Teentalk

Author Topic: Clique: Intelligentalkers [April Begins with Election of Officers]  (Read 133763 times)

Laurene_26

  • Guest
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #660 on: August 11, 2008, 05:03:34 pm »
Takdang Aralin
1. Bakit kailangang ipagdiwang pa ang Buwang ito kung mas komportable naman ang isang tao sa ibang wika o dayalekto?
Sa aking palagay, ang pagkakaroon ng sariling wika at ang pagdiwang pa rito ay naghihikayat sa mga Pilipino na pahalagahan ang ating kultura. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng pagkakaisa.

2. Ano ang maipagmamalaki mo sa pagiging isang Pilipino?
Pinagmamalaki ko ang pagma-magandang loob ng mga Pilipino (hospitality). Dito pumapasok ang mga kaisipang "bayanihan" at "pakikisama." Totoo nga na sa Pilipinas ka lang makakakita ng sobrang pag-aaruga`t "sympathy" para sa mga taong hindi naman kilala.

3. Ano naman ang ikinakahiya mo tungkol dito?
Kawalan ng disiplina at ang `di paggamit ng isip. :) Simple, hindi ba? Sa aking palagay, malaking tulong na ang hindi pagtapon ng basura at pagdura kung saan-saan (ilan lamang `yan sa mga puna ko sa masasamang kagawian ng ilan sa mga Pinoy).

Pagpasensyahan n`yo sana kung ang mga sagot ko ay medyo "piga sa utak."

***

HAZEL, MALIGAYANG KAARAWAN! :)

***

Kamusta naman ako? Ayos lang. Nagsasaya pa rin sapagkat tapos na ang midterms. :) Kayo, kamusta naman kayo?

__________
Ang kaning natira ngayon, isasangag bukas.  :P
« Last Edit: August 11, 2008, 05:06:36 pm by Laurene_26 »

princessprecious27

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 843
  • Karma: +20/-53
  • RASTAFAR-I I LOVE.
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #661 on: August 11, 2008, 05:35:40 pm »
Ate Liz:

Ako'y nalulungkot dahil sa kabila ng iyong mga paalala ay sumusuway pa rin ako..marapat po lamang na ako'y bigyan niyo ng isang 'boo' upang magsilbing kaparusahan sa kamaliang aking nagawa..lubos po akong nagpapaumanhin..
R O O T S
R O C K
R E G G A E

sassy_xao

  • Guest
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #662 on: August 11, 2008, 07:29:12 pm »
Ate Liz
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan.
Ate nung Biyernes kami nagdiwang hindi po nung Sabado.
Ayun napakasaya ko pero ngayon ay may tampuhan na kami.

me_l0veu

  • Guest
Re: hellow
« Reply #663 on: August 11, 2008, 08:46:46 pm »
NAME: Arrianne Dungca

SCHOOL: Riyadh International School

YEAR: Grade 10/ 4th year

FAVORITE SUBJECTS: Computer, Science, Math, History, and PE

WHAT DO PEOPLE SAY ABOUT YOU BEING INTELLIGENT?  I don't think I'm really that intelligent but one thing I know for sure, I'm striving hard to make it on the top. My relatives would always say that I belong in the rank/honor students, when they introduced me to other person that's their line and they would always tell me to take a lot of courses which I think is not practical. They're proud of me, I know. But, I don't need too much compliment from thdm, what if I fail? Lol. That's a shame.

FIRST TIDBITS TO SHARE: Standard pencils write on average 250,000 English words or a 56 km long line.



*Kumusta na kayong lahat? Malapit na rin ang Linggo ng Wika sa aming paaralan kaya naman ako ay masaya dahil hindi ako dumadalo sa anumang okasyon sa aming paaralan. Sa kabilang banda, malungkot din dahil hindi ko makikita ang taong gusto ko. Hahaha*

mykeline

  • jellybean
  • **
  • Posts: 234
  • Karma: +21/-9
  • life is good. :D
    • multiply
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #664 on: August 11, 2008, 09:10:41 pm »
Magandang gabi sa inyo!

Liz: Ahh sige po.

Rian: Sana mag-enjoy ka dito! :) (hehehe di ko alam anu ang Tagalog nun eh) Madaya ka, dapat Tagalog ang mga sagot sa tinatanong.  ;D

Kumusta na kaing lahat??

me_l0veu

  • Guest
Re: hellow
« Reply #665 on: August 12, 2008, 12:59:25 am »
mykeline-> lol. Yun nga ang problema ko nung minsan pa. Hindi ko mailagay ang mga impormasyon tungkol saken dahil hindi ko alam ang tagalog ng mga ibang salita pero sabi ni ate Liz pwede na rin daw. Ganun? Tagalog ba ng mag-enjoy sumaya? Ano pangalan mo mykeline? Ano ang maaari kong itawag sa iyo?

Ingat kayong lahat at magandang umaga.

l_i_z

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3818
  • Karma: +227/-626
  • Your insecurity is my VICTORY! :)
    • Earning Online: Updated
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #666 on: August 12, 2008, 09:35:42 am »
Cash,
Ilalagay ko ang sagot mo sa isang sinulid pa para sa botohan. Nakita mo na ba yun?
Di ko sigurado kung eto

Precious,
Salamat naman. Nang bigla kang nawala, akala ko nagtampo ka na. Hahaha.
Ini-log ko sa BOO LOG2 ang ginawa ko para masabing legal at may katibayan. Pasensya na at di ko nakuha ang URL para sa link.

Kumusta ka naman ngayon?
Hayaan mo, sa Setyembre, mas malaya na tayo. Hahaha.

Alyssa,
(Naku, tama ba pagbaybay ko ng ngalan mo)
Nung Byernes ba? Mabuti naman at masaya ka. Bakit naman kayo ngakatampuhan?
Kami naman nagkita kahapon kasi di muna ulit sa buong linggo kasi uuwi akong Batangas sa Sabado hanggang Linggo.

Rian,
Sa wakay, andyan na ang "form" mo. Opisyal na opisyal na pagkamyembro mo.
Magpapakasaya tayo dito. ^_^
Maari mong makita dito and ibang sagot ng Intelligentalkers.

Mimi,
Ayos naman. Kaing lahat? Maling pindot ng keyboard? Kayong lahat di ba? Hahaha. La lang. ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa talino...kung minsan ay sadyang mapait ang kapalaran mo...
I am the master of my fate, the captain of my soul..
Intelligentalkers@Candy

Earn now!!! (With Payment Proof...)

PurpleGel

  • Guest
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #667 on: August 12, 2008, 01:45:17 pm »
Ate Liz, eto na po ang aking application form.

Name: Angelica Sison
School/University: University of Perpetual Help System Laguna
Year/Course: 1st year irregular (2nd year next sem). Bachelor of Science in Nursing.
Favorite Subject: English and Physics.
What do people say about you being intelligent?: A lot of people say I'm smart and yes, I know that.  They get amazed of different trivias that I know. They say I'm good at English and dubbed me "Englishera ng bayan." But people also say I'm super lazy. Well, just call me the Lazy Genius. ;D
First TIDBIT to share: It is absolutely impossible to lick your elbow. Go ahead and try it. :)

l_i_z

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3818
  • Karma: +227/-626
  • Your insecurity is my VICTORY! :)
    • Earning Online: Updated
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #668 on: August 12, 2008, 01:59:44 pm »
Gellie.
Binago ko na ang pahina uno. Makikita mo na ang "form" na yan dun. Hahaha.
Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.
I am the master of my fate, the captain of my soul..
Intelligentalkers@Candy

Earn now!!! (With Payment Proof...)

PurpleGel

  • Guest
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #669 on: August 12, 2008, 02:07:37 pm »
Ate Liz:

Salamat ate, ako'y lubos na natutuwa.
Ako'y nasa mabuting kalagayan naman.
Sana ang ating ibang miyembro ay ganun din.

Kakatapos pa lamang ibigay ang aming grado sa prelim.
Ako'y puno ng galak sapagkat ako'y nakakuha ng mga matataas na grado. :)

Kamusta aking mga kaibigan?

princessprecious27

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 843
  • Karma: +20/-53
  • RASTAFAR-I I LOVE.
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #670 on: August 12, 2008, 04:27:41 pm »
Ate Liz:

"..jeje, ayos lang yun ate..hindi naman ako nagtampo, marami lang kasi akong mga ginawa sa mga nakaraang araw..

"..nag rereview po ako ngayon para sa darating na periodic exams..

"..jeje, yun na nga sana Setyembre na..jeje
R O O T S
R O C K
R E G G A E

me_l0veu

  • Guest
Re: hellow
« Reply #671 on: August 12, 2008, 06:13:28 pm »
Magandang tanghali aking mga ka-miyembro! Tapos na ang aming markahan at ngayon ay kasama ko na ang aking mga kaibigan..

Ate Liz- ako'y nagagalak na opisyal na akong miyembro. Hihi. Si mykeline pa lang ang nakikilala ko pero nais ko pang kilalanin ang iba. Sana'y magkaroon ako ng mahabang panahon.

mykeline

  • jellybean
  • **
  • Posts: 234
  • Karma: +21/-9
  • life is good. :D
    • multiply
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #672 on: August 12, 2008, 07:30:52 pm »
mykeline-> lol. Yun nga ang problema ko nung minsan pa. Hindi ko mailagay ang mga impormasyon tungkol saken dahil hindi ko alam ang tagalog ng mga ibang salita pero sabi ni ate Liz pwede na rin daw. Ganun? Tagalog ba ng mag-enjoy sumaya? Ano pangalan mo mykeline? Ano ang maaari kong itawag sa iyo?

Ingat kayong lahat at magandang umaga.

Mimi po ang pangalan ko. :)

Mimi,
Ayos naman. Kaing lahat? Maling pindot ng keyboard? Kayong lahat di ba? Hahaha. La lang. ^_^



Aba nagkamali ako. "Kayong" lahat yan. Hehehe. Pasensya na...

Magandang gabi sa inyong lahat!! :) Subukan ko nga sagutin ang takdang-aralin?? Sandali lang. :)

me_l0veu

  • Guest
Re: hellow
« Reply #673 on: August 12, 2008, 07:44:40 pm »
Ah, Mimi. Iyon ang totoo mong pangalan? Ilang taon ka na?

mykeline

  • jellybean
  • **
  • Posts: 234
  • Karma: +21/-9
  • life is good. :D
    • multiply
Re: Clique: Intelligentalkers (Takdang Aralin #1 @P1 para sa Buwan ng Wika)
« Reply #674 on: August 12, 2008, 07:57:50 pm »
^Naisip mo ba na "alyas" lang yun? :'( :'( Ako'y 17 taong gulang. Ikaw?

Hindi na ba pwede magpasa ng takdang-aralin? Hindi ko nakita na kailangan pala ipasa kahapon! :'(

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website