Meron akong boyfriend, 2 years na kami. Tapos ayun, araw araw ko naman nararamdaman yung pagmamahal nya. He never cheated to me at ganun din ako sa kanya. Kaso biglang nagbago ang lahat nang may nangyari nung linggo Nov 13.
Meron kasi syang laban ng quiz bee, tapos sa soccer, tapos may financial problem din sya. Tapos napansin ko, netong mga nakaraang araw, nanlalamig sya sakin, hindi talaga sya expressive na tao kaya hindi masyado naging big deal sa akin yon. Kapag tinatanong ko sya, anong problema, sabi nya, "madami lang akong iniisip ngayon". kaso, inaway ko sya, sabi ko sa text, "meron ka na bang iba? kung meronwag ka nang pumunta sa amin ngayon tanghali, basta understood na yon, palalayain naman kita eh. Pero kung pumunta ka, ibig sabihin, wala kang iba."
Ayun, pumunta sya sa amin, tapos sinabi nya sakin na magsimba kami ng 5pm tapos saka nalang kami mag-usap.
Natapos na ang simba, tapos nag-usap na kami. Tinanong nya kung masaya ba ako sa aming dalawa. Sabi ko, masaya naman ako palagi, kaso lan minsan nagkakaroon ng problema, kaya hindi ako nagiging masaya. sabi nya, nagsisisi ka ba na nakilala mo ako? Sabo ko, hindi, ito nga yung pinaka-magandang nangyari sa buhay ko eh.
Tapos umiyak sya. Sabi nya "sorry, kasi hindi ko matutupad yung pangako ko sayong pakakasalan kita. at yung misa kanina, maaaring yun na yung huling simba nating dalawa"
Sobrang nadurog yung puso ko, sabi ko, "bakit? meron ka na bang ibang mahal?" iyak na ako ng iyak..
Sabi nya, oo daw.
Sabi ko, hindi ko kayang maghiwalay tayo. please give me a chance, gagawin ko lahat para sayo. tas iyak na talaga ako ng iyak
Inakbayan nya ako, sabi nya, sige, mag-umpisa tayo ulit.
tapos yun, natapos yung araw na kahit na hindi kami naghiwalay hindi padin ako kampante. parang may malaking pako na nakabaon sa puso ko. pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagdasal ako at binigyan ko sya ng dobleng atensyon.Naging sweet ako sa kanya. araw2 ko syang binibigyan ng love note. tinutulungan ko sya sa projects nya, tapos nung tuesday, tinanong ko sya, kung gusto nya pa yung girl, sabi nya, oo daw. sabi ko, eh ako? hindi mo padin ba ako mahal? sabi nya, pantay kayo...
kahit na parang hinampas ng mason yung puso ko nun, nag-go on padin ako. patuloy padin akong nagbigay ng atensyon sa kanya. at double effort.
kahapon tinanong ko sya, gusto mo padin ba yung girl? sabi nya, "ewan".
tas yun. sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko na hindi ako nakaka feel ng security at natatakot ako na mawala sya. tapos sabi nya, wag daw ako mag-open ngayon, kasi hindi daw sya makakasagot ng maayos<sobrang aga nya kasi gumising para sa quiz bee nila tapos ilang oras pa ang byahe kaya pagod sya nun>. pero dahil sa kakulitan ko, inopen ko padin. tapos hindi sya sumasagot. tinanong ko sya kung mahal na ba nya ako ulit, sabi nya, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo eh. tapos yun, sinabi ko, feeling ko kasi anytime mawawala ka sa akin, para na nga akong baliw eh. nag-iisip ako ng nag-iisip, baka matuluyan na ako neto. tapos yun, deadma padin sya. Kinuha nya yung cell ko tapos pinatugtog nya yung kantang "panunumpa". tapos sabi ko, bakit mo pinatugtog yan? sabi nya, wala lang. tas yun, tuloy padin ako sa pagdedescribe ng feeling ko mula nung linggo. sabi ko, para na talaga akong baliw, tuloy padin ako sa pagsasalita. tapos sabi nya, "yang kanta na nga ang sagot ko sa lahat ng doubt mo eh". tas sabi ko, talaga? sabi nya, oo.
Tapos pinatugtog nya yung "pananatili" tapos nagtype sya sa cp ko, "napagod ako sa buong araw, kaya isipin mo nalang, ako yung kumakanta dyan". tas lahat ng love song sa cp ko pinatugtog nya.
Sobrang na-touch ako nun.
Kaso hanggang ngayon, meron parin parang kumikirot sa puso ko. hindi ko lama kung bakit ganito eh. Iniisip ko na baka masyado syang pagod tapos inaway ko pa sya kaya bigla syang nagrush ng decision. Atsaka iniisip ko na baka nashock lang ako sa nangyari, hindi kasi talaga pumasok sa isip ko na makikipaghiwalay kami. Hindi kasi ako sanay siguro.
anong masasabi mo? totoo ba yung nararamdaman nya?