01
Malas naman! Nakakaasar talaga! Nadumihan tuloy uniform ko.. ako na nga si nasagi at natumba, ako pa ang sinabihan na
“stupid bratty lil jerk!” ng sikat na si
James Brian Bediones—ang nag- iisang campus varsity heartthrob na ubod ng yabang at napakasama ng ugali na kapag nilakasan ko ang boses ko, papatayin ako ng Fans Club nya…. At nabigyan ng
“death glare" ng nag-iisang
Gabriel Beau Lopez—ang nag-iisang pinakamalalang estudyante sa campus at ang napaka antipatiko, napaka arogante, pala-away, at sikat sa campus dahil sa kanyang “so-called bad-boy slash hot looks image”…kala mo siya si Robin Padilla na isang artista na sikat.. Bad boy-in nya mukha nya! Atleast si Robin, sikat at artista…may “K” para maging Bad boy.. eh siya…
siya lang naman ang nakabangga sakin…
ang tanging dahilan kung bakit ako binubully ng Senior ladies ngayon…
”Marianne Rainne Luna! Class 3-1 ngayong school year. 15 years old. Nagbirthday last March 17. Favorite color ay pink. Hobby ay magsulat at magsurf sa net, Feature Editor ng The Scoop ang ating school paper.” One word. Wow.

Effortlessly na sinabi yun ng babaeng may salamin at pagkatapos sabihin yun ay tumingala at tumingin sa langit. Pwedeng pwede na siyang maging newscaster, imberstigador at reporter. All-in-one.
“So…” naglalakad pa siya na akala mo boss na nag iimbestiga kung ginawa ng subordinate nya yung trabaho nito..
“Marian Rivera, anong karapatan mong bungguin si Riel?!?!?!?! Wag kang haharang harang sa daan nya at wag na wag mong tangkaing kausapin ulit si Brian at wag na wag kang didikit sa barkada nila… naiintindihan mo?!”Aba. Umupo din si Bakulaw. Tutulungan ba ko nitong pulutin tong mga papel at librong nagkalat sa daan dahil nga nabangga ako ni “Riel” guy?

Aba’t teka..Dinuduro duro ako nitong bakulaw na to sa noo?! Kala ko pa naman tutulungan akong magpulot.
~POKE~"Claire, Marianne Luna not Marianne Rivera." sabi ng isa pa nyang chu-chu na nakahawak ng salamin at mukhang maarte.
“Psh. Oo nga naman… ni wala ka pa sa katiting ng ganda at puti ni Marianne Rivera, you biatch!”aba! Nakakarami na tong si Bakulaw! Nakakababae na to ah! Tumayo nga ako at…
“HOOOOYYY!----““Ano pangalan mo?!”huh? napatingin ako sa nagsalita… si Riel guy..bumalik.. hala baka pagtulungan nilang dalawa si kawawang ako. Nakalean lang siya sa pader at naka cross ng arms.
“s..sino???”aba.. ninenerbyos si bakulaw..

at seryosong nakatingin si Riel na badboy kay bakulaw…ako? Nasa gitna lang nila.. nakatingin…I’m scared…mommmyyyy….
“Kanino ba ko nakatingin?!”aba.. talagang seryoso si badboy ah…ang cold ng pagkakasabi..kasing cold ng hangin ngayon.. i'm sooo cold mommyyy...

nakakatakyut… pamatay nanaman ang tingin nya… mas nakakamatay kaysa sa death glare nya kanina…weeee…it’s scary…
“uhmm” sabay pa tweetums si bakulaw at inipit pa ang hair sa likod ng tenga..at sabay pa ng abot ng kamay kay badboy..gustong makipag shake hands.. aber…
“I’m Claire, from class 4-----““I’m not interested, biatch, from what section or from whatever planet you do came from. All I’m asking is your stupid name. And now, Claire, whatever, who do you think you are to warn anyone” sabay tingin sakin..GULP.
“to stay away from me nor from Brian or from our barkada?! Close ba tayo?!”sabay lapit ng mukha ni badboy kay bakulaw. Nanginginig na si Bakulaw. Aba. Poise pa rin si bad boy.
“Wag ” dinuro duro nya sa noo si bakulaw katulad ng ginawa ni Bakulaw na Claire sa akin.
“na wag” duro ulit si bad boy
“mong papakielamanan ang buhay ko..” sabay duro ulit..tinutulak nya si Bakulaw sa pamamagitan ng pagduduro sa noo..
“at ng kung sino man..” atras ng atras si bakulaw!!! GO BADBOY!!! WHOOOHH
“dahil wag mong kakalimutan..“ umaariba si badboy!
“ako lang ang siga dito at wag mo..” ang layo na nila sakin… grabe.. katakot naman manduro si badboy..
”akong pipiliting pumatol sa babae…” duro ulit..
”dahil kapag napilitan ako, kayang kaya kong pumatol..” waaaah!! Dakilang manduduro tong si badboy.
“lalo na sa mga katulad mong babae…” isang duro pa at isang atras ni bakulaw…
~POOF~at nahulog po si bakulaw sa edge ng stairs. Ooppps… taas ang palda.. nakakahiya.. buti naka shorts si bakulaw.. sayang maganda pa naman siya..
~CLICK~at pinikturan pa ni Adrian.. wahahaha.. ang dakilang photographer ng aming school paper..
"dahil ako na ang worst guy na makikilala mo at hinding hindi mo gustong kalabanin..."~CROWD CLAPS~
“woooh!!! Astig ka Riel!!”
“I love you RIEL!!!”
“RIEL, let’s get married!!!”isang death glare lang ni badboy, nagsitakbuhan na silang lahat.. pati si bakulaw at ang tropa niya, nawala bigla.
~WOOSH~hangin lang ang natira.. astig.isang iglap. I’ve been hearing a lot about this guy pero ngayon ko lang siya na encounter.
Lumapit sakin si Riel at nakatingin lang ako sa kanya kasi nakatingin siya sakin.
Ang tagal..
Ano ba to.. titigan ba to?! Kasi kung makikipag titigan siya, expert ako dun!

Tinaas ko na lang yung kilay ko..
“abot mo nga sakin yang panyo ko.”Ah… ok..nahulog pala niya panyo niya nung nagkabungguan kami.. hinanap ko agad si panyo ni badboy dahil baka duruin pa ko…nasan na ba si panyo?!

Nagulat nalang ako ng may sinipa si badboy at lumipad ang isang papel… ang papel na papatay sakin..

I’m dead baby…
“UH-OH”Gulp.
Hawak na nya ang lumipad na papel.
Pinikit ko ang mata ko.. yun ata yung listahan na ginawa ko kanina. Nag oobseve kasi ako sa kanya.. yun ang nabuo ko.. shheeeesshh..bakit ba kasi ako ang feature editor at bakit ko ba kailangan gumawa ng article at I-feature siya sa school paper…
“hoy!”eto na! Lord, gusto ko pa pong mabuhay… mas lalo ko pinikit ang mata ko…
“ano ka ba?!”Lord, forgive me for all the sins that I’ve made.. pumapatol daw siya sa babae.. kakasabi nya lang.. narinig ng tatl—este dalawang tenga ko..
“hoy! Yung panyo ko?! Ano ba?! Pipikit ka lang ba dyan?! Kung matutulog ka, umuwi ka na! Wag ka dito sa corridor matulog! At ano tong nasa papel na to---“Sheesh! This is it! Lakasan ang loob.. inhale… exhale…
“Sorry!!!” nakapikit din ako pero napatayo ako..
“di ko naman sinasadya.. kailangan ko lang talagang gawin yan kasi required ako.. napilitan lang talaga! Kailangan ko yan para makagawa ng article..”nagchuckle si badboy.. binuksan ko tuloy ang isang mata ko..
-_0
napatigil siya sa pagtawa. Amp.
Binuksan ko na ang dalawang mata ko.
“Ooohh..so ganito pala ang ginagawa ng mga “Feature Editor”… interesting… oh! Eto na yang “kailangan” mo para sa ARTICLE mo..”inabot nya sakin tapos may pinulot siya sa ilalim ng libro ko..
“natutulog kasi sa corridor di tuloy makita yung panyo..”at umalis na siya dala ang kanyang panyo.
Whew. Buti hindi siya nagalit sa mga nilista ko about him.
tiningnan ko ang papel...
0_0
ghaaaaad…. Ano to?!?!??!?!