Teentalk

Poll

One more time. Who is going to get a "flatline"?

Chanel
Jamie
Miko
Charles
David

Author Topic: A Stupid Promise: PAGE 84. :) HAPPY EASTER EVERYONE! ;)  (Read 90760 times)

lissy_14

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4081
  • Karma: +155/-32
    • Whatcha want from me?
HAHA! okay okay, i'll wait here :]]
waah! heavy drama pala ito :D
Lolz. Hindi naman heavy drama. Ayokong bumaha ng luha. Haha. Joke! Anyway, ito na iyong up. ^-^

tsss. humble pa. wag ganun. compare mo naman. mas sikat kang writer. si gia? ayun nagpapasaway. may bagong up. ^-^
Hehehe. =D Salamat sa comments.

I've read your update last night. Grabe talaga. Idol ko sa pagiging pasaway. XD Haha.

Hello!
Welcome sakin! Hihihi
oo nga.
mabuti pang gawin mo nalang nu?
kaya nga yung promise ko na mag-aaral mabuti ang hirap talaga tuparin e!
wahahahaha!

Haha. Apir! :D Ako rin. Nahihirapan tuparin iyon. XD Hahaha.

wow! I like this story! ^_________^ ♥♥♥
Hey sis! Thanks. Welcome dito! Haha. What's your name?

weee. New reader here sis. =) jha here. ganda ng story..  ;D
Hey Jha! Nandito ka na rin. Hehe. Thanks for reading ah. :)


The Stepmonster...

Isang taon na rin ang lumipas pagkatapos maghiwalay ng parents ko. Well, siyempre, medyo naging mahirap mag-adjust noong una pero nasanay rin kami eventually. Naging bonded talaga kami ni daddy kahit busy siya sa work niya. Every Saturdays and Sundays, parati kaming pumupunta mall at namamasyal.

Everything was going well until one day came. (Not to mention, it was my 6th birthday)

Nagkaroon ng party sa bahay namin at nandun din iyong ibang friends and relatives ko. Habang nakikipaglaro ako sa ilang friends at cousins ko, tinawag ako ni daddy.

Daddy!

Sinalubong ko iyong daddy ko at kinarga naman niya ako.

Hey baby! Happy birthday! Oo nga pala, I have a surprise for you.
Really? Ano naman iyon?
Just wait here.

Binaba ako ni daddy  at umalis sandali para kunin iyong ‘surprise’ ko. Wala pang isang minuto, nakabalik na si daddy na may malaking ngiti sa mukha niya.

Nasan na po iyong surprise ko?

Medyo natawa si daddy dahil sa sobrang pagka-excited ko.

Ito na oh.

May biglang lumabas na isang babae sa may likuran niya at hinawakan naman bigla ni daddy iyong kamay niya.

Well, hello there little girl. You must be Chanel.

Nakangiting bati sa akin ng isang babae.

Why yes darling, that’s little Chanel. By the way, Chanel, I’d like you to meet your Tita Julie. We’re getting married soon. She’s going to be your new mother. Isn’t that great, baby?

I remember my dad telling me and being so young and naïve, I agreed with him. 

But seriously, this was the part where my nightmare began.

I actually thought that Julie would be a great stepmother. I thought she would be different and better than my real mother. But I was wrong… very wrong. She was even worse.

Unfortunately, they got married 3 months after my 6th birthday.

The truth was stepmonster and I did not get along very well. She hated me and I hated her as well.  BIG TIME! Pero kapag kaharap namin si daddy, plastikan lang kami. We’re pretty good pretenders. :P

Kapag wala si daddy, sinasaktan ako ni stepmonster. Pinapalo niya ako, sinasampal sinasabunutan, at kinukurot niya ako. Bakit? Ito ang naalala kong sinabi niya sa akin matapos niya akong sampalin.

Alam mo, ikaw na bata ka, malaki kang sagabal sa amin ni Ben eh. Ayoko sa’yo at kahit kailan hindi kita tuturingin bilang anak ko.

Dahil sumosobra na siya, sinubukan ko siyang labanan.

Bakit?! Ayaw ko rin naman sa’yo eh! Masama ka! Kasing pangit ka ng ugali mo!

Pagkatapos ko sabihin iyon, sinampal niya uli ako ng malakas. Pagkatapos ay piningot niya ako sa tenga ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak.

Aba, aba, aba at sumasagot ka na ngayon ah! Bwisit ka talaga kahit kailan! Bakit ba kasi di ka sinama ng magaling mong nanay?!

So, bakit hindi ako nagsumbong? Actually, napansin na nga rin niya iyong mga pasa na nanggaling kay Julie. Sinubukan ko nang sabihin sa daddy ko iyong lahat ng pinaggagawa sa akin ni stepmonster but then hindi siya naniwala sa akin. Mas pinili niyang paniwalaan iyong pangit na babaeng iyon.:P

Iyong yaya ko nga gusto-gustong nang magsumbong kay daddy pero binablackmail ng bruha. Kaya ayun, dalawang buwan ko ring tiniis iyong mga pagmamaltrato niya. Siyempre, dumating na rin iyong time na napuno na ako pero…hindi ko pa rin siyang kayang labanan kasi nga bata lang ako.

Since hindi ko na ma-take ang lahat ng ginagawa ni stepmonster sa akin at dahil mas pinili pa ng daddy ko na maniwala sa kanya, iyon ang nag-udyok sa akin na maglayas. Isang backpack na puno ng mga damit at ilang kagamitan ko. At dahil magiging mag-isa lang ako sa paglalakbay ako, nagdala ako ng sariling pera ko. Kinuha ko iyong pera ko na naka-store sa alkansya ko. At dahil bata lang ako, sa dami ng barya kong ito at ilang P20 bills, naisip ko na makakasurvive na ako.

Since naging busy naman ang lahat ng tao sa bahay at naglakwatsa si stepmonster sa mall,nakatakas ako sa paningin nila at nagsimula na akong maglakbay mag-isa. Buti na lang iyong mga guard na nakabantay sa labas ng gate ng bahay namin ay hindi ako napansin na nakalabas dahil busy silang nag-uusap… Or baka naman talagang magaling ako tumakas? Hehehe.

Mga bandang umaga akong umalis sa bahay namin at inabot na ako ng gabi sa daan. Nakakain naman ako ng lunch at dinner. Malaki ang naitulong ng mga barya ko kaya sobrang nagpapasalamat ako dun. Ang naging problema ko naman ay iyong tutulugan ko. Mag-9pm na ng gabing iyon at palaboy pa rin ako sa daan. Parang nagsisisi ako sa ginawa kong paglalayas at gusto ko nang umuwi ng bahay. Kaya lang natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni stepmonster pag-uwi ko. Sobrang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Napaupo na lang ako sa may sakayan ng jeep at naiyak na lamang. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Habang umiiyak ako, bigla na lang may tumapat na ilaw ng sasakyan sa mukha ko. Medyo natakot ako dahil akala kung sinong tao ang kukuha sa akin. Pero bumaba iyong taong iyon sa sasakyan. Laking gulat ko nang bumaba iyong taong iyon. Mas lalo akong naiyak nang makita ko siya papalapit sa akin.

Hindi ko akalain na makikita pa ako ni daddy dito.

Umuwi rin naman kami kaagad ni daddy sa bahay. Habang nasa daan kami, tinanong niya ako kung bakit ko ginawa iyong bagay na iyon. Kahit nagaalangan pa rin ako kung maniniwala pa rin siya sa akin o hindi, sinabi ko na rin sa kanya iyong dahilan ko at iyon ay ang pagmamaltrato sa akin ni stepmonster.Napabuntung-hininga si daddy sa akin nang sabihin ko iyon. Sinasabi ko na nga ba, ayaw pa rin niyang maniwala pero laking gulat ko na lang nang pagbaba namin ng sasakyan. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay namin at pinagsisigaw ang pangalan ni Julie. Lumabas naman kaagad siya.

Nakita niya ako at as usual, pinakita na naman niya iyong kaplastikan niya sa harapan ng daddy ko. Kunwaring alalang-alala siya pero if I know deep inside gusto niya akong saktan.

Chanel! Nagbalik ka rin! Thank God you’re safe! Saan ka ba kasi nagpupuntang bata ka? Pinag-alala mo ako ah.

Yayakapin niya dapat ako nun pero umiwas na ako. Nagtago na ako sa likod ng daddy ko. Nagulat si Julie sa inasta ko at nanlaki iyong mata niya.

Haha. Mukhang talaga siyang aso. :P

Julie, we need to talk.

At sinibukan pa niyang magmukhang santa. Kunwari wala siyang alam. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman.

Honey, what do you mean? Talk about what?
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Totoo ba na minamaltrato mo ang anak ko?
Ha?! Minamaltrato? Bakit ko naman gagawin kay Chanel iyon? Eh parang anak na rin ang turing ko sa kanya eh. Hindi ba Chanel?

Ang kapal din naman ng mukha niya noh? :P

Hindi totoo iyan! Daddy, wag kang maniniwala sa kanya.

Nakatingin na lang sa akin si daddy nun. Mukhang nalilito siya kung sino sa aming dalawa ni stepmonster ang nagsasabi ng totoo. Kakausapin na sana ako ni daddy nun nang biglang may nagsalita.

Sir Ben! Maniwala kayo kay Chanel. Nagsasabi po siya ng totoo.

To the rescue talaga itong si Yaya Lily. Siguro kung di dahil sa kanya baka hindi na talaga tuluyang naniwala sa akin si daddy. Kinwento ni Yaya Lily ang lahat ng mga pinaggagawa ni Julie sa akin at pati na rin sa iba pa naming kasambahay. Tinanong din naman sa akin ni daddy kung totoo iyong mga kinwento ni Yaya Lily. Siyempre, sinabi ko iyong katotohanan. Bistado na rin si Julie. Kahit bistado na si Julie, todo pa rin ang pagdedeny. Hay naku, kapag desperado nga naman talaga ang isang tao. ::)

Ben! Wag kang maniwala sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko ginagawa iyon. Pinagkakaisahan nila ako! Mas pinaniniwalaan mo ba sila kaysa akin?
I’m sorry Julie pero mas pinaniniwalaan ko sila Chanel.

Kitang-kita sa mukha ni stepmonster na asar na asar siya.

Pero ako ang asawa mo!
Anak ko si Chanel. Mas matagal ko na siyang kilala kaysa sa’yo. At isa pa, bata si Chanel at ang bata ay hindi nagsisinungaling. Hindi rin siya maglalayas ng walang dahilan.
Ako lang ba ang may kasalanan dito? Eh yan rin naman kasing mga katulong mo, tat*nga-t*nga. Hindi nila binabantayan ng mabuti iyang anak mo kaya ayan, kung saan-saan na tuloy napupunta.
Pwede ba Julie, wag mo ngang dinadamay ang mga katulong dito. Tungkol sa’yo ito at kay Chanel.

Di na makasagot si stepmonster. Kitang-kita sa hitsura niya na parang gusto na niyang umiyak dahil bistado na siya at pinagkakaisahan na namin siya.

Pwes kung ganito lang naman din ang mangyayari,mabuti pang maghiwalay na tayong dalawa.

Sabi niya sa daddyko. Alam ko na mahal na mahal ni daddy si Julie. (Love is really blind. :P ) At ito na naman ang ikalawang beses na iiwanan siya ng babaeng mahal niya. Di naman kaagad nakasagot si daddy. Naisip ko tuloy parang nag-flashback na naman siguro sa kanya iyong nangyari sa kanila ng mommy ko noong naghiwalay sila. Nakatingin lang ako sa daddy ko nun at hinahantay ko iyong sasabihin niya.

Okay then. You asked for it. The door’s always. Pwedeng-pwede ka nang lumabas.

Kitang-kita sa mukha ni stepmonster na hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni daddy sa kanya. Pero siyempre, dahil ma-pride din siya, nagkunwari siyang hindi siya affected.

Fine! I’ll just pack my bags and leave!

Oh yes! Haha.

At pagkatapos nga nun ay umalis na si monster-in-law. Ilang buwan rin ang nagdaan at inasikaso na ni daddy ang annulment nilang dalawa.

Magmula rin noong hiwalayan nila, nangako si daddy di na siya mag-aasawa uli.

Thank God and my nightmare ended already.
« Last Edit: May 14, 2008, 05:59:46 pm by lissy_14 »

kaih11_jRaU89

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1231
  • Karma: +58/-9
  • Got a secret.
pagkatapos nun? excited na ko. hahaha!
medyo nainis ako kay Daddy ni Chanel ng konti ah. ayaw ba naman paniwalaan si Chanel. argh!  ;D


next na. :)
"Love is so short, forgetting is so long." - Pablo Neruda
Visit my blog and show some love: http://iamsokarla.tumblr.com/

teneighteen_06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1232
  • Karma: +64/-15
  • T_T
    • Save+Close
Ang haba ng The Past ni Chanel ah.. wahhaa..

excited na ko sa mga susunod na mangyayari! Update ulit ate! wahaha..
Ito ang signature ko. Cool noh?

lissy_14

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4081
  • Karma: +155/-32
    • Whatcha want from me?
pagkatapos nun? excited na ko. hahaha!
medyo nainis ako kay Daddy ni Chanel ng konti ah. ayaw ba naman paniwalaan si Chanel. argh!  ;D


next na. :)
Pagkatapos nun ay meron tayong makikilala na bagong character. Sino siya? Malalaman natin bukas. Hahaha.

Kaya nga diba? Love is blind. Masyado niya kasing mahala si stepmonster. Bwahahaha.

Thanks for reading Karla!

Ang haba ng The Past ni Chanel ah.. wahhaa..

excited na ko sa mga susunod na mangyayari! Update ulit ate! wahaha..
Oo Kiche. Mahaba-haba pa yan. Meron pang kasunod na 2 parts. Iyong isa ipopost ko bukas at meron tayong makikilala na character. Haha.

Thanks for reading!

cute_weng

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1091
  • Karma: +68/-28
  • life's a bliss!
naks naman liss na post mo na din!hahaha wag na sana pabalikin si stepmonster noh!

teneighteen_06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1232
  • Karma: +64/-15
  • T_T
    • Save+Close
No need to thanks! Ako pa.. wahaha.. I'll read this with plessure.. ayie... wahaha..
Bukas yung isa??

Which means ngayon na yung kasunod??


Yehey! weeh!
Ito ang signature ko. Cool noh?

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Buti nga kay stepmonster! Matalinong Chanel ha naglayas! ha ha... Next na Lissy! :)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

nNnyYyLLL

  • Guest
HAHA! buti nga sa stepMONSTER na yun >:D >:D

kumulo dugo ko nung nabasa ang mga masasama niya ginawa kau chanel :D :D

*relax, jen relax* ;D

lissy_14

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4081
  • Karma: +155/-32
    • Whatcha want from me?
naks naman liss na post mo na din!hahaha wag na sana pabalikin si stepmonster noh!
Hahaha. Don't worry Rain, hindi na talaga babalik si stepmonster. Bwahaha. >:D Thanks for reading!

No need to thanks! Ako pa.. wahaha.. I'll read this with plessure.. ayie... wahaha..
Bukas yung isa??

Which means ngayon na yung kasunod??


Yehey! weeh!
Haha. Malabo ata ung pagkasabi ko kanina. Sorry. Bukas po ako mag-uupdate. :> Hinati ko kasi sa 4 parts itong prologue diba? Iyong part 1, kahapon ko pinost. Iyong part 2, itong pinost ko ngayon. Tomorrow, iyong part 3 naman. :> Tapos probably on Friday, part 4.

Buti nga kay stepmonster! Matalinong Chanel ha naglayas! ha ha... Next na Lissy! :)
Haha. Oo nga eh. Wise ni Chanel pero bad ung ginawa niya. >:D Haha. Post ko bukas iyong up. Thanks for reading Ate Pau!

HAHA! buti nga sa stepMONSTER na yun >:D >:D

kumulo dugo ko nung nabasa ang mga masasama niya ginawa kau chanel :D :D

*relax, jen relax* ;D
Haha. Relax lang Jen. Iyong puso mo. Haha.

Thanks for reading! :)



psyxie10

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 48
  • Karma: +4/-0
c nine po ito...  :D
Forgotten but not lost.

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 282
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
hi sis!  :)

new reader po hir, milrose ang name.  ;D

chapter 2 palang nagandahan ako.. :]] hihihi..
napakalaking PRETENDER ni stepmonster..  ;D

i'll support this sis!  :D
Sino ngayon ang manhid? Tss.

regiereg

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2993
  • Karma: +171/-26
  • waiting on the world to change....
naku naman! dapat lang bitayin yang si stepmonster eh! buti nga sa kanya. nice one Liss!

biancaxchq

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1842
  • Karma: +202/-26
    • Tumblr
Hey Jha! Nandito ka na rin. Hehe. Thanks for reading ah. :)

yepyep. Hihi. support ko to sis. anyway. ang cute ng pangalan ni Julie, STEPMONSTER!! monster din kasi tawag ko sa kaaway ko ee. haha. share. anyway. next chappiee na. :D

lissy_14

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4081
  • Karma: +155/-32
    • Whatcha want from me?
c nine po ito...  :D
Oh. Oo nga pala. Sorry! Hehe.

hi sis!  :)

new reader po hir, milrose ang name.  ;D

chapter 2 palang nagandahan ako.. :]] hihihi..
napakalaking PRETENDER ni stepmonster..  ;D

i'll support this sis!  :D
Hey Milrose! Actually, part 2 pa lang iyan ng prologue. Hehe. Oo nga eh. Buti na lang at umalis na siya. Haha. Thanks sis!

naku naman! dapat lang bitayin yang si stepmonster eh! buti nga sa kanya. nice one Liss!
Haha. Di bale, ipapahanap natin kung nasan siya at tapos papabitay natin. >:D Bwahaha. LOL. Joke lang. Thanks for reading Reg!

yepyep. Hihi. support ko to sis. anyway. ang cute ng pangalan ni Julie, STEPMONSTER!! monster din kasi tawag ko sa kaaway ko ee. haha. share. anyway. next chappiee na. :D
Hahaha. Ganun? Kasing salbahe ba siya ni stepmonster?

I'll post the update later. Tatapusin ko lang. :D
« Last Edit: May 15, 2008, 05:57:34 pm by lissy_14 »

teneighteen_06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1232
  • Karma: +64/-15
  • T_T
    • Save+Close
ahhh.. sige po.. gets ko na.. wahaha..
I'll wait for the update..  ;)
Ito ang signature ko. Cool noh?

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website