun bad vibes ni Karissa.
Teka mag nagawa na naman ba ako?
MARION: Karissa, ok ka lang ba?
KARISSA: Oo.
MARION: Yan ka na naman. May nagawa na naman ba ako?
KARISSA: Wala.
MARION: Karissa naman!
Buti na lang naipark ko na yun kotse dahil nasa school na kami,
Humarap na ko sa kanya,
At hayun, ang sama ng tingin sa akin,
MARION: Karissa naman, ikakasal na tayo. Kung may problema ka sa akin, dapat sinasabi mo.
KARISSA: Problema ko? IKAW! Lagi ka na lang kasala natin! Kasal mo! You’re acting like you really care! Tama na nga tong pagpapanggap mo! Kung gusto mong magpanggap, pwes wag mo kong idamay! I don’t want to act as if I want this marriage! This marriage na ikaw, ang parents mo at ang parents ko ang may gusto!
After nun masakit niyang speech,
Bumaba na siya ng kotse ko at pumasok na sa loob ng court,
Gusto niyo malaman yun totoo?
Madrama na kong madrama,
Pero ang sakit, masakait, sobrang sakit,
Mali sila, galing na talaga kay Karissa, hindi niya ko mahal,
Hindi niya gustong magpakasal sa akin,
Talagang napipilitan lang siya
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
SINCE MALAPIT NA MATAPOS TONG CLASS 4-6..
NPOST KO NA ANG TEASER NG CLASS 4-6 SEASON 3!!!
SANA SUPORTAHAN NIYO DIN SIYA !

CLASS 4-6 SEASON 3MARAMING MARAMING SALAMAT!!
SANA MAGCOMMENT KAYO PARA MAS MABILIS ANG UPDATE KO

)