Teentalk

Author Topic: Clique: Intelligentalkers [April Begins with Election of Officers]  (Read 133763 times)

sassy_xao

  • Guest
Intelligentalkers
Good evening guys! Musta naman ang day niyo? Grabe ang saya ko na naman ngayon kasi nakasama ko ang aking boyfie. Sinundo niya kasi ako sa school tapos sabi ko sa kanya na huwag na lang siyang umattend ng klase niya, BI ba? LOL.

Ate Val
Ay sa bagay meron na sa August. kahit pangseptember muna. hehe.

Ate Liz
Dito sa Laguna sis wala pa ata eh.
Madalas kasi ambon lang naman yung meron.
Pero malamig lamig na yung panahon. dyan ba?

Nicx
Haha! Kakaiba ang gift kapag sa CAT eh. lol.
Yeah sure. madali pa lang naman ngayon eh kaso pag 2nd year may duty na agad kami.
Buti nga hindi sinunod yung curriculum na 5 years. kainis pag ganun.
Next year nga sali ako dance troup para exempted na ko NSTP. hehe.

Gazell
Heya sis kwento! Grabe you're so busy this days ha.
Anyway sana makapagusap tayo ng matino. LOL. Miss you!

Mimi
O sis bakit naman may sad face ka?? Are you okay?
Eto happy na naman ulit ako ;)
« Last Edit: July 30, 2008, 09:21:37 pm by sassy_xao »

Nicoletsky

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2438
  • Karma: +63/-24
  • I seem dense as a robot but I still have a heart.
Gazell - Miss you too, Gazell. Its' okay. Being busy with life is normal. You're abnormal if you haven't experienced being busy at least once in your life. Haha!


Lizzy - Nosebleed? Hindi naman siguro. lol

Naku take care naman of your health. Mahirap nang magkasakit ngayon. Take your meds regularly okay? Me? I'm not taking any medicines. Honestly, I want to be sick already. At least when you're sick, you can rest. Right now kasi, no rest ang buhay ko ngayon eh. :(


Val - Ayos na po. Salamat ng marami. Special mention ka sa thread ko sa luna ah..lol Alam mo, nagustuhan nga ng teacher ko yung proposal ko pero mas pinili niya yung gawa ng classmate ko kasi yung sakin, research study LANG daw yung gagawin. Yung sa kanya, may project thingy pang included. Di bale. Past is past. It's over already. Napili na yung sa kanya.


Mimi - Hindi lang ikaw yung nanosebleed. Mas lalo na ako! Ako ang kausap eh!  ;D Pagsabihan ko nga yung monster na yun [Peace tayo, RK!]... ehehe


Cash - Good luck in your exams and quizzes, girl. Don't put yourself down. That won't do anything good to you. I know you can do it! Go, girl!


Alyssa - Wow ang sweet naman ninyo ng boyfie mo. Haha! Mabuhay kayo! ehehe

Talaga magda-dance troup ka? Alam mo bang sumali rin ako sa ganyan nung nakalipas na lamang ng isang buwan? Kaso nagback-out ako. May nangyari kasi. Haaay buhay..

Speaking of CAT, meron ulit kami nun bukas. kaloka. AYOKO NA TALAGA SOBRA!


Raven -
Quote
"Binibini, sa unang pagkakataon pa lamang, dapat alam mo na kung ano ang amoy ng pabango hindi ba? Ikaw ba'y maglalagay ng pabango sa sarili mo kung alam mo na ito'y amoy tilapya? Malamang hindi, hindi po ba? Ay laking tanga mo lang nun kung ika'y maglagay ng pabango na kasing halimuyak ng isda!"
Eh pano kung sabihin nating laging nakatakip ang ilong ng taong naglalagay ng pabangong yun kasi may asthma siya? Hindi mo rin masasabi yun. Oo, tanga na kung tanga pero sa mundo ngayon, may mga ganung tao din. Alam mo ba yun?

Ano.. Patigasan ba tayo nito? Matira matibay! ;D


Quote
Binibing Nicole, bakit ka namamangha sa aking mga sinawika? Ano bang pagkakaiba ng wika na ginamit ko sa mga ginagamit nating mga myembro dito? Hindi ba't tagalog o ingles din? Walang dapat ikamangha, nagkataon lamang na ako'y ngayon mo lang nasilayang gumamit ng salitang likas sa ating mamayan ng bansang ito. At hindi ba't pinaalalahanan na kita na hindi ako mahihirapan imungkahi ang aking mga saloobin sa ating pangbansang wika? Namamartida lang ako. Tsk. Haha!
Ano ang pagkakaiba? Bwahahahaha! Tinatanong pa ba yan? Duh. Ang pinagkaiba sa tagalog mo at sa tagalog ng ibang mga miyembro dito ay UBOD NG LALIM ng wikang ipinapakita mo sa mga mamamayan ng sinulid na ito. Animo'y parang Balagtas na ang wikang ipinapahayag mo sa mga taong nasa forum na ito. Comprendar?

Oo na, Ginoong Raven. Magaling ka. Magaling ka sa pagpapahayag ng iyong mga saloobin sa wikang Ingles at Filipino pero ito ang tandaan mo, MAS MAGALING PA RIN AKO SAYO. Bakit? Kasi wala akong sakit sa ngayon... O. Wag kang tatawa dyan ha.. Mga pilosopo tayo ngayon.

;D

Quote
....Ay masisialayan ang kasagutan......Hahahaha!
Anong kasagutan yaong iwiniwika mo? Yan ba ang sagot sa assignment ko sa Chem? Aba kung oo, halika rito't kokopyahin ko na ang sagot na nasa peys mo. lol

Quote
Magingat ka at nawa'y magkaron ka ng magandang araw! Hahaha!
Ganoon din sa iyo, kaibigan. Mabuhay tayong mga Pinoy!


Hahahaha.




A life lived in fear is life half lived. - Fear Factor

sassy_xao

  • Guest
^Haha! Madalas ko ngang hindi na papasukin yun eh. Ewan ko ba gusto ko lagi ko siyang kasama.
Yup sis. next year ako magtry out kasi last month hindi ko nalaman kung ano yung exact date. Eh nung nakita ko tapos na pala, sayang nga eh. Bakit naman?? Ano nangyari?

Naku pagtiyagaan mo na yan sis. hehe! Every friday din pala CAT niyo.

kriell21

  • taffy
  • ***
  • Posts: 342
  • Karma: +60/-6
  • busy..... :(
    • KrieLL's SiTe
Mimi - ganun. Ako may exam sa sunday at di pa nag aaral. May report sa saturday pero wala pa nareresearch. Haha. Nu ba yan, dami gagawin..

Cash - Kumusta na?

Alyssa - oo nga pala. Meron na sa august. ahehe. Sa september kaya anu pwede..

Nicx - Ok lang yun. At least pwede kapalit kung sakaling pumalpak yung una. Haha..

How are you all? :)

friendster

think of happy thoughts
MyThread

sassy_xao

  • Guest
^What if sa september eh yung bawat post na gagawin may jumbled word then yung susunod na magpo-post dapat masagutan niya yun. Suggestion lang naman :)

kriell21

  • taffy
  • ***
  • Posts: 342
  • Karma: +60/-6
  • busy..... :(
    • KrieLL's SiTe
^Hehe. MAsaya ata yun ah. Tanong natin si liz about dun..

 ;)

friendster

think of happy thoughts
MyThread

sassy_xao

  • Guest
^Para maiba naman diba? hehe. Sige si Ate Liz naman nagddecide eh :)

kriell21

  • taffy
  • ***
  • Posts: 342
  • Karma: +60/-6
  • busy..... :(
    • KrieLL's SiTe
Ate liz! (haha naki ate daw ba). Bukas mababasa mo to. Tell mo kung ok idea ni alyssa. :)

friendster

think of happy thoughts
MyThread

l_i_z

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3818
  • Karma: +227/-626
  • Your insecurity is my VICTORY! :)
    • Earning Online: Updated

I can feel the MLQ atmosphere. Let's get it on intelligentalkers. Isang araw na lang at Buwan na ng WIKA!!!

Post-it-Rules:
* All words should be in Tagalog. (Except for those that don't have Fil counterparts. e.g. cellphone)
* Consequences await violators. ^_^ (& awards for those who excel in this activity)

   -1 boo for every 5 English words...
   -upcoming poll on 8th of August...
   -other updates to follow...


Suggestions are most welcome!



Val, I'll give a GO sa suggestion nyo ni Alyssa. ^_^
We can set some rules as early as now. Ahehehe.
Any other ideas?

Ginoong Raveno,
Bukas ay a-uno na. Inaasahan ko ang iyong pakikiisa sa ating pagdiriwang ng buwan ng wika.
Tulad nga ng nasabi ko na, karapat dapat ka sa mga karangalang iyong natatamo mula sa samahang ito.
Ipagpatuloy mo ang magandang simulain.

Mimi,
Sapagkat ito na ang huling araw sa "pagtatanungan" hayaan na lang natin sila. Malamang ay mas sanay sila sa normal na pakikipagtalastasan.
Gusto kong malaman mo na lubos kong naibigan ang mga pangaral ni Benjamin Disraeli.
Kumusta ka na?

Cash,
Napansin ko nga na hindi na ganoon kadalas ang pagbisita mo dito. Ganunpaman, ikaw ay aking nauunawaan at hangad ko ang iyong tagumpay! ^_^

Alyssa,
Maganda na ang panahon sa kasalukuyan. Manapa'y manatili ang ganito kalagayan.
Buong galak kong tinatanggap ang iyong mungkahi tungkol sa mga aktibadades para sa Setyembre.

Nicx,
Balinguyngoy ba iyon?
Hahaha. Natatawa talaga ako.
Sana at magpatuloy na ang paggaling ng ubo ko.
Hay, di ko naman gusto na maging malalim pananalita ko eh. Nahahawa lang ako sa isang tao diyan. ^_^
Alagaan mo din ang sarili mo ha?
« Last Edit: July 31, 2008, 11:07:47 am by l_i_z »
I am the master of my fate, the captain of my soul..
Intelligentalkers@Candy

Earn now!!! (With Payment Proof...)

jannaaikadeja

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 930
  • Karma: +174/-60
    • watashi was janna desu,.,:)
kakagaling ko lang po ng hospital xenxa na po kung hindi nagparamdam,.,nahihiya po tuloy ako,.,
im endorsing my book

200(paperback)
450(hardbound)

*bakit hindi umuunlad Pilipinas *
in eng
*OMG is this Phililppines?


52 chapters=52 bad traits ng pinoy :D

message me for reservations :D

still searching for publisher na magpupublish e

kriell21

  • taffy
  • ***
  • Posts: 342
  • Karma: +60/-6
  • busy..... :(
    • KrieLL's SiTe
Liz - napansin ko lang. Ang iyong mensahe sa akin lang ay ingles. Haha. Kunsabagay bukas pa naman ito sisimulan. Kailangan ba malalim na tagalog? Kumusta naman pala ang araw mo? Malapit nanaman ang sabado.

Pati ba mga kasabihan eh dapat tagalog? naku lagot ako nito. Haha

Sa lahat ng aking kapwa Inteligentalkers (pwede to diba?) Kumusta naman ang araw nyo? Sa amin ay naulan nanaman. At nakakatamad tuloy. Kauuwi ko lang naman.  ;D

friendster

think of happy thoughts
MyThread

mirianCalin

  • taffy
  • ***
  • Posts: 313
  • Karma: +33/-23
  • I say: "MORE!"
Sa Lahat:

kamusta na kayo mga intelligenttalkers?
ano ng meron dito? pasensya na, madalang na ko makapunta dito..
masyadong marami ang ginagawa sa eskwelahan..
ako ay nagsasanay para sa nalalapit na "tagisan ng talino" ng aming eskwelahan na
gaganapin sa ika-8 ng Agosto sa Calamba..
kalaban nga pala namin ang ibang sangay ng aming paaralan (ang panget pakinggan!)
finding a PERFECT LOVE?

 there is no perfect love..
 the only thing you can do to make it somehow perfect, is to be...
 
SATISFIED...

jannaaikadeja

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 930
  • Karma: +174/-60
    • watashi was janna desu,.,:)
pwede pa rin po ba ako sa grupong ito?,.,huhu,.,:(
im endorsing my book

200(paperback)
450(hardbound)

*bakit hindi umuunlad Pilipinas *
in eng
*OMG is this Phililppines?


52 chapters=52 bad traits ng pinoy :D

message me for reservations :D

still searching for publisher na magpupublish e

mirianCalin

  • taffy
  • ***
  • Posts: 313
  • Karma: +33/-23
  • I say: "MORE!"
jannaaikadeja
mmm.. naipasa mo na ba sa ating presidente ang mga nararapat mong ipasa para mapabilang sa grupo? pakibasa po ang unang pahina para dito..   ;)
finding a PERFECT LOVE?

 there is no perfect love..
 the only thing you can do to make it somehow perfect, is to be...
 
SATISFIED...

Nicoletsky

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2438
  • Karma: +63/-24
  • I seem dense as a robot but I still have a heart.
Alyssa - Ai ganun? Ipagpatuloy mo lang ang pagiibigan ninyo. ehehe :D

Naku sayang talaga. tsk. Bawi na lang tayo sa susunod na taon.  :) Anong nangyari? Tatlo kasi kaming nag-audition sa highschool dun sa dance troup ng college. Kaso itong malanding kasamahan ko sa sayaw ay masama ang ugali. Pinagmumukha kaming mga alalay lang niya. Anak ng... Syempre ayaw namin ng ganun noh. Asan na ang hustisya sa aming pagkatao, hindi ba? Kaya yun, umatras na lang kami ng laban. Oo, nalulungkot ako. Pero may isa pang plano ang aking ama tungkot dito. Hulaan mo kung ano. ehehe

Ah hindi. Tuwing Thursday ang CAT namin. Kanina lamang ay may violation ako eh. Pinag-apat na pushups ako. O diba. Bongga yun.



Val - Ay hindi rin. Ah.., basta. hindi ko alam. Pumalpak man yun, sa tingin ko hindi na rin mapipili yung binigay mo sakin na title...dahil lamang sa aking intrimiderang kaklase. Grrrr.




Superwoman - Teka, ano ang ibig sabihin ng balinguyngoy? Hindi ko alam yun eh. Haha! Sige, pagaling na tayo. :)

Ay ganun ba? Haha! Naimpluwensiyahan ka lang pala ng taong yun. Ang lakas nun ah! Hahaha! Kahit ako rin, naiimpluwensyahan. Ano ba yan?!! ;D Nabasa mo ba ang post ko sa kanya? Kitang kita na hindi ko naman siya masyadong hinahamon sa lagay na yun. wahehe :D



Janna - Oo naman Janna. Welcome na welcome ka pa rin dito. Siyanga pala, nasaan na yung iyong kasabihan o "quote" na nagsisilbing subscript mo sa iyong post? Pakilagay na lang para matuwa si Ate Liz mo. :)



Hazel - Alam mo bang na-miss kita ng lubusan, Hazel? Haha! Maligayang pagbabalik! hehehe

Nakooo. Galingan ang laban sa Calamba ha. Kaya mo yan, kaibigan. Pagbutihan ang pagsasanay ha.:)





Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot.
[sorry po at wala akong maisip sa ngayon. sa susunod bawi ako. :)][/font]

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website