Chapter 32After Paolo said the word “buntis,” hindi na ako makakain ng mabuti. Natutulala na nga lang ako eh.
Anong gagawin ko kung totoong buntis nga ako? David and I aren’t together anymore… He’s happy with Leslie.
Hay nako Joyce!! Bat mo ba iniisip yan? Hindi ka pa nga siguradong buntis ka eh! Siguro dapat pumunta muna ako ng doctor? Pero.. natatakot ako sa magiging resulta. Haaay…
Oobserbahan ko nalang muna ang sarili ko.. hindi pa ako handa magpacheck-up o mag pregnancy test.. natatakot talaga ako.
“Hoy! Tulala ka nanaman dyan!” Napatingin ako kay Paolo.
“Ah.. sorry. May sinasabi ka ba?”“Sabi ko, kelangan mo ng magpacheck up sa doctor mo okay? Hindi na maganda yung nangyayari sayo.” “Oo.. next week okay?” or next month? Next year?
“Sige. Tapos ka na kumaen? Labas tayo.”“Uh huh. Tara. Gusto ko uminom ng sago. Mall tayo please?”Eh di lumabas kami ni Paolo at pumunta sa SM. Pero nagcommute kami kase wala lang! Gusto ko lang magcommute! Haha. Pero parang bad idea ata yung magcocommute kase SOBRAAAAANG init ng panahon. WTF? Global warming na ba talaga dito? T__T
Nung makarating kami ng mall.. tila nagiging maliit na talaga ang mundo para sa amin ni David. Dahil nakita nanaman naming silang dalawa ni Leslie! Pano, etong mall kase na to ang palagi naming pinupuntahan dati..
Tuwing naalala ko yung mga memories naming dalawa, kumikirot yung puso ko. Alam nio yun? Nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa relasyon namin.
“Oh nandito rin kayo” Hindi nga?!
“Ah oo, gusto kasing magpalamig neto ni Joyce. Naiinitan kase tong Americana na to. Hahahah” Ewan ko ba! Para akong nanghihina sa panahon na to.. Sabihin nio ng OA pero sobrang INIT talaga!!!!!
“Pwede kaming sumama?” Tinignan ako ni Paolo at tumango nalang ako habang hawak yung braso nia. Feeling ko kasi anytime now, babagsak nalang ako bigla.
Nung nakarating na kami sa foodcourt, nagoffer si David and Leslie na sila nalang daw bibili ng pagkain namin at kami nalang daw ang humanap ng uupuan naming. Kaya lang, habang naghahanap kami ng upuan ni Paolo, biglang nagdilim ang paningin ko.
3 hours later..Asan ako? Bat sobrang liwanag ng ilaw?
“Joyce!!! GIsing ka na!!!” “Paolo?”“Oo. Nasa ospital ka. Bigla ka kaseng hinimatay kanina eh.” Ospital..
“Asan na sila David at Leslie?” Please tell me theyre not here.
“Ah sabi ko sa kanila, ako nalang magbabantay sayo kaya umuwi na sila. Anong pakiramdam mo? Bat di mo sinabing masama yung pakiramdam mo kanina? Sana umuwi nalang tayo.” Eh kasi hindi naman masama yung pakiramdam ko kanina eh.. Bigla nalang talaga..
“Sorry.. hassle pa tuloy. Anong sabi ng doctor?” “Wala pa! Pero babalik daw sya pag nakuha yung mga results ng tests sayo kanina.”*Knock Knock*“Ms. Santos”
“Yes Doc? Kamusta po ang resulta?” ngumiti lang si Doc ng malaki.. Uhh.. Okay?
“CONGRATULATIONS!! You’re 4 weeks pregnant!!”

Ako? Buntis? Napatingin ako agad kay Paolo at halata sa mukha niang gulat na gulat sya sa narinig nia.
“Sigurado po ba kayo?”
“Oo. Congratulations sa inyong dalawa ha? Tiyak na magiging maganda o gwapo ang magiging anak nio. Maiwan ko muna kayo ha?” Unti unti akong naiyak sa narinig ko.
Nilapitan naman ako ni Paolo at niyakap. Alam kong naiintindihan nia ang nararamdaman ko.
“Shhh.. tahan na. Makakasama yan sa bata.”“Paolo.. please.. wag na wag mong sasabihin kay David.. please..”“Pero Joyce, sya ang tatay niyan. May karapatan syang malaman.”“Pero natatakot ako na baka ipa-abort nia sakin to. Please Paolo, please don’t tell him” At tuloy tuloy lang ako sa pagiyak.
“Sige, hindi ko sasabihin.”“Salamat. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka.”Makalipas ng dalawang buwan, hindi ako masyado nagsisilabas ng bahay pero si Paolo, palagi akong binibisita at palagi rin syang nandito para samahan ako. Alam na ng nanay ko na buntis ako, at hindi naman sya nagalit. Natuwa pa nga sya na magkakaapo na sya eh.
Si Shay din syempre, alam na nia. At lahat sila, pinagbilinan ko na wag sabihin kay David. Sasabihin ko rin naman sa kanya ang totoo eh, hindi lang ngayon.
*ding dong*
Agad akong pumunta sa gate naming para tignan kung sino yung nagdoorbell. Pagbukas ko ng gate.. it was David.
“…Napadaan ka?”“Ah.. eh.. gusto ko lang sana kumustahin ka pagtapos nung nahimatay ka sa mall.” Nararamdaman ko na tinitignan ako mabuti ni David pababa.. At natigil yung tingin nia sa tiyan ko.. Agad naman akong napahawak sa tiyan ko na medyo nagbubukol na.
“Ah tagal na nun ah? Hehe. Okay lang ako. Sige makakaalis ka na.” Sasarado ko na sana yung gate kaso pinigilan nia.
“Bakit? May kelangan ka pa ba?”“Buntis ka ba?”
“Uhh.. ayokong pagusapan please umalis ka na.”“Bakit hindi mo masagot yung tanong ko? Buntis ka ba?” Bakit ba?! Hindi pa ba halata?
“Oo.” Masaya ka na?
“Sinong tatay?” Pagtingin ko sa mga mata nia, halatang gusto niang malaman kung sino.. at alam kong hindi rin sya aalis hanggat di ko sasabihin..
“Bakit ba gusto mong malaman?”
"Please, sabihin mo sakin sino tatay." Unti onti niang inabot ang kamay ko para hawakan ito. Pero pilit kong tinatanggal ang mga kamay nia.
"Umalis ka na... please""Joyce, look, I WANT TO KNOW.""Ikaw, okay?!"