Hello, guest!

Not yet a member? Register here

TeenTalk

  • July 11, 2009, 09:55:19 pm *
  • Welcome, Guest
Please login or register.

Login with username, password and session length
Advanced search  

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!

« previous next »
Pages: [1] 2 3 ... 55 Go Down Print
Author Topic: --Break the ICE and LET the LOVE begin--CHAP35^THE END^GOODBYE**  (Read 39719 times)
miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« on: June 24, 2008, 12:18:23 am »

I am not so good in writing but i do hope na ma-appreciate nio ang story na ginawa ko.. :) i'll be editing this sooner or later, first, i wanna know if mei magssupport o magkakagusto sa story na toh para i-continue ko pa..  :)

thank you..  ;)

UNDER CONSTRUCTION  ::)


--Break the ICE and LET the LOVE begin--

Characters

~~Jaja~~

~~Matt~~


~~Aishen~~


~~Jessica~~


~~Ralph~~

********************************************************************

Chapters:

[1][2][3][4][5][6]
[7][8][8i][9][9i][10]
[10i][11][12][13][14][15]
[16][17][18][19][20][21]
[22][22i][23][24][25i][25ii]
[25iii][26][27][28][29]

"I wish I was strong enough to not let you break me like this." ---Jaja

"Sometimes your nearness takes my breath away; and all the things I want to say can find no voice. Then, in silence, I can only hope my eyes will speak my heart." ---Matt

"It's so easy, To think about Love, To Talk about Love, To wish for Love, But it's not always easy, To recognize Love, Even when we hold it.... In our hands."---Aishen

"Never give up if you still wanna try, never wipe you tears if you still wanna cry, never settle for the answer if you still wanna know, never say you don't like him if you can't let him go........."---Jessica

"Before I sleep and after I wake up and all the hours in between ... you occupy my mind. So, practically every moment of the day you are in my thoughts. I am so into you." ---ralph



CHAP1

Matt’s P.O.V.

   Saturday. Nandito kami ni Jaja sa Bhick Park, nagtatago sa likod ng Acacia…

“I’m a bit nervous…”

Hindi ko alam kung ano nga namang mangyayari dito… basta ang alam ko hinila lang ako ni Jaja.

“Huh?! You’re nervous?  :o Heck bro, she’s just a chick. You’re not gonna marry her or even ask her to be your girl… Makikipagkilala ka lang.”

“First time ko lang gagawin toh, pare.  :-\ And it’s never normal for me to do this!”

“Remember this Matt,  we’re doing this for your own sake.  8) Matuto ka dapat gumawa ng first move! Pakikipagkilala lang napaghahalataan ka ng torpe. And besides, YOU’RE doing them a BIG FAVOR. Sa looks mong yan, sinong babae ang makakaresist sayo? Maski nga bakla hinahabol ka eh! If I were a girl, I would be your stalker!!!  ;D

Sabay akbay ni Jaja sakin. Babae naman si Jaja eh, ayaw lang magpakababae, mas gusto nia na daw ang maging tomboy kesa masaktan lang ng lalake.  Eto at nakasuot sia ng mas malaki pang t-shirt kesa sakin, nakacap at naka-loose pants. Eh mas marunong pa sakin mambabae nito eh!

“Sira ka talaga. Pero kung magpapakababae ka..? hindi parin  kita papatulan bro, kahit tayong 2 nalang ang tao sa mundong toh.”   8)

Saka sia dali daling nambatok. Masakit un huh!

“Aray ko naman! Minsan naman dahan dahanin mo pambabatok mo para di naman kumakalog ulo ko!”

“Bagay mo! Kahit naman anong batok ko sayo matalino ka pa rin. And swerte mo nga, you have all the looks and brain. Ubod nga lang ng torpe na kahit anong batok ang gawin ko hindi matatanggal sayo yang katorpehan mo!”

Nakalimutan na naming nasa likod kami ng Acacia, tinitignan kami ng mga tao. Kung mei ibang pangalan tohng park na toh, tatawagin ko tohng COUPLE’S PARK. Halos couples lang kasi ang pumupunta dito, romantic kasi ang dating. Sa kabila naman ung park para sa mga bata, playground pa.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng kaibigan kong toh at nasipan niang “i-train” ako ng ganito. Well, parang ipapahamak ako ng training na nalalaman ng mokong na toh. Pero alam kong gusto nia lang akong tulungang maget-over ang pagiging torpe ko kaya andito kami sa Bhick park ng buong araw.. siguro dadaan pa ang ilang araw na ganto.. tsk tsk.. kawawa ako nito.

I might look like a weirdo but I admit na kahit torpe ako, ayoko pa rin  ng  girls who do the first move. I hate it, it sucks.. total turn-off sakin un.

Bakit ba naman kasi ako inabutan ng labing walong taon na torpe eh! Edi sana ngayon meron nakong experience sa mga babae, edi sana hindi nako naloko noon, edi sana hindi nako pinagpipintasang torpe sa barkada.. hai tama na nga ang mga EDI SANA!

Snap back to reality! Nandito ako sa tapat ng girl na inutos ni Jaja na lapitan ko. Sabi nia kelangan kong mag-introduce, un lang naman.. first step pa lang naman daw ang gagawin ko. Err.. she’s pretty, she’s sitting in the bench with a very cute shihtzu..

 Waaahh, tama ba tong ginagawa ko..?

 Bahala na nga si batman, anak ka ng bwitre Matt bakit naman kasi ang torpe mo!

“Hi..uhm..pwede ba makiupo..?” pinagpapawisan ako mykolokoy..

Lumingon muna sia sa paligid bago sumagot.

“Sure.”

“So.. uhhmm.. I’m Matt..”

Naupo na ko, grabe gusto ko yatang mag-back out…

“Raine,  :) sabay nginitian ako at nakipagshake hands. “..and this is Minnie.” (dog)

“A really cute dog you have, Raine..  :)

“Yeah—I love her so much. Pet namin ng boyfriend ko..”  ::)

I felt like my eyes became bigger.  :o :o :o WARNING! Anak naman ng unggoy ka Jaja pahamak!

“ahh..?? (cough)(cough) “I-I think I gotta go Raine..” palingon lungon kong sabi, baka mamaya nasa tabi ko na pala at upakan pa ko.. Hindi sa hindi ako marunong lumaban, ayoko lang talaga ng nakikipag-away. Hindi ako war freak noh, sayang din mukha ko kung masusuntok.  :D

“Is there something wrong?” she asked curiously.

“N-no, nothing.” Naku naman ninenerbyos ako dito..

“I think you’re scared..”

At sinabi nia un with a smirk on her face. Yeah she’s pretty and she looks a lot sophisticated but the problem is—she’s got a guy. And there’s no way im gonna do my 2nd step. Err—ano nga ba 2nd step..?? I’ll ask Jaja later, hehe… sia kasi ang mei alam.

“Hindi ah. Err—nakita ko na kasi ung utol ko, yun na pala sia eh. “ saka ko tinuro si Jaja sa kabilang bench.

“ah ganun ba. Sayang naman, I want to get to know you better pa naman. You’re so charming.  ::)" and she just said that with quite a seducing voice.

Strike 1.

Girls who tells me I’m charming using an unusual voice like being seductive. I don’t like that.

“Sorry, I really have to go. Mei lakad pa kasi kami ng utol ko.” Tumayo nako sa bench saka naglakad ng unti-unti  papalayo. Please, don’t call me back.

“Matt, wait.”

Oh no. I know what will be the next thing she’ll say—

“Yes..?”

“Can I get your number? My boyfriend wouldn’t mind that for sure…”

Strike 2 with 3points turn-off.

I don’t like girls asking for my number. And cheating with their boyfriends.



uhm... should i still continue pa po ba..? i need some opinions.. thank you..  :)
« Last Edit: October 20, 2008, 04:52:51 pm by miEmiKsmiNx_003 » Logged

miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« Reply #1 on: June 24, 2008, 12:38:45 am »

CHAP2 – Kulitan + DEAL

Jaja’s P.O.V.

Sunday.

Sama sama nanaman kami dito sa bahay, ako nanaman ang pagdidiskitahan nila, nakakawalang gana dito twing kumpleto ang pamilya (hindi pala kumpleto, wala si Mommy nasa ibang pamilya na, si Papa lang at ang 3 kong brothers). Instead kasi na masaya eh ako ang lagi nilang pinapansin, kesyo dapat daw magpakababae na ako. DUHHHHH.. NEVER.  >:(

“Anak ano ba talaga gusto mong mangyari? Bakit ba hindi ka pa magpakababae? Nag-iisa kang babae sa pamilya bakit ba hindi ka maging ganap na babae?” desperadong tanong ni papa, araw araw nalang para siang humihiling sa bulalakaw na maging babae nako.  ::)

Naku naku naku papa, kahit magnobena ka pa buong taon hindi ako magiging babae. Lalake ako. DONE.

“Papa naman eh, kahit anong gawin nio hindi na ako aastang babae, tomboy nako forever. I will forever be a BOY. Accept me naman for who I am. Nakakasawa na ung araw araw nating pinaguusapan toh eh.”

“Eh bakit ba naman kasi nagpupumilit kang magpakatomboy huh Janina? ??? BABAE ka, hindi LALAKE.  8) Sabat ng kuya ko, lahat sila gusto akong maging babae, aba, lumaki ba naman akong panay lalake ang nakikita ko simula’t pagmulat at pagpikit ko ng mata  :o eh magiging babae pa ba ko non? Pati best friend ko lalake, at si Matt un. Haiii ang kulit talaga nila…. >:(

“Janina, you have to act like a lady. How many times do I have to tell you that?”

“Kuya, Papa, ayokong ayoko ng tinatawag akong Janina, iwww.. hindi ko bagay, Jaja nalang. Ohk na un. LALAKE ako, hindi BABAE. Tapos ang usapan. Hinding hindi ako magiging babae.”

Matigas kong sagot sa kanila, aba naiirita nako, lagi nalang nila pinagduduldulan un.

“You know what JAJA?? You’ll soon realize that you are a lady..” ::)

“Kulit mo kuya Drin!” saka ako tumayo ng kinauupuan ko.. >:(

“…maiinlove ka rin Janina .. sa isang lalake..” :P

Dun nako nagwalk-out at umakyat sa kwarto para magbihis ng paborito kong loose pants, t-shirt ni Eminem at Von Dutch na cap. Saka ako lumabas ng bahay, nako ang lakas pa naman ng ulan, tsk. Sino pa bang pwede kong puntahan, wala ng iba kundi si Matt… si Matt, si Matt, si Matt, nakakasawa man ang pagmumukha ng epal na un eh sia lang naman ang nag-iisa kong best friend sa buong kalawakan. Hala, nagmartsa nako papunta sa kanila.

“You know what JAJA?? You’ll soon realize that you are a lady..”

“…maiinlove ka rin Janina..  sa isang lalake..”



Mainlove..? Sa lalake?? NO WAY. NO NO NO NO WAY!

Matt’s P.O.V.

Sunday.

And what a rainy day.. plus boring. Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay, my parents are on a business trip, mga sibs ko nasa lola ko twing Sunday, matanda nako kaya hindi nako sumasama dun.. haha.

Nagawa ko na ang mga homeworks ko sa History at Trigo, nakakainis, ano bang kelangang malaman ng mga nurses sa History at nilagyan pa kami ng subject na ganun..? Hindi naman namin ikkwento sa mga magiging pasyente namin ang History ng Pilipinas. Sumasakit lang ulo ko dun, prof kasi namin ang labong kausap. Oo nga pala, Nursing student ako, 1st year 2nd sem, nagrereklamo kaming lahat sa History pano ang sakit lang sa ulo.

DING DONG.

Aba, ang lakas ng ulan mei binaha ata dito. ???

Pagbukas ko ng pinto, ang pagmumukha ni Jaja ang nakita ko.

“  ???Anong bagyo ang tumama sa bahay niyo at napadpad ka dito?”

“Eh ganian talaga eh, alam kong mag-isa ka lang dito,” nakangisi niang sabi. “ Si erpats kasi saka sina kuya pinagkakaisahan ako sa bahay, bakit hindi daw ako magpakababae, anak ng pating, araw araw nalang un ang usapan namin ng tatay ko, nakakasawa.”

Agad siang umupo sa couch sa sala at binuksan ang tv, palibhasa magkababata kami kaya comfy na comfy na sa bahay naming, madalas pa nga kami matulog at maligo magkasama eh… un ay nung bata pa kami, hindi na ngayon.  ;D :D  Mula naman kasi pagkabata eh tomboy na sia.

“Hindi ka ba naman kasi isa’t kalahating tigas ng bungo at ayaw mong magpakababae! Ang ganda ganda mo tapos hindi ka man lang matutong kumilos ng ganap na babae. Hoy Maria Janina pangalan mo, babaeng babae o! Hindi bagay sa porma mong yan… tignan mo nga sarili mo, mukha kang barker sa terminal ng jeep!  ;D ;D ;D pantutukso kong sinabi sa kania, hinagisan nia ko ng unan mabuti’t agad ko nasalo kundi tumama na sa muka ko.

“Nagsalita ang walang problema! Eh ikaw nga pagkagwapo gwapo mo torpe ka naman! Kaya napatuturingan kang bakla eh! Sanang ikaw nalang ako, at ako ikaw! Edi mas masaya! Bwahahaha!”

Naku kapal talaga ng mukha ng tomboy na toh, kahit kelan hindi ako naging bakla!


“Heh! Masaya nako sa hitsura ko noh, kung ikaw lang makakapalitan ko ng mukha hindi nalang! Ok pa ko kay brad pitt! Hindi ako bakla tomboy ka! “
  sabay hagis ng unan pabalik sa kania, sapul sa mukha.. wahaha!!  ;D

“Anak ka ng bwitre Matt! Masakit un ah! BAKLA! TORPE!  :P

“TOMBOY! BARKER JAN SA KANTO!”

“HINAHABOL NG BABAE TUMATAKBO NAMAN! TORPE! AHH MALI, BAKLA!

“HINAHABOL KA NG PULIS SAKA MGA ADIK JAN SA KANTO!!! MUKA KA DAW TINDERA NG DRUGS KUNG MAGDAMIT! BARKER!”

At eto na ho kami, naghahagisan na ng throw pillows, pag nakabasag na naman kami lagot nanaman kami.

“Ang kapal ng mukha mong torpe ka! Kaya ka naloko ni Hannah eh! ---“

Saka kami napatigil bigla, ayaw na ayaw ko kasing naririnig pa ang pangalan ni Hannah, ang nag-iisang babaeng nagging sobrang special sakin pero iniwan lang ako.

“—oopppssss, sorry.. “ ngumising nakakaloko ang babaeng toh, kung lalake lang talaga toh naku nakipagwrestling nako dito.

“Below the belt na un Maria Janina huh!”

“Epal ka sinabi ng ayokong tinatawag ako sa ganung pangalan eh!”

Bumalik ang pagtutuksuhan naming at naghagisan ulit ng throw pillows, kahit kelan ang taas ng energy ng taong toh.

“HOY tama na! Pagod na ko anak ka ng tinapa!”

Sa wakas napagod din sia! Akala ko mauuna nakong sumuko eh, tsk.. panalo ako ngayon.

Score-an toh, 7-9 na kami.. nakakahabol nako.. sia ang 9, lamang sia.. score-an kung sino ang unang susuko sa isang bagay. Ako 7 palang, kasama na dun ang mapagod at sumuko o kaya pag nagkapikunan kami at kung sino ang unang mag-sosorry.

“Alright! 7-9 na… nakakahabol na ko, wahaha!”

“Weh bwisit ka, ubos na energy ko hindi mo pa ko pinapakain ng merienda!”

Nagsimula na kami mag-usap ng seryoso sa gitna ng merienda…

“Alam mo ung training na ginawa natin palpak naman eh..”

“Alam mo ganto gawin natin bro, bukas diba mei pasok na tayo? Lets have a deal, kapag bukas meron kang 3-5 girls na maiintroduce mo sarili mo at mahihingi mo number nila, magbibihis ako ng pambabae sa loob ng isang araw.”

Ayus tong deal na toh ah, kanino kayang good result ang lalabas..? Pero sa bagay, never ko pa nakita magdamit pambabae si Jaja, ung pang Nursing uniform lang pero hind naman fitted sa kania, halata paring tomboy.. tsk.. anu kaya, payag kaya ako..????

“hmmm.. pag-iisipan ko,” mahirap na, alam naman niang hirap ako mag-introduce ng sarili sa babae eh..

“Ano?: Pag-iisipan pa, asus! Bakla talaga toh!”

“Shut up.. o sige na sige na, gusto ko rin naming Makita kang babae kahit isang araw man lang noh, malay natin maihipan ka ng magandang hangin at maging babae ka na talaga… pero may kondisyon ako.”

“Tipaklong naman, anu naming kundisyones ang nalalaman mo??”

“If I win, magdadamit ka ng pambabae for 24hrs db..? At, magmmake up ka. Kasi alam kita, magdamit ka mang pambabae, aasta ka naming lalaki parin, so for 24hrs, you will act as a lady, not a forced gay.”

“Un lang pala eh! DEAL!  8)






Ano kayang mangyayari bukas, dedo ako nito, pano nga ba mag-introduce??? Lagot… :o



comments po please.. should i still continue this or it's common na po dito??
« Last Edit: July 05, 2008, 11:35:39 pm by miEmiKsmiNx_003 » Logged

istarrific
Guest
« Reply #2 on: June 24, 2008, 01:16:36 am »

ang galing! sige post ka pa. haha! 1st reader i think?
Logged
*Miel*
bubblegum
****

Karma: +33/-10
Posts: 505


I love it when you talk dirty

« Reply #3 on: June 24, 2008, 02:06:33 am »

excited na ako
hehe
sige sis patuloy mo lang
go sis!
Logged

This is my story & this is my sanctuary.
miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« Reply #4 on: June 24, 2008, 02:45:08 am »

ang galing! sige post ka pa. haha! 1st reader i think?

thanx for reading...!!  ;) i really appreciate it.. :)  :-*

excited na ako
hehe
sige sis patuloy mo lang
go sis!


i'll be updating tom na, err.. later pala.. i wanna sleep na kasi eh.. ehe, binasa ko lang ung 1st daughter story dito sa CC, nagandahan ako sobra .. ehe..

thank you for reading,  :-* i'll update tom.. :)
Logged

love_boo62
jellybean
**

Karma: +22/-3
Posts: 257


« Reply #5 on: June 24, 2008, 04:57:00 am »

waa... hahhaa.. kelan po update?? continue mho po.. wahahah.. ang danda niya?!! GO?!! GO?!! GO!?! ahihihi..

sana manalo si matt sa deal nila ni jaja.. bwahahaha..  ;D :D :)
pka-gurlaloosh qa na jaja?!!  ;D :D 8)

tcgbu?!!
Logged
yohonae
Guest
« Reply #6 on: June 24, 2008, 05:18:28 am »

this is a nice story  :D natutuwa ako  ;D

please update na hahahahaha  :D
Logged
meena23
taffy
***

Karma: +28/-2
Posts: 495

LIFE love ME you HIM her

« Reply #7 on: June 24, 2008, 05:35:10 am »

i love Brad pitt

kaya next na
Logged

MYSPACE/FRIENDSTER::: just PM me/lolz
a sad *love* story [the end]
if nothing last forever...
would you be my nothing?
miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« Reply #8 on: June 24, 2008, 10:42:04 am »

waa... hahhaa.. kelan po update?? continue mho po.. wahahah.. ang danda niya?!! GO?!! GO?!! GO!?! ahihihi..

sana manalo si matt sa deal nila ni jaja.. bwahahaha..  ;D :D :)
pka-gurlaloosh qa na jaja?!!  ;D :D 8)

tcgbu?!!


thank you .. :) so much! im really thinking kasi if i should still continue it ..  ;)

this is a nice story  :D natutuwa ako  ;D

please update na hahahahaha  :D

salamat sa pagread huh, i appreciate it..  ;) mejo kumakapa kapa pako sa writing ko kasi antagal ko na ring hindi nagsusulat ng stories..

i love Brad pitt

kaya next na

hehe.. i love him too, kung pwede nga lang na sia nalang ang character ko dito eh, hehe..

salamat..  :)

i'll put Chap3 later after school. .
salamat po sa mga nagbabasa kahit pano.. :)  :D  ;D  ;)  :-*
Logged

iloveyounot
taffy
***

Karma: +46/-3
Posts: 453

When you can live forever... what do you live for?

« Reply #9 on: June 24, 2008, 10:57:58 am »

naku sis si Brad pitt na lang :D lagay mo pix niya as matt :)

just kidding

new reader here
« Last Edit: June 24, 2008, 01:20:33 pm by iloveyounot » Logged

I LOVE Big Bang SG wannabe DBSK
istarrific
Guest
« Reply #10 on: June 24, 2008, 01:09:35 pm »

thanx for reading...!!  ;) i really appreciate it.. :)  :-*

no problem sis. so kelan uppies?  ;)
Logged
angeleyez89
Guest
« Reply #11 on: June 24, 2008, 02:08:37 pm »

Nice...Ang ganda..^^
 ;D
Logged
miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« Reply #12 on: June 24, 2008, 07:59:23 pm »

naku sis si Brad pitt na lang :D lagay mo pix niya as matt :)

just kidding

new reader here

hehe, im thinking of a hotter guy for Matt,  ;D
anyways, salamt ng madami sa pagbabasa..  :-* :)

no problem sis. so kelan uppies?  ;)

ito po ang chap3, pasensya na kung mejo boring huh, im thinking of something better for the next one ehe..
thank you sa pagread.. :)

Nice...Ang ganda..^^
 ;D

salamat po.. :)



CHAP3--DEAL OR NO DEAL? ???

Jaja’s P.O.V.

Walangya ung kumag na yun, para lang matulungan ko sia pati sarili ko pinapahamak ko. Ano ba naman kasing naisip ko at nasabi ko yung deal na un… Para sa kania? Hai ano bang pinakain sakin ng epal na un ng araw na un at nasabi ko un huh? Huh? ???

Hmm… ??? naawa lang ako sa kania, 18 na aba hindi parin marunong manligaw ng babae, eh ako grade5 palang kami nagsisimula nako pumorma sa mga babae. ;D

Ang problema ko nito, napasubo ako sa lintik na deal na ako naman ang mei pakana, anak naman ng balasenas o, kung magagawa man ni Matt ang mag-introduce ng sarili nia sa oras na yon, ako :-[ ang magsusuot ng isang costume na pang-alien… ayyy siyyeeettt… :-\

.. Ako ang katawa tawa nito. ..



“Jaja!” San ung tumatawag na un..? Tingin tingin ako left and right, wala naman. “Hoy tatanga tangang tomboy tumingin ka dito sa taas!”

Ah alam ko na sino tohng epal na toh, pagtingin ko sa window sa room ng 2nd floor na GGS bldg nakita ko si Jessica, ang chick ko, ;D hindi pala, classmate pala namin ni Matt since first sem na nakaclose ko na.. nasabi ko nga bang mag-2nd week pa lang ang 2nd sem naming..? ???

“Anong problema mo babae sa bintana?!”

“Umakyat ka na dito, mei news ako sa bestfriend mo!”

“Kapal ng mukha mo ikaw mei kelangan sakin bakit di ikaw lumapit dito huh babae sa bintana?!”

“Umakyat ka na bilis! Ipapakita ko sayo ung navideo-han ko kanina about your beloved best friend! ;)

??? Ano daw..? Na-video-han?

“Kelan ka pa nagging stalker ni Matt huh?! Sabi ko na nga ba eh isa ka rin sa mga pasimpleng admirer ng epal na un eh!”

Aun kami at nag-uusap pa rin from 1st floor to 2nd floor, haha.. kahiya hiya man eh tinatamad kasi ako umakyat.

“Hai jusko noh?! Hindi ka ba talaga aakyat dito nakakahiya na tayo! Bilisan mo na!”

Tsk, oo na nga aakyat na ko, nakaka-curious din naman ang sinasabi nitong babaeng toh, pero natural ng mei nagvivideo sa taong un eh , dami ko na nawitness na patagong nagvivideo sa kania, kala naman artista hindi naman, nakaputing kumag lang..

Inabutan kong nagttxt si Jessica pagka-akyat ko at saka naman sia tumigil ng makita ako..

“Ano bang nang-yayari kei Matt?”

“Humihinga pa siguro sia?” ???

“Lul, ibig ko sabihin, anong ginagawa nia lately?”

“Bakit ba ano bang ginawa nia?”

"Ako po kasi ung nagtatanong noh!!!"

"Aba malay ko nakikita mo ba ko kasama sia? Hindi naman ako bumubuntot dun! Sia pa nga ang bumubuntot sakin eh! Day-off lang nia ngayon sa pagbuntot!"

"Well i think iba na ang binubuntutan nia ngayon..."

???

“Navideo-han ko sia…”

“O tapos? Un lang? Eh wala naman araw na walang nanvivideo dun o nagpipicture dun eh! Umamin ka, stalker ka na din nia eh!”

“Tange, baliktad na ata ang mundo..”

???

Huh?

“Napano nga sia?”

“Sia na ba ang bagong stalker ni Aishen?”

Aishen? Sino un?

Saka nia pinakita sakin ang video kung saan nakatago si Matt sa likod ng puno at nagsasalitang mag-isa.. ng dumaan ang isang babae na Nursing na .. parang pamilyar sakin.. eh agad niang sinundan ng patago.. Si Jessica naman sinundan din si Matt, nacurious din siguro..

Nagpunta ung girl sa CR, sinundan ni Matt at naghintay sa labas, paglabas ng girl, nagtago ulit sia… saka sinundan papuntang Library, ng di nagpapahalata.. pagkatapos ng girl sa Library ay nagpunta sia sa Canteen, at ang epal ay sumunod ng patago parin..

Anong meron?

??? Sinong Aishen? Anong stalker?













Yan ba ang strategy ng unggoy na un para mag-introduce..?

Eh kahit sino magffreak out sa ginagawa nia eh…!

At.. yan ba ang magiging tactic nia para manalo sa DEAL namin?



comments po please.. is it ok or not po..?  :-\

anyway, tahnk you for the readers po.. :)
Logged

luvin_violet
sugar drops
*

Karma: +1/-0
Posts: 40

« Reply #13 on: June 24, 2008, 08:31:58 pm »

shootness... hahah, exciting yung kasunod.... hahah...

btw, joyce here...
Logged
miEmiKsmiNx_003
cotton candy
*****

Karma: +183/-31
Posts: 2234


being with YOU makes my day perfect... :)

« Reply #14 on: June 24, 2008, 11:03:38 pm »

shootness... hahah, exciting yung kasunod.... hahah...

btw, joyce here...

thank you po.. ;)
i'll try to post it later.. thank you ulit..  :)
Logged

Pages: [1] 2 3 ... 55 Go Up Print 
« previous next »
 

Page created in 0.241 seconds with 20 queries.

Advertisement