Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP35^THE END^GOODBYE**  (Read 54609 times)

liyah06

  • taffy
  • ***
  • Posts: 329
  • Karma: +14/-3
  • But I still...haven't found...what I'm looking for
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #525 on: August 10, 2008, 09:13:50 pm »
OMG! OMG!!!
nalokka ko sa last part behz!!!

"IKAW"

jusco. waaaahh. excited na ko sa next part! post it na mikx!! grabe. :D :D

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #526 on: August 10, 2008, 11:03:56 pm »
oo nga eh, naloka din ako sa update ko naimagine ko kasi talaga :D

sige post ulit ako mamaya kung sisipagin, :D

pero magpost ka na din behz! naeexcite din ako sa story mo noh! ;)

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #527 on: August 10, 2008, 11:08:21 pm »
nice nung name nung girl.. jaja.. ;D
sayang hindi ko sya naumpisahan..
sa next story mo nalang ako sis..
chap25 na ee.. XD

pero.. ang sweet naman ni matt at jaja..  ;D
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #528 on: August 10, 2008, 11:10:37 pm »
hehe, ohk lang sis :)

pero mejo matagal tagal pa ang next story ko, mahaba haba pa ng konti toh. XD

if you wanna read it sis mei easy navigation sa page 1, if you want lang po, ehe.

anyway, thanks for dropping by ;)  :-*

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #529 on: August 10, 2008, 11:12:58 pm »
^sige.. sige.. hahabol ako sa story mo sis..  ;D
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #530 on: August 10, 2008, 11:18:09 pm »
haha, thanks sis! i really appreciate it. :)

but if you don't have time naman eh it's ohk. basta ako supporter mo nako sa story mo. :) i like your characters, mei strong gurls and mysterious ones din. :)

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #531 on: August 10, 2008, 11:20:14 pm »
^no.. i will support this..
i like reading naman ee.. :)

aww.. thanks sis.. i really appreciate that too.. :)
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #532 on: August 10, 2008, 11:22:24 pm »
thank you sis! :)

hope you'll like the story :)

parehas tayo, i also like reading. lagi nga akong gumagala dito sa CC naaadikk ako sa mga stories dito. :D

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #533 on: August 10, 2008, 11:25:17 pm »
^hehe..
i know i will.. :)

ako naman na inlab ako sa pagsusulat at pagbabasa.. bigla bigla.. XD
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #534 on: August 10, 2008, 11:35:20 pm »
haha, lumabas ang creative juice mo sis, :D

ako matagal nakong nagsusulat, kaso nawala na din kasi dati pati poems kaya ko, basta literature, ngayon di na.. :(

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #535 on: August 10, 2008, 11:43:40 pm »
^bakit naman sis?

hindi yan. talent is talent. siguro hindi pa lumalabas ulet ngaun pero lalabas at lalabas din yan.. judging sa story mo.. hindi naman sya nawala sis.. :)
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #536 on: August 10, 2008, 11:45:56 pm »
thanks sis :)

iba kasi dati eh, kaya ko kahit essays, stories, poems, drawing ganun.

ngayon story nalang, ung essay ko wala nakong mahugot na sense sa sinusulat ko.

minsan babalik, pero ngayon tagal na din 3years na nawala, pero ohk lang kasi kaya ko pa namang gumawa ng story tulad ng ganto. :)

meena23

  • taffy
  • ***
  • Posts: 480
  • Karma: +29/-2
  • LIFE love ME you HIM her
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #537 on: August 11, 2008, 01:49:02 am »
ang ganda ng update. lol

next na sis
MYSPACE/FRIENDSTER::: just PM me/lolz
a sad *love* story [the end]
if nothing last forever...
would you be my nothing?

leeteuk

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 947
  • Karma: +71/-14
  • "ONEW CONDITION!"
    • GIALISH
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP25^PART I, II && III^**
« Reply #538 on: August 11, 2008, 06:29:14 am »
magsulat ka lang ng magsulat.. kung hilig mo talaga.. balik at balik.. mag-iimprove ng mag-iimprove yan... :)
Romeo&&Juliette
I'm blessed:)
TEENBLOG AWARDS 2009 NOMINATION

miEmiKsmiNx_003

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1542
  • Karma: +188/-31
  • being with YOU makes my day perfect... :)
Re: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP26^AMINAN--LONG UP!^**
« Reply #539 on: August 11, 2008, 10:25:00 am »
CHAP26—AMINAN

Jaja’s P.O.V.

“Ikaw.”

AKO?

“Are you kidding me?” saka ako humiwalay sa mahigpit niang yakap at tinignan sia sa mata.

“Do I look like I’m kidding my best friend?” sagot niang sobrang kalmado. Nilagay nia ung kamay nia sa magkabilang balikat ko saka nilapit ang muka nia. “Jaja—“

“WTF? Un na nga eh diba magbest friend tayo at diba nga si Aishen ang gusto mo? What are you trying to say now?” hindi eh, hindi talaga ako naniniwala sa sinabi niang yun. Ano un, magic? Kahapon si Aishen gusto nia tapos sasabihin nia na akong best friend niang dating tomboy ang pipiliin nia?

Na pipiliin niang mahalin nia talaga?

Kamuteng kahoy, don’t kid around man. :|

“Jaja ang hirap i-explain eh.” Siyet, kita mo na, hindi nia maexplica dahil hindi naman talaga ako!

“Klaruhan nga tayo Matteo, pano mo nasabing ako ang pipiliin mong mahalin kung tatanungin kita eh diba nga mahal mo na si Aishen at kanina bigla mo pang sinabi na narealize nio na hindi kayo meant to be?”

Tinanggal nia ulit ung mga kamay nia sa shoulders ko saka nia ko sinandal sa wall, pinatong nia ung right hand nia sa wall at saka nilagay ung left hand nia sa waist ko at nilapit sa kania. Sh1t, ano toh? Naramdaman ko nalang ung tibok ng puso ko na sobrang bumibilis habang palapit ng palapit ako sa kania.

“Mahal kita Ja.”

Nabingi lang ako diba 3daga? Hindi talaga maaari eh. Imposibleng mahal ako ng best friend ko!






Pero mahal ko sia…..








“I can’t believe this Matt.” No, I will not believe him! “P-pano mo nasasabi sakin yan huh? Matapos mo halikan si Aishen, matapos mong sabihing mahal mo sia, matapos ng lahat?!”

Can’t you just explain it to me?

“Can I just explain it to you later?” bull, he’s going to kiss me!!! Nilapit nia ung mukha nia sakin, siyet, 2inches, 1 ½ inch, 1 inch…
















At pumalag ako.













“NO. Explain it to me NOW.”

He gave me a serious look and grabbed my hand again, this time pinaupo nia ko sa couch at saka sia tumabi sakin, ung kamay nia magkadikit ung mga fingers sa isa’t isa na parang nagppray tapos huminga sia ng malalim.

“Ohk.” Tinignan nia nako eye-to-eye. “Uulitin ko Ja ung sinabi ko kanina, sabi ko diba kung papipiliin ako ng mamahalin ko eh ikaw ung pipiliin ko? Well, bago pa man ako namili, nahulog nako sayo. Oo bestfriends tayo, oo minahal at tinuring kitang bestfriend ko. At oo hindi ko agad nakitang babae ka dahil nagbulagbulagan ako. Pero Ja, habang tumatagal na si Aishen ang kasama ko, na unang inakala kong sia ang mahal ko eh narealize ko na ikaw ang hinahanap hanap ko lagi. Ikaw ang lagi kong sinasambit sa kania. Ikaw ang nakakasakit ng damdamin ko sa selos. At ikaw ang hindi ko kayang mawala sa lahat ng taong nasa paligid ko.

No way, hindi parin ako convinced.

“First of all Matt, best friend moko diba for 18years, all our life tayo ang magkasama, natural hahanapin mo ung company ko at laging ako ang sasambitin mo dahil ako ang laging nasa tabi mo noon. Tapos, nung tomboy bako mei naramdaman ka bang iba? Wala naman diba? Meaning, tingin mo lang sakin pure best friend. Isa pa, selos ka dahil..un nga, tayo lang ang magkasama dati diba?”

Get the point?

“Ja.” Kinuha nia ung kamay ko at nilagay nia sa dibdib nia. Pinapakinig nia ung tibok ng puso nia. “Ang bibig pwedeng magsinungaling pero ang puso hindi.”

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso nia, at ramdam na ramdam kong totoo ang mga sinasabi nia. Pero bakit ang hirap tanggapin? Ang hirap ding matanggap na mahal ko din pala sia.

“Iba ang nararamdaman ng puso ko Ja, hindi si Aishen ang nagpapatibok dito. Ikaw ja, ikaw.” Tinitigan nia kong mabuti, hindi ko na alam kung tititig din ba ko pero kahit sabihin kong simpleng gawin un eh hindi ko magawa.

“Matt…”  :-[
 
“Kaya kita inilalayo kay Ralph dahil dun palang mahal na kita. Nung nakita ko sia sa ginawa niang pag-amin kanina sobrang nagseselos na ako. Habang nakikita ko kayo nasasaktan ako Ja, tingin mo ba best friends lang ang nararamdaman ko kung ganun?”

“Pero..”  :-X

“Aishen kissed me to say goodbye, sia ang tumulong sakin na maamin ko sa sarili kong ikaw ang mahal ko at hindi sia.” What? :o “At mahal na ako ni Aishen, she loves me but she chose to let me go dahil alam niang ikaw ang magpapasaya sakin. Ewan ko kung pano nia nalaman o anuman pero lahat ng sinabi ni Aishen totoo.”

“Ibig mo sabihin wala na talagang mamamagitan o namagitan man lang sa inyo ni Aishen?” bakit ako masaya? :o

“Wala. Dahil sa katorpehan ko sia ang unang nagsabing mahal nia ko. I was about to tell her that I like her pero biglang un ang nangyari, bumaliktad ang mundO Jaja at nagising ako sa reality na ikaw ang mahal ko.”

“Hindi ko parin ma-absorb tohng nangyayari Matt…”

“Mahal mo ba ko Ja?”

Out of the blue? :o What? Ano? Daw?

“….” I can’t answer that right now, di pako ready. *.*

“Kaninang sinabi mong wala kang gusto kay Ralph at kung papipiliin ka, ako ang mamahalin mo. Ang tanong, mahal ba ko higit pa sa pagiging magbest friends natin?”

“Ganto kasi Matt…”

“ano?”

“Ah eh..”  :-\

“What? Mahal mo ba ko Ja? Kung hindi, edi… lalayo nako sayo.” :-[

Whaatttt? Ano un blackmail? >:(

“Di un blackmail Ja, gusto ko lang na maging masaya ka na. marami ng nagbago Ja eh, ung pagiging magbest friends natin nagkaron na ng gap dahil sa mga nangyari.”

“Aba, ano un, iiwan moko? Hindi na tayo bestfriends dahil dun ganun ba gusto mo sabihin huh?” >:(

“Ja ang hirap pang sabihin best friends tayo ngayong nasabi ko na ang nilalaman ng puso ko. I love you more than being my best friend.

Goodness, ayoko na po. Aamin na ba ko?

Ahhhh!!





Hindi ako makasagot, nagsimula siang tumayo sa tabi ko saka nia binuksan ang pinto. Meaning, pinapalabas nia nako.

“Sige, mukhang wala kang isasagot, ihahatid na kita sa inyo.. :-[ malunkot niang sabi. Haiiii, ano ba naman tohng nangyayari? Hindi ko na alam .. ang bilis. Ang bilis talaga.

*******************

Bakit nga ba biglang nagkaganun ang pangyayari?

Kanina, biglang sinabi sakin ng best friend kong si Matt na mahal nia ko higit pa sa pagiging bestf, tapos kanina din umamin sakin si Ralph na hindi pa nagparamdam mula ng hinatak ako ni Matt papaalis, ano ba naman klaseng kalokohan un diba? Hindi ko na ma-absorb kung paano nangyari ang lahat.

Tapos, narealize ko nalang din biglang mahal ko si Matt.

Naalala ko ang sabi ni kuya (chap2), siguro nga mahal ko na talaga sia nun kaya nagdecide ako magpakababae. Siguro kaya ko narealize na LADY nako dahil in love na ko nung time na un.

Pero hindi ko naman masagot sia kanina kasi naman natatakot ako sa kahahantungan, hindi pa ko ready dahil hindi pa ko ganun kasigurado sa nararamdaman ko para sa kania. Oo mahal ko na nga sia, pero sigurado ba ako ng more than bestf un?

Hinatid nia nga pala ko dito sa bahay, pero saglit lang sia, hindi na sia pumasok o nagpakita kina papa, hindi nga nagsasalita ang epal eh. ::) feeling ko tuloi ang haba ng hair ko. :D



Well, to get serious ulit,



Hindi ko talaga alam ang dapat gawin.

Natatakot ako baka biglang hindi na nga sia magpakita sakin.

Hai nako po.

Ah, matawagan nga si Jess para sa advice.



Calling..
 Jesskenkay09


“Napano ka?” unang salita sakin ni Jess. Toh talaga.. ::)

“Di mo man lang ba tatanong ano nangyari?”

“O ano ngang nangyari? Tatawag na sana ako saktong tumawag ka na.”

“Mei alam ka ba sa nararamdaman ni Matt?”

“About?”

“Psh, alam mo na kaya un!”

“Mei Aishen at Jaja kasi eh. Haha.”

“Sakin.”

“So inamin nia na sayo?”

“Ah eh.. oo.” Nahihiya kong sagot. :-\

“Eh anong reaction mo?”

“Di ako makapaniwala eh..”

“Wait lang ha, hintayin moko after 30mins. Bye. “ saka nia binaba ang fon, psh, sira un ano kayang gagawin non?



30mins later:

Tok. Tok.

“Pasok.” Nakahiga lang ako sa kama ko at nag-iisip.

“Dito nako.”

Napaupo ako bigla at nakita si Jess sa harap ko, muting tohng babaeng toh hindi sinabing pupunta pala dito. ::)

“Oh ikwento mo na. mas maganda kasing personal eh, para kilig. :D

“Sira, thanks for coming. :)

 Na-appreciate ko naman talaga eh. :)

“What happened?”

“Aun nga, inamin niang ako mahal nia. Kaso Jess, nag hirap talaga paniwalaan eh, maski ako di ko alam ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko mahal ko din sia pero gulong gulo utak ko. :(

“So mahal mo din nga sia?”

“Oo.  :-\ Pero.. ewan ko talaga magulo eh!”

“Bakit magulo?”

“Kasi bestfriends kami! Look Jess, we’ve been together as bestfriends all our life. And the fact na alam nating lahat na gusto nia si Aishen ang mas nagpalabo, tapos biglang ako ang mahal nia? Wow men ang labo talaga!”

“Hindi nia ba inexplain?”

“Inexplain.. kaso naguguluhan parin ako. Tinanong nia ko kung mahal ko sia, hindi ako makasagot, tapos sabi niang lalayo nalang sia after niang kinonfess ung feelings nia.”

“We talked about it Ja, inamin niang mahal ka nia. Ung kay Aishen, tapos na. Wala na, tapos na. Ano pabang nagpapagulo? Eh wala ka namang nararamdaman for Ralph diba?”

“..”

“Jaja, takot kang aminin sa sarili mong pwedeng mahulog ang loob mo sa best friend mo. Na all along, sia talaga ang mahal mo pero you kept denying it. You should know when to face the reality.”

“Ang hirap naman ng babae, sana tomboy nalang ulit ako.” :(

“Hindi yun ang mahirap. Ang mahirap eh magmahal. Dahil dun mo mararanasan ang masaktan at mabigo.” Doon ako natahimik, oo tama naman si Jess eh, mahirap ang magmahal. Hindi ang magpakababae. “Sa inyo ni Matt, ung friendship ung risk sa inyo, you can’t deny na parehas kayong nahulog sa isa’t isa. Hindi mo alam, hindi nia alam, hindi natin alam. Malay mo, matagal nio ng mahal ang isa’t isa, nabulag lang kayo dahil sa friendship na iniingatan nio.”

“Paano kung umalis nga sia? Ginigive-up nia na ung friendship naming Jess, alam mo bang masakit sakin un? Parang naisip ko na sana hindi nalang kami nagkaganto para masaya parin kami.” Hindi ko na napansing mei luha na palang pumapatak sa mga mata ko. :(

Niyakap ako ni Jess, hindi ko na alam ung pwede ko pang sabihin. Basta ang alam ko naiintindihan ako ni Jess.









Mahal ko nga si Matt, pero hindi ako handang igive-up lahat ng pinagsamahan namin.











At mas lalong hindi ako handang mawala sia sakin ngayon pang alam ko ng mahal ko sia more than a friend…



Matt’s P.O.V.

Naamin ko na sa kania, nasabi ko ng mahal ko sia. Ang gaan sa pakiramdam ko, pero ang mabigat eh ang hindi nia sabihin kung anong nararamdaman nia para sakin. Hindi naman ganon kahirap sabihin ang oo o hindi db? Bakit hindi nia ko masagot?











Hindi nia ba ko mahal?














Lalayo nalang ba ko ?













Ang hirap ng ganto, ngayon parang sirang sira na kami. Nalagyan na ng lamat ang friendship na iningatan namin dahil sa pagmamahal.













Ganto pala ang magmahal.



Masakit kapag hindi ka kayang mahalin pabalik.




Masakit kapag hindi mapasayo ang taong mahal mo.













Kung si Aishen siguro ang taong mahal ko, siguro masaya nako dahil alam kong mahal nia din ako. Pero kung kelan naman alam ko ng mahal ako ni Aishen, saka naman dumating sa puntong hindi pala sia at si Jaja pala talaga ang nilalaman ng puso ko.



Ang hirap.

Sobrang hirap.


Siguro lahat ng nagmahal na ganto ang naranasan, hindi mapigilang hindi umiyak sa isang sulok sa sakit na dulot ng pagmamahal.



Lalayo na bako kay Jaja?


Hindi ko na alam ang gagawin ko, tama lang ba na sinabi ko sa kania ung nararamdaman ko?

O dapat bang itinago ko nalang hanggang sa hukay toh tulad sa ibang magbestfriends na takot mawala ang friendship nila?



Aishen’s P.O.V.

Kamusta na kaya si Matt?

Sila ni Jaja?








Naamin na kaya ni Matt sa sarili nia at kay Jaja ang totoo niang nararamdaman?





Am I going to be happy with this decision of letting him go and not being able to fight for him?




Nandito lang ako sa balcony, huminto kasi ung ulan ngayong gabi kaya nagpahangin ako dito. Wala lang, nakatingin lang ako sa langit, nag-iisip.

“Aish…”

Napatingin ako sa ibaba, nakita ko si Matt nakatayo sa gilid ng daan na nakatingin naman sakin. Nakajacket sia at cap, haiii ang gwapo mo parin. :)

Bumaba ako para puntahan sia.

“What are you doing here?” I asked him. “Tara pasok ka.”

“Pwede bang samahan moko?”  :-[

Nagtaka ako sa kania, halatang halata ung sadness sa hitsura’s boses nia.

“Mei problema ka ba?”

“…” hindi agad umimik si Matt.

“Sige na, tell me. Lam mo namang makikinig ako. :)

“Thanks.”

Nagsimula kaming maglakad, the next thing I knew, nasa Bhick park na kami. Kung saan nagpupunta ang mga couple.

“Senxa ka na kung naistorbo pa kita Aish huh.. gusto ko lang kasi ng makakausap ngayon.” Alam ko na bakit ako ang pinuntahan nia :( siguradong hindi sila ohk ni Jaja, second choice ako.

“Ano ka ba, ayos lang. Magkaibigan tayo diba?” I gave him a warm smile.





Sana nga ganto nalang, kahit 2nd choice lang ako Matt tatanggapin ko para sayo.





“Salamat talaga.” Nagsmile din sia sakin pero matipid lang. Umupo kami dito sa mei bench na mejo natuyo na ung surface.

“Si Jaja ba?”

“Oo..” agad niang sinagot sakin. Nakayuko lang sia, makes me feel sad. :( “Alam mo ba dati hindi ko naman nararamdaman toh eh, ni-hindi ko nga akalaing mapapamahal ako sa sarili kong bestfriend.” Habang nagsasalita sia tunkol kay Jaja, parang nadudurog naman ang puso ko sa sakit. Bakit ba hindi ko nalang agad pinigilan ang nararamdaman ko para kay Matt, sanang masaya pakong nag-aadvise sa kania ngayon. :(

“Ganian naman talaga Matt eh, hindi mo namamalayang nahuhulog na ung loob mo sa isang taong hindi mo naman ineexpect na mahalin.”

“Alam mo bang inamin ko na sa kania?”

</3 ouch.

“O anong sabi nia?”

“Hindi parin sia naniniwala. Palagi niang sinasabi na imposible kasi ikaw ang mahal ko.”

Bakit nga ba hindi nalang ganun Matt?

“Ayaw nia ko paniwalaan, pakiramdam ko sirang-sira na talaga friendship namin at di na mababalik yun :(tuloi tuloi niang sabi sakin. “Tinanong ko sia kung mahal nia din ako.. pero hindi sia sumagot. Siguro nga hindi nia ko mahal more than her best friend.”

“Matt bakit hindi mo sia bigyan ng panahon para makapag-isip? Wag mo kasi siang madaliin, it’s hard for a girl to choose between friendship and love. It’s a matter of deciding for the real thing and not for just a dream.

Hindi nagsalita si Matt, pero isa lang ang alam ko, gusto nia ng umiyak. At nasasaktan din ako sa nakikita ko.  :-[

“Matt..” hinawakan ko ung head nia at ipinatong sa shoulder ko. “You can cry here..”









Narinig ko siang nagpipigil umiyak, pero hindi rin nia natagalan.











He cried beside me.














As I silently cried with him…



sana po ay nagustuhan nio ang pagkahaba habang update ko. :D

although nakakadisappoint na hindi parin maging sila. ::)

thanks for all the supporters and readers!

and friends! ;)

i love y'all! :) thank you!

o mga DAGA: updated na ulit. :)
« Last Edit: August 11, 2008, 10:29:32 am by miEmiKsmiNx_003 »

 

Advertisement