Author: 2nd Chap's up! Sana po may sumuporta 
Chapter II – The RiddleAfter that not-so-wonderful encounter with my so-called complainant, balik na ulit ako sa dati kong buhay. I’m hoping na sana hindi na maulit yun. Nakaka-trauma kayang bitbitin ng mga pulis.

Not to mention, maraming usisero’t usisera na kung makatingin ay parang lalamunin na ako ng buhay.
“Bestfriend, tulala ka nanaman diyan. Iniisip mo nanaman siguro yung nangyari sa mall nung isang araw noh?
” tanong nung isa pang usi kong bestfriend.
“Mika, alam mo na namang nakaka-trauma yung nangyari. Ang masama pa maghahanap daw ng kung anong ebidensya yung ma-angas na lalaki. Siyempre naga-alala ako dahil marami pa akong pangarap sa buhay noh!
Hindi ko yata kyang mabulok sa kulungan sa kasalanang --
”“Hep hep hep!” singit niya.
“Nagda-drama ka nanaman. Ilang beses ko na yan narinig para ka nang sirang palaka!
” sirang ano?!
“Sinong naging palaka??
” bigla naman kaming napatingin sa likod namin.
Hindi ko pa pala nasasabi na nasa cafeteria kami ngayon ng aming prestigious university. Mga sophomore na kami kaya wala nang masyadong pressure sa studies. Nakapag-adjust na ika nga.
“STEPH!!”‘Lil info about our super friendship steph:

Steph (es-teffffff) alt. pronounciation (ba-deng-ger-zeeee

) – derived from the Girlalu name: Stephanie which derived from his TRUE given name StePhen with a capital S and P. :p
“MIKKKKAAA!!!
”At pooof! They became koko crunch!

I mean nagyakapan sila at umupo na yung baklush naming friendlalou sa table namin. I’m sure may mga controversial na schoolbiz news ang bruhilda.
“Oi bading!” sabay tapik niya sa shoulder ko. Kelan naman ako naging bading?

Anyway, sanay na naman ako.
“Narinig ko sa mga sources kech na muntik-muntikanan ka nang ma-police arrest last Saturday! Super na-scared ang aking skin hairs mare! Ano bang nangyari?”“Naku Steph wag mo na tanungin yan si Shing.
Da-dramahan ka lang niyan. As in every detail maku-kuwento niya. Anyway, may iba ka pa bang balita?” at talagang nagala-startalk at the buzz ang dalawa.
Yan ang usual routine namin dito every lunch break. Tsismisan.

Pero okay lang hindi naman kami name-mersonal. I mean hindi naming ginagamit yung mga nalalaman naming na pamblackmail ng iba. Pero I was thinking about that kasi lately may bruhildang nangaaway sa barkada namin… hmm… Nah! Mabait ako eh!

Bumili na muna ng makakain si Steph. Tuloy ang kwentuhan. Nagtaka na lang ako nung biglang tumigil na lang sa kakasalita si Mika. Si Steph naman tuloy pa rin yung machine gun niyang bibig.

After a while, napansin din ni Steph na natahimik si Mika. Nakatitig lang naman siya ng super nasurprise yung tingin sa kung anong species na nasa likod ko.
“Mika! Nawalan ka na ba ng battery? Teka lang sususian kita!
” patayo na sana ako sa upuan ko pero bigla naman akong pinigil ni Mika. What’s with her huh?!
“No need Shing. Uhmmm… a… e… --”“I, o, u! I love it! Bravo Mika! After 18 years of existence na-pronounce mo na rin ang vowels!
Parang nung nusery hirap na hirap ker na sabihin ang vowelalou na mga yan! I did not expect that I came from… I came from one of the taf ten! ” talk about weird things?!
“Guys… Feeling ko kapag kasama ko kayo tumataas yung IQ level ko.
” sabi ko sa kanila.
“Bakit nandito… I mean… sila? Nandito?
” tatalikod na sana ako kaya lang biglang umarangkada yung bibig ni Steph. At guess what kung anong ginawa niya?
Nagkwento.
“Ahh… Sila ba… Ngayon mo lang ba sila nakita? Jaw dropping ba ang keber na face ng dalawang dudes? Infainess nung unang beses na nakita kech ang mga papables na mga aruch…
”“Teka, teka, teka… Sino ba yung mga yun?” at this time tumingin na talaga ako sa likod.
Nahulog lang yung mga mata ko at super gusto ko na lang pumutok. Nasa isip ko na lang… ‘wag kayong tumingin dito… wag… wagg…’

tinawag ko pa kung anik anik na anito na naga-guide sana sa akin..
“Kilala mo yung mga papables na yan?
” sabi ni Steph with all her—uh… I mean his big smiles. Teka ilan ba smiles niya?
“Yun lang naman yung nagcause ng trouble kay--”“MIKA!” sabi ko while placing my finger sa bibig ko.
“Ay… may tinatago… lalo lang tuloy ako nai-intriga.. ahummm….” At natakot na ako sa tingin ni Steph. Nawala sa isip ko na may binabantayan pala ako sa likod ko.
I was about to turn around when suddenly something hard hit my nose.
“uh-oh…” napahawak na lang ako sa ilong ko sabay tingin sa taas. Talaga ngang uh-oh…

Ni-lean ko na lang pababa sa table yung mukha ko. Yung para bang matutulog na ako.
“Miss sorry ah… Mika ikaw yan right?”Medyo in-angat ko yung ulo ko and I saw Mika staring that guy who bumped me, specifically on my nose, na tapos nag-nod lang siya. Parang sira talaga ‘toh. Si Steph naman, on the other hand, naka-ngisi lang. What’s the big deal with those guys?
“IKAW NGA!!” at super nagtata-talon lang sila Mika at unknown guy sa may table. Parang mga bata. Kung hindi pa sila sinita nung complainant ko, siguro super tumangkad na sila kakatalon.

At sa kinagalak ng aking puso, umupo sila sa table namin. At sa lalo pang kinagalak ng puso ko!! Umupo yung complainant ko sa tabi ko. I guess he didn’t notice me or more probably hindi niya na ako maalala. Good for me! Kung ganun nga,
Inangat ko yung ulo ko. Then I stared at him. Yeah him! Yung complainant ko. Teka! ‘complainant ko’ ba yung name nung lalaki? Well, it’s not my problem kasi hindi ko naman alam yung pangalan niya

.
“Ooohhh… I didn’t know na may kaibigan ka Mika na ganitong kagwapong nilalang.” Sabi ni Steph. Yeah! Masanay na kayo. Straight to the point talaga si Steph. Kaya kapag sinabi niyang mukha kang bulldog, maniwala ka kasi yun yung katotohanan na naprocess ng brain cells niya.
“Yeah. Many girls told me that.” Mayabang…

may o yeah, oh yeah pang nalalaman… Sabi nung alipores ng complainant ko. Another name here! ‘alipores ng complainant ko’.
“Ui! Mga Girlavush!! Tinawag niya aker na GIRL!” nag-feeling ang timang.
“Ahh.. ehh.. kaka-kilala ko lang sa kanya nung Saturday eh…” sabi ni Mika habang naka-super smile. Kinikilig ang bruha… Baka may nakakalimutan siya.

Teka… speaking of nakakalimutan… Nakalimutan ko yatang nakatitig lang ako kay ‘complainant ko’
“WHOOOOAAAAA?!??!?!?!?!
” napatingin tuloy ako dun sa ‘alipores ng complainant ko’. At nakatingin siya sa akin. Ang galing galing naman… Ngayon niya lang ako nakita?!
“Ikaw yung? ? ? ? ? ? ? ?
”“Oh!
” napatingin naman ako dun sa katabi ko. Pambihira! Ngayon niya lang din ako nakita?!
“Ms. Magna ikaw pala yung nakaupo diyan?
” mga walang hiya!
“Hindi Magna yung pangalan ko…
” sabi ko ng mahinahon. Nakakapagtimpi pa naman ako kahit papaano. Be kind to nature Shing… Be kind to animals…
“Magnolia?!
” Napatingin kami kay Steph with matching taas ng kilay. At kelan ba binanggit ang word na Magnolia?!
“UHmmm… Magna Steph… M-A-G-N-A…” Sabi ni Mika… At ini-spell out pa niya…
“Nagugutom ka nanaman…” yung na lang yung nasabi ko…
Hindi naman inaasahan na may sumabat pang isa
“Pugon?
” Yung brain cells ko nagwawala na. tulong!
“AARRGGHH! Deafness awareness month ba ngayon?!
At Mister!” humarap naman ako sa complainant ko.
“Ilang beses ko ba kailangnang sabihin sayo na hindi ako magnanakaw!!”Tumingin naman ako kay Mika. Kasi tinatap niya yung left hand ko.
“Ano?!
” tapos tinuro niya na lang ibang table. At dahil masunurin ako tinignan ko naman. Ayun! Nakita ko lahat ng mata na nakatingin sa direction naming. Yung iba nagbu-bulungan. Ano ba yan! Mga chismoso’t chismosa!

Ang tanging nagawa na lang ng beauty ko ay 2 words. Remember walk? Remember out? Put them together. Umalis ako ng Cafeteria
“Shing! Ang init ng ulo nito oh! Kanina lang tuwang tuwa ka na pinagtsi-tsismisan natin si Allyna!” Ha?!
“Who’s Allyna?!” sino naman yun?
“Haaaayyy… Hindi ka nakikinig sa tsismisan kanina ano?” uhmmm.. importante ba yung taong yun?
“Siya yung bestfriend ni Jayvee” aa—dinudugo na ako…
“Sino namang Jayvee yan??” may short term memory loss na ba ako? O kaya memory gap?
“Si Jayvee yung pinsan ni Lei! Ano ka ba?!”“MIKA! HINDI KO SILA KILALA!!
” Help! Yung braincells ko kinakain na yung mismong utak ko. Nag-vanish na rin siguro yung brainwaves ko. Hindi ko talaga kilala sina Allyna, Jayvee at Lei ba yun?
Matapos ang mahabang paliwanagan kung sino yung mga taong yun, which turns out to be mga hindi naman importante sa buhay ko,

dumiretso na kami ni Mika sa next class naming. Wala na rin akong nakitang ka-aya ayang tanawin.
Todo interview naman yung nakuha ko kay Steph. At sangkatutak na advice ang nakuha ko kahit hindi naman ako humihingi. Kesyo kelangan daw maging maayos yung pakikitungo ko dun sa hampas lupang lalaking yun..

Author’s note: sorry sa bad words

Peace yoh men!

Tinamad na naman akong makinig sa Prof ko. Pero kahit ganun, ulirang estudyante pa rin ako! Oh yeah! Puma-pasok pa rin ako. Sa totoo lang, scholar ako ng university. So dapat talaga pagbutihin ko kasi once na bumagsak ako. Poof! At talagang may sound effects pa akong nalalaman?! Anyway, ayun nga. Mawawala scholarship ko.

Kaya suportahan niyo ako!

Hindi ko na kasabay sina Mika at Steph sa last class ko. Kumuha kasi ako ng extra class kaya inaabot ako ng 6pm tuwing Monday at Thurday. Lumabas na rin ako ng campus. Pano ba ‘toh. Ang ganda ng timing. Katulad ng mga eksena sa pelikula at telenovela,

umuulan, stuck ako sa waiting shed, walang dumadaang sasakyan at walang tao akong makausap.
“So kelangan ko maghintay ng knight and shining armor ko para i-save ako sa catastrophic situation ko ngayon?” Napa-atras na lang ako nung may biglang nagsalita sa likod.
“Huwag ka na umasa. Hindi uso ang fairytales sa panahon ngayon. At hindi na rin tinatangkilik yung mga asianovelas.
” Sabi nung ‘complainant ko’ habang lumalakad palapit sa akin. Fixed pa rin yung mata niya sa puno sa harap nung shed. Nung time na tumingin siya sa akin,
“Oh! Hi Ms. Magna!” sabi niya while smiling.
“Ikaw pala yung nagmo-moony moony dito
”. Waaah! Sabihin niyo nananaginip lang ako na siya yung pinadala na knight and shining armor ko!
Inalis ko na lang yung paningin ko sa kanya. Still nakatayo ako sa may harap para tanawin kung may paparating na jeep. Sa kasamaang palad, wala.
“Uhmmm… so, silent treatment huh?
” sabi niya habang nakatayo sa tabi ko.
Ayaw ko talaga siyang kausapin. I mean gusto pero, medyo ayaw ko lang. Kailangan ko rin kasi ng kausap pero ayaw kong siya. Ayaw ko siyang kausapin pero mahirap tiisin na hindi magsalita. WWAAAAHH!! See dead na dead na ang brain cells ko!! Do I still make sense?
“I guess ayaw mo nga akong kausapin.” Tapos nag-indian sit siya mula sa pagkakatayo. Teka, bakit baa yaw niya nang umuwi? Malamang Shing walang sasakyan… Naisip ko rin na hindi pa rin ako nakakauwi…
“Sige kung ayaw mo magsalita Ms. Magna,” at talaga Magna pa rin ang name ko para sa ‘complainant ko’. Atleast quits na kami dahil ‘complainant ko’ ang tawag ko sa kanya. Salvage-in ko ‘tong mokong na ‘toh eh!
“ako na lang magsasalita.
”“Hanggang ngayon hindi pa rin daw nahuhuli ng mga pulis yung nagnakaw sa akin. Ang hindi ko maintindihan, nandun ka naman. Sinayang nila yung chance na hulihin yung tunay na magnanakaw. Bakit pa kasi pinakawalan ka nila eh.
” Nagstop muna siya. Mukhang huminga muna. Haaayyy… Ang boring ng kwento…
“Kaya eto may unknown animal specie sa harapan ko.” A-ano?!
“Hoy Mr Angas! Anong unknown animal specie yun sinasabi mo?! Ang daldal-daldal mo!
Wala namang sense yung mga nilalabas ng mabaho mong bunganga! Nakakainis ka na ah!” medyo hiningal pa ako after ko sabihin yun. Lahat ng hadouken powers ko ginamit ko ata dun!
“Wow! Ms. Magna! You spoke! Thank God!
” sabi niya with matching taas ng two hands niya. Anong feeling niya uma-attend siya ng El Shaddai?! napataas na lang ako ng kilay. Nanggigigil na talaga ako sa lalaking ‘toh ah!!
“Bahala ka dyan! Maghanap ka ng matinong kausap!” tapos nag-walk out na naman ako. Ano ba yan! Napapa-dalas na yung walk-out ko. Who knows?! Baka makilala ako someday as walk-out queen di ba?
Tapos narinig ko na lang siyang tumawa. Saka ko lang narealize yung sinabi ko.
‘maghanap ka ng matinong kausap’ OMG! WRONG CHOICE OF WORDS!
“uhmmm… ah… I mean… Mag- uhmm… maghanap ka ng kausap mong iba wag ako!” Good job Shing! Sige go uplift yourself! Go go go!
“Hey Ms. Magna! Umuulan! Magpapabasa ka?
” tanong niya sakin habang sumu-sunod siya. Hala! Magpapa-ulan din siya?
“Alam mo mas kaya ko pang tiisin yung ulan kesa sikmurahin yung ugali mo…” masungit?
“ahhh…” at talagang hindi niya ako nilulubayan. Malapit na ako sa dorm pero nakasunod pa rin siya. Kung pwede lang siyang pasabugin kanina ko pa ginawa. Kaya lang… katabi ko siya eh! Baka madamay ako…^-^
“Teka! Bakit ka ba sumusunod sa akin?!” nakakairita na eh…
“You know what Ms. Magna,” At hindi niya sinagot ang tanong ko. Hopeless being talaga itong taong ‘toh. Teka, tao nga ba siya?
“I’m wondering kung anong pangalan mo. Kasi yung bestfriend mo kilala ko na eh. Mika di ba? Ikaw?
” sabi niya habang tumitingin sa akin.
“Magna ba talaga?”
“Alam mo freak! Binigyan ako ng mga magulang ko ng magandang pangalan. Ikaw lang naman dito sa napaka-unfair na mundo
yung nagbigay sa akin ng napaka-petty name na ganun!” sigaw ko sa kanya. Inabot na yata sa 1000 decibels. Tee’hee napalakas ata!
“So?” tumingin lang siya sa akin. Ang nasagot ko na lang
“So- what?!” sabi ko with kunot ng noo at taas ng kilay. Konti na lang yata baka atakihin ako ng sakit sa puso eh.
“So, ano ngang pangalan mo?” curious siya talaga?
“Shing. Short for Sheryl. Happy now?” napa-nod lang siya. At dahil mausisa akong bata, hindi ko na rin napigilang magtanong.
“uhmmm… ikaw?”Tumingin lang ulit siya sa akin. Tapos ngumiti. What’s with him?

Tumigil na lang ako kasi nasa harap na kami ng dorm ko. Yeah I live in a dorm near our university. Shouldered kasi ng school ang stay ko.
“Teka bakit hanggang dito naka-sunod ka?!
”“Ms. Magna,
” He still addressed me as Ms. Magna. Sinabi na ngang Shing ang pangalan ko.
“Kelan yung birthday mo??”Ako naman ‘tong uto-uto, sumagot ako.
“March 22! Bakit nandito ka pa ha?! Sabi nang wag ka sumunod sa akin eh!
”“Ahhhh…” akala ko yun lang ico-comment niya. Madaya! Hindi man lang sinabi yung pangalan niya… bad! Bad! Bad! Ngumiti ulit siya sa akin. Parang sira!
“I live here” sabay turo sa dorm ko. O God! You’ve got to be kidding me?! Fate!

You want me to die young?! Akala ko tapos na may pahabol pa pala
“nga pala, I’m…” akala ko sasabihin niya yung pangalan niya pero…
“I’m the star guiding you.
”