07
Ang ganda ng gising ko, why not eh ang ganda din ng panaginip ko. Nasa isang magarang lugar daw ako tapos ang daming flowers and everything. Basta parang yung tipong nasa fairytale at parang prinsesa daw ako. Tapos merong biglang dumating na lalaki. Ang bango niya! Naka-mask siya at parang ang gwapo – meron siyang magagandang mga mata niya, matangos ang ilong, fair na skin, kissable lips,at may makisig na pangangatawan, in short, he is beautiful. Niyaya niya daw akong sumayaw. He offered his hands habang naka-bow so I grabbed his soft hands. We danced and danced and danced at nung time na para tanggalin niya yung mask niya, saka naman bigla akong nagising. BOOM!
~PAK~“ARAY NAMAN!” Napasigaw ako sa pambabatok ni Charlotte. Hinimas-himas ko yung ulo ko habang tinitingnan siya ng masama.
“Hoy Rianne, umayos-ayos ka nga! Anong klaseng pag-kkwento yan?! May pa-BOOM-BOOM ka pa! Ano yan, bomba?! Tsaka anong garden? Anong fairytale? Bangag ka ba? Wala nun sa totoong buhay ineng! Masyado mo kasing dinidibdib yang pagiging ‘ma-nu-nu-lat’ mo kaya pati sa panaginip mo, imagine ka ng imagine ng kung ano-ano!” Dapat pala hindi ko na lang kinwento yung napaginipan ko kanina. Hinihimas-himas ko pa rin ang ulo ko. Ang sakit eh. Bakit ba kasi masyadong mga brutal itong mga kaibigan ko?! Dapat yata magpalit na ako ng group of friends. Yung isa, tino-torture ako para magsulat ng article tungkol sa pinakasigang nilalang dito sa campus at ginagamit ang kanyang kapangyarihan as the Ed-in-chief laban sa walang kalaban-labang si ako, huy! Labag yun sa human rights! Nasa Saligang Batas yun ng Pilipinas! Amp! At ito namang isa, isang nilalang na sadista! Si
Charlotte Marie Lopez ang isa sa pinaka-close kong kaibigang babae sa school na ito. Marahas yang tao, mahilig mambugbog, sumigaw at mandarag. In short, isa siyang brutal na babae. Halos lahat ng lalaki, medyo iwas talaga sa kanya at kung hindi man iwas, eh yun yung matapang-tapang ng konti para manligaw sa kanya. Maganda kasi itong si Charlotte, nakaka-insecure sa kagandahan pero yun nga lang, may pagka-.. uhmm… brutal?! Basta ganun siya. Sinasabi ng iba, ‘boyish’ siya, yung iba naman, ‘tomboy’ talaga ang akala sa kanya. Yung mga taong nagsasabi sa kanya ng ganun, mostly, mga kaaway niya, naka-away niya at mga insecure na tao na di siya kayang awayin ng harapan. Kung none of the above naman ang drama, at lalaki yung nagkakalat ng kung-ano-ano, ibig sabihin binasted niya yun kaya malaki ang hinanakit sa kanya. Siya rin pala ang captain ng Volleyball Varsity Team kaya talagang mahilig siya mang-spike ng tao. Minsan nga napagkakamalan niyang bola yung ulo ng mga tao. Pag napapa-away siya, ang kadalasang sinasabi niya after niyang mang-spike eh,
“AYYYYY… Sorry ah, nagppractice kasi ako eh, akala ko bola yung ulo mo. Mukha ka kasing bola - ulo na nilagyan ng hangin sa kukote kaya lang after a while eh nabutas, so kawawa ka naman, kasi wala ng laman yung ulo mo. Poof!.” With matching hand gesture pa yun na parang nabutas. See, ganyan yan ka-brutal. Meron rin namang mga pumapalag sa kanya pero kadalasan talo. Isa lang naman ang worst enemy niya, at iyon ay walang iba kundi ang quee----
“Charlie! Uhhh. I mean, Charlotte pala. Hi! Gusto mo date tayo?” Nakangiti niyang sinabi yun habang fin-flirt niya si Charlotte. Kung merong matitino, meron ding mga taong mas malala pa sa hindi salitang ‘malala’ sa school na ito. Siya si Katrine.
Katrine Berniz Valdez, ang nag-iisang queen bee sa batch. Flirt, maarte, malandi, name it - yun siya. Kasama siya sa lowest section ng batch so meaning, kasama siya ng Big 4. Sabi ng iba, kaya siya nasa lowest section eh dahil gumamit siya ng salapi para makasama lang sa isang classroom ang Big 4, yung iba naman, sinasabi na talagang mahina ang kukote niya. Kung alin man sa dalawa, parang parehong possible. So ewan ko nalang rin kung alin dun ang totoo, siguro mini-mini-minimo nalang. Naging ex-girlfriend siya ni James. Siyempre natural lang sa isang babaerong basketball hunk na katulad ni James ang magkaroon ng ex na isang cheerleader. Yes, she’s a cheerleader and I guess, she will be the next cheerleader talaga, I mean yung head, kasi as of the moment, senior ang ‘the’ cheerleader . Pero hanggang kay James lang siya. Hindi raw kasi siya pinatulan ng ibang Big 4 members, siguro nga kasi dahil mas may taste sila kaysa kay James. Ehem, I know, alam kong kaaway ko pa si James ngayon kaya talagang wala siyang taste. Bitter na kung bitter at bias na kung bias, I don’t care.
“Date?! Hindi ako nakikipag-date sa mukhang aso.” Napataas ang kilay ni Katrine sa sinabi ni Charlotte. Normal na sa kanila ang pag-aasaran ng ganyan. They are indeed mortal enemies.
“So, ang gusto mo ay iyang si Rianne, the nerdy? Ewww! Iba na talaga ang taste ng mga tao ngayon, gusto nila yang mga mukhang pa-virgin! Tssss.” Nag-init bigla ang ulo ko. Kung mortal enemy sila Katrine at Charlotte, mas mortal enemy ko siya. Actually isa sa dahilan kung bakit sila naging magkaaway ni Charlotte ay dahil sa akin. Pinagtanggol lang rin kasi ako ni Charlotte diyan kay Katrine. That girl hates me, wait, ano pa bang word ang mas matindi sa hatred—uhmm.. detests, abhors, abominates, loathes? Basta kung alin man dun ang pinaka-sagad sa buto ang meaning na pagkagalit, yun na ang feelings ni Katrine sa akin, ang sweet diba pero siyempre, ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. Lagi niya kasi akong nakikita. Well, nagsimula yan nung ako yung pinili ng ex niya before him. Not James ah! Si Vince,
Vince Christopher Elizalde, yung ex niya na talagang minahal ‘daw’ niya kaya lang nakipagbreak sa kanya tapos after a month, niligawan ako nun. So etong si Katrine, humahabol-habol pa rin sa kanya kaya lang ayaw na talaga sa kanya eh, siguro dahil hindi na nakayanan ang sama ng ugali niya. Pero dahil hindi na nga siya binalikan tapos ako pa yung nililigawan ni Vince so natural lang na ang nabagsakan ng poot niya eh ako. Sa totoo lang, hindi ko talaga pinayagan na manligaw sa akin si Vince, hindi dahil sa ayoko sa kanya. Sa totoo lang, may itsura naman talaga si Vince, malakas ang dating niya kaya lang ayoko rin kasi ng gulo dahil sobrang napakainit pa ng issue sa kanila ni Katrine, pero kahit na di ako nagpaligaw sa kanya, sunod pa rin siya ng sunod sa akin kaya talagang nag-init ng bonggang bongga ang ulo sa akin ni Katrine. Nung una naaawa pa ako sa kanya pero dahil napakasama ng ugali niya, nainis na rin ako sa kanya. Ikaw ba naman gawan ng kung ano-ano, hindi ka maiinis? Oo, pinagtatanggol ako ni Vince laban kay Katrine at sa matatabing-labi pero kahit na ganun, di pa rin nawala ang issue na nilandi ko raw si Vince, maarte ako and so on. So ayun nga, patuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Vince pero after 6 months, umalis ang family niya papuntang Canada. Nag-migrate sila so ang naiwan sa mga matatalas na mata ni Katrine ay ang kawawang si Rianne, oh! That’s me! That was like 2 years ago, freshmen pa lang kasi kami noon at naging mag-on sila Katrine at Vince nung elementary days namin, siyempre dahil lahat kami mga dapat tumanggap ng loyalty award sa school sa sobrang tagal na namin dito. And then, ayun nga, dumating si Charlotte. Bestfriend ko na talaga noon pa si Ivan, isa pang loyalty awardee sa school. Siya yung kasama ko laban sa pagpuksa sa mga masasama, kay Katrine at sa kanyang mga alipores! HAHA. Tapos ayun, napabilang sa power rangers si Charlotte. Kidding! Ayun nga, inggiterang palaka kasi iyang si Katrine, maganda kasi talaga si Charlotte kaya insecure sa beauty niya, feeling niya, aagawin ni Charlotte ang trono niya bilang our batch’s queen bee. Napasama pa siya sa tropa ni Katrine, kinaibigan kasi nila si Charlotte, kunwari sila ang pinakamabubuting nilalang sa campus pero di nagtagal ay natuklasan din ni Charlotte ang plastic na pagmumukha ni Katrine so ayun, major school away. Di rin talaga kasi trip ni Charlotte yang mga ganyan-ganyang pagandahan ek-ek, tapos pina-plastic pa siya, kinaibigan kasi siya ni Katrine para siya pa rin ang leader ng grupo nila. Pero ayun, kumawala nga si Charlotte sa grupo nila at isa pa, ang gusto niya talaga eh ang mang-spike ng tao. Napasama siya sa amin ni Ivan at eto na ngayon, kaming tatlo ang dakilang power rangers!
“Excu--” Nabitin yung ihihirit ko dahil umalis na si Katrine. Tss. Bahala nga siya sa buhay niya!
Bumalik na kami sa classroom pero yung panaginip ko pa rin yung topic namin ni Charlotte. Wala sa class si Ivan kasi excuse siya ngayon. Ganun talaga pag Editor-in-chief ng school paper, either nasa meeting o nangangalap ng balita o nagttype sa office namin o kaya naman in-excuse niya ang sarili niya dahil simpleng gusto niya lang.
“Sino nga kaya yung prince charming ko?” Iniwan ako bigla ni Charlotte at umupo na sa proper seat niya.
“Hoy Charlotte! Ano ba nakikipag-usap pa ako sa iyo eh! Bakit ka umalis?!” Pasigaw kong sinabi sa kanya habang nakasimangot. Normal na sa room namin ang sigawan lalo na pag wala pa yung teacher naming, kaya wala ring pakielam yung mga classmates ko habang nakasimangot ako kay Charlotte.
“Matulog ka na lang ulit! Nababagot na ako sa kwento mong kaartehan na yan!” Sinigawan ako ni Charlotte sabay hawak sa cellphone niya. Amp! Kaasar talaga ito! Napaka-supportive!
Lumipas ang oras at malapit ng matapos ang klase namin. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa article. Pi-nlano ko ngang umalis sa room para hanapin si Gabriel eh kaya lang naisip ko, malamang nasa puno lang yun malapit sa soccer field so wala ring kwenta kung mag-eespiya ako sa kanya ngayon tsaka baka mahalata niya na talaga ako eh, mahirap na at baka magka-pasa pa ako ng wala sa oras pag nalaman niya na stalker niya ako.
~RING~Yeah, what you’re thinking is right, uwian na! Dumaan muna ako sa locker ko para iwan yung mga hindi ko naman kailangang gamit. Si Charlotte, dumeretso na sa practice niya sa volleyball at si Ivan naman, ewan ko dun! Kanina padaan-daan lang sa room habang kumakain ng Cadbury. Kabanas talaga yun, hindi na nga ako sinama sa excuse letter, nang-iinggit pa habang kumakain ng paborito kong food, walang iba kundi chocolate!

Nagsimula na akong hanapin si Gabriel, stalking time! Inuna ko na sa soccer field pero habang papunta ako doon, nadaanan ko ang parking lot. Nakita ko si James at napasimangot agad ako pero nakita ko rin na kausap niya si Adrian. Ang mabangong si Adrian.

Nakita kong napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya, baka isipin naman nito isnabera ako tsaka magkaibigan na kami eh. Pero yun ang akala ko kasi hindi niya ako pinansin at napatingin lang ulit siya kay James na nakatalikod naman sa akin. Aalis na sana ako kaya lang biglang may kumalabit sa akin, si Joshua. Nakangiti siya sa akin tapos tinawag niya ako sa pangalan ko. Buti pa siya, naaalala niyang friends kami, hindi katulad ng iba diyan sa tabi-tabi. Ehem!
“Musta ka na, Rianne?” Nakangiti siya sa akin kaya lang nung narinig yata ni James yung nagsalita, napaharap siya sa amin.
Sasagutin ko na sana yung tanong ni Joshua kaya lang biglang lumapit sa amin si James. Si Adrian naman, nakatingin lang sa amin, parang hindi niya sinabi kahapon na magkaibigan na kami. Pfftt!
“Bakit ka naman nakikipag-usap diyan sa babaeng akala mo kung sinong maganda, Josh?!” Akala mo kung sinong maganda. Ayan, sinisimulan nanaman ako nitong hinayupak na ito.
“James, pare an--” Pinutol ko ang sasabihin ni Joshua. Nag-iinit na naman ang ulo ko.
“HOY TSONGGO! ANO BA ANG PROBLEMA MO? AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO AH! TSAKA BAKIT KA BA NAKIKIELAM KUNG SINO KAUSAP NI JOSHUA…” Napatingin ako kay Joshua, hinawakan lang niya ang ulo at umiling-iling siya na para bang may problema siyang iniisip.
“…PAGMAMAY-ARI MO BA SIYA?! HA, HA, HA?!” Nakita kong nag-iinit na rin ang ulo sa akin ni James. Lumapit siya sa akin at ilang inches na lang ang layo niya sa mukha ko kaya naman napaatras ako agad.
“Hoy babae! Wala akong pakielam kung sino ang kinakausap ni Joshua, ang ayoko lang eh yung lumalapit siya sa mga walang modong mga tao, baka mahawa lang siya!” Aba’t talagang hinahamon ako nito ah!
Inawat na kami ni Joshua bago pa mas lumala ang pangyayari, para saan nga ba at naging Student Council President pa siya kung hindi rin lang din naman niya gagamitin ang kapangyarihan niya lalo na’t nasa lupain pa kami ng eskwelahan na ito, syempre siya pa rin ang bossing dito kahit papaano – kahit pa tropa niya si James. Umalis na rin si James dahil ayon sa pagkakarinig ko, may basketball practice pa siya at si Adrian naman, after umalis ni James eh nag-nod lang kay Joshua as a sign of his goodbye. Grabe, para talagang hindi kami magkasama kahapon! Parang hindi niya sinabi sa akin na friends niya kami at masaya siya dahil nakasama niya ako! Bahala nga siya sa buhay niya, kung ayaw niya sa akin, eh di ayaw ko na rin….uhmmm… sa k-kanya.
~SIGH~“Pasensya ka na ulit dun kay James ah! Oh, saan ka pala pupunta ngayon?” Nakangiti niyang tanong sa akin. Bakit siya mabait pa rin, parang totoo yung nangyari kahapon, bakit si Adrian hindi ganito?
“Uhmm.. ahhh ehhh… may kukunin lang ako sa office namin.” Tama, hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang hinahanap ko si Gabriel.
“Teka, diba doon yung office ninyo?” Sabay turo niya sa opposite direction. Ugh, lagot.
I showed him my sincerest, deepest smile. Show your pearly whites, Rianne. RAWR!
“Ahhh, kasi..kasi may kukunin pa ako doon, oo tama, kailangan ko na umalis. Sige ha!” Bago pa makapag-react si Joshua eh dumating yung secretary nung Student Council, may papapirmahan yata sa kanya. Nakatakas ako kay Joshua, wala na kasing oras at baka hindi ko na maabutan sa puno si Gabriel.
Tama nga ako, muntik ko na siyang hindi maabutan. Nakasalubong ko siya at napatingin siya sa akin. Hala, nakakahalata na kaya siya talaga? Kunwari may kukunin ako sa bag kaya napatingin ako sa baba. Nilagpasan niya lang ako. Dali-dali ko ng ginawa ang misyon ko, konti na lang eh matatapos na itong pag-sstalk ko sa kanya kaya konting tiis na lang, Rianne.
Nakalabas na kami ng school. Normal pa rin naman ang pangyayari, katulad ng dati. Lakad-lakad lang siya. Minsan kasi naka-kotse siya, minsan naman, commute lang siya, depende yata sa trip niya sa buhay. Akala ko magiging ok lang ang lahat, katulad ng dati. Pero yun lang pala ang akala ko, dahil maraming namamatay sa maling akala…
_________________________________________________________________________________
Yey! finally, na-post ko na rin! HAHA. ANG HABAAAAA!
Sa mga readers ko, kung meron pa, comments are REQUIRED here! amp! HAHA