Teentalk

Author Topic: THE PROMISE OF JULIAN  (Read 12018 times)

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +102/-13
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #15 on: September 13, 2008, 05:42:10 pm »
hello...thanks sa pagbasa sa story...sige..more pa... ;D ;D ;D

waaahh!! ai kagrabeh ka julian!! ako nah lang kasi.. hindi pa ako magpapakipot.. wahah./. kidding aside... aaiiee.. nice sis!! next nah ulit!! more!! more!! more!! wahaha


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #16 on: September 13, 2008, 05:49:32 pm »
It's Time...Finally

Nung sumapit ang uwian, muli na namn silang nagkita ni Julian. She feels soo happy. Ngayon lang talaga nya naramdaman ang ganitong klase ng feeling...kinikilig na ewan..hehe..Kaya tuloy hanggang makauwi sya sa bhay hindi na maalis yung ngiti nya. Napansin naman agad yun ni Manang Elay.

"O Kahlil, mukhang masayang-masaya ka yata ngayon.."
"Sobra po."

"Talaga? Sino naman ang dahilan."
"It's a guy,Yaya...nakilala ko po sa school. I thought nung una, sobrang yabang nya pero nung nakilala ko na sya, he's really soo sweet and thoughtful."

"Nanliligaw sa yo?"
"Opo. Pinag-iisipan ko nga kung sasagutin ko na e."

"Kung malinis naman ang hangarin sa yo at sa tingin mo aalagaan ka, bakit hindi?" nakangiti nitong sabi.

"Haay...sana nga po..."
"Mahal mo na ba?"
"I...I think so."

"O sya, papuntahin mo dito para makilala ko."
"Sige po, Yaya."


Pumanhik muna siya ng kwarto para magpalit ng suot na damit. Sakto namang tumawag sa phone nya si Julian. Mabilis nyang sinagot yun.

"Hello?"
"Hi sweetheart. Nakauwi ka na?"
"Yup, dito na ko sa bahay. Ikaw?"
"Sa school pa rin. Are you tired?"

"No, not really..."

"Ah...kasi, may party yung isa kong ka-frat, si Bogz. Hindi mo pa sya kilala actually kasi hindi ka naman sumasama sa kin sa tambayan. So ngayon, gusto sana kitang isama."

"Talaga? Kailan naman?"
"Tonight."
"Ngayong gabi na?"
"May gagawin ka ba?"
"Wala naman...sige, samahan kita."
"Alright. That's my sweetheart."

That sweetheart word again....whoah...super kinikilig na naman sya...grabe ha.. :D :D


"What time ba?"

"Sevenish. Don't worry, susunduin na lang kita sa inyo."
"Ok."

"Wear anything comfy. Be ready for tonight. Ipapakilala kita sa kanilang lahat."

"Hindi na naman kailangan e."
"Anong hindi? I want them to know how great is the girl I'm courting right now."

One hundred pogi points for Julian!!!Yuhooo!!!


"Sige na nga." sabi ko.
"Alright. See you later, sweetheart. Bye."
"Bye Julian."

 :) :) :)

perwinklez

  • jellybean
  • **
  • Posts: 108
  • Karma: +29/-16
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #17 on: September 13, 2008, 06:00:53 pm »
aww. new reader here. :] answeet ni julian! XD
ayra here. :] sana sagutin na ni Kahlil si Julian! :]
update ka na. hehe. :] excited ako.
Always && Forever.

louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #18 on: September 13, 2008, 06:39:33 pm »
EKSAKTONG seven ng gabi, narinig nya ang busina ng kotse ni Julian. Dumungaw sya sa bintana ng room nya at kinawayan si Julian. Iba ang dala nitong car. This time, it was a convertible. Wala iyong roof nung time na yun. She actually ran downstairs with an excited look on her face.
Naabutan nya si Yaya Elay sa sala.

"He's here,Yaya!"
"Sino? Aba'y nakakagulat ang batang ere."
"Yung lalaki pong sinasabi ko sa inyo!Ok...wait lang po kayo. Ipapakilala ko sya sa inyo."
Lumabas sya ng bahay at sinalubong si Julian na palabas naman ng sasakyan nito.

"Ei, you look sexy."
"Thank you."
"O, let's go."
"Teka! May gusto kong ipakilala sa yo."

"Eherm...your parents?"
"No, wala sila dito. She's someone very close to my heart."
Hinila nya ang kamay ni Julian papasok ng bahay. Nang makapasok sa loob ay naghihintay dun sa sala si Yaya Elay.

"Yaya..sya nga po pala si Julian." sabi ko.

"Magandang gabi po." magalang na bati naman ni Julian.

"Julian, sya nga pala ang Yaya Elay ko. She took care of me ever since. I treat her as my mother."

Nakita kong tumango si Julian.


"Aba...kay gwapong bata. Hayaan mo't sasabihin ko dito sa alaga ko na sagutin ka na agad."

"YAYA ELAY!!!"
Grabe naman itong Yaya niya. Parang binebenta na sya kay Julian.

"Sige po, asahan ko po yan." natatawang sabi ni Julian.

Napahawak sya sa noo. Haay! Nakakahiya talaga kay Julian!!

Pero ayos na yun. Mukhang nagustuhan talaga ng yaya niya si Julian. Hmmm...siguro nga ito na ang tamang panahon... :) :)




"CAN I ASK YOU SOMETHING?" tanong ni Julian habang nasa biyahe sila.

"Sure."
"Kanina sabi mo, you treat your yaya as your own mother. Whre's your real Mom?
She just shrugged her shoulders.

"She's busy, no time for me."
"But, why?"
"I don't know. Maybe, I'm not important afterall."
"Hey, don't say that. Every daughter or son is a gift to each parent."
"Pero exception ang parents ko." sabi nya at hinid napigilan ang paglungkot ng mukha.

"Julian held her hand.

"O,wag ka nang malungkot. Nandito ako para sa yo. You can count on that."
"Thanks, Julian."

Ilang minuto pa ang nagdaan, Julian parked the car in front of a big house.

"We're here, bahay nila Bogz. I'm sure, present lahat sa party na to."

Magkahawak-kamay silang pumasok ni Julian sa loob. Agad nabaling ang atensyon ng lahat sa kanila.

"Nandito na si Big Boss!" sabi nung isang guy.

Lumapit sa kanila ang isang matangkad at tsinitong guy.
"o pare, kala ko mag-isa ka. Mukhang naiinggit ka sa amin kaya nagdala ka ng ka-date mo ah."
Sa tingin ni Kahlil, eto si Bogz.

"Inggit na inggit talaga pare, kaya nga sinama ko si Kahlil. She's the girl I always tell to everyone."
Tumingin sa kanya si Bogz na nakangiti.

"Yeah...that's why she looks familiar. Siya yung sinusundan mo dati. I also saw her in Catie's party."

"Err..hi, I'm Kahlil."
"Yeah, of course. Bogz here." he said and shook her hand.

"Tama na ang introduction. Nasan ung iba?" sabi ni Julian.
"Nasa music room sina Danes. Pare, kain muna kayo."
"Sige,sige. I'm starving."si Julian at hinawakan pa ang tiyan.

At that point, lumapit sa kanila si catie.

"Hello!!Ui, nandito rin si Kahlil!" gulat nitong sabi.
"I invited her. She's with me."
"Hmmm...dumidiskarte ka na Kuya Julian."
"Matagal na Catie. Late ka na sa balita."
"Hah! At hindi man lang sinasabi sa kin ni Kahlil! Sinisikreto nyo?!"

Ginulo ni Julian ang hair ni Catie.
"At bakit pa namin kailangang sabihin sa yo ha?"
"Kuya talaga!
Bogz and Julian laughed. Tapos, nagsalita si Bogz.
"Sige, kumain na muna kayo. Ako na'ng bahala sa bubuwit na to."
"Bubuwit pala ha! Tusukin ko kaya yang mga mata mo! Loko ka ha!!!"
"Hindi na. Hindi na." natatawang sabi ni Bogz at hinila si Catie.

Siya man ay hinila ni Julian para makakain na sila. After makakuha ng food, nagpunta na silang music room. May music sessions ang barkada ni Julian.
The people there are the ones who are very close to Julian. And Julian introduced her to them. She felt very welcome. Mababait ang mga ito sa kanya at bawat isa rin ay may ka-date.

Si Danes ang pinakatahimik sa lahat. samantalang si Gil ang pinakajoker.
Ang iba pang guys na naron ay sina Reid, Pol, James and Luis.

Now that she already had the chance to meet them, masasabi nyang first impressions don't last. Masyado syang nadala sa mga tsismis na kumakalat sa school na bad influence ang grupo ni Julian. Pero hindi pala totoo ang lahat ng iyon.
They looked okay.
She was wrong all along. Pagkatapos kumain ay nakipagkwentuhan pa siya sa mga ito
.
She was sitting beside Julian while Julian played with her hand the whole moment. Tahimik lang si Julian. Paminsan-minsan nakikitawa pero madalas, hinahawakan nito ang kanyang kamay at niyayakap sya.

Haay....ganun palang maglambing si Julian...just savoring the moment....haaaay.... ::) ::)

black beauty

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-3
  • never give up the one thing that makes you smile
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #19 on: September 13, 2008, 06:41:23 pm »
uhm ganda tlga hehe.. ksu kakabitin ::)
kyuti irah

louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #20 on: September 13, 2008, 06:45:34 pm »
aww. new reader here. :] answeet ni julian! XD
ayra here. :] sana sagutin na ni Kahlil si Julian! :]
update ka na. hehe. :] excited ako.


hi...thanks for reading..kala ko talaga nung una,walang magbabasa...hehe..more pa.. ;D ;D ;D


uhm ganda tlga hehe.. ksu kakabitin ::)

hehe...ganun ba?an dame kc...nakakaduling magtype!!! :D :D :D

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +102/-13
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #21 on: September 13, 2008, 07:06:09 pm »
aaiieee ang sweet talaga ni julian ever!! waaahh!! next nah ulit!! ahehe..


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


sunakochan

  • jellybean
  • **
  • Posts: 110
  • Karma: +15/-3
  • I have to be the sinner and the saint
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #22 on: September 13, 2008, 07:08:33 pm »
thanks sa support...gusto mo rin ba si Sunako??? ;D ;D


Yup yup...I find her UNIQUE, tsaka makakarelate ako sa kanya eh...<<<<<--------- :D
*dingwink*
you said i look like BANANAS i say i look like TOMATO c:

black beauty

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-3
  • never give up the one thing that makes you smile
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #23 on: September 13, 2008, 07:43:38 pm »
next hhe
kyuti irah

louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #24 on: September 13, 2008, 07:57:55 pm »
PUMASOK si Catie sa loob at inaaya sya.

"Where are you going?" Julian asked.
"Sa may garden lang kami." si Catie.
Julian hesitated for a moment.

"Sige, pero thirty minutes lang."
"Ano ka ba naman kuya? Para bang mawawala si Kahlil. Don't worry, magkukwentuhan lang kami."

Umalis na sila ni Catie at nagtungo sa garden. Dun sila umupo sa may garden set.

"Lam mo Kahlil, pangungunahan na kita. Masyadong possessive yang si Kuya Julian. Ayaw na ayaw nyang makikita ka kasama ang ibang guys. He-he...beware."

"He's not my boyfriend yet."
"Yet. That means malapit na. Pero don't worry,once na nagmahal ung pinsan ko na yun, sukdulang magpaalipin sa yo. I know that he loves you. Ngayon ko lang kasi nakitang sobrang saya nun to the point na may sparkle pa ang eyes. "

Napangiti sya sa sinabi nito.

"So, insan na ang itatawag ko sa yo,ok?"
"Sige, bahala ka...by the way, friends mo rin pala ang tropa ni Julian."
"Yeah, yeah...they are. Pero ung isa, boyfriend ko. Si Bogz..."
"Oh, really?"
"He-he. Ganda nga ng tandem namin eh."
"Bagay kayo, Catie."
"Wow, thank you. Sasabihin ko yan kay Bogz para magpaalipin na sa kin yun."
Natawa na naman sya dito.


"Pano nga pala kayo naging magpinsan ni Julian?"
"Sa mother's side. Pero buti na lang, hindi nagmana si Julian sa ugali ni Auntie Isabel. Masyadong strict at matapobre yun."

"Where are Julian's parents?"
"Abroad. Minsan lang umuwi ang mga iyon. Kahit nga Pasko, kinakalimutang meron silang anak na naghihintay dito."
"Pero bakit?"
"Simply because mas importante pa sa kanilang asikasuhin ang negosyo dun."

Hindi naman pala sila nagkakaiaba ni Julian ng katayuan. She knows what Julian feels because she also experienced that.

"If that's the case, sino ang kasa-kasama ni Julian sa bahay nila?"
"Hindi na sya umuuwi sa mansyon. Sa condo unit na sya nakatira mula nung mag-college siya. Binili nya yun galing sa trustfund na mana nya kay lolo. My cousin is a very independent person."

"Siguro, masyado syang naapektuhan nung umalis ang parents nya."

"Sa una,oo...pero nasanay na rin un. I'm really glad now because he's laughing more often and I know the reason."
"Ano?"

"Obvious ba? Ikaw kaya ang dahilan. My cousin adores and loves you so much."

"How can you be so sure about that?"
"Basta, alam ko lang."
"Well...sana nga."
"Bout you? Do you love him?"
"What?"she asked innocently. Her face turned red.

"Sus! Aminin mo na. You also love him. Well then, I'm so happy for you both. Wag kang mag-alala, hindi ka sasaktan nun."

Kahlil smiled.
"Yeah, I know."
"Basta ba you promise na hindi mo sasaktan si kuya. Make him the happiest guy on earth."
"Of course, I will."

At that point, dumating naman si Julian.

"Tapos na ang thirty minutes ninyong dalawa. Sa kin na ngayon si Kahlil."

"Oo..sige na nga...iyung-iyo na ang Kahlil mo." si Catie.


MULI silang pumasok sa loob ng bahay.
Meron ng mga nagsasayaw sa gitna.

"Let's dance, sweetheart." aya ni Julian sa kanya.
Pumayag naman siya.
He held her waist firmly as they danced.

"Hmm...it's good to have you in my arms. I wish to stay like this forever, holdin' you...keepin' you sake." Julian said close to her ear.

She breathed deeply. Like Julian said, she felt safe in his arms. It feels like being home for the first time.

"Julian..."

"Hmm...?"

"Kung magiging tayo, would you promise that you would take care of me...na hindi mo ko iiwan sa kabila ng lahat?"

"Yes, promise..I'm willing to give you everything."

"Even the sun and the moon?"

Natawa si Julian sa sinabi nya.
Para naman kasi syang engot sa tanong nya..ngek...

"Even if it's impossible, I'll make it possible."







"Well then...it's a yes Julian." nakangiting sabi nya.



Julian's smile widened.

"God,finally..." he said and hugged her tight.

"We're making a scene Julian."
"I don't care. What is important is you and me. I'm really gald, sweetheart."

Julian cupped her face.
"I love you, Kahlil."


Teary-eyed na sya...she didn't expect that this moment will be that big and magical...

"And I love you too, Julian.  after saying that, naiyak na sya.
Pinahid naman ni Julian ang mga luha nya.

"Why sweetheart, you're emotional."

"I'm just soo happy. Meron pa rin palang magmamahal sakin."

"Oo namn. You'll forever have my heart. Iyon lamang ang tanging bagay na hindi maaring makuha sa yo ng iba. That's a promise."

Ngumiti sya at yumakap sa binata.
Ngayon pa lang nararamdaman na nyang panghabambuhay na yun. She's soo happy.


Julian stared at her eyes and held her chin.
Malamlam ung pagkakatingin nito sa kanya. He slowly bent his head to kiss her. Their first kiss as a couple.

 :D ::) :-[ :) ;D

louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #25 on: September 13, 2008, 08:00:59 pm »
 :) :) :)

hindi pa po ito tapos...marami pang mangyayari...marami pa talaga... :) :) :)

oks lang ba sa candy kung mag-post ako ng another story even if hindi pa to tapos???
:-\

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +102/-13
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #26 on: September 13, 2008, 08:12:39 pm »
waaah!! ang sweet!! ;) grabeh ka julian!!! sis.. true to life bah ito?? o kaya may part bah dito nah true to life?? wahaha.. wala lang... natanung lang po.. opo ata.. pwede po ata un.. ata lang po ha.. aehehe.. tignan muh nah lang po sa rules and regulations.. baka po may nakalagay po duon. ;D


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


louj_rose

  • jellybean
  • **
  • Posts: 104
  • Karma: +3/-2
  • LOVE is extraordinary...
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #27 on: September 13, 2008, 08:20:22 pm »
waaah!! ang sweet!! ;) grabeh ka julian!!! sis.. true to life bah ito?? o kaya may part bah dito nah true to life?? wahaha.. wala lang... natanung lang po.. opo ata.. pwede po ata un.. ata lang po ha.. aehehe.. tignan muh nah lang po sa rules and regulations.. baka po may nakalagay po duon. ;D

hehe...hindi sya true to lyf pero wish ko sana talaga mangyari sakin un!waahh!nainlove nga din ako sa character ko eh....hehe...thanks sa info...kasi marami na kong nagawang stories...kung pwedeng mag-post kahit ala pang ending ung isa,mas okay!!! ;D

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +102/-13
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #28 on: September 13, 2008, 08:25:56 pm »
hehe...hindi sya true to lyf pero wish ko sana talaga mangyari sakin un!waahh!nainlove nga din ako sa character ko eh....hehe...thanks sa info...kasi marami na kong nagawang stories...kung pwedeng mag-post kahit ala pang ending ung isa,mas okay!!! ;D

ahehe.. grabeh sis kung true to life ito.. huhuntingin ko nah yung guy! wahha.. joke! ;D
pwede po ata.. kasi si ate pau.. dalawa yung story nah post.. ahehe.. pero pareho pang hindi tapos... (miss you ate pau!) nice sis.. ;D


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


black beauty

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-3
  • never give up the one thing that makes you smile
Re: THE PROMISE OF JULIAN----NEW STORY
« Reply #29 on: September 13, 2008, 11:00:16 pm »
whee.. i want my story to be like dis.. sana julian will live her talaga.. nxt pls.:)
kyuti irah

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website