Eto na! (: Sa mga munti kong readers na readers ko din nuon. Salamat sa pagsuporta sa mga istories ko. :p Maraming thenkss.
Emmie's POV
Chapter Two - Part IHere I am Infanta!Naglalakad daw ako sa isang empty room. Hanap ako ng hanap kung asaan ang exit. Gusto ko ng mapalayo. Bawat dingding na nakikita ko, nakikita ko yung huling hawak saken ni tatay, yung huling pagkikita ko kay nanay. para bang naging TV screen yung mga pader. Nabibingi ako sa katahimikan, malaki ang lugar, pagsumisigaw ako, nagkaka-echo, tapos lalo akong nabibingi. Napatigil ako sa nakita ko: Isang maaliwalas na painting. Ang painting ng isang babaeng lilisan. Isang babaeng mang-iiwan. Hindi ko alam kung ito talaga yun, pero, sa napipicture ko, ganun nga. Abstract painting siya kung tutuusin, pero, ang dami kong napipicture sa painting na ito, tapos sa gilid nito, may batang naghihintay. Sa kabilang gilid naman, may batang nakatayo. Napipicture ko ang muka nila pero hindi ko matandaan kung sino.
Palapit ako ng papalapit sa painting. Dahan dahan akong naglalakad. Hindi ko napapansing, tumutulo na pala yung luha ko. Ng hahawakan ko na...
"Darlengs! Let's eat na!"Agad naman akong tumayo sa kama, para dumiretso sa kitchen. Eh nakita ko si Mela, tulog pa. Tig-dalawang kame kame ni Mela eh. Dalawang singles. Katulad ng status namen ngayon

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko agad si Jeffrey. Handang handa ng lumamom. Da best talaga to, pag dating sa mga gantuhan. Naririnig ko mula dito ang tawanan nilang nakakatawa. Gustuhin ko mang tumawa, hindi ko magawa, naaalala ko kase yung panaginip ko. May something eh.
Tinulungan ko silang maghain, at may napansin si T'ya Barbie saken.
"Oh darleng, ba't ka nageemote dyan?"Napatingin ako sakanya.
"Wala 'to t'yang. May napanaginipan lang ako."Umupo ako sa dining chair at nagsimula ng kumain ng almusal.
"Oh? Anong panaginip naman yan?"Tumingin ako kay Jeffrey para sagutin ang tanong niya.
"Nasa isang empty room empty daw ako, lakad ako ng lakad papalabas ng kwartong yun. Hanggang sa nakita ko yung painting. Painting na hindi ko maexplain kung anong inihahayag. Pero one thing for sure, alam kong, meron yung kinalaman sa pagkatao ko.""Oh, eh anong balak mong gawin?"
"Hahanapin ko kung sino ang gumawa ng painting na yun.""Tapos, pagnahanap mo na?""E... Ewan ko na."He smirked a smile.
"Eh basta! At kayo.. Kayo nina Mela, Mimi at Dane ang tutulong saken."Sumubo siya at sumabat ng may laman pa ang bibig.
"May saltik na yang utak mo."Tinaas ko ang kilas ko.
"Oh, anong meron?""Hahanapin namen kung sino yang pintor na yan?""Oo."
"Tungaw! Eh hindi nga namen alam kung anong hugis, itsura, o kung ano man yang anggulo ng painting na yan no."
"Eh anong gusto mong gawin ko? Hanapin ko mag-isa?""Eh kung sa pagkatao mo na ang nakasalalay dyan eh. Wala na kameng kiber dyan."Nakapagisip-isip din ako sa sinabi ni Jeffrey dun. Kung tutuusin, bakit ko pa nga naman sila idadamay sa isang bagay na ako naman talaga ang desididong maghanap. Pero ang problema ko ngayon, pano ko hahanapin yung pintor na yun? Ang lawak ng Pilipinas no! O malay mo, nasa America pa siya. Eh!
Napalingon ako sa nagbukas ng pinto. Si Mela, gising na pala.
"Baby darleng, come here, come here."Tumayo si T'ya Barbie sa kinauupuan niya at inalalayan si Mela papaupo sa dining chair. Ganyan talaga magalaga si T'ya Barbie sameng mga ampon niya. Kulang na nga lang eh, maging orphange tong bahay niya eh.
Pagkaupo naman ni Mela, sabay katok ng dalawang daga. Si Mimi at Dane. Mga tambay sa orphanage. Yang dalawang yan, maituturing naren namen yang ampon ni T'ya Barbie. Maalaga din yan sakanila eh. :p
"Waw, so sarap naman your luto T'ya Barbz!"
"Oh darleng, come inside. Dali."Nagmano silang dalawa aky T'ya Barbie. At dumiretso na dito sa hapag. Agad namang tumayo si Jeffrey para bigyan ng upuan si Mimi.
"No thanks, Jeffrey, tatabi ako kay Emmie eh."Napatingin naman kay Jeffrey si Dane at umupo nalang sa upuan na inihanda niya na dapat ay para kay Mimi.
"Bespren!""Oh bespren!""Ang gentleman mo naman."
"Salamat." 
At umupo na siya ng tahimik sa kanyang inuupuan. At pasimple na sinusulyapan si Mimi. 5 taon na tong deads na deads kay Mimi. Eh ayaw naman sakanya nung tao. Ewan ko ba kay cupido kung bakit ganito si Mimi. Mabaet naman si Jeffrey, responsable, matalino, lahat na nasakanya.
"Darlengs, gusto niyo bang magout of town?""Sureeee.""Mukang masaya yan ah!""Wa, excited na ko!"Habang nagsasabihan sila ng pasalubong, napaisip ako kung saan naman kame dadalhin ni T'yang.
"Heps heps heps!"Napatingin silang lahat saken.
"T'yang, san ba tayo pupunta?""San pa ba, edi sa Infanta!"
"T'ya.. T'yang! K.. Kela Lola Ingrid!?!?""Yes darleng."
"WAH!"Napatayo ako sa inuupuan ko at lumapit kay T'yang para bigyan siya ng napakainit na yakap.
"Salamat T'yang!""Awww.. Reunite na itech!""Kelan ba alis?"Napabitaw ako sa pagkakayakap kay T'yang at nagtinginan kame sakanya.
"Kelan pa ba, edi ngayon na."
"Eh t'yang, Di kame makakapunta ni Mimi, kase, mageenroll pa kame eh. Ngayon na dumating yung sahod ko kaya lulubusin ko na sa pangmatrikula.""Sorry t'yang ha. Kwentuhan mo nalang kame ok?""Osige darleng, kung yan talaga eh.""Ah o sige, tas padadalhan nalang namen kayo ng pasalubong. Ok?""Oo nga!""Sige bespren aasahan ko yan.""Hala, impake na mga darleng pagkatapos kumaen, at ako ng bahala dito. Bilisan niyo at kelangan maaga tayo sa bus terminal. 6hours ang byahe."Pagkatapos na kame kumaen ay tinulungan ko muna si T'yang ng kahit konte, tapos dumiretso na ko sa kwarto. Nadatnan kong, busy sila sa pagimpake ng mga damit ni Mela, tapos si Mela naman naliligo na.
Napatingin sila nung pumasok ako ng kwarto. Napansin ni Mimi na iba ang awra ko ngayon.
Sinabayan niya kong umupo sa kama ko. Umupo siya sa tabi ko (right side) at nilagay ang left hand niya sa likod ko at hinimas-himas ito.
"Alam kong may problema ka."Napatingin ako sa kanilang dalawa. I gave them a blank reaction.
"Dali na Emmie, sabihin mo na."Napayuko ako. At kinwento ko sakanila yung yun napanaginipan ko kanina lang. Napaisip sila ng matagal kung sino sa buhay ko ang gumawa ng painting na yun.
"Hindi kayaaa..."Napatingin kame ni Dane kay Mimi.
"Hindi kaya, siya na ang lalakeng para sayo?"Napaisip ulet ako. Pero, hindi naman pwede yun. Eh pero hindi ren. WAH! Naguguluhan ako.
"Hindi ko alam Mimi, pero.. Ayoko munang isipin yan."
"Sabe ko sayo Mimi eh. Puro lovelife nanaman itinutukoy mo. Magimpake ka na Emmz, tulungan na kita." Tumayo kameng lahat. Si Dane, tutulungan ako magimpake. Samantalang si Mimi naman, inaayos yung mga naimpake nila kay Mela.
"Oh, edi makikita mo si bookmark guy."Napatigil ako ginagawa ko, at natulala. Naaalala ko yung huling pagkakataon na nagkita kame ni Bigoy. Naramdaman ko yung huling hawak niya sa braso ko. Kamusta na kaya siya? Kinakabahan akong makita siya. Hindi ko alam kung pano ko siya haharapin. Ang tagal kong nawala. 10 years kong di nakita ang kapatid ko, si lola Ingrid at si Bigoy. Namimiss ko na sila.
"Huy, natulala ka na dyan."Bumalik yung diwa ko at napatingin kay Dane.
"Natatakot lang akong makita ulet si Bigoy. Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya."Niyakap ako ni Mimi patalikod.
"Kaya mo yan, ano ka ba. Bumalik ka naman ah. Worth it ang paghihintay niya sayo.""Sabagay."Pagkatapos ng ilang minutong pagiimpake, lumabas naren si Mela sa banyo. Agad naman akong pumasok sa banyo para mabilis akong matapos. Ng nasa loob na ko ng banyo, nakita ko ang sarili ko sa salamin. Tinanggal ko yung tali ko sa buhok at nilugay ito. Inaayos ko siya in a magulo look. Yung tipong seductive

Pakapalan na ng muka, pero nakita ko ang kagandahan ng muka ko sa likod ng pagtatakang ito.
"Eto na Bigoy, andito na ko. Makikita mo na ko."
Masaya akong nagshower, umaasang makita ulit ang kababata kong si Bigoy. Maaga din naman kameng umalis. Sinamahan kame nila Dane at Mimi papunta sa bus station.
"Oh, ayan na. Eto na to friend. Makikita mo na si bookmark prince mo. Okay? You belib it?"
"I belib it!""You can do it?""I can do it!""Arribaaaa!"Nagmuka lang naman kameng ewan sa bus terminal nun. Kala mo, isang taon kameng hindi magkikita ulet.
"Oh pano yan mga darleng. Mauuna na kame ha."
"Yes T'yang!""Txt nalang namen kayo pagpaalis na kame dun. Puntahan niyo ulet kame dito ha."
"Sure friend.""Oh pano yan, bye na!"At nagbeso-beso na kame.
"Bye besprend!""Oi, besprend, ingat ka dun!""Oo naman no! Ako pa! .... Bye, mimi."Nagtinginan sila ni Mimi.
"Tara na Dane, malelate na tayo magenroll."
Ewan ko ba. Naaawa na ko dito kay Jeffrey. Dati naman, okay pa silang dalawa. Tas nun g inamin na sakanya ni Jeffrey yung nararamdaman niya. Iniwasan na niya. Buhay ng people, parang life.
Pagkasakay namen ng bus, agad kong kinuha yung bookmark sa bag ko at tinitigan ito. Bigoy, andito na ko. Konting hintay nalang.
6hours ang nilakbay namen papuntang Infanta. Nagstop over din naman kame sa Pangasinan nun at kumain pa kame sa Jollibee. Yung natitirang tatlo't kalahating oras naman, ibinuhos ko sa pagtulog. Inihiga ko yung ulo ko kay Jeffrey habang si Mela naman, nakahiga din saken.
Pagkagising ko, nakita ko agad yung picture ni Mimi. Nagulat ako at ito ang nadatnan ko pagkamulat ng mga mata ko.
Tinititigan pala ni Jeffrey at napapaiyak. Ng makita ni Jeffrey na gising na ko, agad niya pinunasan yung luha niyang muntik ng tumulo. Nakakaawa si Jeffrey. Naaawa lang ako sa kalagayan niya. Sana makahanap siya ng ibang babaeng magmamahal sa kanya. AT mapapantayan ang pagmamahal na ibinuhos niya.
Tumingin ako sa relos ko, nakita 6:30pm na. Tumingin ako sa may bintana. Nakikita ko na ang mga taong. Nakikita ko na ang mga batang nagbibisekleta habang naka-apak. Nakita ko na ang bayan.
Here I am, Infanta. 
Pagkababa namen ng terminal, may mga tricycle na dun na ready. "Manong, sa Abiawin po."
Nagdrive si manong trike driver. Medyo malayo yung bayan sa mismong baryo. Eh uugod ugod pa tong tricycle. Malaki ang ipinagbago ng Infanta. Dati-rati, papuntang bayan, lubak lubak ang kalsada, ngayon, cemented na. Bongga ang bayan ni lola.
Ng makapasok kame sa mismong bukirin. Ayun, may part na cemented, may part na lubak lubak paren. Halatang tinamad yung mga gumawa nito. Hindi tinapos eh.

Makipot paren ang daan tulad dati. Yung papunta mismo sa mga bahay bahay dun, makipot na makipot paren. One way lang ata to. Pero nagkakasalubong paren ang mga kotse. Kaya napipilitan silang sumiksik sa may dahunan makadaan lang yung iba. Hayy.
Habang papalapit ako ng papalapit, may nakikita akong dalawang bata. Naglalaro ng tagu taguan sa yard nila. Naaalala ko yung mga laro namen ni Bigoy dati. Nakakamiss! Hindi ko alam kung asan na yung amin dito. Masiado ng inaamag ang utak ko. Ikaw ba naman ay mawala ng sampung taon no.
Huminto ang tricycle at inabot ni t'yang ang pera kay manong trike driver. May naramdaman akong BUGSH! At pinikit ko yung mga mata ko.Hindi ko namalayan na, nakababa na pala sila.
"Emmie?""Emmie!"Dinilat ko ang mga mata ko, at nakita kong nagtataka silang tatlo kung bakit ako nakapikit. Dahan dahan akong bumaba ng tricycle at humarap sa bahay namen. Hindi ko pa masyadong kita kase nakaharang tong tricycle na 'to. Ng umandar ang tricycle papaalis. May nakita akong binatang nakatalikod. At nagwawalis ng bakuran. Dahan dahan kameng lumapit. At ng makaapak na kame ng bakuran, lumingon ang binata. Ang gwapo niya, hindi kaya, siya na si Bigoy?
"T'ya Barbie?!!
""Darleng Enzo!"

-- Siya na ang kapatid ko?!
Woooooow! Isang malaking
WOOOOOW! - hindi ko malaman kung panong porma ng yakap gagawin ko. Naalala ko yung mga pagtitinda namen nung bata pa kame. Na kahit 200php sa isang araw, swak na swak na kame. Ganto paren ang bahay, tahimik. Naaalala ko tuloy yung mga unang panahon.
Tumingin si Enzo sameng tatlo. Pero di ko alam kung kanino talaga. Palapit siya ng palapit. Gusto na niya siguro akong yakapin. Naluluha na siya. Tumakbo siya papunta samen at..
Niyakap niya si Mela?!Anak ng tokwa naman. Akala ko pa naman, totoo na yung lukso ng dugo. Na kahit pabaguhin m yung muka mo, makikilala at makikilala ka pa ren ng kamaganak mo. Hambwiset!

Napatingin ako sa dalawang nagyayakapan. Higpit na higpit ang pagkakayakap ni Enzo kay Mela.
"Ah, Enzo.. hijo. Eto ang ate mo." Tinuro ako ni t'ya Babrie at napabitaw sa yakap si Enzo kay Mela.
Tumingin saken si Enzo at nagulat na iba ang niyakap niya. Nanlaki ang mga mata niya kay Mela at unti-unti itong nilayuan

Tumakbo si Enzo papunta saken.
"Ate, sorry, di kita nakilala."Niyakap niya ko,at niyakap ko din naman siya pabalik.
"Okay lang yun, naiintindihan naman kita."At nagbitaw na kame sa mahigpit nameng pagkakayakap. Hay ang sarap ng feeling. Lumapit siya kay Jeffrey para tulungan siyang magbuhat.
"Pare, Jeffrey nga pala.""Ako si Enzo."At nagbuddy sign sila. Yung may tapik-tapik pa sa likod.

Pagkatapos ng mga pagrereunite sa labas, dito naman ako dumiretso sa wkwarto nila lola. Kumatok ako ng ilang beses, pero wala pareng nagbubukas. Kaya pumasok na ko sa loob. Nakita ko si lola, nakaupo sa may tapat ng bintana. Pero nakatalikod siya saken. Nakakatakot, ang dilim dilim, tanging ang lampara lang ang nakasindi.
"Lola.."Hindi siya sumasagot. Lumapit ako, kahit natatakot ako. Ng makita ko na ang muka niya, nagulat ako. Ang laki ng itinanda ni Lola Ingrid.
"Lola, andito na po ako."Nagmano ako sakanya.
Lumingon siya saken.
"Masaya ako na nagkita na ulet kayong magkapatid."
"Oo nga po eh. Lola, kamusta na po kayo?""Wag kang magalala, malakas pa ko."Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang braso niya.
"Lola, pasensya na po kung natagalan bago ako bumalik.""Ok lang yun apo. Ang importante, ay naiahon mo sa hirap ang sarili mo."Hindi ako nagsalita kase mukang may sasabihin pa siya.
"Pwede bang humiling?""Opo naman lola."
"Isama mo si Enzo sa Maynila, at gusto kong maranasan niya ang buhay sa inyo."
"Lola, pano naman po kayo?"
"Nandiyan naman si Triding."
"Sino po siya lola?""Ang tumutulong kay Enzo na alagaan ako.""Sigurado po ba kayo lola?""Yun ang gusto ko."At nagusap pa kame tungkol sa mga bagay bagay. Nakakatakot si lola ngayon. Ang dami niyang inuutos saken. Binibilin kung baga. Gagamitin ko ang pagiging optimistic ko sa pagkakataon na to. :p
Lumalalim na ang gabi. Sumandal ako sa balikat ni lola at nagstargaze kame.
"Alam mo apo, naaalala ko ang ama mo ngayon."
"Talaga 'la?"And she nodded.
"Nga pala 'la. May problema ako ngayon."Ano pa ba? Edi yung panaginip ko kanina. Kwinento ko sakanya ang paglalakbay ko sa loob ng empty room na yun at napangiti siya.
"Bakit lola?""Malakas ang kutob ko na siya ang magpapasaya sayo."
"Huh? Bakit naman?""Dahil, siya ang makakaintindi sayo. Sa lahat lahat lahat...""Siya na ba ang nakatankda para saken?""Hindi natin alam apo. Ang diyos lang ang may alam niyan."Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako.
"Pero kung sa tingin mong siya na nga ang pintor na hinahanap mo, kelangan handa ang puso't isipan mo."Nagulat ako sa sinabi ni lola. Bumalik ako sa araw na iniwan ako ni tatay. Hindi ba't yung ang huling payo saken ni tatay bago niya ko iwan? Parehong pareho ng sinasbe saken ni lola ngayon. Naguguluhan ako. Ano yun? Family Motto?
"Dahil kung hindi ito handa, mabubuhay ka sa kadiliman.""Anong ibig sabihin nun lola?"Siguro naman nasa tamang edad na ko para malaman kung ano talagang meron sa likod ng mga linyang yun.
"Apo, depende yan sa mga pangyayare. Pero gusto ko lang na malaman mo na ang lahat ng bagay ay kelangang paghandaan."Hindi ko man siya nagets, um-oo nalang ako .. Nakita kong inaantok na si lola, kaya pinatulog ko na siya at lumabas agad sa kwarto para magpalit ng pantulog.