Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"  (Read 4919 times)

minako_miyamoto

  • jellybean
  • **
  • Posts: 125
  • Karma: +6/-5
this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« on: March 13, 2008, 02:00:43 pm »
 SULAT NI TATAY AT NANAY

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ko.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihang bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na anak. Matanda na talga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungan tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakingan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakilitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? pinagtyagaan kong pakingan at intindihin ang mga pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na akoy magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan, at huwag kang mag-alala, kahit ganito na ako, dalangin ko parin sa panginoong Diyos na lumikha na pagpalain ka palagi.. dahil nagging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

blues13clues

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 45
  • Karma: +2/-1
  • i came from a broken family. SORT OF.
    • deviantart. friendster's too private. XD
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #1 on: March 15, 2008, 09:23:09 pm »
gosh. :(
take my hand and let me lead the WAY
---
see the real me.

green07apple

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1114
  • Karma: +149/-24
  • 15.♥
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #2 on: March 15, 2008, 11:06:10 pm »
huhu.. :'(

I don't know how to put it all together, but you will always be
MY SWEETEST WHATEVER.


unloved_girl

  • Guest
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #3 on: March 15, 2008, 11:10:04 pm »
kakaiyak at nakakatouch... hay.. i love my parents kahit minsan pinapagalitan nila ako....sorry mum and  dad sa mga KASALNAN ko...
« Last Edit: June 06, 2008, 12:52:42 am by unloved_girl »

pauchee031

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 64
  • Karma: +2/-1
  • oh yeah! :)
    • pauchee
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #4 on: March 16, 2008, 02:55:27 pm »
 :'( :'( :'( kakaiyak. i love my parents.
Out of all the lies that somebody had told me... "I LOVE YOU!" is my favorite.

keytie

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1834
  • Karma: +274/-51
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #5 on: March 16, 2008, 06:55:18 pm »
Quote
kakaiyak at nakakatouch... hay.. i lovE my parents kahiT miNsan piNapagalItan nila akO....soRy mA anD daD sa mga KASALNAN ko...

Bawal po ang sticky caps nasa house rules.


Nakaka-touch,tinamaan ako dun kasi super pasaway akong anak feeling ko napakasama ko ng anak sa daddy ko.Pero hindi ko naman siya pababayaan pagtumanda na siya kasi mahal ko siya.


minako_miyamoto

  • jellybean
  • **
  • Posts: 125
  • Karma: +6/-5
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #6 on: March 16, 2008, 07:17:33 pm »
hehe kaiyak po nu.Ü kakonsyensa at the same time.Ü

prncss_allergygurl

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #7 on: March 17, 2008, 12:17:29 am »
tears.. T_T

jemmie101

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2802
  • Karma: +405/-234
  • Summer`s fun `cause it`s gonna be, Jem B !
    • Tumblr ;)
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #8 on: March 17, 2008, 02:54:13 pm »
ohmygaw.

this made me cry. :(
I am so back :)

wizhart_18

  • Guest
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #9 on: March 17, 2008, 04:28:15 pm »
actually, may copy ng ganyan yung classmate ko & pinabasa nya sakin. medyo naiyak nga ako dahil na rin siguro na-guilty ako(?), pero pinigilan ko. :'( nakasulat pa nga kung sino yung gumawa nyan but i forgot na kung sino eh.

razien93

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 532
  • Karma: +64/-29
  • LOVE. LOVE.
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #10 on: March 17, 2008, 09:19:42 pm »
yay!! while i was reading those naiiyak na ko. lalo na nung nasa huling part. grabe. na-realize ko na mahal na mahal ko parents ko. parang nakokonsensya na ko.  :'(. aww!!
Do not be afraid I am with you. I have called you each by name. Come and follow Me, I will bring you home. I love you and you are Mine.

maia_asimple_princess

  • jellybean
  • **
  • Posts: 100
  • Karma: +2/-2
  • lets make this last forever :)
    • multiply :)
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #11 on: March 19, 2008, 10:24:26 pm »
it really made me cry.. :'(
why this love always feel like a battlefield?

leanne_hat

  • taffy
  • ***
  • Posts: 477
  • Karma: +68/-223
  • lots of boo:I dont care!
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #12 on: March 19, 2008, 10:35:25 pm »
oh my goosssh!!!! so touching talaga.  :( nakaka guilty naman to. pero parang nabasa ko nah to ah! same story ewan ko when at where.
believe in yourself and what do you think is right and good for you & your soul.<br /><br />im not perfect so as you!<br /><br />

jealous_heart

  • Guest
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #13 on: March 20, 2008, 04:20:21 am »
it's tear-jerking.. :'( but i love it!
mas lalo kong minahal parents ko.. ;)

M A J A

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 832
  • Karma: +126/-51
  • o quam serena, quam amoena
Re: this actually made me cry!!! "sulat ni tatay at nanay"
« Reply #14 on: March 20, 2008, 07:42:45 am »
Our Health teacher read that to us... It's really touching.
read my story, please? (:
NO HEAVEN FOR THE WICKED
click for my deviantart n__n ♥

 

Advertisement