Hi Ate Ramona! Thank you sa pag take time na basahin yung intro ng characters

Kakatuwa naman may nagbabasa na isang katulad mo! hahaha hindi yun bola ate ha..
Ito na po ang update..
____________________________________________________________________________
Chapter 1 Joycelyn’s POVGrabe, first day of third year high school ko na ngayon. Excited ako na kinakabahan pano ba naman kasi wala kaming class ng mga close friends ko noh! Mamaya ako lang ang walang kausap sa classroom. Well, friendly naman ako so I think makakayanan ko toh. SANA! Makabangon na nga at baka malate pa ako sa school. Bloomingfield ang school na pinapasukan namin. 5 minutes away from home siya but if you want to walk mga 30 minutes ang layo..kaya papahatid ako kay Mama!
Pagkatapos ko maligo, magsuklay, at magbihis, bumaba na ako para mag breakfast. Siyempre kakahiya naman kung biglang kumulo ang tiyan ko sa school. Kakahiya!
“Mama! Alis na po tayo! Hindi ko pa po kasi alam kung saan yung mga classrooms ko baka maligaw ako kaya iikutin ko na yung school!” parang napalakas ata boses ko. Hahaha.
“Grabe ka naman anak kung makasigaw ka eh parang anlayo ko sayo! Nasa kusina lang ako noh! Oh siya siya, tara na.” Sorry naman!
Hayy..kinakabahan talaga ako. Sana naman maging maganda ang school year na toh. Madami kayang cute boys sa school? Hahaha ano ba naman yan first day na first day boys agad ang iniisip ko! Bad Joycelyn!
Pagbaba ko ng sasakyan ang mga loka ay naghihintay na sa may flagpole! Puro bago suot ng mga toh ah! Puro makukulay. Dito kasi sa school naming walang uniform. Kumbaga, kahit anong suotin mo pwede basta wag lang masyadong revealing for girls. Sa guys naman, bawal ang baggy clothes at lawlaw na pants! Eww! Hahahaha.
“Hoy bruha antagal mo naman! Bahay mo pa naman ang pinakamalapit dito sa school!” Ayan ang favorite friend ko si Sharayah.
“Sorry naman.. kinakabahan ako sister. Andaya niyo! Bat kayo magkaklase ni Kristel tapos ako hindi ko man lang kaklase ni-isa man sa inyo!” Magdrama ba? Hahaha.
“Kase naman sobrang talino mo noh. Di ka na namin mareach grabe! Baka sumabog na utak mo ha? Hinay hinay lang. Wag ka magalala baka maraming cute boys naman ang kasama mo!” Sabi ni Kristel.
“Ikaw Kristel kung ano ano iniisip mo pede pagaaral muna ang atupagin mo ha!” Hihihi.Pumasok na kami sa quad at ang daming tao. Well DUH. Hahahaha. Hayyy buti nalang hanggang 12:30 lang ang klase ngayon.
Pumasok nako sa first class ko, which is English. At ano pa nga ba! Sabi ng teacher mag introduce daw kami ng sarili naming in front of the class. Yun pa naman ang ayaw ko. Mahiyain kasi ako ehh.
“Hello. My name is Joycelyn Santos. My favorite color is pink and blue. I hope we can all be friends. Mabait po ako sana makilala ko kayong lahat. Hehehehe. Thank you.”Pagupo ko.. parang may kumalabit sakin.. pagtingin ko
“Uhh miss…”OHMYGODD ANG CUTE NIYAAA! May ganito pa palang nilalang na natitira sa mundo?
