Dear ME ,
Magpapayat kana pwede? lahat naman ng tao sinasabi maganda ka pero MAGPAPAYAT ka muna!! hahaha.

Wag na masyadong nega, bata bata mo pa baka dumami ang lintik na wrinkles na yan..
Tsaka pwede kalimutan mo na ung BOTSOG na EX mo?

ano ka ba sasabunutan na kita eh!
lagi mo na lang syang iniisip eh ^%^$%$## alam mo namang iba na ang gusto nya!
ISA PA! ay nako tigil tigilan mo na yang PAG-AABSENT mo, akala ko ba gusto mo magingDOKTORA? eh takte lagi ka ngang wala sa klase.. ano ka ba naman iha?? tsinelasin kaya kita, you like?
BAGUHIN MO NA SARILI MO OKAY... always bear in mind na marami pang lalaki sa paligid, masyado ka kasing STICK TO ONE kaya kahit may iba na si BOTSOG siya pa rin hinahanap mo.
Alagaan mo sarili mo, wag ka magpadala sa KATAMARAN, alam kong super hirap mawala sayo nun pero MAAWA ka naman sa sarili mo teh, para sayo naman yun!!
PRELIMS nyo na.. hindi ka pa naka-TAKE ng physics exam mo, pano na yan? wala kapang books sa HUMANITIES, ENGLISH, FILIPINO at INT.. paano ka mag-eexam, wala kang libro?


?
ay nako AYUS-AYUSIN mo nga BUHAY MO!!!! magtipid ka wag kain ng kain sa canteen para may ipon kang pambili ng libro.. ang mahal pa naman, TSAKA HELLO!! maraming pagkain sa bahay niyo kaya pwede wag masyadong LAMONERA.. LOL

BASTA mag ingat ka lagi AYLABYU kahit ang tamad tamad mo

Love,
My Stubborn, Lazy and Guilty
Self.

P.S. Bawas-bawasan mo na ang pagka- NEGA mo at magpapayat ka na ha? bagong taon na naman, naka-ilang new year's resolution ka na pero di ka pa rin payat.
