Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Poll

DO YOU WANT ME TO POST THE CLASS 4-6 SEASON 3 HERE IN CANDYMAG OR WATTPAD?

CANDYMAG
WATTPAD

Author Topic: [""CLASS 4-6"" ] ENDING LAST PART! :) - COMPLETED  (Read 362711 times)

wenganewor

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 953
  • Karma: +47/-7
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3975 on: August 24, 2012, 10:01:21 am »
Mr. President kh8 anong mangyari please ituloy mo dad. .hahaha ngaun tnawag k nyang dad kelangan mo i2loy. . Season 3 season 3 version 3 version

youmakemeasdfghjkamx

  • Guest
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3976 on: August 25, 2012, 08:35:21 pm »
Ofcourse! Bias ko po kasi si Sooyoung eh. Hihi. :3 I ship them soooo hard. And YES! Cute sila! HAHAHA. Bagay na bagay sila. Parang si Minho at Sulli lang. :)) Kasi dapat mag expire na  siya noh. HAHAHA. Para matuloy ang KarMar wedding. :))

preppy13

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 5
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3977 on: August 27, 2012, 08:44:17 pm »
Ms. A!!! Ang gandaaaa ng update mo. Well naging super silent reader ako kasi I was suuuuper busy.  Well Well, Thumbs up for your work. KAHIT MATATAPOS NA  :-[

Mas gusto ko po ung version 1. kahit po mahihirapan ka parang mas maganda padin yun kasi parang mas kilala na namin ung characters. Opinion lang. Tsaka mas maganda ung mahihirapan ka para Challenging diba? AJA!  ;)

shieteukie

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 539
  • Karma: +18/-2
  • saranghae<3
    • FACEBOOK
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3978 on: August 29, 2012, 09:54:56 pm »
update please? pwede ung tuloy tuloy na? para hindi nakakabitin  :) and para matapos na :)
♥KPOP IS LOVE♥
♥EverLastingFriends forever♥
♥LEETEUK♥

MS. A

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1419
  • Karma: +38/-36
  • ms.a
    • CLASS 4-6
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3979 on: September 03, 2012, 04:50:30 pm »
CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER


Anong nangyari?
Paano ako nakauwi?
OMG! Malalate na ko!
Naligo na ko agad at nagbihis ng school uniform namin,
Pumunta na rin ako sa dining table para makapagbreakfast ako with my parents at tanungin kung ano nangyari kagabi,
Teka, parents ko ba tumatawa sa dining table?
Pero bakit may narinig akong ibang boses?
I’m sure hindi galing sa parents ko yun at hindi rin galing sa mga maids namin,
Pagpasok ko sa dining room..
O_O
ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!!!



MRS. ASAJAR: Issai, gising ka na!


Bigla akong hinila ni Mommy papunta sa dining table,
Nakaupo ako sa harap ni Marion,
At tinignan ko siya at sinasabi ko sa mga mata ko, “Anong ginagawa mo dito?”
At alam niyo ba, anong sinagot niya sa akin?
ABOT-TENGA NA NGITI!
SINO NAGSABING NGITIAN NIYA KO?!



MRS. ASAJAR: Naku iho, noong una pa lang kita nakita, alam kong ikaw ang anak ni Selina. Magkamukang-magkamuka talaga kayo.

MARION: Oo nga po. Madami na rin nakapagsabi sa akin na kamukha ko si Mommy.

MR. ASAJAR: Sana nakatulog ka ng mabuti dito, iho.

MARION: Don’t worry po. Mukhang nasanay na rin ako dahil pangawalang beses na rin ako nakatulog dito.

KARISSA: ANO?! Dito natulog si Marion?!

MRS. ASAJAR: Oo naman, Issai. Dapat nga magpasalamat ka sa fiancee mo dahil siya ang nag-uwi sayo.

Si Marion nag-uwi sa akin dito?!
Oo nga pala, naalala ko,
Habang nagaaway kami bigla na lang akong nahimatay



MR. ASAJAR: Issai, kumain ka na baka malate pa kayo ni Marion.


Naku, kung alam mo lang Daddy,
Lagi naman kaming late ni Marion
Te..teka..
]



MR. ASAJAR: Marion, I’m sure maraming media sa labas ng school niyo dahil sa inannounce ng Daddy mo kahapon sa party mo. Ikaw na bahala kay Issai, maasahan ko ba yun?

MARION: Ako pong bahala sa fiancee ko.

MRS. ASAJAR: Hon! Nakakakilig yun mapapangasawa ng anak natin oh. Yieee! Kinikilig ako! Love na love niya talaga anak natin.

O_O?!!
Anong sinasabi ng Mommy ko?!!!
OHMYGOD MOM!!! Don’t tell me, naniniwala ka sa arte ng lalaking toh?!!!
At, anong ibig sabihin ni Daddy?!
SABAY kaming papasok ni Marion?!
At dahil sa speechless na ko,
Hindi ko napansin na nakasakay na ko sa kotse ni Marion



KARISSA: Teka nga! Bakit andito ako sa koyse mo?!

MARION: Malamang para pumasok sa school.

KARISSA: Ibaba mo ko!

MARION: ANO?!

KARISSA: Magcocommute na lang ako.

MARION: Magcocommute?! Sira ka na ba?! Ano na naman ba problema mo?!

KARISSA: Obvious ba?! Ayaw kitang kasabay!

MARION: Sa ayaw o sa gusto mo, sabay tayong papasok!

KARISSA: Ano na naman ba gusto mo Marion?!

MARION: Alam mo kung ano gusto ko.

KARISSA: Bakit ba gusto mong matuloy yun kasal natin? Hindi mo ba maintindihan na ayaw kitang pakasalanan.

MARION: Matanong ko nga din sayo, bakit ba ayaw mo kong pakasalan?!

KARISSA: Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ako mahal!


URGH!!! KARISSA!
Kung alam mo lang, Karissa!
Pero dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin lahat,
Tatahimik muna ako at hindi ko sasagutin yan mga pinagsasabi mo,
Kahit gusto na ng sumabog ng bibig para sabihin sa kanya lahat,
Pero kailangan ko pigilan sarili ko.



XAVIER HIGH...

Hay salamat, nakarating na rin kami sa school,
At hindi nga nagkamali si Daddy, marami nga media ang nakaabang and to make it worst, nasa loob sila ng school kung saan baba kami ni Marion,
Doble pa ang dami nila kaysa dun sa nagpunta media dati nun nalaman na anak ni Mr. President si Marion,
Speaking of that devil, honestly, nasaktan ako nun hindi na siya sumagot oy may sinabi man lang after nun sinabi ko kanina,
So parang un sinabi ko, totoo nga talaga,
Well, what I expect?! Na sabihin niyang “Karissa, papakasalan kita dahil mahal kita”
Wow! Bravo Karissa! Talaga bang umaasa kang sasabihin sayo niyan ni Marion



MARION: Paglabas natin dito, wag kang bibitaw sa hawak ko.


Hindi ko napansin nasa tapat na kami ng school entrance
At napapaligaran na ng mga reporters/media yun kotse ni Marion,
Teka, ano bang pinagsasabi nitong mokong toh?!



KARISSA: Kaya ko sarili ko.

MARION: PUWEDE BA KARISSA?! FOR ONCE, MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!


Hayun,pagkatapos niya kong sigawan
Lumabas na siya ng kotse at binuksan un pinto ko,
Lumabas na rin ako pagbukas niya ng pinto ko kaysa naman hintayin ko siyang kaladkarin ako palabas ng kotse niya,
Malamang noh! May hiya pa naman ako sa harap ng camera!
Anyway, kahit papano, may katiting na pagkagentleman din tong si Marion
Dahil inalalayan niya ko papasok ng school,
Hindi niya hinayaan na may makalapit o makahawak man lang na reporter/media sa akin,
Pero syempre, hindi na rin namin maiwasan marinig un mga iba’tibang tanong nila,

“Mr. Marion, totoo bang ikakasal na kayo ni Ms. Karissa?”

“Paano na lang si Ms. Janine? Siya ang girlfriend mo diba?”

“Arranged Marriage ba tong magiging kasal niyo ni Karissa?”

“Based on your confession few days ago, si Ms. Janine ang gusto mong pakasalan, di kaya nabuntis mo si Ms. Karissa o kaya naman, may ginawa si Ms. Karissa para maghiwalay kayo ni Ms. Janine?”


Parang tumigil yun mundo ko nun narinig ko yun mga tanong nun last reporter na nagtanong
Yun kinatatakutan kong isipin ng ibang tao tungkol sa akin ay lumabas na,
Naramdaman ko naman napatigil si Marion at humarap dun sa last reporter,



MARION: Una sa lahat, walang ginawa si Karissa para makipagbreak ako kay Janine dahil wala naman akong ibbreak-up kay Janine dahil HINDI  NAGING KAMI. Pangalawa, hindi buntis si Karissa! Pangatlo, ikaw, wag mo ng isipin pang pumasok bukas sa trabaho mo dahil wala ka ng trabahong papasukan pa! at KAYONG LAHAT, wala kayong karapatan husgahan ang FIANCEE KO!


Halatang nanginig sa takot yun mga reporter at media at hindi na nakagalawa, mukha na nga rin hindi na sila nakahinga,
Ito bang si Marion eh may lahing halimaw nun past life niya at lagi na lang natatakot mga tao sa kanya
Pumasok na rin kami sa loob ng school,
At napansin kong pinagtitinginan kami ng mga schoolmates namin,
Npatingin ako kay Marion at ang sama ng tingin niya sa kanila,
Don’t tell me, pati sila tatakutin niya?!
Pabukas na sana un bibig nitong halimaw na toh pero bigla ko na lang tinakpan un bibig niya,
At sa akin naman siya tumigin ng masama,



KARISSA: Pati ba naman sila tatakutin mo? Hindi lahat ng tao puwede mong takutin!

VINCE: Wow! Big advantage pala talaga kung magiging asawa mo si Karissa. Isipin mo yun Karissa, para kang si superwoman na niligtas un mga tao sa mga kamay ni Marion.


Nasa harapan na namin un Class 4-6,
At dahil sa sinabi ni Vince, nagtawanan silang lahat,
Bigla ko naman inalis un kamay ko sa bibig niya.



JAPS: Si Karissa lang pala magpapatahimik kay Marion.


Bago pa magsalita si Marion,
Nakita namin na tumatakbo papunta sa amin si Chris,
Teka, bakit suot-suot niya un jersey ng school?



CHRIS: Marion! Andito ka lang pala.

MARION:; Bakit?

CHRIS: Andito na yun mga makakalaban na team natin. Malapit na magsimula un game.

ALL EXCEPT CHRIS&MARION: NATIN?!

CHRIS: Huh? Bakit?

NATHAN: Maglalaro ka?

CHRIS: Well hindi pa ba obvious sa outfit ko?

KARISSA: Pero diba nagpadrop out ka na sa school?

MARION: Papayag ba kong mawalan ng isang magaling na player?

CHRIS: Tama na nga yan. Naiinip na yun mga tao sa court at Marion, andun din pala siya.


Sinong SIYA?
Teka, baka si Janine?!
OMG! Paano kung si Janine nga?!
Aaminin ko, natatakot akong makatapat si Janine
I’m sure once na makita niya ko, sasabunutan, sasampalin, isusubsob sa lupa, basta lahat ng puwede niyang gawin sa akin
Alam ko naman kasi may karapatan din naman siyang gawin sa akin yun,
Sino ba naman kasi matutuwa? Yun boyfriend mo naging fiancee ng iba?
Naalala ko na naman un mga tanong kanina ng mga reporters/media,
At lalo na yun mga sinagot ni Marion,
Gusto ko sana maniwala sa kanya pero hindi ko kaya eh,
Kasi feeling ko kapag naniwala ako sa kanya,
Ako na yun TALO sa larong toh



RAYNE: Karissa!


Teka kailan ako napunta sa court?
Nakita ko sina Rayne, Ciara, Carmela, at Steph na magkakatabing nakaupo sa harapan ng bleachers for basketball team namin
Napansin kong hindi ko na rin kasama si Marion
Yun mga classmates kong Class 4-6, umupo na rin sa likod nila Rayne,
Pumunta na rin ako sa kanila at umupo na rin sa tabi nila,



CIARA: Ok na ba pakiramdam mo?

KARISSA: Ok na naman ako.

CARMELA: Buti na lang nakita ka ni Kuya Marion.

RAYNE: Naku Karissa. Sa susunod, wag mo kaming pinag-aalala ng ganito.

KARISSA: Teka, wala akong maintindihan.

STEPH: Nagalala kasi kami nun tumawag yun parents mo bahay niyo at wala ka pa dun. Tapos naiwan pa yun cellphone mo sa amin.

CARMELA: Kaya tinawagan namin si Kuya Marion.

KARISSA: Huh? Bakit niyo naman siya tinawagan?

CIARA: Duh? Malamang siya ang fiancee mo. Ewan ko ba meron yata yun sariling Karissa-navigator at madali ka niyang nahahanap.

RAYNE: Pero syempre nakareceive muna kami ng matinding sermon galing sa fiancee mo.


FLASHBACK

MARION’S LOUD SPEAKER CALL: BAKIT NIYO NAMAN KASI HINAYAAN UMALIS SI KARISSA?! ALAM NIYO NAMAN PALA MAG-ISA SIYANG UMALIS HINDI NIYO MAN LANG SIYA PINIGILAN O HINATID NIYO NA LANG SANA! ALAM NIYO NAMAN ACCIDENT-PRONE YUN! KAYO MALALAGOT SA AKIN PAG MAY NANGYARI MASAMA SA FIANCEE KO! HINTAYIN NIYO NA LANG AKO SA BAHAY NILA KARISSA.

END OF FLASHBACK



CIARA: Oh diba? Ang taray ng fiancee mong mangsermon sa amin. Sana sinermonan na rin niya un sarili niya. Sino kaya yun unang umalis sa party niya?

KARISSA: Wag niyo nga tawagin fiancee ko si Marion.

RAYNE: Kahit anong gawin mo soon-to-be Mrs. Karissa Gotiangco, fiancee mo na si Marion.

CARMELA: Ate Karissa, ayaw mo ba kong maging sister-in-law mo?

KARISSA: Hindi naman sa ganun. Masaya ako kung magiging sister in law kita pero hindi ko lang gusto ngayon maging fiancee ng Kuya mo.

STEPH: Bakit ayaw mo,Karissa?  Nakikita naman namin mahal mo si Marion.

KARISSA: Nakakalimutan niyo naman yata na hindi ako yun mahal ni Marion.


Bakit feeling ko pinagtutulungan ako ng mga toh,
Magsasalita na ulit sana sila,
Pero may isang guy na lumapit sa amin na I think from the other school na makakalaban nila Marion dahil sa suot na jersey niya.



JORDAN: Hello my cousin-in-law.


Cousin in law?
This guy is Marion’s cousin?



JORDAN: I never know maganda ang fiancee ng great cousin ko. By the way, I’m Jordan Gotiangco, Marion’s only cousin. 


Then inabot niya un kamay niya sa harap ko para makipagshake hands sa akin.
Syempre, hindi naman ako rude noh.
Makikipagshake-hands na sana ako pero narinig ko yun nakakatakot na boses ni Marion.



MARION: Don’t you dare touch that bastard’s hand.


Ewan ko ba, dahil dun nababa ko agad yun kamay ko,
Pumunta naman agad sa harapan ko si Marion pero nakaharap siya sa pinsan niya at nakatalikod sa akin,
Nakita ko naman nag-evil grin yun pinsan niya.
At nararamdaman ko din un aura ni Marion na parang nababadtrip o naiinis siya



JORDAN: And also his mortal enemy.


Parang tinuloy niya yun pagpapakilala niya sa akin kanina
At parang binalewala lang yun sinabi ni Marion,
Mortal enemy? So hindi pala sila in good terms kaya ganito si Marion.



MARION: Ano bang ginagawa mo dito?

JORDAN: What kind of question is that, my dear cousin? Malamang andito ako dahil may basketball competition tayo.

MARION: Bakit ka andito sa bleachers namin? If you forgot, andun sa kabila yun lugar mo.

JORDAN: Masama bang silipin ko yun magiging cousin in law ko?

MARION: Ngayon nakita mo na siya, umalis ka na dito.

JORDAN: Oh dear cousin, you’re being possessive. Mukha naman it’s not an arrange marriange. But it’s more challenging to me dahil mas mahirap ko pala maaagaw ang fiancee mo.

MARION: HANDS OFF TO HER, JORDAN!

JORDAN: Sure, FOR NOW.


Natense naman ako sa dalawang magpinsan na yun,
And navibes ko na din mukhang may something dito kay Jordan na dapat umiwas ako sa kanya.
Umalis na rin si Jordan.



NATHAN: Pardx, kalma lang. Alam mo naman na dinidistract ka lang nun.


CONT.



follow me on twitter:ms_a08

my story: CLASS 4-6

MS. A

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1419
  • Karma: +38/-36
  • ms.a
    • CLASS 4-6
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 83: INDIRECT PROPOSAL
« Reply #3980 on: September 03, 2012, 04:54:03 pm »


PART 2

Dumating na rin yun coach nila,
Kaya hindi na masyado pinagusapan yun Jordan-Marion issue,
Kinausap na sila ni coach about sa magiging game nila,
Nakikita ko din nagsasalita si Marion,
Seryosong seryoso pa siya,
Mali nga talaga siguro yun first impression ko sa kanya na hindi niya kaya maging basketball captain ball,
Napaisip naman ako sa nangyari kanina...
Seryoso kaya yun Jordan?
Aagawin niya ko kay Marion?
Haha! You’re so funny, Karissa.
As if naman may pakialam si Marion kung maagaw naman ako nun,
Mas ikakatuwa pa ni Marion dahil hindi na niya ko fiancee.



STEPH: Karissa, wag mo ng pansinin si Jordan.

KARISSA: Huh?

STEPH: I’m sure hindi naman papayag si Marion na maagaw ka ni Jordan.

CIARA: As if magpapaagaw naman tong bestfriend ko.

KARISSA: Ano ba yan pinagsasabi niyo? Walang fiancee-fiancee na mangyayari dahil hindi kami ikakasal.

RAYNE: Hay naku, yan ka na naman sa hindi ikakasal issue.

CARMELA: Ate Karissa, alam kong sa ngayon ayaw mong magpakasal kay Kuya pero sana as much as possible, umiwas ka kay Kuya Jordan. Ayoko kasing nakikitang nasasaktan si Kuya.


Sasagot na sana ako kay Carmela,
Kaso biglang nagbuzz at ang ibig sabihin lang nun, magsisimula na ang game
Lumapit samin si Nathan.



NATHAN: Babe, wala bang good luck charm diyan?

STEPH: Anong good luck charm?

NATHAN: Good luck kiss ko!

STEPH: NATHAN!


Natawa naman kami dahil parang batang nakapout si Nathan,
First time namin nakitang siyang naggaganyan
Well, in the end, kiniss ni Steph si Nathan sa cheeks,
Parang nanalo sa Lotto si Nathan,
Napatingin naman ako kay Carmela,
Parang hindi siya mapakali
Nakatingin lang siya doon sa harapan niya
Hasus, kaya naman pala.
Si Chris nagaayos ng gamit niya at saktong yun pwesto niya sa harap mismo ni Carmela,
Siniko ko naman sina Ciara, at tinuro si Carmela,
Kaya halos lahat kami nakatingin na sa kanila,
At yun dalawa, walang kaalam-alam na ginagawa na silang sine dito.



CARMELA: Ch..Chris..

CHRIS: *tumigin kay Carmela* Oh, Carmela.

CARMELA: A..ano gusto ko lang sana sabihin na..

CHRIS: na?

CARMELA: Go..goodluck sa laro mo.

CHRIS: Salamat! *Smile*

ALL: AYIE!


Nagblush tuloy si Carmela
Nakakatuwa talaga sila,
Kami naman, kinikilig para sa kanila,



JAPS: Hoy Karissa, wala ka bang ibibigay na good luck charm kay Marion?


Napunta naman sa akin lahat ng attention nila,
Si Marion naman nakaupo lang sa harap ko,
Nag-aayos siya ng sintas ng sapatos niya,
Wait nga, good luck charm?
Anong ibibigay kong good luck charm dun?
Teka, ang tanong, kailangan ba niya talaga ng good luck charm galing sa akin?
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa gitna ng court at sumigaw ng...



MARION: GAME NA!


See? Hindi niya talaga kailangan ng good luck charm galing sa akin.
ASA naman ako diba?
Narinig ko din un bugtong-hininga ng mga nasa paligid ko,
Alam ko nadisappoint sila.
And honestly, pati din ako.


 
NATHAN: Hindi na kailangan ni Karissa magbigay ng good luck charm, basta andito siya good luck charm na ni Pardx yun.


Humirit pa ng ganun si Nathan,
Kainis! Nagsimula na silang asarin ako,
Tumingin naman ako kay Marion,
Aba nakangisi ang loko,
Hmpf, bahala nga siya!
Hindi rin nagtagal nagsimula na yun game nila.
Pero bigla ko nalang naisip yun injury niyang paa,
Ok na kayo yun?
Kaya na kaya niya maglaro?
Nagsimula na rin silang maglaro at ramdam talaga namin yun tensyon ng laro nila lalo na sa pagitan nila Marion at Jordan.
Sila pa yun laging nagtatapat kasi parehas silang point guard.
Shooting guard kasi si Chris at si Nathan yun center.
*BEEEEEEP*
OMG! END OF HALF QUARTER NA!
Ang bilis naman ng laro!
Umupo na ulit sa harap ko yun player,
Si Marion naman pagkaupo niya, nilapitan agad siya ng coach nila,
At mukhang alalang-alala pa ito kay Marion,



COACH: Marion, gusto mo muna magpasub?

MARION: Hindi puwede, coach.  Close fight ang score namin.

COACH: Pero paano yan paa mo? Alam kong nahihirapan kang maglaro dahil sa injured mong paa. Yan pa yun paa mo na nainjured nun muntik na kayong masagasaan ni Karissa at yun last game niyo.

MARION: Kaya ko pa toh, Coach.

COACH: Tigas talaga ng ulo mo.


Ibig sabihin mas lumala pala yun injured niyang paa?!
Bakit hindi pa magpahinga si Marion?!!!
Ang tigas talaga ng ulo niya!
Gusto ko sana magsalita sa kanya pero hindi ko magawa,
HELLO? Ako lang naman kaya yun dahilan kung bakit nainjured siya,
Kaya wala akong karapatan para pangaralan siya,
Nagsimula na silang maglaro ulit,
Hindi na gumagawa un utak ko kasi nasa isip ko lang,
Yun injured niyang paa at ako ang reason kung bakit nahihirapan siya ngayon,
Sana hindi na lang niya ko niligtas nun,
Edi sana kanina pa nila napanalo un laro nila,



“MARION!”


Nagulat na lang ako nun narinig ko un pangalan niya,
Nagulat ako lalo nun nakita ko siyang nakaupo sa sahig at hawak-hawak un injured niyang paa.
Halatang sobrang nasaktan siya dahil sa injured niyang paa.
4th quarter na pala at 20 points na ang lamang ng team nila Jordan.




VINCE: Lokong Jordan yun! Kanina pa niya ginagawa kay Marion yun!

CIARA: Halatang sinasadya niya dahil alam niyang injured un paa ni Marion.

RAYNE: Ang daya naman nun referee, hindi man lang niya tinatawagan ng foul.

CARMELA: Coach, hindi po ba pwede i-sub niyo na si Kuya?

COACH: Kanina ko pa sinasabi sa kanya yan kaso ayaw niya talaga.

JAPS: ALAM KO NA KUNG PAANO TAYO MANANALO!


Napatingin naman kami kay Japs.
Ano naman kaya alam nito?



RAYNE: Babes, siguraduhin mong seryoso yan at hindi ka papalpak.

JAPS: Oo naman! Kailan ba ko pumalpak?

ALL: LAGI!

JAPS: Aish! Makinig na nga lang kayo sakin.

VINCE: Bal, ano ba kasi yan naiisip mo.

JAPS: Nakalimutan niyo bang andito yun lucky charm ni Marion?


Nagulat na lang ako nun bigla akong tinayo ni Japs.
OMG?! ANO TONG GAGAWIN NI JAPS?!



JAPS: MARION!


At dahil sa eskandalosong boses ni Japs,
Lahat na talaga ng tao sa court ay nakatingin na sa amin,



JAPS: MARION! Kapag napanalo mo daw tong game na toh, papayag na daw si Karissa na pakasalan ka, diba Karissa?


WHAT THE HECK?!!! O_O
Anong kalokohan ni Japs toh?
Pero mukhang seryoso siya at mukhang lahat ng tao nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko,
Teka, anong isasagot ko?!
Kapag humindi ako, baka naman patayin ako nitong mga schoolmates namin pag natalo kami,
Kapag naman um-oo, paano kung manalo kami?! Edi tuloy na tuloy na ang kasal namin?! HINDI NAMAN PUWEDE YUN!
Pero teka, may advantage naman toh, let’s say um-oo nga ko, impossible na naman siguro manalo sina Marion,
Hindi naman sa iunder estimate ko sila, pero hello?! 5 MINUTES na lang for this quarter, paano naman nila mapapanalo yun with 20 points of difference.
Alam ko naman nagawa na ni Marion humabol sa lamang na 20 points dati, pero he still have the WHOLE QUARTER TIME nun para magawa niya yun,
Kapag natalo sila, edi syempre takas na ko sa arrange marriage na toh.
And that’s it! My decision is final and sure!
Dapat tatango lang ako pero I think it’s not enough,
Kaya nasabi ko,



KARISSA: Marion, tandaan mo. Kapag natalo mo tong game niyo, hinding hindi na matutuloy ang kasal natin.


At hayun, nagcheer na ang buong Xavier High,
Akala mo nanalo na kami,
Tumayo na rin si Marion at ngumiti pa siya sa akin,
Ang the game start again,




4TH QUARTER ENDED.

O_O

+_+


CHAMPIONSHIP GAME ENDED.

O_O

+_+


XAVIER HIGH DRAGON TEAM WIN!!!


O_O

+_+

O_O

 +_+
O_O

+_+


Everyone were rejoicing,
Yun kalaban na team, umalis na.
Nakita ko pa nga badtrip na badtrip na umalis si Jordan,
And me?
Para na kong punong nakatanim na dito sa kinatatayuan ko,
Hindi ako makapaniwala,
Paano pa nagawa ni Marion mapanalo un team nila?
In span of 5 minutes, PAANO NIYA NAGAWA YUN 30 POINTS?!!!
Buong time, halos hindi na nakagalaw yun kabilang team.
Out of nowhere, bigla na lang may tumulak sa akin papunta sa gitna ng court,



KARISSA: ANONG GINAGAWA NIYO?!

CIARA: Bestfriend, wag ka nga KJ diyan.

RAYNE: You need to congratulate your FIANCEE.


At dahil amazona tong 2 kong bestfriend,
Nadala na nila ko kung nasaan si Marion,
At ito, nasa harapan ko na siya,
Pawis na pawisan na siya,
Pero kahit ganun, walang kupas pa din un kagwapuhan niya
Nun napansin na niyang nasa tapat niya ko,
Bigla ba naman siyang ngumiti,
Ok, alam ko na, ipagmamayabang niya sa akin ang pagkapanalo niya,
At ipapamukha niya sa akin kung gaano siya kagaling at ipapahiya niya ko sa lahat!
Laking gulat ko na lang ng nagopen-arms siya,



MARION: Wala ba kong congrats hug galing sa fiancee ko?


SERYOSO SIYA?!!! O_O
Ano na naman ba pakulo nito?
Nagulat na lang ako ng may biglang tumulak sa akin papunta sa kanya,
Kaya hayan nagland ako sa PAWISAN na katawan ni Marion! [A/N: EHEM!READERS! LAWAY NIYO TUMUTULO NA. HEHE]
At mas malala pa, niyakap niya ko ng mahigpit!
TEKA NGA, KARISSA! ANO PANG GINAGAWA MO?! UMALIS KA KAYA SA PAGKAKAYAKAP NIYA!
Kaso, wag na lang. MINSAN LANG NAMAN TOH EH!
PROMISE! Pwede ko ng gawin pabango tong pawis ni Marion,
SOBRANG BANGO PA DIN NIYA!
Hindi naman siguro masama pagnasaan yun fiancee ko diba?



MARION: Thank you.

KARISSA: Duh. You’re welcome sa pagpahid mo ng pawis sakin. VERY MUCH WELCOME *sarcastic voice*

MARION: Ikaw talaga. (Tinanggal ang pagkayakap kay Karissa at pinisil ang ilong nito.)

KARISSA: Aray! Ano ba!


Ang sakit! Hayop na Marion na toh,
Bigla ba naman tumawa ang mokong na yun,
Pero napangiti naman ako dahil dun,
Talaga bang tatanggapin ko na ba siya bilang fiancee ko at future husband ko?



ANNOUNCER: And now, Our MVP of the year, as always, Marion Gatcheco- Gotiangco!


Naku, nagcheer na naman lahat,
Pero kinagulat ko, bigla ba naman akong inakbayan ni Marion,



MARION: Tandaan niyong lahat, this girl beside me is now OFFICIALLY  MY FIANCEE! Kaya if you ever dare hurt her, ihanda niyo na paglilibangan niyo. And NO GUY is going to talk with her, touch her, and even stare at her! GOT IT?!!! [/i]

[/font]
[/size]



TO MY BELOVED READERS:

SUPER SORRRRY ULIT KUNG LATE NA NAMAN UPDATE NI MS. A. MADAMI LANG KASI AKONG DEADLINE THIS PAST WEEKS KAYA NAHIHIRAPAN AKO MAKAKUHA NG TIME PARA MAKAPAGTYPE NG UPDATE. SANA NAKABAWI AKO SA CHAPTER NA TOH. :)

DON'T FORGET THE COMMENT!!! PLEASEEEE!!!!!
« Last Edit: September 03, 2012, 05:43:09 pm by MS. A »

follow me on twitter:ms_a08

my story: CLASS 4-6

danielradmj23

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 29
  • Karma: +4/-1
  • Teentalker
    • www.danielradmj23.multiply.com
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3981 on: September 04, 2012, 02:09:38 am »
hi ms.a i cant wait for the next update :) ayan ha d n aOh siLent reader.... Pm me f nkapaq-update k n ok tLqa unq stOry mo and unq twist i love it.. sna nxt time my soft coPy k n plssssssssssssssssssssssssssssssss...

i hope we can be friends :)
***mJhEl***

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 473
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3982 on: September 04, 2012, 02:30:07 am »
tandaan Karissa bilog ang bola. hahaha sa basketbol matagal pa ang 5mins, marami pang pede mabago :))) but then YEHEY! official na hahahahahahaha  :D ;) :)

Yvie_25

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3983 on: September 04, 2012, 09:16:31 am »
uwaH ! eto mga gusto kO !! mystery ! ;)))

Sachiko

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 664
  • Karma: +52/-11
  • Even in a pinch, I'm always Happy
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3984 on: September 05, 2012, 01:30:09 am »
Bilib talaga ako sa pagkahalimaw ni Marion lol  ;D. Super lucky charm nya nga si Issai at naipanalo nya yung game kekeke. Hanep ang announcement ni Japs para lang manalo ah, hahaha. At yung cousin naman ni Marion na si Jordan, naku naku hindi din maganda ang feeling ko sa isang yan. Agawin daw si Issai haha, for Marion only lang kaya yun  ::)

youmakemeasdfghjkamx

  • Guest
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3985 on: September 09, 2012, 07:58:30 pm »
OMG! OMG! OMG! KARMAR FOREVER! SHEEEEEEEMSSSSSS! ♥ CAN'T WAIT FOR THE NEXT UD. :) UD NA MISS A! NA MISS KO SILANG LAHAT! ♥ -caps lock mode off- yiiiiiiiie! Super duper mega kilig ako dito! sheeeeems! :)))))

rmruda

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 69
  • Karma: +5/-0
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3986 on: September 11, 2012, 07:26:02 pm »
ONE THING, i need to say...  8) 8)

KKKKKKKKKKKKKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIILLLLLLLLLLLLLLLLLIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGGGGGGGG! :D
grabe parang shinake ko na ang computer dahil sa kilig ng bagong update...nako.. baka masira ko na 'toh... :D

ayan Karissa ang napapala mo sa pag-u-underestimate sa talent ni Marion, napasubo ka nga...
malapit na pala 'tong matapos.. mamimiss ko 'to. :)

update na po!!! ;)

princessofstyles

  • jellybean
  • **
  • Posts: 133
  • Karma: +3/-0
  • You are my choice...
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3987 on: September 11, 2012, 08:54:12 pm »
sobrang tagal ko ng binabasa to :)
kinikilig talaga ko kay marion!!!

ito ata una kong story na binasa sa cc.

ngayon lang pala ako nagcomment.
april is my name!
hello ms author :)

wenganewor

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 953
  • Karma: +47/-7
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3988 on: September 14, 2012, 07:19:30 pm »
3segundo nga nakakapagpanalo pa un pa kaya 5minuto

danielradmj23

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 29
  • Karma: +4/-1
  • Teentalker
    • www.danielradmj23.multiply.com
Re: [""CLASS 4-6"" ] CHAPTER 84: FINAL GAME AND KARISSA’S ANSWER
« Reply #3989 on: September 23, 2012, 01:42:39 pm »
waLa pa ding kasunod  :(
***mJhEl***

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Had: A Wonderful Time at Wanderland

by: dyan, 2013-05-24

Sharing a few of my favorite memories from the Wanderland music festival:     We can’t wait for Wanderland 2014! Photos courtesy of...


ADVERTISEMENT

TEENTALK