Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: Masterpiece • Eight - Talo na 'ko.  (Read 5175 times)

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: Masterpiece • Six - The bachelor life.
« Reply #60 on: September 30, 2008, 11:23:20 am »
ang tagal naman ng update, naiinip nako o ;D peaceee, ang tagal naman yangtot, wahahah [yabang eh noh, porket nakaupdate nako] ;D ;D

istarrific

  • Guest
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #61 on: October 02, 2008, 03:31:26 pm »
Yo! Haha! Hiphop ako ngayon! :D At magpapaka-active na ko ngayon!
Oo, maaupdate ko na ang istoryang ito! Haha! Akala niyo siguro, tuluyan ng nabaon sa limot to no? Owell, hindi ko ata kayang hindi tapusin to. :D




Chapter Seven
50,000 Pesosesoses.


Emmie's POV

:o :o

"Nagulat ka?"

Hindi ba obvious? Gadddd! Sa dinami-dami ng pwedeng maging amo, ay eto pang humbas na to. So, siya pala si Jian Chavez? Yung lalakeng nabangga ko sa coffee shop na malapit sa terminal.

"Ba.. Ba.. Ba-ket ka andito?"

"Wag kang matakot. Ako ang nagpadala sayo dito."

"Eh baket nga?!"

"Your father is one of my family's most trusted friend. Kaya ibibigay ko sayo ang trust na binigay nila sa father mo."

Ano to? Re-incarnation? >:( Gagu to, kapal ng apog.

"At anong balak mong gawin ngayon? Pinapunta mo ko dito para sa letsugas mong 'TRUST'?"

Umiinit ang atmosphere. Hindi ko alam kung baket. Gusto kong makaalis dito. Gusto kong magpaka-wala. Gusto kong magkarong ng Peace of Mind at masiadong nagiging mabilis ang mga pangyayare.

"Hindi."


"DIRETSUHIN MO NA KASE AKO."

"You're here to be my secretary-slash-P.A"

ANO RAW? Secretary-slash-P.A? Ano siya, HARI? Ano siya, ARTISTA? Kapal ng apog ever.
Accountancy ang natapos ko tapos magiging ganito lang trabaho ko with this mahambog na amo na to?

"Well, thank you for the offer, pero hindi ko matatanggap yan."

"And why?"

"Maging pulubi na ko forever, wag lang to."


"What's wrong with the job? ^-^"

EPAL TO! Eh sa ayoko eh. Kahit pa sabihin nating gwapo pa siya. ::)

"Dahil yung amo ko, mukang unggoy!"


"Thank You.  8)"

At nagwalk out na ko. Hindi ko kakayanin na makipagtalo pa sa walng kwentang among to. Nakakainis lang. Nakakasira siya ng araw. >:( Sarap niyang patayin left and right. Nakatingin saken si Mamang Limo. Alam kong pinipigilan niyang tumawa. At anong nakakatawa?!

"You walk out at pagsisisihan mo tong offer kong to."

Huminto ako sa paglalakad at nakasibangot na tumingin sakanya.

"Ano bang meron sa puchang inang offer na to?"

"Sahod mo."

"Like, DUH! Lahat ng trabaho, may sahod. Tanga mo."

"Pero hindi pangkaraniwang sahod."

"Baket, gano ba kalaki yang ipapasahod mo saken at nagpapaka-epal ak sa paningin ko?"

Hindi niya ko sinagot. Tinignan lang niya kos a mata with his smug smile. Sa sobrang pagkabadtrip ko, tinalikuran ko ulit siya at this time, nagmadali na kong umalisa sa kwarto niyang MABAHO!

Nang palabas na ko ng kwarto niya.. "PHP50,000"

"Kung akala mo na makukuha mo ko sa 50,000php na yan, eh nagkakamali ka."

Habang sinasabi ko yun, ay hindi ko sia nilingo. Dahil nakakaasar lang face niya.

And I slammed the door.

Nagjeep at nagtricycle ako ng ganito ang muka ko, NAKASIBANGOT. Tae, ang hambog hambog talaga ng pagmumuka nung lalakeng yun. Akala ko naman, Light from ehaven na, hindi pala. Psh.

"Miss, andito na po tayo."

So, sobrang pagiisip ko, hindi ko na pala namamalayan kung san ako dinadala ng mamang trike driver na to? ???

"Salamat po."

Umalis ako palabas ng tricycle at inabot ang bayad ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay, eh masayang-masaya silang lahat. At sa sobrangs aya nila, ay napansin nila ang nakasibangot kong muka.

"Darleng, what hafened?"

Hinagis ko yung bag ko as sofa at binagsak ang sarili paupo. Lahat sila, nakatingin saken. Nagaantay ng sagot.

"Wala."

Nagiba ang korte ng pagmumuka nila, na-weiduhan ata (?)

"Ang hambog hambog nung amo ko."


"Inano ka?! >:("

"Wala! Basta, di ko tinanggap yung trabaho."

"Eh bakit naman Darleng?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni T'ya Barbie.

"Ay wag yun, eh magkano daw yung sweldo?"

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha yung bag.

"50,000 pesoses"

:o :o :o -- Ganyan ang pagmumuka nila. Bigla akong hinigit ni T'ya Barbie at pinaupo ulit.

"Magkaliwanagan nga tayo, ikaw talagang bata. Ang laking pera nun. At IN-OFFER ang trabahong yun sayo. Ibig sabihin, tanggap ka na! Tsaka, isipin mo ha. Pag tinanggap mo yung trabahong yun, pwede na kayong mamuhay ng tahimik ng kapatid mo. Diba?"

"Oo nga, sa bahay lang ako at peace, ehs a trabaho?!"

Napaisip sila sa tanong kong yun. Totoo naman eh. Hanggat kadikit ko ang tukmol na yun, alam kong, WALANG ok.

"Tiisin mo nalang Darleng, basta,, Para sa kapatid mo."

Ok, so barado ako.. Ganun ba? Kung hindi ko lang talaga mahal si Enzo..


Jian's POV

Tumawa ako ng malaks right after nung umalis siya sa kwarto ko. Grabe, super palaban siya. I mean, kaya niyang ipagpaliban ang PHP50,000 kong offer para sa pov niya. I'm so lucky na siya ang future secretary ko. I mean, ano pang hahanapin mo diba. Sexy at ma-appeal. :p =))

But don't get me wrong. Hindi ko siya type. At hindi mangyayare yun.

"Senorito, ano na pong gagawin nating kay Senorita Emmie?"


"Kahit anong gawin niya, hindi paren siya makakawala sa offer ko. Walang nakakawala saken."

Kaagad din akong umuwi. Wala namang masiadong ginagawa sa opisina. Tsaka, gusto ko naren matulog. Pagdating kos a bahay, ayun na nga.. Nagluluto na si Jin. Kahit ganyan yan, may kinabukasan din naman yan sa larangan ng pagluluto.

"Kuya, tara.. Kain na tayo. Patapos na ren to."

Lumabas siya ng kusin at tinanggal yung apron niya.

"Ano bang niluluto mo?"

"Edi yung favorite mong Carbonara."


"Loko to. Oo na, nagising na ko jan sa amoy ng niluluto mo. Wait ka lang dyan."


Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis. Masiado akong excited kumaen. :D
Ng ihahagis ko na sa laundry bin yung polo ko, nakita ko yung polo na suot ko nung nabangga ko si Emmie. Napa-smile ako. Tinalis ko sa laundry bin yung amoy kape na polong yun at ipinatong sa kama ko.

Pagkababa ko, ayun na nga.. Ready na lahat, mapa-plato at map-kubyertos man ;D

Masarap magluto si Jin, kaya madami ding nahuhumaling sa kanya. Alam ko ang mga naging past niya. Pero kahit ganyan niya, wala yang nawaone-night-stand no. Maiado rin yang reserved. Buhay niya, racing. Pati sa ibang tao, inaangat niya sarili niya.

"Ano, masarap no?"

"Oo na! Wag mo nang ipagdukdukan saken na magaling kang magluto."

"Di naman no. Eh kamusta FIRST day mo sa opisina?"

Napatigil ako sa pagkain at napangiti ako.

"Eh baket kanakangiti?"

"Wala, secret."

"Ewan ko sayo. EH yung secretary mo, nakahanap ka na?"

Napangiti nanaman ako. For the same reason. Hindi ko siya sinagot. Tapos naren ako kumaen.'

"Excuse me." Nagsip ako ng tubig at umalis na.

"Tignan mo tong si Jian Chavez, maysapagka-epal din."

Pumasok ako ng kwarto, nakangiti. Nagtoothbrush ako, nakangiti ;D Naaalala ko nanaman yung itsura ni Emmie habang nagtatalak siya sa harapan ko. At ng matutulog na ko, eh napansin ko yung polo kong ma-kape. :p Tinitigan ko lang. Naaalala ko nung natapunan ako ni Emmie ng kape.

Yung pagpunas niya ng tissue sa polo ko nahalos magkanda-bali bali na yung mga buto niya sa daliri. ;D

eLLei

  • jellybean
  • **
  • Posts: 204
  • Karma: +16/-2
  • INACTIVE muna ako.
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #62 on: October 02, 2008, 07:37:38 pm »
pirs ! yeheii !
yeash !
may update na sa wakas !
joLLy joLLy whoop whoop !
I'll be INACTIVE.

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #63 on: October 02, 2008, 08:39:03 pm »
yangtot bitin ako! wait lang huh, kakain lang ako. edit ko toh maya. ;D

edit edit..

ai nako naman, nainlab na agad sa ganda at tapang ni emmie o ;D
kamute, magkakalablyp na si emmie nian! >:D
« Last Edit: October 02, 2008, 09:06:10 pm by miEmiKsmiNx_003 »

dramaqueen07

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3190
  • Karma: +77/-32
  • I Love Choi Minho :P
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #64 on: October 03, 2008, 05:08:28 am »
OW-EM-GEE! :D :D next na!

istarrific

  • Guest
Re: Masterpiece  Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #65 on: October 03, 2008, 03:03:12 pm »
Ellei:
Oo nga eh. Sa tinagal-tagal ng bakasyon ko, ngayon lang ulit ako nakapagupdate.  Salamat ha :)

Ate Miks:
Haha! Tignan naten. Excited ako sa lovestory mo!

Pat:
Grabe! Ang saya niyo ni Bianca kagabe! Kainggit!
Haha! Salamat sa pagbasa, iintayin ko story mo :)

*peachy*

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3044
  • Karma: +274/-48
  • I met a frog prince >:D
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #66 on: October 03, 2008, 04:13:40 pm »
ay eto lang pala yung story mo..
i-save ko na lang ule..


~*chitchat with me HERE*~

istarrific

  • Guest
Re: Masterpiece • Eight - Talo na 'ko.
« Reply #67 on: October 18, 2008, 03:20:44 pm »
Kakatapos lang ng exams. Bumisita kayo sa thread ko para sa mga chikkas ang more. :) Salamat!




Chapter Eight
Talo na 'ko.

Mela's POV

Maaga akong nagising. Parang ako pa yung mas excited sa first day nila Mimi at Dane. :p - Alam kong dadaan sila dito bago pumasok, kaya nagluluto na ko ng almusal. Si Jeffrey naman, lumakbay sa kawalan para mag-igib ng tubig. Oo nga, wala kameng tubig ngayon. At hindi magtatagal, pati kuryenta, magva-vanish na den. Si T'yang kase, di na namamanage yung business niya, matanda na kase. Habang hinihintay kong uminit ang kaldero, ay ni-raid ko na ang kwarto nila Enzo.

Nanlalambot nanaman ako sa angelic face niya. Crush na crush ko talaga tong kapatid ni Emmie. Oh diba, atleast hindi ako katulad ng ibang babae na porke't crush na, eh love n agad. Sa pagkakaalam ko, crush PALANG to eh. :p Malay mo naman, magkadevelopan kame. Habang hinahaplos ko buhok no Enzo, eh may narinig na kong ingay sa kusina. Minabuti ko ng umalis at baka magkariot na outside the world.

"Anong ginawa mo sa loob?"

Ayun na nga, ginagalaw na nga ni Mimi yung niluluto ko.

"At sinong nagsabi sayo na galawin mo yan?"

"Sabe nung kaldero. Teka nga.. Ang aga mo atang gumising ha."

"Ewan ko nga ba eh." Sabay kamot sa ulo. Napatingin naman ako sa may hapag-kainan, nakita ko si Dane, natutulog. Kawaawng bubwit.

"Hindi ba to natulog kagabi?"

"Hay jusko, panong hindi matutulog yan, eh nagdaydream all night."

"At sino naman ang dinaydream niyan?"

"Ewan ko diyan. Nga pala, pwede bang pakigising na yung magkapatid."


Ay inutusan ako ng kusinerang banlag na to. Hindi na ko nagsalita pa, at pumunta na ko sa kwarto namen. Nasa pintuan palang ako, ay nakita ko ng naglilikot si Emmie. Nanaginip nanaman to, I swear from the bottom of my heart.

"Sino ka?.. Sino ka?.. Si--Sino.."


Habang palapit ako ng palapit kay Emmie, ay nakikita kong kabadong kabado muka niya. Myged, parang exorcist ang dating. Baka binabangungut na 'to.

"HUY EMMIE!"

Napa-upo siya sa pagkakahiga. Pawis na pawis. Parang nakaabot yung kaluluwa niya sa bukana ng bulkang Mayon at nagscatter sa face niya ang mainit na singaw ng panahon. Napatingin siya saken.

"Anong nangyare?"

"Tungaw!" Sabay batok. ^-^ "Nananaginip ka kaya. Kala ko kung ano na nangyayare sayo. Grabe to. Parang kinakatay na kaluluwa."

Napatawa naman siya sa sinabi. Parang hindi nanaginip eh no? ;D "Gaga ka. Di ko nag maalala panaginip ko eh. Si Enzo ba, gising na?"

At nagenlightened ang body and soul ko sa pangalang binaggit niya. ;D "Hindi pa eh. Este.. Ewan ko, di pa naman ako nakakapsok sa kwarto nila simula kaninang umaga eh."

LIAR! >:D

"Ahh. Ganun ba, sige.. Tara." Iniwan ko na siya sa kwarto para makapagready ready. Alam ko na gagawin niya, maliligo na siya. Haha! Nasa tamang trip eh. :p

Paglabas ko ng kwarto ay naghahain na si Mimi. Kahit papano din naman ay may silbi din tong si Mimi. :p Nakita ko yung apat na baldeng tubig na nakaharang sa daanan. Siguro hindi na maibuhat ni Jeffrey sa loob sa sobrang pagod ;D Good boy, Jeffrey :p

Naglakas loob na kong buhatin yung balde baldeng tubig na yun. Si Mimi, maarte yun.. Si Dane, antok na antok pa. Eh ako lang ang matinong nilalang na kaya pang bumuhat nito.


Hinawakan ko yung handle ng balde...


Ng may biglang humawak sa kamay ko..

Pagtingala ko, nakita ko si Enzo. ::) ::) ::) ::) ::)
Napa-OMG akoooooo! Nakatingin yung angelice face and eyes niya saken. Isama naren yung maka-langit niyang ngiti.

"Ako na. Dapat lalake gumagawa nito."

At binuhat na niya yung balde.

Ng ako'y nahuhumaling sa kanyang kagitingan eh tsaka naman kame nakarinig ng kakaibang..

"WALANG TUBEEEEEEEEEGGGGG!"

Napa-raid kameng lahat sa kwarto ni Emmie. At nakita nameng nakatapis lang siya at gulat na gulat.

"Bakit walang tubig?!"


Sinenyasan ko na sila na umalis na at akong bahala makipagusap sa bakling na to. Sinarado ko ang pintuan at kinausap si Emmie ngmasinsinan. Parang dahil langs a tubig eh no? Peroo.. basta.

"Naputulan tayo. Nalulugi na ang negosyo ni T'yang."


"So, anong gagawin natin ngayon?"

"Tanggapin mo ang trabahong inaalok sayo ni light from heaven guy."


Emmie's POV

Oh noo.. Ayoko, ayoko, AYOKOOOOOOOOOOOOOO!

"Hindi! Ayoko! Hindi ko tatanggapin."

"Emmie, pplease naman. Walang wala na tayo. Ikaw na lang talaga ang tanging pag-asa ng bahay na to."

"Tutulungan ko nalang si T'yang na ahunin sa pagkakalugi yung negosyo."

Buti nalang at matalino ako. Buti nalang! ^-^

"Ibebenta na ni T'yang ang Barbie's Pandesalan."

:o :o :o :o :o

Bakit ba lahat nalang ng sagabal, ginagawa nilang rason para kagatin ko yung offer saken nung hambog na yun?

"Hindi totoo yan."

"Totoo Emmie. Kung di mo tatanggapin yung trabahong yun, baka habang buhay na mag-igib ng tubig si Enzo at Jeffrey. Gusto mo ba yun?"

"Ang bagal mo naman magigib ng tuig Enzo!"

"Eto na, saglit lang!" (Punas ng pawis)

"Enzo, anong ginagawa mo?!"

(lumingon sa likod) "Ate, malelate ka na eh. Kelangan mo ng maligo."


At nag-igib ng nag-igib si Enzo ng tubig. Pawis-pawisan niya binuhat ang balde. Tas tumatakbo siya pabalik sa igiban para kuhanin ulit ang mga natirang balde.


AYYYY! Ayoko! Erase erase erase! :-X

"Pagisipan mo mga sinabi ko."

At umalis na si Mela. Letse ding mangonsensya tong baklitang to eh no?

+++++++++++++

Paalis na kame nila Mimi, Dane at Jeffrey papuntang school. Sasamahan lang namen ni Jeffrey yung dalawa sa kanilang first day. Biruin mo, deniors na ang dalawa. :p Kame kase nila Mela at Jeffrey, kakagraduate palang last year. - Miss ko tuloy maging kolehiyala.

"Enzo! Sasama ka pa ba?"

Nilakihan ako ni Mela ng mata. Alam niyo ba kung anu ibig sabihin nun? Wag ko daw pasamahin si Enzo. At magsosolo sila sa bahay ;D

"Hindi ate, okay lang kame ni Mela dito. Goodluck nalang Mimi, Dane."


At pumasok na sila sa loob ng bahay. Umupo kame ni Dane sa may likod ng tricycle driver. Samantalang ang dalawang bwitre ay nasa loob mismo. Sana man lang di na sungitan ni Mimi si Jeffrey. At etong si Dane naman. Nako, what's new? Natulog sa balikat ko.

After 5mins, eh nandun naren kame sa school nila Mimi at Dane. Tuwang tuwa si Mimi at todo magpakyut sa campus. Ewan ko sa dalawang to. :p Si Mimi - Girly girl. Samantalang itong si Dane eh super naman sa pagkasimple. ;D

Nagpasiya naren kameng umuwi agad, kase bawal outsiders na magistambay sa campus.

"Emmie, hiwalay muna ako sayo. May pupuntahan lang ako sa kabilang kanto."

Nilingon ko siya. "Osige, puntahan mo nalang ako sa Jollibee, nagugutom ako eh."

"Nanaman!?"

*BATOK* - "Sige lang. Umalis ka na, para makabalik ka agad. Bilisan mo ha."

At nagrunaway na siya. - Ako naman si dakilang Sisa na naglalakd sa kalye ng tulala. Kulang nalang eh pahanginan ko ang buhok ko para gumulo. O diba, kumpleto sa props.

Iniisip ko yung offer saken nung hambog na yun. Pag hindi ko nga naman tinanggap yung trabahong yun, lulubog kame sa utang, tas di ko pa maiaahon sa kahirapan kapatid ko.

Biglang may bumunggo saken sa likod at..

:o :o KINUHA YUNG BAG KO!

Nagpanic ako ng nagpanic! Hinabol ko yung snatcher.

"MAGNANAKAW MAGNANAKAWWWWW!"

Pagod nak o sa kakatakbo at kakahabol sakanya. Buti nalang at may humabol sakanyang mga batalyon. Sana talaga mahuli yung snatcher. Kahit na may humahabol na sakanya, ay tumakbo paren ako. Hindi paren talaga ako makumpante.

Nalibot na namen ang buong bloke. Hanggang sa nakabalik ulit kame sa lugar kung sana ko nasnatchan. Nakita ko na yung mga batalyon na tumigil sa katatakbo at nagkumpol kumpol. Sana talaga nahabol na nila yung snatcher. Hinawa ko ang daan at nakita ko ngang nahuli ang snatcher. May kotse sumalubong kaya nabangga ng snatcher at nahuli agad.

Nakuha ko agad yung bag ko. At agad naman akong naalarma sa kotseng humarang. Magpapasalamat lang ako. Pupuntahan ko na sana, kaya lang nagbukas na yung pintuan at bumaba na yung nagdadrive. Ang tangkad eh! :D Nilingon niya ko.


:o :o :o - Pag minamalas nga naman ang buhay oh.

"Oh, it's you again."


"Oo ako nga, salamat ha."- Hanggang dun nalang siguro ang kabaitan na kaya kong ibigay sakanya bilang gantimpala sa KABAITAN niya. Tinalikuran ko siya.

"Ganon ganon nalang ba yun?"

Dineds ko siya at inabante ang isa kong paa para makapaglakad na to get out of his life! >:(

"Sakay."

Still, deadma attack. Tamang tama naman at dumating na yung mga pulis. Inimbestigahan lang ako saglit. Pinatagal ko ng pinatagal ang pagiimbestiga saken para naman makaalis ang mokong na to. Kaya lang, masiado akong inaasar. Kala mo kung sinong boyfriend ko na hinihintay ako matapos sa ginagawa ko. Nakasandal pa sa kotse niya.

Ng matapos na ang lahat lahat ng kelangan kong gawin, hindi parin siya naalis. >:( Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang problema. Akala ko, tinigilan na niya ako. EH ayun nga, nakabuntot saken ang kotse niya. Ng naabutan na ko, binuksan niya yung bintana niya at nagsmile saken in a mayabang na way.

"Ano bang kelangan mo ha?"

"Sakay."

"At sino ka para utusan akong sumakay jan sa kotse mo?"

"Ako lang naman ang nagtrap dun sa snatcher. ^-^"


WALA NA, TALO NA KO :|

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: Masterpiece • Seven - 50,000 Pesosesoses.
« Reply #68 on: October 18, 2008, 03:35:52 pm »
yangtot!! IMYYYYYYYY!! sina mica di ko alam nasan na.  :'(
ako? dumaan lang ako saglit, kasi nasa bagong forum nako eh! ;D
pero dito parin ako para magbasa ng stories! at nasaktuhan ko toh!

bakit naman iniwan mo si mela at enzo?
;D >:D gusto ko un gusto ko un! >:D

at good luck sayo emmie, ;D O0

jcsdayrit

  • taffy
  • ***
  • Posts: 438
  • Karma: +69/-5
  • iHeart Kim Bum! Celinaaaaaaa:)
Re: Masterpiece • Eight - Talo na 'ko.
« Reply #69 on: October 25, 2008, 07:25:09 am »
new reader poh ako..
like ko poh yung story.
celina here.
Before the rainbow, you may have to endure a little rain:)

eLLei

  • jellybean
  • **
  • Posts: 204
  • Karma: +16/-2
  • INACTIVE muna ako.
Re: Masterpiece • Eight - Talo na 'ko.
« Reply #70 on: February 21, 2009, 11:22:57 pm »
Ate Yang !
Ako'y nagbabalik !
Talo ka nga Emmie.
Siya ang nakahuli sa snatcher eh.
Pumayag ka na kasi.
Sige ka.
Baka malosyang yang kapatid mo.
Wala nang magkakagusto diyan.  :D
I'll be INACTIVE.

 

Advertisement