Streetrats! Busybusyhan tayong lahat ngayon, kaya maguupdate na ako dahil magiging busy ulit ako

Isasama kita dito
Yangbabes! Ikaw ang gagawin kong leading lady ni Pao. Hahahahaha! Juk.
Daffing Dagaaaa! Salamat sa pagbasa.

Sige, pagsasamahin ko sila alang ala sayo.

Ewan ko lang kung hindi maginit ang dugo mo. Hahaha!
Dearesssssst! Kakatayin ko yan si Matt

Ibigay mo na nga kay Yang yun! Bwisit siya. Si Ralph nalang kay Jaja.
Ji Eun, bahala ka na kay Leslie.

___________________________________________________________________________________
Chapter 20Joyce’s POVUmiyak ako ng umiyak pagdating ko hanggang sa wala na akong luhang mailabas. Bakit ko pa kasi nakita yun eh. Is he cheating on me? Does he still love Leslie? I wanted to get mad at him for doing that, but I couldn’t. I want to hate him, but I can’t. I still love him despite of what I saw. Kaya kong tiisin SA NGAYON ang mga nangyayari, I love him this much that I just can’t afford to lose him right now.
Tawagin niyo na akong martyr at tanga, pero ito talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumalalim ang feelings ko sa kanya habang tumatagal.. Lahat nga ata ng tao, nagiging tanga dahil sa love.
Buti nalang, Sabado bukas at hindi ko makikita si David.
Saturday.Pag gising ko, agad kong tinignan ang itsura ko sa salamin, only to find a monster standing in front of a mirror. Magang maga ang mga mata ko and I look so wasted. Diretso na nga ako sa kama kagabi eh, hindi na ako nagpalit ng pambahay kaya hanggang ngayon, suot ko parin ang gown at may make up pa ako sa mukha.
Wala akong ginawa ngayong araw kung hindi maglinis at matulog sa kwarto.
Sunday.“Anak.. gising na..” Kinamot ko muna yung mata ko at napatingin sa orasan. It’s only 8am!
“Ma naman ang aga pa. Wala naman pasok ngayon eh.”“May bisita ka anak.”“Huh? Sino naman?”“Tumayo ka kaya diyan para malaman mo kung sino.”“Opo. Tatayo na.” Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba. Hindi kaya si David ang bisita ko?
Pagtapos ko magayos ng sarili, bumaba na ako agad. At tama nga ako, si David ang bisita ko.
Nilapitan niya ako at hinug..
“I missed you.” Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang pinagsasabi nito.
“Me too.”“Do you wanna go out today?”“Pwede bang wag nalang? Feel ko kasi pagod na pagod ako eh. I want to rest for the whole day.”“O ganun ba.. Sige, I’ll just watch over you.” Sht. Stop that. Are you trying to make up for what you did?
“You don’t have to.”“But I want to.” We went up to my room at nahiga ako sa kama ko while he seated beside my bed. Nanonood lang kami ng TV pero hindi ko napansin na natulala na pala ako.
“Joyce, okay ka lang? Nung Friday ka pa ganyan. May problema ka ba?”“Ha? Wa-wala ito.”“Come on tell me.”“Wala no. Napaparanoid ka lang. Don’t mind me.”“Are you sure?”“Yeah.” Sumapit ang gabi at kinailangan na rin umuwi ni David. Hinatid ko siya palabas ng bahay..
“Sleep well.. I love you.” And he kissed me on the lips, BUT I didn’t kiss him back. Ayaw ko siyang halikan merong ibang babaeng nakahalik sa kanya. Hindi lang ako. Selfish? Hindi naman. Alam kong nasa lugar ako.
“Mahal mo talaga ako?” “Oo naman.
” “How much do you love me?”“I love you so much that I can sacrifice a whole lot of things for you. I’d rather spend time with you than with anyone else because whenever I’m with you, you make this,” Kinuha niya ang right hand ko at tinapat sa puso niya.
“my heart, beat faster.
” I can feel his sincerity and I can’t help but feel happy inside. Naniniwala na ata ako sa kanya na ako talaga at hindi si Leslie. Feel na feel ko ang heartbeat niya.
“You? How much do you love me?”“I love you so much that I can sacrifice my own happiness for you. I love you so much that I am willing to hold onto this relationship even if you give me reasons to give up.” Feel ko para akong naiiyak kaya yung boses ko parang nanginginig na.
“In other words, handa akong magpakatanga, para lang sayo.” Pagtapos kong sabihin yun, I gave him a hug at dumiretso na ako papasok ng bahay, without looking at his expression.
David’s POVTama nga ang sabi nila, Prom is “fun” and “memorable”. Pinagsisisihan ko na hindi ko naging partner si Joyce, and instead, si Leslie ang pinili ko. Alam kong nasaktan ko si Joyce dahil sa ginawa kong yun.
I spent most of my time dancing with different girls. Pero siyempre, mas nakasayaw ko si Leslie. She’s one hell of a dancer because it’s her first love. Kaya nung nagsimula kaming magsayaw, nadala niya ako. Parehas kaming bigay na bigay na sumayaw, at para bang kami nalang yung tao sa dance floor. She still has that magic.
I also saw Joyce dancing with Paolo, oo, nagselos ako ng onti, because I know that he still likes her. Hindi ko na sila masyadong pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagsasayaw namin ni Leslie. Dirty dancing to be precise. There’s no malice involved, it’s prom, and you’re supposed to have fun. And I am. But I just don’t know whether Joyce minds it or not. Nakita ko kasi siyang tumingin sa amin ni Leslie.
Sayaw lang ako ng sayaw nung Prom and I barely talked and danced with Joyce. Siguro tama lang naman na hindi kami masyadong nagsama nung gabing yun dahil we also need to spend time with other people.
Leslie and I also had a long conversation that night. We had a closure even if there wasn’t anything to put an end to, since we were never a couple. MU lang.
Flashback.
During the last hour of our prom, slow music was playing. Leslie and I were just dancing slowly with the music. My left hand was on her waist and my right hand was holding her left hand. Tapos yung isang kamay niya, nakapatong sa shoulder ko. Nung mga oras na to, parang bumalik lahat sa akin yung mga nangyari sa amin ni Leslie. Naalala ko yung mga oras na kami palagi ang magkasama and how I fell inlove with her.
“Ang ganda ng music no?” Beautiful As You by All 4 One ang tumutugtog nung mga oras na yun.
"Cause I've seen rainbows that could take your breath away. The beauty of the setting sun, on any
given day. And when it comes to shooting stars I have seen a few. But I've never seen anything as beautiful as you."
“Oo. Diba kanta ko nga yan para sayo dati.”
“Oo nga.”
“Pwede ba magtanong?”
“Oo naman.”
“Did you really love me?”
“Oo naman. Too bad di mo ako mahal nung mga oras na yun.
” It’s a joke.
“Is it too late? Can’t it be me?” Hala.
“Diba napagusapan na natin to? May Joyce na ako Les.. Don’t make it hard for me.” Umalis kami ng dance floor at nagpunta sa part ng venue na wala masyadong makakarinig sa amin.
“I know.. do you really love her?” Oo. Mahal ko si Joyce. Pero parang naawa ako kay Leslie.
“Si Joyce? Oo.”
“Eh ako? Mahal mo pa ba ako?”
“Oo Les. Mahal kita.—“ And she suddenly kissed me. Bigla nalang akong napapikit and I kissed her back. I don’t know why I did this, but somehow, it felt right. Pero habang nakapikit ako, bigla kong nakita ang mukha ni Joyce kaya bigla akong natauhan at lumayo sa kanya. THIS IS WRONG.
“So..sorry David.”
“Forget it. Don’t do that again. Leslie, mahal ko si Joyce. Mahal kita pero bilang kaibigan na lang. Wag mo naman gawin to. Mali to eh. Ayaw ko siyang lokohin.” Buti nalang talaga, wala masyadong tao kung nasaan kami ngayon. Mahirap na pag may nakakita. “Sana hindi na to makarating kahit kanino, lalong lalo na kay Joyce. Maiwan muna kita.”
“Oo. Walang makakaalam nito. Sorry.”
“Pasensya na din.”
Pumunta na ako kay Joyce para maisayaw siya kahit ilang minuto nalang ang natitira. Sht. I feel so guilty for what I did. Hindi ko sinasadya. Nadala lang talaga ako.
“May I have this dance, my beautiful lady?” Habang nagsasayaw kami, napansin kong ang ganda ganda ni Joyce. Lalo tuloy akong nagsisisi sa ginawa ko kanina lang. I’m so sorry Joyce. 
Pagtapos ng Prom, napagpasyahan kong ihatid siya sa bahay to spend more time with her. Pero nung maggoogoodnight na ako, iniwasan niya ang halik ko. Kanina pa siya matamlay pero hindi ko nalang to pinansin dahil baka pagod lang siya.
End of Flashback.Nagpahinga ako nung Sabado at nung Sunday, pinuntahan ko si Joyce. Pagod siya at parang matamlay na iniiwasan ako. Since wala naman akong gagawin today and miss ko na rin siya, napagpasyahan kong bantayan siya the whole day while resting. Pero bago ako umuwi, she asked me the most unexpected question..
“Mahal mo talaga ako?” Huh? Why would she ask this?
“Oo naman
”“How much do you love me?” What’s wrong with her? Hindi pa ba siya secured sa akin? Or is she nanlalambing?
“I love you so much that I can sacrifice a whole lot of things for you. I’d rather spend time with you than with anyone else because whenever I’m with you, you make this,” Kinuha ko ang right hand niya at nilagay sa may puso ko, “
my heart, beat faster.
” Totoo naman

Pagnakikita ko si Leslie wala lang. Pero pag siya, bumibilis nalang bigla. Corny but true.
“You? How much do you love me?”“I love you so much that I can sacrifice my own happiness for you. I love you so much that I am willing to hold onto this relationship even if you give me reasons to give up. In other words, handa akong magpakatanga, para lang sayo.” Pagtapos niyang sabihin yun, she gave me a hug and ran inside the house. Okaaay. What was that about?
Somehow, tinamaan talaga ako sa sinabi niya. Handa siyang magpakatanga para sa akin?

Huh? Nahihirapan na ba siya sa akin? Hold onto this relationship? Give up? Huh? She sounded so serious. And her voice was quite shaking.
Habang pauwi ako, paulit ulit yung sinabi niya sa akin. Hindi kaya nakita niya kami ni Leslie? Pero parang hindi rin naman. Leslie or I, should have known at least. Hindi ko parin talaga maisip kung anong nangyayari sa kanya. Now, will someone tell me what’s wrong with her?