Birthday ng daddy ko ngayon.

Cool din ang daddy ko. Sakanya ko ata namana ang mga kalokohan ko.

Kung magaling ako mag-joke, talo parin niya ako. Ayaw niya ang nag po-"po" kami sa kanya kasi feeling daw niya sobrang tumatanda na siya.
Di parin niya ako pinapayagan magkaBF. No prob naman sa akin yun, kasi wala pa rin sa mga plano ko ang magkaBF as of now. Feeling ko little girls parin kami ng sister ko sa mata niya.
Pag nagkakasakit kami, todo alaga. As in. Kahit 20 y/o na ako, feeling ko schooler parin ako kung alagaan niya.

Kanina nga nung binati ko sa text, sabi ko..
"Happy 51st birthday, Daddy! We love you!

"
Ang sagot ba naman sa akin ng dad ko,
"35 pa lang ako!"Haay nako.

Maluwag naman siya sa amin sa ibang bagay. Kunwari, kung may mga party na may inuman, pumapayag parin siya. Alam naman kasi niya na di ako iinom. Kaya kahit ilang beses na akong niyayaya na uminom, or tumikim man lang, ayaw ko parin.
Iba parin kapag pinagkakatiwalaan ka ng magulang mo, diba? 
Mahirap na ang masira ang tiwala niya sayo, kaya ako ingat na ingat ako.

Nakakatakot din kasi magalit yun eh. Hypertensive pa. :/
Anyway, mahal na mahal ko ang daddy ko. Madami na kaming ups and downs as a family. Kahit anong mangyari, siya parin ang pipiliin kong Daddy if ever man may pagkakataon akong palitan ang daddy ko. I major major love my dad.

HAPPY BIRTHDAY AGAIN TO THE ONLY MAN OF MY HEART !
