Masterpiece
~ Are you the one for me?
Isang ordinaryong istorya ng pagibig.
Ang istoryang walang kontrabida ngunit, sagana sa sagabal.
Makayanan kaya nila ang kalupitan ng tadhana?
Malagpasan kaya nila ang trahedya sa buhay nila?
Paano kung walang kasiguraduhan ang tibok ng mga puso nila?
Matapos kaya ang problema?
© Istarrific
Posters;
Color Codings:
Due to request.
Emmie // Mela // Mimi // Dane // Jian // Raffy // Jin // Enzo // Jeffrey
Chapter OneA bestfriend's lost.Author's pakikilala sa huling parte ng chapter na 'to. A must read content. * This is Emmie's POV.“Hindi ko maintindihan sayo, bakot nagsisiksik ka sa mayaman na lalakeng yun. Para makahugot ng pera? Lisa, kaya nga ako nagtatrabaho eh!”
“Hindi sapat ang pera mo, Ronaldo! Buhayin ang anak mo hindi mo magawa. Eh pano pa kaya pag isasama mo ko sa mga pagkagagastusan mo?”
“Edi, sinabi mo naren, na hindi mo siya mahal!”
“Mahal ko siya, Ronaldo!”
“Pero, pera ang habol mo!”
“Hindi mo ko naiintindihan.”
“Talagang hindi kita naiintindihan. Kase, di ko na kilala asawa ko.”
“Mas mabuti pang, maghiwalay na tayo.”
“Ayaw kong matulad ang anak ko sayo, gagawin ko ang lahat mailayo lang siya sa isang nanay na katulad mo!”
*PAK!*
“Tandaan mo ang araw na ‘to.”5 years old ako ng lumabas si nanay, mula as kwarto nila ni tatay. May bitbit na maleta. Pinagmasdan ako ng may galit sa mga mata. Hindi ko alam ang nangyayare. Pero, pagkatapos nun, hindi na siya bumalik. Hindi na siya muling nagpakita samen.
“Tatay, hindi pa bumabalik si nanay.”“Anak, masyado ka pang madaming hindi alam.”
“Tay, ano po ba yung mga yun?”
“Kung sasabihin ko sayo, hindi mo ren maiintindihan.”“Pero tatay, mahal mo ba si nanay?”
“Mahal na mahal.”“Eh bakit iniwan niya tayo?”“Kase anak, hindi pa siya handa.”“Handa? Saan?”
“Sa mga bagay bagay. Kelangan anak, pagnagmahal ka, handa ang puso’t isipan mo.”
“Bakit tatay?”“Dahil kung hindi handa ito, mabubuhay ka sa kadiliman.”“Anong klaseng kadiliman?”“Hay nako anak, madami ka pang hindi alam tungkol sa pagibig.”Ngumisi ako, at sabay akong niyakap ni tatay ng sobrang higpit. Ng may pumuntang isang ka-baryo namen sa bahay upang ipaalam na pinapapunta siya ng someone sa ewan na lugar. Agad na umalis si tatay.
“Anak, saglit lang ako, pinapa-drive lang ako ni Chairman, may pupuntahan atang importante.”Hinalikan niya ko sa noo. At hinawakan sa kamay. Hindi ko alam, yun na pala ang huli naming pagkikita ni tatay. 7 years old akong nawalan ng dakilang ama. Amang maituturing kong idolo ko. Isang taon akong namuhay sa kadiliman. Siguro, hindi pa handa ang puso ko sa mga ganitong bagay. Hindi ko alam kung ganun talaga ang itinutukoy ni tatay, pero, naging literal ako sa mga panahong yun.
Dalawang taon kong nakasama ang lola ko, siya ang tumulong saken para kalimutan ang trahedyang nangyare sa tatay ko. Inaamin ko na kahit anong gawin ko, hinding hindi ko makalimutan ang mga alaalang iniwan saken ni tatay. Hindi ko ren maipagkakaila na, kasama na sa alaalang yun, ang kanyang pagkawala.
Dumating ang panahon na nanghihina na si lola. Walang tumataguyod ng pamilya, kundi kame lang ng bunso kong kapatid. Siguro, sapat na para samen ang 200PHP sa isang araw. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw, sapat na kame dun.
Isang taon ang makalipas simula ng magtrabaho kame, ay naisipang bumalik ni T’ya Barbie sa baryo. Si T’ya Barbie, ang pinaka-matulunging tao na nakilala ko. Sa pagbalik niya, inaasahan niya na makikita niya si tatay. Pero sa kasamaang palad, taon na ang nakalipas ng malaman niyang patay na ang bestfriend niya. Naawa siya sa kalagayan naming tatlo ni lola. Kaya naisipan niyang dalhin ako sa Maynila, para pagaralin. Habang ang bunso kong kapatid naman ay maiiwan sa baryo, para alagaan si lola Ingrid. Susustentuhan naman sila ni T’ya Barbie, pati ang pagaaral ng kapatid ko. Mamumuhay sila ng tahimik dun. Tutal, ayaw din naman umalis ni Lola sa baryo kaya nirespeto nalang namen ang desisyon niya.
Ng pasakay na ko ng tricycle, may humawak sa braso ko.
“Paniks, babalik ka pa ba?”“Oo naman, Bigoy, babalik pa ko.”“Aasahan ko yan Paniks.”Ng bibitaw na ang kamay ko, may binigay siya sakeng bookmark. Bookmark na may paniking bear na design, at sinulatan niya ito. Hindi ko pa man nababasa ang mensahe na isinulat niya, ay nagpaalam na ko sakanilang lahat, mamimiss ko ang buhay ko sa baryong to, at umaasa akong babalik pa ko.
Ten years old ako ng maka-apak ng Maynila. Dun ko ren nakilala ang mga kaibigan ko. Mga kaibigang, hindi mo mahahanap kung saan saan man. Ang mga kaibigang malalapitan mo sa oras ng pangangailangan.
"Ten years old din ako nung mawalay sa pinakamamahal kong kaibigan na si Bigoy."
Author's Pakikilala:Sa mga candy girls magbabasa ng istoryang 'to.. Ako po si
Jel (: - Pero yung iba, o mostly, tawag saken Yang. Nasasainyo yan (:
Pangalawang istorya ko na 'to. Kung sino mang nakakabasa sa "I Must Love You".. Opo, ako po author nun. Salamat sa mga taong hanggang ngayon, ay sumusuporta dun. Ang istoryang 'to ay naisipan kong bigyan ng halaga habang ginagawa ko yung IMLY. Nasa to-do list ko na ang isalpak ang proyektong ito. So, no worries. Alam ko na ang daloy ng istoryang to.
Sa mga nagtatanong kung paano ang style ng pagsusulat ko sa istoryang 'to.. Simple lang (: before every chapters, may welcome message akong ilalagay. And expect na meron akong ilalagay dun na POV ni ek ek. Okay? So, mahalaga talaga ang magbasa. Haha!
Sa credits naman, gusto kong pasalamatan si
Ate Ket (Reiko Sasaki) para sa mga pairing suggestions niya and sa mga story-making tips, at si
SuJu babe Kezia (Kezia17) para sa mga korean boyband groups na sinuggest niya saken para kumuha ng characters.
Ayan, maraming salamat.
Nagmamahal,
istarrific (: