09
“Rianne…Rianne…” I found myself in a garden that was filled with flowers. Same like my old dream. Maraming flowers, maganda yung lugar, there are butterflies almost everywhere, in short, masaya at maaliwalas ang paligid. Pero iba ito sa una kong panaginip kasi hindi siya fairytale-like, I mean naka white dress lang ako ngayon pero parang bagay naman yun sa ambience ng paligid. Hinanap ko bigla yung tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Gabriel naka-white polo, with a calm look on his face - gwapo. So this is paradise? Kung hindi lang talaga siya astang gangster, magmumukhang totoo siyang angel.
Nung nag-meet ang mga mata namin, bigla siyang ngumiti. Double ka-gwapuhan! I felt that my cheeks were burning like crazy. I forced myself to give him my sweetest smile. And he smiled back again.
“Thank you, Rianne. You’re really a life saver. What will I do if you’re not with me?” he said it all with a calm look in his face and a calm voice. Ano daw?
“Huh? What are you talking about?” I asked him. He just gave me again a sweet smile. Is this the gangster that almost everyone’s afraid of? Is he really the mean guy that I was stalking back then just for a single article? Is he really... t..the... worst guy t…that I saw lying in the street fu..full of blood? Biglang nagflash-back sa akin ang mga nangyari nung nakita kong nakipag-street fight si Gabriel. Tears were already running down my cheeks even before I knew it. Napatingin ulit ako sa lugar kung nasaan si Gabriel. Suddenly, he was gone and I was alone in this paradise-like place.
“Rianne…Rianne…” Bigla akong napadilat. It was a dream. Just a dream. But it seems so real. It’s so nice. And Gabriel is so nice there. His smile. His eyes that seems like it’s talking. And his voice. His voice was so nice as he was saying those meaningful words to me.
Bigla akong niyugyog.
“RIANNE, ARE YOU OK?” Napatingin ako sa side ko, sa nagsalita. It was Adrian. He seemed so concern. Teka, nasaan ba ko? Nakatulog ako?
Before I opened my mouth, Adrian began hugging me. I was dumbfounded.
“Thank God you’re ok Rianne. Kala ko kung ano ng nangyari sayo! Binangungot ka ba? You were crying while you’re asleep. What happened? What’s wrong?” Binangungot? Parang hindi naman bangungot yung panaginip na yun. Ang ganda nga ng lugar na yun eh. Ok na sana ang lahat kung hindi lang biglang nagflashback sa akin yung nangyari nung nakipag-street fight si Gabriel. Wait. Oh my gosh. Ano ibig sabihin ng panaginip na yun?! Is that how things really happen? Yung parang sa movies at sa mga telenobela? Yung mga taong uhmmm… you know, nagpapaalam, dumadalaw sa panaginip ng tao? Is that it? OH MY GOSH. Lord, please NO. PLEASE DON’T TELL ME THAT HE’S---
Kinalas ko yung sarili ko mula sa pagkakayakap sa akin ni Adrian.
“Ehemmm.. uhmmm… sorry, I was just…” napatingin siya sa gilid, bigla siyang na-awkward. Siguro dahil hi-nug niya ko. The nerve! Matapos niya akong dedmahin sa school before the ‘streetfight’ incident… to think na akala ko friends na kami. Teka nga! Ano ba yan! Masyadong maraming gumugulo sa isip ko! Andami kong tanong!
“It’s ermm…ok. Wait I have tons of question. Where am I? Bakit ako natutulog? Anong ginagawa mo dito? And last but not the least, anong nangyari kay Gabriel??” nakita niya siguro ang seriousness sa face ko pati na rin sa boses ko kaya hindi na siya nag-atubiling sabihin pa sakin ang mga sagot sa mga katanungan ko.
“Ok. You’re still here at my condo. Remember yesterday? Yung streetfight? Dito natin diba dinala si Gabriel. Then after you, being hysterical about what happened and all that, you collapsed kaya naman dinala kita dito sa guest room ng condo ko.Gabriel was in the other room, he’s fine. Tinahi na yung mga cuts niya sa katawan and napalitan na rin yung dugo na nawala sa kanya and na-treat na rin yung mga wounds niya kagabi. He woke up kaninang madaling araw. Matibay talaga yung tao na yun. Nagulat nga nung nakita kang nakaratay dito sa guestroom eh.” After that, he gave me an assuring look. Oh. Magaling na siya. Buti naman. Eh ano naman yung panaginip ko? I thought it’s.. uhmm… nevermind. He’s ok anyway. Ang masamang damo nga naman, hindi basta-basta namamatay.
Pero hindi niya sinagot yung third question ko. Yes, I’m a writer kaya ‘sharp’ ako sa mga ganyang bagay. What’s he doing in the ‘guestroom’? Anyway, I’ll let it pass. Maybe chineck niya lang kung gising na ko or something. Wait—
“ANO?! TULOG AKO SIMULA KAHAPON?! WHAT TIME IS IT?
OH NO!!! LAGOT AKO NITO SA MAGULANG KO!!!!” HOLY KETTLE CORN! DEDBOLS AKO NITO! >_<
Napatayo talaga ako ng bonggang-bongga mula sa pagkakahiga ko. Medyo nahilo pa ako ng konti siguro dahil sa biglang pagtayo ko or maybe because I think I slept too much kaya eto, muntik na tuloy akong ma-out of balance. Buti nasalo ako agad ni Adrian. He’s fast. Really fast! Nagflash back nanaman sa akin yung pagiging ‘the fast and furious’ niya ‘kahapon’.
“Ayan ka nanaman! Nag-hhysterical ka nanaman! Mamaya baka magcollapse ka nanaman niyan!” Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Si Gabriel. May mga bandages pa siya pero mukhang alive and kicking na siya. Inayos ni Adrian yung tayo ko maigi tapos inalalayan niya ako.
“WOW! BUHAY KA NGA!” Amazing! Barako pala itong si Gabriel the gangsterrrrr!
“Obvious ba! Hindi ako weak no, hindi katulad ng iba dyan. At ako ang life-saver mo eh! Dapat talagang alive and kicking ako!” Sabay smirk. Yabang nito and errr…. Is he a mind-reader or something? Teka. Life-saver ba kamo? Diba sabi niya sa panaginip ko ako raw ang life-saver niya? Ayyyy! Ewan! Dream lang naman yun eh!
“Life saver ka dyan! Ako kaya nagligtas sayo! Ako yung tumulong sayo nung akala ko mamamatay ka na noh so di ako 'weak'!” aba! Ako ang life-saver! Kapalmuks na to! Feelingero!
Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang kahindik-hindik na taong kilala ko. Ok. I am exaggerating.
“Kaya pala napaka-ingay, gising na ang prinsesa nating si SLEEPING BEAST. Tsk.” Si James. Tsk. Naghahanap nanaman siya ng away.
“Oops. Wag mo ng pansinin itong si James, Rianne. Musta ka na? Ok ka na ba?” Bigla siyang sumulpot mula sa likuran ni James. Buti pa talaga si Joshua, siya talaga ang pinaka mabait at kasundo ko sa Big 4 na ito.
“O---” what a meanie. Pinutol ang sasabihin ko. >_<
“Ano ba yan. Si Riel ang napuruhan dahil sa isang babae dyan sa tabi, tapos siya pa ang inaalala ngayon. Baliktad eh! Tsktsktsk talaga.” Singitero na nga, ako pa ang sinisisi. Napahinga ako ng malalim. He has a a very good point there. Sa totoo lang talaga, kung wala ako sa eksena kahapon, baka hindi napuruhan ng ganyan si Gabriel. Napasimangot nalang ako. What can I say, I’m at fault here.
“Shut up James.” Nagulat ako. Shinut-up ni Adrian yung kaibigan niya. Is he defending me? Napatingin rin ako sa iba pa niyang prengsters, pati si Joshua at si Gabriel ay halatang parang nagulat. Ang seryoso kasi ng mukha niya. Si James naman talagang bonggang-bonggang na-shock.
“Whoa. Pinagtatanggol mo itong Rianne na to, Rian? Teka. Pareho pala kayong Rian. Itong babaeng ito pala eh si Rianne with ‘e’ at ikaw naman si Rian without ‘e’. Anyway, bakit mo pinagtatanggol itong Rianne with ‘e’ na ito?” Oo nga noh. We’re both Rian pala.
“Wow. Oo nga noh. Pareho kayong Rian. Haha! Ngayon ko lang din napansin.” Ang awkward ng tawa ni Joshua. Siguro pinapagaan niya yung air sa paligid. Masyadong seryoso yung pagtititigan ni James at Adrian.
“Destiny siguro.” Ang hina ng pagkakasabi ni Adrian pero nadinig ko yun, hindi ko lang sure kung narinig ng prengsters niya. ANO DAW? ANONG DESTINY? SINO DESTINY? BAKIT DESTINY?
~RING~Nagkatinginan kaming lima. Biglang hinugot ni Joshua yung phone niya sa pocket niya at bahagyang lumayo konti sa amin.
“Hello? Yes. Opo. Yes Mam. But…” Huminga siya ng malalim then tumingin siya sa amin.
“Yes mam. But Mr. Lopez can’t go to school today. Mam, I’ll just go there. I have his medical certificate with me. No, you don’t need to ask his parents. Yes, yes. Thank you mam, I’ll go there now.” Si Mr. Lopez si Gabriel diba? Bakit kaya? Tsaka bakit ba ayaw nila ipasabi sa parents ni Gabriel? Parang katulad lang kahapon, bakit kaya ayaw niyang tumawag ako ng ambulansya? Anong problema nila? May tinatago sila? Weird people.
After Joshua ended the call, he sighed.
“Ok ka na ba talaga Rianne?” ang serious ng boses niya kaya sinagot ko siya agad ng mabilis na ‘nod’.
“Riel, ako na bahala. Magpagaling ka na lang. Masyado ng maraming excuses kasi ang tropa natin. Medyo napupuna na tayo ng principal. Malamang may nag-chuchu dun. Adrian, ok lang naman na iwan natin sila Rianne at Riel sa condo mo diba? Dito lang naman kasi sila pwedeng magstay. Hindi pa naman magaling talaga itong si Riel kaya di pa yan makakalipat sa condo niya. Malakas lang siya talaga kaya napipilit niya yung sarili niyang tumayo. Tsaka mukhang may inspirasyon eh.” Sabay tingin sa akin ng medyo nakangiti. Nang-aasar ba itong si Joshua?
Magrereact sana ako pati sana si Gabriel kaya lang biglang nagsalita si Adrian with matching serious voice and serious face. Bakit ba ang seryoso nito masyado?
“Hindi ba pwedeng umabsent din ako ngayon? Wala naman yatang gagawin tsaka lagi na kong pumapasok recently kahit busy sa mga practices namin at gigs.”“Aba! Nakakahalata na talaga ako Rian ah!” napatingin ako kay James. Huh?
“Rian without ‘e’. parang mmmmm….” Tiningnan lang siya ng seryosong tingin ni Adrian.
“Hmmmm… mas maiging isa lang muna sa atin ngayon ang umabsent. Since si Riel ang may kailangan nun, siya nalang muna ang iiwan natin dito. Si Rianne naman, ok lang na umabsent siya. She has good school records tsaka kung magkakaproblema man, siguradong magagawan ng paraan yun ni Ivan as the Editor-in-Chief tutal bestfriends naman sila. Pero sa case natin, kahit na president ako ng SC, mahirap na ipagtanggol ang posisyon natin sa school. Mukhang meron ng kumakalaban sa atin. May nag-chuchuchu na sa principal. May bago ba kayong binangga? James, ikaw diba may practice ka ngayon para sa basketball game niyo next month?” Lahat sila nag-iisip. May binangga? Wow. May kumakalaban pala sa Big 4 sa school. Bago yun ah. Hindi ko alam yun. Wow. Ang lakas ng loob.
“Sige. Titingnan ko kung may pumalag sa mga nakakabangga ko recently.” Bad boy forever talaga itong si James. Teka, bakit siya nakatingin sa akin?
“Oh. Ano nanaman problema mo?” I started. Nakatingin lang siya sa akin tapos nakanguso. Nakuuuuuu!!!
“Excuse me! hindi ako chuchu para chumuchu sa principal. Writer ako, hindi sumbungera.” Kapalmuks talaga nitong taong ito! Napatawa si Joshua at si Gabriel. Si Adrian, ever-serious pa rin.
“Nagsisigurado lang. Maigi ng malaman mula mismo sayo.” Hmph! Kapalmuks na ‘to!
“Oh siya sige! Umalis na tayo. Rianne, nagluto si Rian…. Errr… Rianne with ‘e’, nagluto si Rian without ‘e’ ng soup tapos umorder na rin kami ng pagkain…Aba Rianne, ngayon lang nagluto yang si Rian parekoy kahit na anong kantsaw namin pag andito kami…yieeeee” tapos tumingin siya kay Gabriel.
“Pare, basta pagaling ka. Babalik kami mamaya. Rianne, pwede bang intayin mo na kami umuwi? Lunch time na ngayon, maybe we’ll be back by 7.” Nag-ehem si James.
“It’s either ako lang pala or si Rian ang makakabalik by 7. Oh siya sige. Alis na kami!” Hinila na ni James si Adrian. Parang ayaw niya pumasok. Siguro tinatamad. Buti pa ako, hindi papasok. Ang sipag ko! Hahaha! ^_______^
Naiwan nalang kami ni Gabriel sa condo ni Adrian. Wait. Biglang nanlaki ang mga mata ko.
_________________________________________________
sorry for the very very late update. we moved in a new house. sort of. (that was actually our former house. ang gulo. lol) so now, no phone line still and no dsl. andito lang ako sa old house to go online for a bit. hope you liked the update. NO TO SILENT READERS please. readers, do comment. thanks. lovelove!