CHAP18—BATI NA TAYO!!Matt’s P.O.V.“…Kay Jaja ka bumawi hindi sakin Matt…”Hindi ko alam kung susundan ko ba si Jaja o si Aishen muna ang uunahin ko, ang hirap naman ng ganto. Para akong ipit, pero sa loob loob ko parang gusto ko talagang habulin si Jaja, pero pano si Aishen?

Tinignan ko si Aish, nakita kong nakangiti sia sakin. I kissed her hand,
“Thanks Aish.” then stood up to go after Jaja.
Tss, asan na ba un?
San na ba sia nagpunta?
***RINGGGGGG***Nagbell na, tsk, wala na, cutting na first subject palang. Bahala na, basta makausap ko lang si Jaja, isang subject lang naman eh. Pero, kasya ba ang 1subject para mapag-usapan naming ang lahat ng nangyari?
“Jaja!”Ayun! Nakita ko din siang naglalakad sa oval, hindi sia lumingon at mas binilisan nia ang lakad nia.
“Late na tayo sa klase! Huminto ka nga!”Di parin sia tumitigil sa paglalakad, tuloi tuloi parin kaming naglalakad sa gitna ng oval. Kami lang ang nasa oval, goodness ang laki laki ng oval kami lang ang nandito, oras na kasi ng klase.
“Jaja!!! Di mo ba ako naririnig?! Sabi ng tumigil ka eh!” 
naiinis nako, tumakbo nako papunta sa kania saka hinawakan ang kamay nia.
“Don’t you understand tagalog?! O STOP nalang!” 
Tinignan nia lang ako ng masama habang hawak ko ung kamay nia, ano kayang gagawin nito? Pakiramdam ko meron---
*PAKK!!!*“Aray naman!!! Ang sakit mong mambatok!” pero naisip ko kulang pa un.
“O sige batukan mo nako hanggat gusto mo payag nako basta kausapin mo lang ako Ja, sige na batok! Saktan mo nako sige! Sampalin moko, sipain moko, umbagan moko, sige kung anong gusto mong maging violent gawin mo na para malabas lahat ng galit mo sakin!”Bumitaw sia sa hawak ko saka sia tumalikod at naglakad ulit palayo sakin.
“Tignan mo toh! Hoi Maria Janina wag ka ngang ganian!”Huminto sia, (sabi ko na nga ba eh, pag tinwag buong pangalan nia napapatigil sia eh

) humabol ulit ako sa kania.
“Ano?”“Ano?”“At last nagsalita ka din!”“Hindi ako pipi.”Pilosopa.“Bingi ka lang!”“Ayaw kita kausapin.”“E anong ginagawa mo ngayon?” Sige magpilosopuhan tayo ngayon.“I hate you.”Dun ako napatigil, di ko alam kung anong isasagot ko, kasi alam kong un naman talaga ang nararamdaman nia.
“Jaja….” 
“Ano? Pangalan ko lang ba kaya mong sambitin ngayon?”
Natotorete nako, ano nga bang sasabihin ko na hindi nia ko tatalikuran?
“I’m sorry.”
“Alam mo ba kung anong pinag-sosorry mo?”"..."“Kita mo, hindi mo alam! Palibhasa kasi puro pangalan na ng Aishen yang nanjan (tinuro nia ang dibdib ko)
at jan sa kokote mo!” Saka sia tumalikod ulit, ano ba toh walk outan nalang lagi?
“Nagseselos ka ba kay Aishen?”
Jaja’s P.O.V.“Nagseselos ka ba kay Aishen?”Huwaattt? Napahinto ako ulit saka hinarap ko sia, this time ako ang lumapit sa kinatatayuan nia.
“Pakiulit nga sinabi mo?”“Nagseselos ka ba kay Aishen?”Inulit nga! Ikaw na epal ka!
“Napakakapal naman ng mukha mong sabihin yan! Anong pakelam ko sa Aishen mo huh?!”“Eh bakit magmula ng dumating si Aishen eh nagsimula ka ng magkaganian?”“Sigurado ka?!”“OO!”*PAKK!!!*Binatukan ko ulit sia, epal kang Matteo ka!
“Aray! Umamin ka na kasi nagseselos ka kay Aishen!”“Rhen Matteo De Llaster IKAW NA NGA ANG NAKIKIPAG-USAP IKAW PA ANG NAMBIBINTANG NG KUNG ANU-ANO!!!”
“Eh ano ba kasing problema mo?! Bakit ba kasi bigla tayong nagkaganto?”“Hindi mo tanungin yang sarili mo!”Nagsisigawan kami dito sa napakalaking oval, wala namng tao kami lang kaya ayos lang, pero mukang uulan eh.
Naku mabalik sa eksena,
naiinis na talaga ako sa taong toh onti nalang sasabog nako!“Tanungin?” bigla niang pinakia ung kamay niang parang sia ung kinakausap, alam mo un, ung parang sarili nia lang kausap nia using his hand.
“O Matt tanungin mo daw sarili mo bakit kayo nagkakaganto, anong sagot? Diba nagseselos sia?!”“ALAM MO BAKET?! OO NAGSESELOS AKO SA KANIA PANU BA NAMAN MULA NG DUMATING SIA SA BUHAY MO PARANG NABALEWALA NAKO! HELLO! NAUNA AKO SA KANIA, B-E-S-T-F-R-I-E-N-D-S TAYO DIBA?! EH MAGMULA NG SUMULPOT YANG AISHEN NA YAN NAOOFFEND MO NAKO SA MGA SINASABI MO!” tuloy tuloy parin akong sumisigaw, talsik laway na nga ako sa kania pero di parin sia umiilag.
“TAPOS YANG BWISIT NA DEAL NA YAN! ALAM MO UN, HINDI MO NA-APPRECIATE UN! NAKIPAGDEAL AKO KAHIT NA MAHIRAP GAWIN UN TO GIVE YOU COURAGE PERO ANO, PINAHIYA MO LANG AKO NG SINABI MONG HINDI KA NA AASANG MAGIGING BABAE PAKO!”“Ja—““ANO PA? NUNG NAGTAMPO NAKO SAYO, PARANG WALA LANG SAYO, NAKADIKIT KA LANG SA AISHEN MO! TAPOS UNG SA KFC, PINAMUKA MO PA SAKING AKO MEH KASALANAN SA LAHAT!” 
At aba namang---
“I’m SORRYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!” sumigaw siang pagkalakas lakas saka lumuhod sa lupa at winiden ung mga braso nia, like this..---“---
Basta ganian ung braso ehe, ung (---) ganian, yan ung braso.
“Alam mo Matt nakakainis ka eh!”“Hindi ko naman sinasadyang magkaganto tayo Ja, sorry na please??”At nakita ko naman sa mga mata nia ung sincerity nia sa pagsosorry eh… tignan mo’t naka-nursing uniform pero lumuhod parin kahit madumihan.
“Sorry na please? Di ko sinasadyang masaktan kita sa mga ginagawa ko, gusto ko lang namang mapatunayan sayong di nako torpe eh! Nakita mo nga, nalalapitan ko na ung taong gusto ko.”
“Pero ang balewalain ang best friend mo kasali pa ba un sa pagmamalaki mo huh?!”“…”“Tumayo ka jan para kang tanga. Andumi na ng uniform mo epal ka! Uulan na nian!”“Patawarin mo muna ko please?”Saka bumuhos ang malakas na ulan, ang epal hindi parin tumatayo, naku naman Matteo! Basa na din ako sayo alangan namang iwan kita dito!
“I’m really sorry….”Hai ano pa ba magagawa ko??
“Tsk, oo na! TUMAYO KA NA SABI EH!!”Tumayo sia kagad sabay niyakap ako ng mahigpit sa gitna ng oval at sa gitna ng malakas na ulan.
Magbest friends lang kami sa lagay na yan huh??

Pero seryoso,
I hugged him back… so tight like I never hugged anyone else.
uhm pasensya napo kung nagbuhos ng galit jan si Jaja, ehe..
thank you po sa readers!!! --mikx