You're my Right kind
of Wrong...
"Why do you think I don't know you?
You're the one who doesn't know...
I know it all..."
-Hailey Lenn Mathers
"Kung gusto mo talagang
malaman ang totoo...
You must have the courage to...
ACCEPT it..."-Zachary Lee"It's your kindness that tears me apart...
Don't be kind when you don't actually feel
A thing for me!"
-Reed Montezor
"I am crying because of you!
Once I started to cry, I can't
Stop it, even if I want to!"
-Daphne Stadtfeld
"Having PRIDE doesn't count
for much
If You are DEAD..."
-Bridget Ford
"I don't care if You hate me...
I just want to make sure
That you won't get hurt..."-Lei Rouvelier"How do you give up?
Is it done by deciding to give up
and following through with it?
Or is it by taking steps away
from your TRUE FEELINGS?"
-Marianne Ashford
"Don't come closer to the darkness
that you don't want to see, coz
I don't want to show you.."
-Cliff Lenn Mathers
"There are two types of Liars,
one who lies for a reason and
one who lies for the sake of lying...
Ano ka sa dalawang yun?"
-Ridge Montreal
"Impossible?
That's not Posibble!"-Aaron Villasisextras=maroon unknown=gray
Chapter 1
“Hey! Zack!!!” lumapit ako sa kanya. Kamusta naman iyon, ang aga aga nakasimangot sya.
“What do you want this time?” “Hay nako. Lagi ka na lang nakasimangot. Kailan kaya kita makikitang nakangiti at tumatawa?”
“Your wasting my time…” iyon lang at tumalikod na ito. Ano bang problema ng lalakeng ito?
“Zachary!” humarap ulit sya sa akin.
“Who gave you the right to call me by my given name?” nakasimangot na sabi nito. Naalala ko tuloy noong first day ng class noong first sem.
FlashbackNagmamadali na ako papunta sa classroom namin eh pano ba naman male late na ako eh… Papasok na sana ako ng classroom ng bigla akong may nabunggo.
“I’m sorry…” napatingin ako dun sa guy na nakabunggo ko, magkasalubong ang kilay nya.Nagalit ba sya? Aba nag sorry naman ako ah.
“Anong tinitingin tingin mo dyan? Tabi nga nakaharang ka eh. Ang liit liit kasi kaya hindi makita..” Napataas ang kilay ko dun… Aba, ano naman kung maliit ako ? Hindi naman ako masyadong maliit para hindi nya makita. Akala mo kung sinong matangkad. Hindi na lang ako nagsalita at tumabi nalang para makadaan yung guy na abnormal na yun…
Sayang ang gwapo mo pa naman, may topak ka lang… Pumasok na ako sa classroom namin at umupo sa vacant chair malapit sa window. After 20 minutes, biglang pumasok ulit yung guy na nakabangga ko at umupo sa pinakadulo. Maya maya lang din ay dumating na ang Professor namin. Infairness crush yata kaagad sya ng mga classmates namin.
“Goodmorning class. I am your English professor. Miss Ingrid Smith. And because this is your first day, I suppose you do not know each other so I want you to introduce yourself. And tell us why you chose this course and what are your likes and dislikes” yun lang at umupo na si Prof. Ingrid. Si guy na lang pala ang hindi pa nagpapakilala. Kaya pumunta na ito sa unahan. Tiningnan ko nga ito, curious ako sa mga likes nya ha.
“Good morning, I am Zachary Lee, 16 years old… I hate people who can’t keep their mouth shut, tumingin sya sakin… people who call me by my given name, people who don’t keep their promises, and sweet things… I chose this course because my parents want me to do so… that’s all...” iyon lang at bumalik na ito sa likuran.
End of Flashback“I don’t like anyone who calls me by my given name.” Sama ng titig sa akin na para bang anumang oras gusto nya akong itapon papunta sa planet mars. But in ignore ko na lang yun.
“Yeah, yeah… I already know that… Kaya pwede ba huwag mo akong sungitan ng ganyan? Umagang umaga ganyan ang itsura mo oh. Kaya kung pwede lang mag smile ka naman.” 
Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Nagsalubong naman ang kilay ng loko.
“Dapat ganito ka ngumiti para naman hindi ka pumanget nyan. Sayang ang kagwapuhan mo eh.”
“Pwede ba sabihin mo na lang ang sasabihin mo dahil nauubos lang ang oras ko.”
“Talagang ang sungit sungit mo noh? Well, pinapasabi ni Chairman na pumunta ka mamaya sa office nya after class.”“Why?”“I dunno. Basta pumunta ka daw dun. Siguro may ginawa kang masama noh?”
“Shut up.” Yun lang at tumalikod na ito at umalis. Napailing na lang ako.
“Hailey!!!” pagkalingon ko sa likod ay nakita ko si Daphne, bigla na lang nya akong hinila sa kung saan.
“Hey! Bakit mo ba ako hinihila?”“Basta, sumunod ka na lang.” base sa itsura ni Daph, mukhang may masamang nangyayari. Huminto kami sa may university ground. May mga taong nagkukumpulan dun at nagkakagulo.
“Bakit mo ako dinala dito? Hello, may class pa ako noh.”“It’s your fault.”“
My fault? At paanong ako ang may kasalanan?” “Eh kasi naman po, biglang dumating ang pinsan mong model dito sa school para bisitahin ka! Kaya hayan, nagkagulo ang mga girls dito. Kahit nga security guards hindi mapigil eh.”“Tsk tsk tsk… Eh nasan ang mga prefect?”“Nasa tabi ng cousin mong magaling, hindi din kinaya ang mga powers ng babaeng naloloka sa pinsan mo.” “sakit talaga ng ulo ang lalakeng yan. Sige na huwag kang mag-alala. Ako ng bahala dito.” Lumapit ako sa nagkakagulong mga babae.
My gosh, bakit ba nahuhumaling ang mga babaeng ito sa pinsan ko? “Wheeet-whoooo!!!!” 
sumipol ako ng malakas. Napatingin naman ang mga babae sa akin. Natahimik sila.
“Bakit kayo nagkakagulo dito?
Alam nyo naman sigurong labag sa rules ang ginagawa nyong pagkakagulo dito? Ang security guards hindi nyo sinunod, kahit ang mga prefects. Gusto nyo bang maparusahan kayo?!
” napayuko na lang ang mga babaeng naghawian kanina. Napatingin naman ako sa relo ko, 5 minutes before next class namin…
Mukhang malelate pa ata ako. Pahamak talagang lalake ito.“Ayoko ng maulit ang pangyayaring ito” Lumapit naman sa akin ang pinsan kong pahamak. Hay nako, sarap sapakin! Pero mas may maganda akong plano sa kanya.
“But I guess it can’t be helped. Kasalanan din ito ng pinsan ko. Kaya naman after class, pumunta kayong lahat sa music hall. Doon nyo gawin ang gusto nyong gawin sa pinsan ko.” Nakita kong naging masaya ang mga babaeng estudyante sa harap ko.
“Sa isang kondisyon! Huwag na huwag kayong magkakagulo doon, okay?” tumingin ako sa pinsan kong si Lei, halata sa mukha nya na naiinis sya.
“That’s the price of being famous, my dear.” Nang-aasar kong sabi kay Lei.
“Kung hindi lang ikaw ang paborito kong pinsan, baka ibinitin na kita…” “Kasalanan mo yan, binigyan mo ako ng sakit ng ulo, at dahil sayo male late pa ako. Ja-na! (see you) Huwag na huwag kang tatakas ha?” 
yun lang at tumakbo na ako papunta sa next room namin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Zack.
“Saan ka pupunta? Mag I start na ang class natin.” “Mag c cr. Bakit sasama ka?” nakakalokong sabi nito.
“
a-at b-bakit ako sasama sayo? Bastos…” yun lang at nilagpasan ko na sya. Nakakainis talaga ang lalaking yan. May topak talaga kahit kailan.