Thanks for those who read and greeted me. <33 Ayan! Makakapagupdate na ako dahil tinatamad pa ako gumawa ng mga dapat kong gawin. Hahahaha!
Mga daga! Miss ko na kayo
Super! OT: Okay naman ang slight vacation sa Disneyland.

Pangalawang beses palang ako nakakapunta doon kaya wala pa naman nagbago. Pero ang pogi ni Mickey Mouse. Bagay sila ni Cinderella. Hahaha!
____________________________________________________________________________________
Chapter 21Joyce’s POVPagkatapos nung gabing yun, medyo naging cold ang pakikitungo ko kay David. Maybe I just need some time to think dahil feeling ko, matalino nga ako academically, pero nagiging sobrang tanga naman ako dahil sa kanya. Hindi ko lang alam kung napansin niya ang pagtrato ko sa kanya.
Nasa mall ako ngayon para mag shopping at mag unwind. I’ve been stressed for the past few weeks and with everything that’s going on with me now, I need to relax.
Pasok ditto, pasok dun hanggang ang dami ko ng dalang shopping bags. Pagod na pagod na ako kaya napagpasyahan kong umuwi na. Pero nung palabas na ako, may lalaking bumunggo sa akin na siyang dahilan ng pagkalaglag ng mga dala ko.
Pulot ako ng pulot at yung taong nakabunggo sa akin, nakatayo lang sa harapan ko.
“Ano? Hindi mo ba ako tutulungan?”“Hahahaha. Sungit natin bestfriend ah.” “Ikaw lang pala Paolo. Bwisit ka tumingin tingin ka naman sa dinadaanan mo ano.”“Hehe. Sorry.” At nagsquat siya para tulungan ako pero bigla niyang nahawakan ang kamay ko na siyang dahilan kung bakit bigla akong nilamig at napatingin sa kanya. 5 seconds… 10 seconds… 15 seconds… 20 seconds… 25 seconds… 30 seconds… bago kami natauhan at nagmadali sa pagpulot.
“Bakit ka nga pala nandito?”“May bibilin lang sana ako. Gusto mo ko samahan?”“Sandali lang ba yan? Pagod na kasi ako.”“Oo sandali lang to tapos ihahatid na lang kita pauwi sa inyo.”“Sige…”Bumili si Paolo ng blue cap at dalawang bracelet na terno pero isang pang babae at isang pang lalaki. Hindi na ako nagtanong kung para kanino yun dahil it’s none of my business.
Nung pauwi na kaming dalawa, bigla naming nakasalubong si David.
“O Joyce, insan, magkasama kayo?” Duh?
“Nakikita mo naman diba?”“Ah, oo nga. Anong ginagawa niyo ditto? Bakit kayo magkasama?”“Nabunggo ko kasi si Joyce kanina kaya nagpasama nalang ako sa kanya. May binili lang ako, at siya, kita mo naman, ang daming dalang bags. Ginasgas yung card niya.
” “Ganon ba. Pauwi na kayo?”“Oo eh.”“Pwede ba ako nalang maghatid kay Joyce?”
“Huh? Kararating mo palang ditto diba? Okay lang kahit si Paolo na maghatid sa akin. Sayang naman yung punta mo ditto diba Paolo?” “Hindi, okay lang chaka miss na rin kita. Let’s talk.”“Sige Joyce, David, maiwan ko na kayo. Mauuna nako. Bye Joyce. Thanks for coming with me.” At nagkaroon nanaman kami ng eye contact. Tsk. Ano bang nangyayari sa akin?
Habang naglalakad kami palabas, biglang nagsalita si David.
“May problema ba tayo?”“Ewan ko. Baka ikaw meron.”“Kung wala, bakit ganyan ka makitungo sa akin? Last week ka pang ganyan. Tell me, may nagawa ba akong mali?” Tingin mo?
“Pagkakaalam ko, wala naman. O kaya naman meron kang nagawang mali, pero hindi mo lang sinasabi sa akin.”“Hm. Wala naman. Pero ikaw meron.”
“Talaga? Pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang mali.” “Meron.”“Ano?”“Hindi ka nagsabi na aalis ka pala ngayon na kasama si Paolo.”“O anong mali dun?”“Hindi ka nagpaalam.”“Eh kilala mo naman yun. Chaka boyfriend kita hindi tatay.”“Kahit na. I should know where you are and who you’re with.”“Oo, mali nanaman ako. Palagi naman eh. Tapos ikaw palagi kang tama.”“Ano bang problema mo? Bakit ka nagkakaganyan? Sinasabi ko lang naman ang karapatan ko bilang boyfriend mo eh. Ano? Pinagpalit mo na ako kay Paolo kaya ganyan ka? Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa akin para hindi ako nagpapakatanga sayo!”“Ikaw? Nagpapakatanga sa akin? Swerte mo na nga sa akin eh! Dahil kahit anong gawin mo, hindi parin kita iniiwanan. Hindi ikaw ang tanga, AKO.”“Bakit ano bang ginagawa ko sayo?”“Eh kung ikaw kaya ang tanongin ko niyan, ano bang ginawa ko at bakit mo ko ginaganito?”“Inaano ba kita?”“Oh come on David, just admit it, you did something wrong.”“Wala nga akong ginagawa masama! Ano bang pinagsasabi mo diyan?!”“Talaga? Matanong nga kita, halimbawa, nakipaghalikan ako kay Paolo na kahit tayo, do you think it’s wrong?”“Oo naman. Bakit nakipaghalikan ka?”“Ako? Baka ikaw?”“Ako? Bakit ko naman gagawin yun.”“Tang*na David huli ka na nga nagdedeny ka pa. Well, let me tell you this, I saw you and Leslie kissing during our Prom night. I saw it, David. I saw it.”“Joyce..”“Ano? Nagustuhan mo ba? Masarap ba? Nagenjoy ka ba? ANO?!”“Joyce, let me explain.”“Ngayon ka lang mageexplain? Kung hindi ko ba nakitang nangyari yon hindi mo sasabihin sa akin? Hindi mo ba alam na sinira niyo ni Leslie ang first Prom night ko? Hindi mo ba alam na masakit yon David? Nagiisip ka ba? Ngayon, sabihin mo sa akin na wala kang masamang ginawa.”“Hindi ko ginusto yung nangyari.. It wasn’t supposed to happen.”“But it did. And there’s nothing you can do to change it.”“I’m sorry Joyce.. I’m really sorry. Nagusap lang kami at nagkaroon ng closure. I made it clear to her that I only see her as a friend. I chose you over her.”“So dapat bang magpasalamat at matuwa pa ako dahil ako ang pinili mo?”“That’s not what I meant, Joyce. Alam ko mali ako, pero tapos na yon. Wala na akong magagawa nangyari na. Nasaktan kita. Nagsisisi na ako. Get over it.” “Ganon na lang yon? Get over it? Palibhasa hindi ikaw ang nasa lugar ko. I stayed quiet for weeks dahil ayokong magaway tayo. Pero hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako.”“Parehas lang naman tayong nahihirapan eh.”“Saan ka naman nahirapan? Sa pagpili ba? Eh di piliin mo siya. Di ko naman sinabing piliin mo ko eh.”“Tang*na naman Joyce. Ikaw nga ang pinli ko eh! It’s you that I want to be with. It’s you that I love. Not her.”“Pero hindi ko maramdaman.”“Wala na akong magagawa kung hindi mo nararamdaman.”“Dahil wala kang ginagawa para iparamdam sa akin.”“Akala mo lang yon.”“So kissing her was your way of telling me that you love me? How unique.”“Stop that sarcasm.”“Or maybe we should stop this.”“Stop what?”“This. Our relationship. Tama na. Hindi ko na kaya. Ako lang naman ang nasasaktan eh. Feeling ko ako lang ang gumagawa ng paraan para mag work itong relationship natin. Siguro, getting into this relationship was wrong in the first place.” Pero hindi ako nagsisisi na mahalin siya. Dahil pinasaya niya ako kahit papaano..
“Don’t do this Joyce.. Nagsisisi talaga ako sa nangyari. I love you. I really do. Please, hold on. I know it’ll take time to fix this, but please hold on. Wag mo lang akong iwan. I can’t. I can’t let go of you.”“Sana naisip mo kung ano ang mararamdaman ko dati pa. Dapat naisip mo na kung ano ang pwedeng mangyari bago niyo ginawa yon. I’m setting you free so you can do whatever you want, without hurting me.”“Joyce, wag naman ganyan o. Please, give me a second chance. I promise I’ll be a better boyfriend and I’d do anything just to make you feel loved.”“Tama na David. Ayoko na.”