Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: 548 Heartbeats (FINISH) Copies: http://bit.ly/548heartbeatscopy  (Read 285458 times)

rayne d.s.r.m.

  • Guest
Re: 548 Heartbeats [this is it !!!chap 46 happy birthday to me ! happy nga ba ?]
« Reply #885 on: December 30, 2008, 11:59:14 AM »
hindi ako selos.
i'm just making my point. hahahaha. :D

m0chAccinoo_09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 114
  • Karma: +16/-2
  • xoxoxoxo
    • Chic Le Manila
Re: 548 Heartbeats [this is it !!!chap 46 happy birthday to me ! happy nga ba ?]
« Reply #886 on: December 30, 2008, 04:37:47 PM »
waaaaaaaaaaa Kyle mahihimatay ata ako! ang sweet mo grabe! goshh
silent reader here I'm mocha BTW. :)
If love is a game
I demand a rematch.

Daffyyy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 270
  • Karma: +57/-13
Re: 548 Heartbeats [this is it !!!chap 46 happy birthday to me ! happy nga ba ?]
« Reply #887 on: December 31, 2008, 10:08:16 AM »
Kaloka tong story mo Ms. Author ! :D :D Kakilig grabeehh. ;D 54841 ? Ano daw ?  HAHA
21 | California | Instagram: daphneami

lanz416

  • jellybean
  • **
  • Posts: 220
  • Karma: +30/-4
  • lady lalu♥
Re: 548 Heartbeats [this is it !!!chap 46 happy birthday to me ! happy nga ba ?]
« Reply #888 on: December 31, 2008, 05:05:57 PM »
my gosh..kaloka..
ang sweet naman ng dalawa..baka sa sobrang sweet nila'y langgamin sila..hihi..
swerte naman ni XEI..kainggit..
sis, ano ung 548?hihi..curious..[/font]
I am Lanilyn
In love, who’s hardest to compete with? Third party? Flirts? Good-lookings? NO, but the love BEFORE you!

paula_02

  • jellybean
  • **
  • Posts: 151
  • Karma: +22/-4
  • I am HAPPY now. :)
kinikilig ako ng bonggang-bongga!

NEXT!
He's my SWEETEST dose of INSANITY,
the ONLY ONE who keeps my HEART.

brandonboydlovin'

converse_chq

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4311
  • Karma: +520/-37
  • click my signatures.:))
    • http://tinyurl.com/yfv4e27

nextie na po.
happy 2009 po pala.
BTW.
globe ka po ba?

eeviablahness

  • jellybean
  • **
  • Posts: 237
  • Karma: +16/-5
    • http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
hahaha malapet na uli mag feb 14..
masyado mo kong napasaya ngaung araw kahit last day na to ng bakasyon ko..

hahaha..kinikilig pa din ako hanggang ngaun simula pa kanina,,,
follow me and read my story.. just click the link
 http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
http://twitter.com/aivtchbogoosh

*peachy*

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2699
  • Karma: +276/-49
  • te quiero MBH
weeh, tweEn.. nakahabol na ako..
galing ah, sila na! weeeh,, kelan ule ang update mo?


~*chitchat with me HERE*~

peach_xvision

  • Guest
^haha.. nakoo mama, ok lang sakin kahit hindi sweet ang sixteenth ko.. hehe..
sanay naman na ko.. wahahaha..

sharing.. nung 14th birthday ko nalaman na may bago na yung ex ko.. haha.. asa pa kasi ako.. wahahaha.. oh well..

sa laguna pa ang bahay ko mami.. kayo kasi ni papa gusto niyo masolo ang isa't isa kung kaya't dito sa lalawigan ng laguna ako napadpad.. wahahahaha..

hi anak !!! :D yeye :D andito na ulit si mommy !!! :D wee .. pasensya ka na baby kiche :D mishu :D

hindi ako selos.
i'm just making my point. hahahaha. :D


okey payn ;D haha :D hi mawe :D

waaaaaaaaaaa Kyle mahihimatay ata ako! ang sweet mo grabe! goshh
silent reader here I'm mocha BTW. :)

hi mocha :) wee ... ang cute naman ng name mo :D mahilig ako sa mga flavor na ganya ;) wala lang .. hehe :D

wee :D thank you :D

Kaloka tong story mo Ms. Author ! :D :D Kakilig grabeehh. ;D 54841 ? Ano daw ?  HAHA

maraming salaaaaaamat :D malapit na malapit na yan :D

my gosh..kaloka..
ang sweet naman ng dalawa..baka sa sobrang sweet nila'y langgamin sila..hihi..
swerte naman ni XEI..kainggit..
sis, ano ung 548?hihi..curious..[/font]


oo nga eh .. sana malanggam na .. haha :D
nako nako :) hindi siya ganon kaswerte .. may malas naman .. :) nyehehe :D
yung 548 ? secret muna .. haha :D

kinikilig ako ng bonggang-bongga!

NEXT!

thank you :D

nextie na po.
happy 2009 po pala.
BTW.
globe ka po ba?

wee !!! sorry kung sobrang late .. happy 2009 na rin :D
hindi ako globe eh ^.^ ako na lang ang nagiisang smart sa rizal :D haha .. :D may sentimental value ang sim na yun eh :D

hahaha malapet na uli mag feb 14..
masyado mo kong napasaya ngaung araw kahit last day na to ng bakasyon ko..

hahaha..kinikilig pa din ako hanggang ngaun simula pa kanina,,,

aivitch !!!
wee :D tenkyuuuu :D
masaya ako dahil napasaya kita ;)

weeh, tweEn.. nakahabol na ako..
galing ah, sila na! weeeh,, kelan ule ang update mo?

hi tween :D oo nga eh .. ako naman ang hahabol !!! :D



okay .. hi pips !!! pasensya na .. ang lola niya ay super busy .. as in super .. hehe :D in demand kasi ako eh .. planner ng lahat ^.^ kahit birthday ko ako ang nagpplan .. haha :D well anyway :D

nyahahaha :D ayown lang :D
maguupdate na ko ^.^
may nagbabasa pa ba nito?
nako .. 2 linggo na pala ako nawala :o

thank you :)
[edit starts now !!! go jessa :D]
xoxo. :)



eto nga pala yung link nung cover [uh .. poster ?!] haha :D ayon .. :) [wag kayong magexpect .. ^.^ hehe .. :) ps yan ..

548 Heartbeats - cover
« Last Edit: January 16, 2009, 08:22:31 PM by peach_xvision »

eeviablahness

  • jellybean
  • **
  • Posts: 237
  • Karma: +16/-5
    • http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
SWEET ahha.
nga pla ung nabasa mo sa blog hindi un lovelife part of my "l.o" world as in (LOVE OVER)..hahaha ang pangit pakinggan
follow me and read my story.. just click the link
 http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
http://twitter.com/aivtchbogoosh

peach_xvision

  • Guest
548 Heartbeats [chapter 47: presenting .. ang langit ko .. :)]
« Reply #895 on: January 16, 2009, 10:50:29 PM »
CHAPTER 47]
[Night Knight]


And guess what. After nung birthday ko, sobrang saya ko. haha. Lage nga kaming pumupunta ng bayan para kumaing apat. Actually, kaya namin sinasama sina Marj at si Chris para hindi kami mapaghalataan ng mga tao. Other than that, secret ko na.

Nagppractice narin kami para sa prom nun. eto na pala yung last prom ko. hindi kasi tulad ng ibang school na once in a life time yung prom eh. Sa amin twice. Pero seryoso, ayoko ng magprom. Ang gastos eh. Haha. Kuripot kasi ako. pero, kung di lang dahil kay Kyle, hindi ko gugustuhin.

Two days before the prom, nagusap usap na kaming apat.

“sa Lei ceremony, ang isayaw mo si Marj.”
“Nagtatake advantage ka lang eh.”
“Ganon talaga.”
“Nako subukan mo lang.”
“Pano kung subukan ko nga?”
“Pipilipitin ko yang ulo mo.”
“Hay nako. Yan nanaman kayong dalawa. Mga DOM.”
“Pano kami naging dirty at old eh clean and young kami?”
“wala lang. wala akong masabi.”
“Haha. Sira ka Marj. Pero sige, okay lang naman. Sayaw mo na lang ako daddy. Tapos isasayaw ni Kyle si Marj.”

Ayon. Nagusap usap nga kami. Kaming apat, ayaw na talaga naming mag ganyan ganyan. Bukod sa may ipapasa kaming reaction paper right after the prom, gastos pa.

One night before the prom.

Calling… Kyle Ko…

“Elo?”
“Bebe…”
“Bakit ka napatawag ng ganitong gabi? 10 na ah.”
“di ako makatulog. Gusto kitang kausapin.”
“mahal kaya! Magkaiba gamit natin!”
“kahit maka 300 ako sayo okay lang. 100 naman to eh.”
“Kyle! Sayang ang—“
“Hindi yun sayang. Ikaw naman ang kausap ko eh.”

Dugdug. Dugdug.

“You never fail to make my heart beat…”
“Siyempre. Kaya nga ako ginawa para gawin yun.”
“Seryoso, bat ka napatawag?”
“Seryoso nga ako. gusto lang kitang makausap.”
“May tanong ako…”
“Ano yun bebe?”
“Ano yung… 548? At yun 41?”
“Secret.”
“Eh! Magtatapos na ang school year, di ko parin alam.”
“Malalaman mo din yun…”
“Kelan pa!?”
“Malapit na…”
“Ang layo pa eh!”
“yung 548 ang dali dali lang nun eh. Hindi mo ba alam yung—“

Tutut. Tutut. WAH! ANG DAYA! ANG DAYA!!! Nalow bat ata siya!

Siyempre, ako naman ay todo text…

Behbeh! Ano na kasi yun?! Gusto mo bang hindi ako makatulog dahil dito?! Buong mundo nagagambala na sa mga numerong yun! Sabihin mo na!

Siguro mga limang beses ko yun sinend. Okay lang kasi may load pa naman ako na 10. Hanggang ngayon… ako na mismong bida sa sarili kong kwento ay hindi pa alam ang ibig sabihin ng 548. hindi pa nga nasasabi ang 548, meron ng 41.

Kyle Ko
Secret. Sasabihin ko na lang sayo sa dulo ng taon. Pangako ko yan. Basta. Tandaan mo... Mahal kita. Minahal kita. Minamahal kita. at Mamahalin kita habangbuhay. Puch puch!


Ang puch puch… ay kiss. Katunog daw eh. Haha. Anyway… Kahit hindi ko nalaman kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong yun…

Masaya ako sa tinext niya…

Nung mismong araw nung prom, hindi na kami pumasok. Haha. Kasi ang baliw baliw ng mga teachers para sabihing pumasok pa daw kami?! Aba! Beauty rest na namin ang umaga no. haha. So yun. Buong umaga natulog lang ako at binawi yung mga namiss kong hours ng tulog noon.

Mga 5:00 na nung nagpaparlor ako. haha. Ang lapit lang naman kasi ng school kaya ayokong magmadali. Ayon. Nagpakulot lang ako. black and red yung dress ko kaya hindi siya talaga “cute” pero “elegant”. Ayon. Nakarating ako ng school 6:45. 7:00 daw kasi ang simula.

Ang una kong hinanap ay si Kyle. Sino pa nga ba? Pero hindi ko siya agad nakita. Nagkasalubong kami ni Marj. At ayon, ang ganda niya. hindi ko nga ba alam kung bakit gumaganda ang mga tao sa prom.

“Xei! Ang ganda mo!”
“Ganon naman lagi.”
“Ba ang yabang! Asan si Chris at Kyle?”
“Hindi ko pa sila—“
“Hi girls.”
“O Daddy!”
“Maguumpisa na daw. Pwesto na.”
“Asan si Kyle?”
“Andon na siya sa pwesto niya.”
“Ano ba yan. Hindi man lang nagpakita sa kin.”
“Okay lang yan anak. Sa Lei ceremony ah?”

So ayun, pumosisyon na kami. Mejo nabadtrip ako dahil hindi man lang siya nagpakita sa kin. Ayaw ba niya na makita ako? tapos ang first dance pa niya ay si Marj. Pero okay lang. what’s with the first and last? Ang gusto ko lang ay ang masayaw niya ko…

“Kanina ka pa wala sa wisho ha.”
“Ha? Hindi ah.”
“Tingin ka ng tingin kay Kyle at Marj. Nagseselos ka ba?”
“Daddy… hindi ako nagseselos. Nalulungkot lang ako. sana man lang nagpakita siya sa kin.”
“Baka naman gusto niya finale ka niya.”
“Anong finale?”
“Yung tipong, ikaw yung babaeng huli niyang makikita.”
“Impusible”

Siyempre ang daming echos na nangyari. To announce… prom king nanaman si daddy. Astig talaga. Hindi ako masyadong nagsaya sa formal parts dahil—dahil ano pa nga ba? Nasa ibang table si Kyle tapos hindi ko pa siya makita. Si Marj ang katabi ko during those times at ayon. Hinahampas ko lang yung tinidor ko sa plato ko.

“Hoi Xei tama na nga yan. Nakakairita yung tunog!”
“Anong ichura ni Kyle?”
“Sabi na nga ba Kyle ka nanaman eh.”
“Eh kasi hindi pa siya nagpapakita sa kin eh.”
“Baka may surprise lang ulit.”
“Hello! Kahit man lang magpakita?! eh kanina pa ko nakaupo dito. Gusto ko na umuwi.”
“Napakainipin mo talaga. Gusto mo puntahan natin?”
“Ako naman lagi ang first move…”
“Sira ulo ka! Wag ka ngang magpakaemo—ay emo ka pala no?”
“Haynako Marj. Siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta ng prom eh…”

So ayun. Pinagmasdan ko habang sinasayaw niya kung sinu-sinong babae. Si Marj nga nung umalis ng table bigla niyang hinila para sumayaw. Ayaw ba niya kong lapitan o ano!? Haaay. Kung sinu-sino ng sumayaw sa kin pero siya… hindi parin.

Pauwi na sana ako. kung hindi niya ko isasayaw, okay lang naman. Pero sana sinabi niya sa kin. Siguro nakalimutan lang niya o ano.

Tumayo na ko. akala ko ako yung una niyang isasayaw. Pero di niya natupad. Hindi ko alam kung ano ba talaga plano niya. kung may surprise nanaman siya, marahil susunod siya sa bahay namin, manghaharana…

Pero…

Ano pa ba ang mas sasaya pag prom kung di ang maisayaw ka ng taong pinakagusto mo?

“Marj alis na ko.”
“O, bakit?! Nasayaw ka na ba niya?”
“hindi pa.”
“Eh bakit ka na uuwi?!”
“Baka sa bahay naghihintay kung ano man yung sorpresa niya.”
“Pero as in like the d the u the h and the exclamation point! Eh prom kaya to! Sana maisayaw ka man lang niya!”
“yaan mo na.”
“Chever. Sugurin ko na talaga—“
“Wag Marj! Uh—okay lang ako promise.  Although gusto ko talaga ang maisayaw—“
“Ehem ehem.”

Tapos biglang may nagboses sa mic. Nabosesan ko yun.

“Iniimbitahan ko dito sa entabladong ito… si Xeira Anderson ng para maisayaw ko.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Nahiya ako sa lahat ng mga nakarinig. Sira ulo talaga tong si daddy. Tiningnan ko si Marj. Siyempre nangangapa ako kung magagalit o ano…

“Sige na!”

Tapos kinindatan ako ni Marj. Siyempre di ko alam pero parang may something dun sa kindat ni Marj. Sumaya tuloy ako.

Siyempre nasa stage na ko.

Tapos biglang narinig ko sa mic yung prom queen, si Mira, na sinabi din yung linya ni daddy pero iba yung tinawag niya.

Nung nakay daddy na ko…

“Ano to?”
“Halatang hindi ka nagbabasa ng program no?”
“Uh… ano ba talaga to daddy?”
“3 dances of the prom king and queen.”
“Woah. Meron palang ganun?”
“Alam mo kung sinong nagsuggest niyan?”
“Sino?”
“Si Kyle.”

Natahimik ako. Si Kyle?

Natawa ako. haha. Nakakatawa. Kung siya ang nagsuggest non, ibig sabihin, akala niya siya ang prom king. Haha. Pero sabagay… worth it naman.

“Weh?!”
“Oo. Nakakatawa nga yun eh. Pumayag ang principal dahil hindi siya tinigilan ni Kyle. Kaya ginamit na niya si tita para dun. Diba nga head si tita ng PTA?”
“So ganon talaga. Pero asan na siya? diba nga dapat prom king?”
“Basta.”
“Paanong basta?!”
“Basta lang. malas niya, ako prom king.”
“Wala akong maintindihan! Iexplain mo na please daddy!”
“Xei…”
“Ha?”
“Turuan mo nga ako magmahal ng iba.”

Sa kalagitnaan ng isang mapagbirong usapan, nasabi yun ni Chris. Bigla akong… nahiya. Ewan ko ba kung bakit. Hanggang ngayon, ako parin ang gusto niya. ilang linggo na ba?

“Hirap mo pala palitan.”
“Daddy… sorry talaga…”
“Wala ko magagawa. Malungkot ako dahil kayo… at nagkakamabutihan na kayo. Nung una nga balak ko pang sirain yung relasyon niyo eh. Totoo yun… Pero… pag nakikita kitang masaya…”
“Dad… alam mo… crush din naman kita eh.”
“W—weh?! Talaga?!”
“Oo. Madali lang naman kasi ako magkagusto… Bukod sa ang cute mo… ang sweet sweet mo pa sa kin.”
“Ba—“
“Kaso… iba ang nararamdaman ko kay Kyle. Parang sa kanya… sasabog ang puso ko. Alam kong… isang araw… makakakita ka rin ng tao kung san maririnig mo din ang dugdug ni ms. Heart mo.”
“Ms. Heart?!”
“Kasi nga, ang laman ng puso mo babae. Natural… kung normal ka babae dapat.”
“Ikaw talaga anak.”

Yinakap niya ko habang nagsslow dance kami. Okay lang. pero sana hindi magalit sa kin si Marj. Haha.

“Okay na kong malaman na kahit papano naging crush mo ko.”
“Sira ka talaga daddy. Uh… may favor pala ako sayo.”
“Ano yun?”
“Pwede bang… si Marj ang last dance mo? I mean… dito sa stage?”
“Bakit?”
“Wala lang. Feeling ko kasi… bagay kayo.”
“Kadiri ka anak. Akala ko ba dapat Ms. Heart?! Eh lalake yun eh!”
“Sige na dad! Please?!”
“Sige na nga. dapat siya ang kasunod mo… at dahil sinabi mo… sige… siya na lang huli.”
“yehey.”
“Nga pala… matataposna yung three minutes.”
“Ay oo nga no.”
“Tingnan mo yun.”

Pagtingin ko dun sa may entrance ng backstage…

May nakita akong rose. Well actually, parang may kasunod pa. siyempre nagtaka ako. ano naman kaya to?! Napangiti ako. isa lang ang naisip ko pagdating sa mga ganito.

“Sundan mo yan. Plan B.”
“Plan B?”

Tapos pinalaya na niya ko sabay kiss sa cheeks. Siyempre ang labas ko backstage. Pinulot ko isa isa yung roses. Ewan ko ba. Planado nga ata to. Pano ba naman, walang tao sa backstage?! Ano yun, kinausap niya lahat ng tao na huwag dumaan sa backstage?! Lakas ah.

So ayun. Isa isa kong pinulot yung roses. Papunta sa likod ng dorm. Siyempre. Ang inaasahan ko andun na siya sa likod ng dorm.

Nung napulot ko na lahat… binilang ko… 53 all in all. Ang weird nga eh… kasi wala siya sa likod ng dorm. Anong gusto niya, hide and seek?!

“Kyle!!!”

Walang lumabas. Haay. Ano ba to?! Open sesame para lumabas… ay mali pala. Out sesame. Haha. Ang corny ko. ano to, may password para lumabas siya?!

Tapos may naisip ako…

“I Love you…”

Sabay dumilim.

Dugdug. Dugdug.

Dumilim dahil may tumakip sa mata ko.

Ngiti. Ngiti. Ngiti. Pintig.

“Kyle?”

Pagtingin ko…

Andun na siya…

May kagat kagat na rose.

Dugdug. Dugdug.

Tumawa ako. pero yung tawa dahil… natutuwa. Basta. Di ko maexplain. Saya. Kilig. Ewan. Basta anjan na lahat. Ang saya saya ko… super saya…

“Ang cheesy mo.”

Kinuha niya yung rose tapos lumuhod siya. ano ba to… fairytale?!

“Nagbasa pa ko ng sleeping beauty para lang dito.”

Kinuha ko yung rose at natural natawa ako dun sa sinabi niya. malay ko kung joke. Haha. Pero… hindi na kasi yun mahalaga. Hindi rin naman ako makapagsalita sa ginawa niya.

“O, nakatulala ka?”
“Sa ginawa mo, may babae bang makakapagsalita nun?!”
“Siguro. Kala mo di kita isasayaw no?”
“Pinakaba mo ko. naasar pa naman ako nung—“
“Sabi na nga ba eh. Kating kati ka na maisayaw ko.”
“Pero ano tong sinasabi ni daddy na prom king blah blah?”
“Ah… plan A yun. Argh hayaan mo na. Naaasar lang ako na hindi ako yung pinili nila.”
“So talagang nagassume ka na ikaw yung—“
“Oo na. Gwapo naman ang asawa mo diba?”

Dugdug. Dugdug.

Yinakap niya ko. sira ulo talaga to. I mean… sira ulo kaming dalawa. Ginawa ba naman daw luneta ang likod ng dorm? Haha. Pero… okay na to. May itatayo kasing covered court dito sa likod ng dorm kaya alam kong hindi na naming to magagawa kung saka-sakali…

Baby you're all that I want.
When you're lying here in my arms
I'm finding it hard to believe
We're in heaven.


Unti-unti na kaming sumayaw. Sumayaw kami ayon parin sa music.

Dugdug. Dugdug.

Oh, thinking about all our younger years,
There was only you and me,
We were young and wild and free.


“Naririnig mo yung kanta?”
“Oo…”
“Sana marinig ulit natin yan pag matanda na tayo no?”

Dugdug. Dugdug.

“Baliw.”

Now nothing can take you away from me.

“Nothing talaga.”

We’ve been down that road before,
But that's over now.


“Sana nga… dumating na yung now na yun.”

You keep me coming back for more.

Baby you're all that I want.
When you're lying here in my arms
I'm finding it hard to believe
We're in heaven.


“Inunahan ako ng kanta sa sasabihin ko.”

Dugdug. Dugdug.

“Pinanganak ka na ba talagang corny at cheesy?”

Kinapa ko yung noo niya.

And love is all that I need
And I found it there in your heart.
It isn't too hard to see
We're in heaven.


“Simula nung naging ta—“
“Oo. Kasi nga… iba ka. Iba ka sa lahat. Parang nakakabit ka na sa puso ko.”

Dugdug. Dugdug.

Now, nothing could change what you mean to me.
There's a lot that I could say
But just hold me now,
Cause our love will light the way.


Yakap lang namin ang isa’t isa. Siguro nga naunahan na kami ng mismong kanta sa mga sasabihin namin. Totoo. Ang dami kong gustong sabihin. Super dami. Pero… siguro nasabi ko lahat sa pamamagitan ng mga yakap na to…

Baby you're all that I want.

“At ikaw lang.”

When you're lying here in my arms

“Na sana habang buhay na.”

I'm finding it hard to believe

“Kyle…”
 
We're in heaven.

“Na ikaw ang langit ko…”

And love is all that I need

“Cheesy ka rin pala eh.”

And I found it there in your heart.

“Pero… sayo ko naman lang din naman talaga naramdaman…”

It isn't too hard to see

“Ang langit…”

Dugdug. Dugdug.

We're in heaven.


Hindi nga ba namin alam. Cheesy and corny night. Ngayon nga lang naging sweet ang cheese at corn. Haha. Sabagay. Ano nga ba ang lasa ng cheese at corn? Oh well. Ewan ko ba. Pero… kahit mejo natatawa narin ako dahil sobrang corny naming dalawa… natutuwa naman ako dahil naririnig ko narin sa wakas ang pintig ng puso niya…

Now our dreams are coming true
Through the good times and the bad
I'll be standing there by you.

And love is all that I need


“Totoo yun…”

And I found it there in your heart.

“At lalong totoo yun.”

It isn't too hard to see

“Na nasa langit nga ako pag kasama kita…”

Dugdug. Dugdug.

We're in heaven.

“Kahit mawala ako sa tabi mo, nasa ilalim parin tayo ng iisang langit. 548 Xei…”

Dugdug. Dugdug.


548. 548. 548.

Pagkahiga ko sa kama yung boses niya sa pagsabi ng tatlong numerong yun ang paulit ulit kong narinig sa utak ko.

And that night…



I saw my future.

prettychq18

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3558
  • Karma: +256/-43
  • Warning: Prepare your heart to be broken.
    • Ten Signs Eighteen Stories
Re: 548 Heartbeats [sa wakas .. upd8 !! chap 47: ang langit ko .. :)]
« Reply #896 on: January 16, 2009, 10:56:36 PM »
pers! sana!

basahin ko bukas.. need to sleep na eh..

~~~edit~~~

ang daming pakulo ni kyle.. haha..
how I wish.. haha..

ang cheesy ni kyle.. haha.. nakakapanibago sa isang lalaki.. hehe..
« Last Edit: January 17, 2009, 02:31:45 PM by prettychq18 »

eeviablahness

  • jellybean
  • **
  • Posts: 237
  • Karma: +16/-5
    • http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
Re: 548 Heartbeats [sa wakas .. upd8 !! chap 47: ang langit ko .. :)]
« Reply #897 on: January 16, 2009, 11:48:09 PM »
SUPPER CHEESY..

WHOAHAHA
KILIG..
ANU BA KC YANG 548 NA YAN?
follow me and read my story.. just click the link
 http://www.wattpad.com/user/aivtchbogoosh
http://twitter.com/aivtchbogoosh

dianne518

  • Guest
Re: 548 Heartbeats [sa wakas .. upd8 !! chap 47: ang langit ko .. :)]
« Reply #898 on: January 16, 2009, 11:59:30 PM »
will you marry me ba un?! i love you very much?! ano ba ung 548 na un?! :D nakakaloka!!! :D

prettygrace

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1395
  • Karma: +96/-36
  • chuva chuchu
Re: 548 Heartbeats [sa wakas .. upd8 !! chap 47: ang langit ko .. :)]
« Reply #899 on: January 17, 2009, 01:00:14 AM »
wow. ang ganda.  :)

bakit? san pupunta si kyle? mamamatay ba siya?
STORIES:
1|2|3
<3|TWITTER

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Love Lately

by: kaye, 2014-09-29

(click to see a bigger version) I normally hate the mall but I seem to be popping into them more often these days. I blame my job—every time the fashion pages land on my desk...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved