
haha.. natutuwa ako sa emoticon na toh.. etong eto talaga itsura ko ngayon dahil sa plano ko for my boyfriend's birthday..
actually idea ito ng friend ko.. nung una nonsense sinasabi niya until nagka-idea ako sa sinabi niya.. since ang boyfriend ko naman ay super appreciative kahit bigyan mo ng kung anu-ano.. candies, papel, etc.. maraming options.. sabi nung friend ko.. something weird like banig (yun muna para pag kasal na daw kami may mga gamit na kami.. haha..

) or something na common na nakikita mo kahit saan.. yung tipong everyday hanggang sa mag-birthday siya bibigyan mo siya.. syempre yung affordable and with reason bakit yun ang binigay mo.. para daw pag nagkalayo kayo at nakita niya yung mga bagay na yun ikaw lagi niya maalala.. haha.. and this is the thing na nagka-idea talaga ako.. mag-vandal daw ako (but not that big) sa mga places and ended up to a special place.. tapos tulungan ko siya i-locate yung mga vandals na yun.. syempre kung gagawin mo toh mag-vandal ka dun sa walang makakasita sa'yo at yung i-vandal mo message mo sa kanya.. but i really don't recommend it.. haha..

at dahil sa idea na ito.. nabuo ko ang plano ko sa birthday niya next month.. actually few hours ko lang natapos ang plano ko na toh.. i hope mag-work at magustuhan niya..

here it is.. it's like an amazing race.. mag-18 na siya next month so 18 stations.. bwahaha..

may reason bakit masyadong madami.. swerte kasi may pasok kami nun.. so for the first 9 stations lahat sa school lang.. syempre yung mga memorable places naming dalawa sa school.. tapos yung other half sa labas na ng school.. sa mapua kasi kami nag-aaral.. so buong intramuros ang lilibutin niya.. haha..

syempre mga memorable places pa rin yun naming dalawa.. then ended up sa manila cathedral.. tapos nandoon ako.. at kaya masyadong madami ang stations.. kasi ang gift ko ay food..

dahil mahilig siyang kumain.. haha.. carbonara (dahil gustong gusto niya luto ko nito), okonumiyaki (recently na kinakaadikan niya) and starbucks' coffee frappe venti (fave niyang coffee pag-stress siya).. and the finale yung talagang gift ko.. boxer shorts na balak kong burdahan.. yun taaga request niya sa'kin.. haha.. or assorted color na brief.. haha..

may idea pa pala ako.. di ba may mga hahanapin siyang papel para makapunta sa next place.. kailangang ipunin niya yung tapos ang balak ko bibigyan ko siya ng illustration board and tape.. ididikit niya dun yung mga papel na nakaharap yung likod ng papel.. then sa 17th station.. may clue dun na babasain yung papel ng tubig na may dye.. tapos lilitaw na kung nasaan ako..

simple lang yun.. nakuha ko yun sa classmate ko nung high school.. nag-report siya.. gumamit siya ng white cartolina tapos sinulat niya yung report niya dun gamit ang white na crayons.. tapos para mabasa mo yung nakasulat dun kailangan mong basain gamit yung tubig na may kulay..

eto poh.. sana makatulong sa inyong lahat..
