Napakamalas mo talaga Fortune!
Sa lahat pa ng taong pwedeng makakita sa iyo sa ganitong posisyon bakit si Trev pa?
Ang saklap talaga ng life... 
Nakatingin lang ako kay Trev at siya naman lumapit sa akin. Akmang tutulungan na niya ako para tumayo ng pinahinto ko siya.
"Trev wag!" 
Siyempre si Trev na ubod sa gwapo nagulat sa sinabi ko. Kung bakit ba naman kasi pinahinto ko siya eh tutulungan na nga niya ang beauty ko? Hindi pwede! Siyempre kailangan manaig ang konting pride na meron ako. Kailangan muna na magpakipot ako.
"I mean wag na nakakahiya sa iyo kung tutulungan mo pa ako."

Napangiti siya sa akin at kung pwede lang na bumagsak na yung kisame sa ulo sana bumagsak na kasi baka alam nyo na panaginip lang ito! Pero mukhang hindi dahil kahit ilang beses kong kinukurap ang mata ko hindi pa rin nawawala yung nakangiting mukha ni Trev!
"Wag ka mahiya sa akin Fortune para naman hindi tayo naging magkaklase."Hay yun na ang ang masakit eh kasi hanggang
MAGKAKLASE lang ang pwede niyang ibigay sa akin.
Hinayaan ko na lang siya na tulungan akong tumayo tutal naman hindi ko talaga kakayanin dahil ang sakit ng paa at pwetan ko. Nung nakatayo na ako ay muntik ko ng makalimutan yung dala-dala ko!
Napatingin ako sa paligid at nakakalat ang lahat ng susuotan ko sa contest bukas.
Naku nakakahiya kay Trev!

Lalapit na sana ako at pupulutin yung mga costume ng naunahan ako ni Trev!

Pinulot niya yung mga damit at inabot sa akin!
"Fortune sasali ka ba sa beauty contest bukas?"Obvious ba? Siyempre oo ako pa! pero hindi yun ang sinabi ko kundi...
"Beauty contest ba? Ah hindi! Eto para sa Ate ko kasi sasali siya eh taga-dala lang niya ako." Ewan ko ba kung bakit yun ang sinabi ko kay Trev. Siguro nahihiya lang akong sabihin na sasali ako.

Napatango-tango si Trev na hindi ko alam kung kumbinsido ba siya sa sinabi ko o hindi.
"Okay, pakisabi sa Ate mo na good luck sa kanya."
"Salamat Trev. Matanong ko lang kung hindi mo mamasamain ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Ang alam ko kasi pagkatapos ng graduation ay lilipad daw ang pamilya nila Trev sa Canada dahil dun na sila titira kaya naman nakapagtataka na andito si Trev!
Hindi kaya dahil sa akin?

Hmm masyado naman ata akong assuming! Malay mo ba di ba?

Napakamot ng ulo si Trev bago napatingin sa akin.
"Ah si Papa kasi isa sa organizer ng beauty pageant eh alam mo na inaayos niya yung papeles namin kahit heto ako ang pumalit sa kanya."Organizer siya ng beauty contest?
Isa lang ibig sabihin nun...
PARANG GUSTO KO NG MAGBACK-OUT!
"Ano? Pakiulit mo nga ang sinabi mo Fortune, hindi ka na sasali sa beauty pageant? Give me a very valuable reason why?"Si Ate Charity talaga may pagka-OA!

Sinabi ko na lang na hindi ko na balak sumali eh pinapahaba pa niya hindi na lang ako payagan!

Lumapit ako kay Ate na subsob ang mukha sa librong kabibili lang niya. Kauuwi lang namin mula sa barangay hall at hindi ko na pinaglapas ang pagkakataon na sabihin sa kanya na ayoko ng sumali.
"Eh kasi Ate si Trev isa siya sa organizer ng contest at...""At nahihiya kang malaman niya na kasali ka?" Malungkot akong tumango sa kanya.
"Hay naku hindi ka pwedeng hindi sumali dahil nakakahiya sa mga friends mo!"Friends ko? Ano na namang drama meron itong si Ate? 
Tatanungin ko na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ate at iniluwa ang masasayang mukha ng mga KAIBIGAN ko!
Pumasok silang lima na may hawak-hawak na banner at nagsimulang kumanta.
"Move... Give way... Fortune is on your way! Fortune is the winner! Go go Fortune!"
Hindi ko malaman kong nahawa pa ng pagkakaroon ng topak ng Ate ko ang mga kaibigan at mas baliw pa sila sa akin!
"Anong ginagawa nyo ditong lima?""Friendship naman siyempre para suportahan ka!" Lumapit sa akin ang nag-iisang liberated na taong kilala ko si Sylvanna. Siya ang isa sa pinakamayaman na naging kaklase ko pero take note napaka-down to earth ng babaeng yan kaya naman sobrang mahal na mahal ko yan.
"Oo nga naman ano ba ang ginagawa namin dito kundi para sa iyo Fortune!" Sumunod naman na lumapit sa akin si Dwardy, isa sa makulit at bibo kong kaklase nung third year high school na naging kaibigan ko dahil ipagtanggol ba naman ang lola nyo sa mga alaskador!
"Magtatampo na nga sana kami kung hindi pa sa amin sinabi ni Ate Charity na sasali ka." At kunwaring nagdradramang lumapit sa akin si Odessa, ang kababata kong kilalang-kilala na ako mula sa pinakamaliit kong buhok sa ulo hanggang sa sakong ko.
Napangiti naman ako sa kanilang tatlo.
"Sorry naman..."
"Hay hindi namin tatanggapin yan sorry mo kung hindi mo itutuloy yang pagsali!" At tinapik ako sa balikat ni Racky, ang tomboy kong kaibigan na babae kong manamit. Mas lalaki pa siyang kumilos pero kung manamit mas kikay pa sa babae, ewan ko nga ba kung paano siya naging tomboy!
"At magwawala kami kong hindi pa sa iyo mapupunta ang korona Fortune!" Kahit na hindi ko makita ang mukha ng huling nagsalita dahil sa luha na sa aking mga mata ay alam ko na kung sino. Walang iba kundi ang best friend ko si Siege. Ang nag-iisa kong best friend na ang hilig-hilig makipagbasag ulo pero sobrang mabait at maunawain yan!
"Oh ano Fortune magbaback-out ka pa ba?"Hindi ko na nasagot yung tanong ni Ate Charity dahil niyakap ko ang mga kaibigan ko at umiyak sa kanila.
Sa tingin ko naman alam na ni Ate Charity ang kasagutan!
"And now let us welcome our beautiful and dazzling candidates for Miss Teen Valenzuela 2008!"Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin paglabas namin ng entablado. Wag na kayong magtaka kong bakit nasa stage ako at kumakaway sa napakaraming tao. Ang mga kaibigan ko kasi napakagaling sa pagpipiplit kaya ito ako nasa stage suot-suot ang napakabonggang yellow gown na ginawa pa raw ni Totoy Madriaga at sobrang laki ng ngiti sa mga tao.
Eto na ang aking moment...
"Beauty is in the eye of the beholder. Good evening to all of you! This is Fortune Silveria, 16 years old from Karuhatan."Nakahinga kaming maluwag ng nakababa na kami ng stage. Grabe 20 contestants kami ngayon at aaminin ko na kahit na pang-sampu ko na ito ay kinakabahan pa rin ako. Nagpalit na kami agad ng ibang costume dahil pipiliin na yung top 10 at magbibigay na ng awards.
Nanalong Miss Talent yung dati kong kaklase na si Mimi, Miss Photogenic naman yung bago kong kilala ni Ayessa at hindi kagulat-gulat na mapunta sa akin ang Miss Friendship. Paano ba naman siyam na beauty pageant na sinalihan ko parati ko na lang nakukuha ang Miss Friendship!

Alam kong hindi ko dapat ikalungkot yun, friendly lang siguro ako kaya ito lagi na lang Miss Friendship!

Ayan sasabihin na yung top 10 at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Last but not the least, contestant no. 13!"At katulad pa rin ng dati lagi na lang ako yung panghuli!

Ewan ko ba naman kung sinasadya talaga na tawagin ako na parating huli. Hay...

Gayunpaman atleast di ba pasok na naman ako sa top 10!

Yipee!

Lovely crown here I come!!!

Swimsuit competition an yung sumunod at dahil nga panghuli pa ako ay nagtsikahan muna kami ni Ayessa, siya yung pang-no 9.
"Fortune nakita mo ba yung judge na nasa kaliwang upuan, yung nasa dulo?"Katatapos ko lang mag-apply ng foundation lotion bago ako napatingin kay Ayessa na nakangunot-noo.
"Hindi... Bakit?" Sa sobrang pag-chin up ko hindi ko na halos napansin yung mga hurado na nasa gitna.
Lumapit siya sa akin at mahinang bumulong na...
"Hay naku girl tignan mo mamaya dahil ang gwapo nung isang judge at sa pagkakarinig ko ay commercial model siya na naghahanap ng makakapareha niya sa susunod na gagawin niyang commercial. Malay natin ikaw o ako pala yung mahahanap niya di ba? Exciting yun! At kahit na nabibingi si Fortune sa tila ng kaibigan ay hinayaan niya lamang iyon.
Gwapong judge na commercial model? Matignan nga yan mamaya...
"And for our last contestant candidate no. 13." At lumabas na ako ng backstage.
Sinubukan kong tignan yung juror na nasa kaliwa pero hindi ko nakita dahil biglang lumapit si Trev sa lamesa ng jurors at...
**BLAG!"Candidate no. 13 are you okay?"Sino ba naman kasi ang naglagay ng matinding floorwax dito sa stage?
Nadulas ako at ang malala yung mga tao ay tinatawanan ako ng malakas!
God help me! Ayokong maging second Miss Miriam Quiambao!
"Fortune kaya mo pa ba?" Malungkot akong napatango kay Ayessa habang nakatitig sa legs ko namumula na parang kamatis. Nasa backstage kami matapos yung pagkakadulas ko dahil nakita ko si Trev. Kung bakit kasi andito pa siya!

Ang sakit-sakit tuloy ng buong katawan ko dahil halos napahandusay na ako sa stage!
"Hay napakamalas ko talaga Ayessa..."Umiling sa akin si Ayessa at hinawakan yung baba ko sabay napangiti.
"Ano ka ba hindi ka malas! Ang swerte mo nga kasi kahit na nadulas ka pa nakapasok ka naman sa top 5..."Yung nga lang ang pampalubag-loob sa akin nakasama pa rin ako sa top 5!
Akalain nyo yun! 
Nakakagulat nga eh pero siguro naawa lang sa akin yung mga judges kaya ayun pinasok na lang ako sa top 5.
"Top 5 girls ready na kayo na ang susunod!" Tawag sa amin nung floor director at napatayo na ako.
Nag-good luck sa akin si Ayessa at iika man ay naglakad na ako papaakyat ng backstage. Malapit na ako sa back stage ng makarinig ako ng dalawang babaeng nag-uusap.
"Naku kung alam ko lang pakulo lang niya yung pagkakadulas niya para mapansin siya!" 
"Oo nga eh, hindi ba siya nagsasawa na pang-ilang beses na niyang sumasali eh talo pa rin siya? Kung ako sa kanya wala na akong mukhang ipapakita pa…" 
At umalis na yung dalawang babae ng silipin ko kung sino. Nalungkot at nasaktan ako sa narinig ko sa mga taong yun.

Sobra naman sila wala ba akong karapatan na madulas at sumali ulit?

Pero sa totoo lang parang tama sila...
"No.13 ikaw na umakyat ka na bilis!"
"Hi candidate no.13, so the question is why did you join to this pageant and what do you think you could do to make a difference to our society?"Napatingin ako sa audience bago ko hinawakan yung microphone.
"Good evening I joined this pageant because I...""Naku kung alam ko lang pakulo lang niya yung pagkakadulas niya para mapansin siya!" 
"Oo nga eh, hindi ba siya nagsasawa na pang-ilang beses na niyang sumasali eh talo pa rin siya? Kung ako sa kanya wala na akong mukhang ipapakita pa…" 
Bumalik sa utak ko yung lahat ng narinig ko kanina at sa unang pagkakataon na mental blank ako!
"I... I want... I'm sorry..." At inabot ko dun sa host yung microphone bago ako bumaba ng stage at nagtatakbo papalayo.
"Wala talaga akong kwenta...
Puro na lang ako kahihiyan, kamalasan...
" *Sniff*
Walang sawa pa rin sa pagluha ang mga mata ko. Nakaupo ako sa gilid ng gate ng barangay hall na parang sira at timang. Magagawa ba nila eh sa naiiyak ako?
"Sabi na kasing ayoko ng sumali pero pinili lang ako nila Ate! Ayan tuloy nakakahiya ako! Nakakahiya ka talaga Fortune…" malakas kong sigaw sa kawalan.
"At mas nakakahiya ka kung diyan ka lang..."Nanlaki yung mga mata ko at yung mga luha ay parang nagsibalikan lahat sa mga mata ko ng may narinig akong nagsalita.
Pinunasan ko yung luha ko at napatingin sa taong nakasandal sa pader ng gate.
Sigurado ako na lalaki yung nagsalita dahil sa baritono niyang boses at nakakahiya narinig niya yung mga walang kwenta kong himutok at sama ng loob!
"Sino ka? Anong ginagawa mo diyan?"

Hinawakan niya yung red cap niya kaya mas lalong hindi ko makita ang mukha niya.
"It is not important if who I am. Don't be a cry baby. Go back to the stage and show to all the people that you are not a loser."Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya papaalis at ako naiwan nagtataka kung sino ang lalaking yun na bahagyang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na bumalik sa loob at harapin ang mga mata ng tao.
