06
Di ko alam kung ano ang binabalak nitong si Adrian. Pero wag ka, ang bango niya talaga! Yun lang ang masasabi ko. Ang sarap niyang yakapin forever. Well, lahat sila mababango. Pati rin naman ang aking butihing bestfriend, eh mabango din. Pero ibang factor ang bango nitong si Adrian. Siguro kasi artista eh. Amoy showbiz! Yiiieee!
“B..bakit naman kita iiwan? M..magkasama ba ta….tayo?” I sounded so rude, I know. Pero wala na kasi akong maisip na dapat pang isagot sa kanya. Napangiti siya sa sinabi ko. Ang weird niya ah.
“I’m Adrian Rafael Gonzales. My friends call me ‘Rian’ or ‘Raf’. Kung anong gustong itawag mo sa akin, ok lang.” Huh? O-kay.
He handed me his hands. Tiningnan ko lang yun. Medyo naguguluhan na kasi ako sa nangyayari. Kanina si Joshua, ngayon naman itong si Adrian. Ano ba ito, joke? Kasi sa pagkakaalam ko magkaaway kami ng kaibigan nilang si James. Bakit sila nakikipag-kaibigan sa akin?
“Look, this may sound or look uhmm.. weird sa iyo. Siguro kung ano-ano na ang naririnig mong balita tungkol sa akin - suplado, weirdo at kung ano-ano pa ang sinasabi nila tungkol sa akin pero wala akong pakielam. Nakikipag kilala lang ako sa mga taong gusto ko. So ano? Friends?” Napataas yung kilay ko sa sinabi niya. Nakangiti lang siya habang naka-abot pa rin sa akin ang kamay niya. Oo nga. Suplado kaya siya. Siya yung tipo ng taong di nag-oopen-up, di nakikipag-kilala kung kani-kanino at siya ang tipo ng taong walang pakielam sa iba at saksakan ng suplado. Pero bakit niya gustong makipag-friends sa akin? Ako, gusto niya? Ok lang siya? Baka mag-assume ako ng iba ah. Hmmmm.
Kinuha ko yung kamay niya tapos nakipag-shake hands na. Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan forever. Pero ang awkward. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao kasi mukha kaming eng-eng na nakatayo dito kanina pa. Tsaka hello? Vocalist kaya ng sikat na banda ang kausap ko ngayon. Malamang meron yang mga fans dito.
“Hindi mo ba ko gusto?” nagulat ako sa tanong niya. Ang blunt naman nito! Napaka-straight forward. Ano naman sasabihin ko? Crush ko siya? Dyahe naman. Oo, crush ko siya. Bukod kasi sa gwapo siya, ngayon ko lang nalaman na mabango pala siya sa malapitan. Kidding! Yung pagka-crush ko sa kanya, yung tipong ‘admire’ lang talaga kasi imagine, sikat siya tapos parang di niya sinisiksik sa utak niya yung kasikatan niya unlike other famous people na akala mo kung sinong umasta. Siya, ganun pa rin tulad ng dati. Yep, kilala ko siya dati pa kasi same school kami nung elementary. I mean kami yung mga tipo ng tao sa school na pwede ng bigyan ng Loyalty Award sa sobrang tanda na namin sa school. Pero never pa talaga kami naging mag-classmates. Consistent kasing nasa lowest section siya kasi kasama niya dun ang kanyang mga kaibigan, kahit na talagang matalino siya. Ewan ko ba kung ano ang trip nilang mag-kkaibigan kasi naman matatalino sila except lang ata kay Gabriel na siga at sa James na yun na puro pag-bbasketball at pang-babae inaatupag. Matinong-matino itong si Adrian at si Joshua, kaya di ko alam kung bakit sila nagsusumiksik sa lowest section samantalang napapasama sila sa Top 20 sa buong batch namin. Pero ayun nga, talagang nasubaybayan ko yung pag-sikat niya at masasabi kong kahit wala pa siyang career noon, talagang suplado na siya dati pa. So talagang di siya nagbago. See?
“H..huh?” natawa siya sa reaksyon ng mukha ko at sa nasabi ko. Bakit ba may feeling ako na parang clown ako sa paningin niya? Lagi siyang ngumingiti, tumatawa, at nag-cchuckle. Ano ba yan!
“I’m sorry. Let me rephrase that. Hindi mo ba ako gustong maging kaibigan? Bakit kay Joshua ok lang sayo na makipagkaibigan, bakit sa akin ayaw mo?” Ahhh. Yun naman pala ang pinuputok ng butse niya. Ang arte naman nito. Parang bata. Gusto pa ng introduction.
“Err. O-kay. I am Marianne Rainne Luna. My friends calls me ‘Marianne’, ‘Rianne’, ‘Rainne’, ‘Marie’, at ‘Ulan’.” Nakangiti kong kinuha yung kamay niya para makipag-shake hands ulit. Kala niya papatalbog ako sa dami ng nicknames niya ah! Ako pa! Hindi ako nagpapatalo, well, pag mainit lang naman ang ulo ko lalo na sa pinagdaanan ko kanina dun sa tsonggo niyang kaibigan. So ayan, friends na kami.
“Wow, kaibigan ko na si Rianne. This is just so amazing.” Ano bang meron sa akin na parang kung sino akong celebrity na parang nasa kanila pa ang pleasure na makilala at maging kaibigan ako? May hindi ba ako alam? Ano ba ang meron sa tropang ito? Two of the famous Big 4 members wants to meet me and befriend me samantalang yung ibang mga tao naman eh nagkakandarapa, makamayan lang o mahawakan sila. What the hell is happening?
“Ano bang meron? Pinag-ttripan niyo ba kong magkaibigan? Eto na ba ang ganti niyo sa pagsagot-sagot ko dun sa tsonggo nyong kaibigan?” Natawa siya bigla sa sinabi ko. As in yung likod ng kamay niya eh nilagay pa niya sa bibig niya para takpan ang bibig niya habang tumawa.
“You know what, you’re funny.” Aba’y clown pala talaga ang tingin sakin nitong taong ito eh! Aba, umayos-ayos siya lalo na’t napakainit pa ng ulo ko. Baka di ko siya matancha at makalimutan kong crush ko siya at artista pala siya.
“Ah. Sige aalis na ko.” Napaka-pointless lang ng patayo-tayo ko dito lalo na kung pagtatawanan lang pala niya ako.
“Wait. Can I go with you? Since medyo bored naman ako today and I don’t want to waste my time sa init ng ulo ngayon ni James. Wala rin naman kasi si Joshua eh so I guess I’ll just have a date with you.” ANO DAW? DATE?! OMG! HIHIMATAYIN NA ATA AKO. OO, SINASAGOT NA KITA, kahit di ka nanliligaw.

Nakita niya atang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya kaya he clarified what he said. Ayun, masaya naman pala kasama itong si Adrian. Tahimik. Parang ako lang rin mag-isa ang naglalakad-lakad sa may clubhouse malapit sa mall. Oo, umalis na kami sa mall. Baka kasi magkasalubong pa kami nung kaibigan niyang si James, naku baka sumabog pa yung mall. Tinawagan niya yung tsonggo para sabihin na umalis na si Joshua para makipag-kita sa girlfriend niya tapos siya naman daw eh may pupuntahan pa. So umalis kami gamit ang kanyang kotse. Yes, iba na talaga ang mayaman at artista, meron ng sariling kotse. Kinabahan pa nga ako nung una kasi baka wala siyang lisensya pero he assured me that he knows how to drive at meron siyang student license. So eto siya, nasa clubhouse kasama ang nagmamagandang si ako. Siyempre kahit in-explain niya na hindi ito yung date na ‘date’, nag-ffeeling pa rin ako na date namin ito. Wala naman siyang alam eh, ako lang ang nakakaalam na KAMI NA. HAHAHAHA.
Well, naikot na ata namin itong buong clubhouse. Kakaiba itong clubhouse na ito. Ito na ata ang pinaka-sosyal na clubhouse na napuntahan ko. Ito yung hang-out place siguro ng mga mayayaman. At take note, maraming foods! Eat all you can ang drama ko. Lalo na’t libre ito ni bagong boyfriend este friend na si Adrian. GOSH! HE IS FREAKING ADRIAN RAFAEL GONZALES! Ibang level to! KINIKILIG AKO!!!!!
Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong laruin na sport dito nga sa clubhouse. Meron kasing iba’t ibang sections, pwede kang maglaro ng outdoor sports like golf, basketball, volleyball, pati swimming. Gusto ko sanang mag-tennis, mag-table tennis or mag-badminton kasi di ako marunong masyado sa outdoor sports. Ang pagsusulat lang kasi ang kaya kong gawin, pagdating sa bodily kinesthetic intelligence, wala akong kamuwang-muwang dun. So ayun nga, naglaro lang kami saglit ng table tennis kasi pag badminton or tennis, masyado akong pagpapawisan tsaka kasi sa table tennis, pwede na itong suot ko. Syempre kasama sa badminton at tennis ang magandang outfit pag naglalaro diba. Magaling siyang maglaro. Sobrang nahihiya nga ako eh, tinuruan niya pa ako nung una. Di kasi talaga ako masyado marunong. Nalaman ko na medyo hindi dapat malakas ang pagpalo sa bola at dapat i-control mo yun. Kaya lang parang si James ang nakikita ko sa pingpong ball kaya napapalakas yung pagpalo ko. Natatawa nalang sa akin si Adrian. Napaka-pasensyoso niya palang tao. Nakaka-inlove, I mean nakaka-bilib pala.
Nung medyo napagod na kami, sa totoo lang ako na mismo ang sumuko sa laro namin. Napaka-hopeless kasi eh, the over-all score was 7-0, in favor of Adrian. Ibig sabihin, sa pitong sets na nalaro namin, wala akong napanalo ni isa, kahit na yung binibigay niya sa aking bola eh napakataas para daw ‘paluan’ ko siya. Buti nga di niya ako pine-pektusan at pinapaluan ng bola eh, kundi talagang made-depress ako ng bonggang-bongga. At least dun sa pagtira-tira niya na parang ipinagdadasal niyang maka-puntos na ako, eh nakaka-swerte ako paminsan-minsan. Kumain ulit kami tapos may nakita kaming booth ng neoprint. Niyaya ko siya, mahilig kasi ako sa mga neoprints. Ok lang sa kanya. Ang kukulit nga ng mga pose namin eh. Akala ko yung pose niya eh yung nakatayo lang tapos nakasimangot o kaya naman eh nakangiti pero hindi, nag-wawacky face din siya. Ang saya, hinati na namin yung picture para may remembrance siya at meron din ako. Yieeee! First date namin ni boyfie! So ayun nga, napagdesisyunan na rin naming umuwi kasi kahit pa nakapag-paalam na ako sa bahay na lagi na akong gagabihing umuwi dahil sinabi ko na may ‘research’ akong ginagawa na kailangan ko agad tapusin, gabi na rin talaga kaya ayun, uwian time na. Pero siyempre yung research sinasabi ko ay yung tungkol sa buhay ni Gabriel Beau Lopez. Sana lang matapos ko na agad. Hinatid niya pa ako sa bahay. Oh diba, ang bongga. Kaya nga feel na feel ko na date namin iyon eh. Hahaha. Hindi na rin siya bumaba dahil sinabi niya na may gig pa daw sila sa isang sikat na bar ngayong gabi. Kawawa naman siya, napagod katuturo sa akin mag-table tennis tapos yun pala, may gig pa siya. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya kasi nung hinatid niya na ako sa bahay, himalang nagsasalita na siya. Siguro naging komportable na siya sa akin. Basta ako, ang alam ko, komportableng-komportable ako sa kanya. Yummy! Inasar-asar pa ako ni kuya kasi saktong pagpasok ko sa gate namin, kadadating lang niya. Muntik na silang mag-abot ni Adrian. Ok lang naman sa kanya yung ganun-ganun. Siya rin naman kasi nung highschool eh, may mga CRUSH. Haha. Crush na inuuwi sa bahay. Pero bago pa kayo mag-isip ng kung ano-ano, yung crush niyang iyon eh inuuwi niya para sa group project nila. Saktong ka-group niya kasi yung mga nagiging girlfriends niya pero ako lang may alam na girlfriend niya iyong mga iyon kasi di naman niya sinasabi sa parents namin. Tsss. Siguro kasi di niya planong pakasalan, malamang. Nalalaman ko lang na girlfriend niya na pala yung inuuwi niya dahil chini-chika sakin nung kaklase niyang ka-close ko.
Nakahiga na ako ngayon sa kama at hawak-hawak ang writer’s notebook ko. Ano ba ang pwede ko pang isulat tungkol kay Gabriel? Walang paki-elam sa paligid? Oo, kasi dedma lang sa kanya kahit nag-aaway na kami ni James sa harapan niya. Medyo may mga natuklasan din ako sa kanya like hindi siya nakatira sa bahay nila, may sarili na kasi siyang condo. Kaya pala nagtataka ako nung sinusundan ko siya nung previous days, dun siya lagi umuuwi. Akala ko nga doon nakatira ang pamilya niya, mali pa ako. Nakabukod na pala siya kahit napakabata niya pa lang. Nalaman ko din na hindi pa siya nagkaka-girlfriend at talagang normal na sa kanya ang pag-ccut sa klase. Nalaman ko lahat iyon kay Adrian. Siyempre kahit ine-enjoy ko ang company niya, kailangan ko pa rin mag-espiya sa buhay ng aking ‘Subject’ para naman di masayang ang araw at dahil na nga rin nabulilyaso ako sa aking pagmamanman sa mall kanina. Patanong-tanong lang ako ng pakonti-konti para di ako mahalata ni Adrian. Sinulat ko ang nakalap ko pang impormasyon tungkol kay Gabriel. Marami-rami na rin akong nakakalap na impormasyon. Siiguro dalawang araw na lang na pagmamanman at isang interview eh ok na ako. Kailangan ko nalang siyang makitang malasing at makipag-away. Nakita ko na kasi siyang mag-yosi at uminom pero yung lasing, di pa. Chain smoker siya. Sobrang parang parte na sa buhay niya ang paninigarilyo. Siya yung tipo ng taong nakaka-elibs pag bumuga ng usok kasi may mga shapes sa ere yung usok. Kaya tama. Pakikipag-away na lang at pagkalasing ang kailangan kong makita. Sinara ko muna ang notebook ko. Inayos ko ang paghiga ko at binuksan ang IPOD ko para makatulog na ko. Sa totoo lang, masaya ako ngayon. Hindi lang dahil natuto ako mag-table tennis, nakapag-eat all you can sa sikat na clubhouse ng walang nilalabas na pera, at nakipag-date kay Adrian Rafael Gonzales, masaya ako dahil may nakalap akong bagong impormasyon kay Gabriel mula sa isang reliable source at naging kaibigan ko na si Joshua at Adrian. Wow. Kahit na hindi ko na naitanong pa sa kanila kung bakit parang ang saya-saya nila dahil naging kaibigan nila si Marianne Rainne Luna, mas doble naman ang saya ko na maging kaibigan sila. Aalamin ko nalang rin sa kanila kung anong meron sa akin at gusto nila akong makilala tutal friends naman na kami ngayon. Pero ang mas lalong nakapagpasaya sa akin ay yung marinig mula sa bibig ni Adrian bago siya tuluyang umalis ang mga katagang,
“ Thank you Rianne, I really enjoyed this day because of you, in fact, I will consider this as one of the best day in my life. Goodnight.” And with that, he left with a smile on his face. And with that again, it made me sleep with a smile on my face. Feels like heaven.
__________________________________________________________________________
WOW!! AYAN, ANG BILIS NG UPDATE KO! PARA PAMBAWI SA MGA DI KO NATUTUPAD NA UPDATES.
I NEED COMMENTS, READERS!
LOVELOVE!!!