Caution: Medyo mahaba na parang may kwenta na wala?

:D Pagpasensyahan

____________________________________________________________________________
Chapter 9Joyce’s POVAndaming nangyari ngayong araw na toh. Grabe..
“Miss na kita..Miss na kita..Miss na kita..Miss na kita…” Nung nasa klase ako, hindi ako makafocus! Kasi paulit ulit nalang sa ulo ko yun. Para bang song na nastuck sa utak ko. At dahil lang dun, kinilig na ako. Hindi naman halatang malakas ang tama ko kay David noh?

Maganda na sana ang araw ko nun kung hindi ako sumama sa kanila ni Shay. Talang nagsisisi ako kung bakit ako pumayag. Kung hindi ako sumama, eh di sana hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayon at hindi ako magseselos.
Kung anong ginawa ko nung mga sandaling yun..
Flashback.
Honestly, I didn’t know what to do when I saw their lips met. I was really shocked. I mean, who wouldn’t be right? Smack lang naman yun at agad din silang lumayo sa isa’t isa na walang imik.
And since I didn’t know what to do, alam niyo ba ang ginawa ko? I walked out

Uso na toh ngayon eh. Hahaha.
“Joyce wait!” Sabay pa silang nagsabi pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko kasi alam kung pano magrereact sa harapan nila. Mahirap naman magjoke dahil baka ako lang din naman ang masaktan.
End of Flashback.Whenever I close my eyes, yung pangyayari parin na yun ang nakikita ko. I think their kiss was just an accident, but what if it’s not? Nababaliw na ata ako eh. Kung ano ano iniisip ko

. Maybe being a little distant with David wasn’t a bad choice after all. Dahil mukhang nagkakaigihan na sila ni Shay.

Kaya bahala na si Superman sa akin
David’s POVGulong gulo ang utak ko ngayon. Dapat talaga hindi ko nalang tinuloy yung plano namin ni Shay. Yan tuloy ang napala ko. Nahalikan ko siya. Ang masama pa dun, ay sa lips pa at sa harapan ni Joyce!

Ano nalang ang sasabihin niya? Eh di mas lalo siyang naconvince na gusto ko si Shay. Palpak talaga ako kahit kelan. At kung ano naman ang ginawa namin ni Shay nun? Well…
Flashback.

Hindi ko naman alam na lilingon si Shay. Ang plano lang naman talaga namin ay hahalikan ko siya sa pisngi. Hindi niya alam kung paano ko gagawin yun, basta sabi niya, ako na lang daw ang bahalang dumiskarte. Kaya nga, the blame is on me. I didn’t expect na hindi niya mararamdaman na malapit ang mukha ko sa kanya.
Nagulat nalang ako nung biglang tumayo si Joyce.. Hindi ko alam kung pano ko idedescribe ang mukha niya. Parang shocked na ewan.
“Joyce wait!!” Sabay pa talaga kami ni Shay. Kaso hindi kami nilingon ni Joyce. Siguro gulat na gulat talaga siya.
“Loko ka David! Bat mo ginawa yun?! First kiss ko yun ha!” Tong babaeng toh first kiss pa talaga ang inintindi.
“Shay tsaka mo nalang isipin yun. Ano na gagawin natin ngayon? Nakita ni Joyce lahat!”“Wala na tayong magagawa David. Nangyari na eh. Bahala na muna kung ano ang mangyayari bukas.” Ganun na nga lang talaga siguro. Wala naman akong choice.
“Shay sorry ha.. hindi ko talaga sinasadya na halikan ka..”“Okay lang. Alam ko naman yun.
”End of Flashback.The Next Day.Kinakabahan ako na pumasok sa school kasi hindi ko alam kung paano ko haharapin si Joyce. Nandito na ako sa classroom at wala pa siya. 5 minutes later…
Toooot toooot tooooot toooootNagbell na at wala parin siya. Ano na kayang nangyari dun? Okay lang kaya siya?

Nagbigay lang ng short story ang teacher namin and we have to write a short essay about it.
15 minutes later…dumating si Joyce. Halatang kakagising lang niya dahil ang pupungay pa ng mga mata niya

But she still looks
beautiful. Pagupo niya, agad ko naman siyang kinausap..
“Akala ko hindi ka na papasok eh..hindi pa naman kumpleto ang araw ko pag hindi kita nakikita.” Wow David saan galing yan?
“Hindi ko kayang magabsent noh dahil mahirap mag miss ng classes.” Mahirap nga naman.
“Bakit ka late?”“Late kasi ako nakatulog kagabi eh. Dami ko kasing iniisip.” 
Kasama kaya dun yung nangyari sa Jollibee

Dapat siguro linawin ko ang nangyari..
“Ahh Joyce, yung nangyari kahapon—“ “Uhm David, pwede bang wag na natin pagusapan yan? Kelangan ko pa kasi basahin yung story at baka hindi ko pa matapos yung short essay.” “Ah oo nga pala. Hehehehe sige gawin mo na yan.” Joyce’s POVAyoko ng pagusapan ang nangyari kahapon. Wala naman siyang dapat iexplain eh. Unang una, hindi naman kami. Pangalawa, wala naman akong kinalaman dun. At pangatlo, ayaw ko ng isipin yun.

Hindi na ako ginulo ni David buong period kaya naman natapos ko ang assignment.
Fourth Period. PE.“Class..I wanna let you guys know that another student will be joining our class starting today. He just moved here and I hope you guys will be nice enough to make him feel welcomed.” Wow. Bagong classmate means.. bagong kaibigan

.
Habang tumatakbo kami, nakita ko ang new student kaya naman binilisan ko tumakbo para makacatch up sa kanya.
“Hello! You’re the new student right?” “Uhm.. It’s the first time you’ve seen me right? So yeah, I must be the new student.
” Hindi naman siya mataray ano?“Ah sabi ko nga. Hehehehehe. By the way, I’m Joycelyn, Joyce for short.” Bigla naman niyang binilisan ang takbo niya. Pinapagod ako nito ah. Ako na nga tong nakikipagkaibigan eh. Eh sa pinanganak akong makulit, hinabol ko ulit siya
“Hindi ka man lang ba magpapakilala?”“Why should I?” Aba aba.
“Kasi po sir ako na nga po itong lumapit sayo para makipagkilala. Don’t I at least deserve to know what your name is?”“Did I tell you to introduce yourself to me? Am I obliged to tell you what my name is? No right?”Bwiset. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga tong nagpapakilala eh siya pa tong may ganang magtaray.
Lunch.Bago ako pumunta ng cafeteria, dumaan ako sa library para humiram ng libro for my book report. And what a small world, nandun din si David. Naman. Pilit kaming pinagtatagpo ng tadhana. Sign na ba ito Lord?

Nangarap nanaman ako.
“Oh Joyce nandito ka rin
Tamang tama sabay na tayo pumunta sa cafeteria.” Ayaw ko nga
“Ahh pwede rin. Hahaha.”Tahimik lang kaming naglalakad papuntang cafeteria. Pero bigla nalang siyang nagsalita…
Ahhh Joyce, yung kahapon nga pala yung nakita mo…” Sabi na eh. Gusto niya talagang pagusapan.
“Ahh yun ba? You don’t need to explain anything to me. It’s okay.” “But I want to explain. Kaya listen okay?” Pagbigyan.
“Sige lang.”“Well what you saw yesterday was a complete accident. I didn’t mean to kiss her.”“Nakita ko naman na parehas kayong parang gulat sa nangyare. And I guess I have nothing to do with it naman diba? It seems that you guys like each other so I guess it’s normal for people who likes each other to do that
” Ano ba tong pinagsasabi ko parang tumatama
“No. It’s not like that. The kiss didn’t mean a thing. Shay and I are just close friends. Just like you guys. That’s it.”“If you say so. It’s not a big deal naman kaya okay lang. And the more we discuss about this, lalo lang akong nasasa—Nevermind .” Oh Godd, muntik pa akong madulas

. Bunganga ko nga naman minsan hindi mapigilan. Tumahimik nalang ako after at hindi na rin naman siya nagsalita. Siguro iniisip niya kung ano yung dapat yung sasabihin ko.
Pagkarating naming ng cafeteria, bumili muna kami ng pagkain bago umupo. As usual, katabi nanaman niya si Shay at ako nanaman ang kaharap

. Kelan ko kaya maaamoy ang mabangong perfume ni David ng matagalan? Hahahahaha joke lang mga sisterssss.
David’s POV“…and the more we discuss about this, lalo lang akong nasasa—Nevermind.” Nasasa--??? Nakakabitin tong si Joyce ah. Pero dahil pinanganak akong matalino, naisip ko na ang gusto niyang sabihin ay nasasaktan

Sana nga tama ako. She got jealous? If that’s the case, eh di successful ang plan namin ni Shay kahit papano? Hahahaha. Matutuwa na ba ako?

Hindi ko na siya kinulit sa gusto niyang sabihin dahil alam ko naman na hindi niya itutuloy yon. Tumabi ulit ako kay Shay kasi tuloy pa din ang plano namin

I can’t wait to tell her about sa hula kong nasasaktan

.
Patuloy lang kaming kumain ng tahimik ng biglang nagopen up ng si Shay ng topic..
“Joyce, malapit na pala ang birthday mo ah?” Kelan
“Ha? Kelan birthday mo? Bat hindi mo sinabi?”
“Aug. 15. Malayo pa yun noh, mga isang buwan pa.” Ahhh isang buwan pa pala eh. Toh talaga si Shay excited.
“Ano ka ba best, malapit na yun noh. May small get together ba sa house niyo?” “Uhmm..most likely meron, but I have to ask Mama first.”“Siyempre papayag yun. Gosh best excited na ako kasi mas marami tayo ngayon
” Kung sa birthday kaya niya ako magtapat?

Pwede na ba yung gift?

Hahahaha.
“Uhmm Joyce oo nga pala, bakit mo kami iniwan ni David kahapon?” Hindi ko pa din pala natatanong noh?
“Oo nga Joyce bakit?”“Uhhhh..eh..eh..” Hindi mapakali si Joyce
“Ano?” Sabay nanaman kami ni Shay
“Kasi naman naghalikan pa kayo sa harap ko noh! Sabit lang ako date niyo kahapon!” Hindi makatingin sa amin si Joyce at nakikipag eye contact lang siya sa pagkain niya
“Haaaaaaaaaaa?”“Naghalikan kayo?”“Whaaaaaaaat?” “Sabi na nga ba si Shay eh!”“Ayaw mo pang aminin.”
Ano ba toh! Ang iingay!
“Hindi man lang kayo nahiya sa harapan pa kayo ni Joyce naghalikan!” Hiyang hiya nga eh!
“Ha? Nagkakamali kayo!” Sabay nanaman kami ni Shay. Ano ba toh

Parang scripted.
“Pwede pakihinaan niyo naman yung mga boses niyo? Mamaya may iba pang makarinig sa atin.”“Asus wag na kayo magdeny okay lang!” Hindi na lang kami nagsalita ni Shay dahil hindi rin naman nila kami titigilan. Hirap talaga pag may mga kaibigan kayong maloloko
“Mauuna na ako.” Ang cold ng pagkasabi niya at umalis nanaman siya…
“Ano nangyari dun?” Ewan ko Regina.
“Nako pare! Baka nagseselos na yun!” Tama nga kaya siya?
After a few minutes, tumayo din ako para habulin siya.
Joycelyn’s POVHayy Joyce, nakakasanayan mo ng takasan sila. Nakakainis kasi eh! Pwede naman nilang sabihin na “walang namamagitan sa amin” o kaya naman “Aksidente lang yun” Hinintay kong sabihin nila yun sa harapan ng mga kaibigan naming pero wala eh. Kaya etoh ako ngayon nagmamadali maglakad. Ni hindi ko na tinitignan ang daanan ko.
Booooooooooooooooog (ano ba soundeffect ng may nakabunggo?

)
Kung minamalas ka nga naman ano? Sakit ng pwet ko grabe

Maflaflat na toh
“Watch where you’re going.” Wow very familiar ang voice niya. When I looked up..
“IKAW NANAMAN?!” “Joyce?! Okay ka lang?” 
Sinusundan pala ako ng epal na toh?

At infairness, tinulungan niya ako tumayo

God David, you’re making me fall for you even more

Anlambot ng hands
“INSAN
”“WHAAAAAAAAAT?! Magpinsan kayo?
” “Why? Do you know him?” “Oo! Ay hindi pala!”“Ano ba talaga?”“Hindi ko siya kilala kasi hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya kaninang nagpapakilala ako sa PE
“ “Ahhh ganun ba? Sige. Joyce meet my cousin, Paolo. Paolo, meet Joyce.”Biglan naman ngumiti si Paolo ng evil smile niya. Problema nito?
“Oh pinsan bat hindi mo sinabi na ngayon ka na pala papasok? Eh di sana natour kita ditto.”“Ahh gusto ko kasi surprise naman.” “Kamusta naman ang first day mo?”“Okay lang may nameet akong interesting girl.” Sabay tingin naman niya sa akin ng evil look. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Aba naman first day na first day! Sino naman yan insane?”Hello? Nandito kaya ako? Kung mamaya nalang kaya kayo magchikahan diyan? Lumayas nalang ako since hindi naman ako kelangan dun. Pero may biglang sumigaw
“Hoyyyyyy cute! Sorry naa!”

__________________________________________________________________________________
Excuse my lame update

Pasensyaaaaaa na

:D
Birthday na ba ni Joyce sa next update ? You like you like? Hahahahahahahahaha.
<333333333