Hello, guest!

Not yet a member? Register here

 News
Make sure to read the House Rules before posting anything!
   Home   Help Search Login Register  
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 29   Go Down
  Print  
Author Topic: ♥Angel Of Mine♥ <chap18-I>POSTED NA PO!!! please read.. thanks po  (Read 12846 times)
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #60 on: April 02, 2008, 05:38:59 pm »

**Chapter 9**

Tiningnan ko nga siya ng masama. Ano ito? Gagawin niya akong yaya niya? Hahaha.. Ayoko nga!

"Ayoko nga!" tapos sumandal ako sa upuan at nagcross arm. Tinaas ko pa yung isa kong kilay.

"Ehh.. Pano ako kakain? Nahihirapan ako sa left pagkakain eh.." sabay pout. Ito na naman siya! Ang arte talaga ng lalaking 'to!"Gutom pa naman din ako. Dibale, magtutubig na lang ako.." tapos uminom siya ng water then tumayo.

Aba, nagdrama pa ang mokong!

"Huy!" lumingon naman siya, "Akala ko ba gutom ka?"

"Eh, nahihirapan akong kumain eh. Unless..." hay, do I have any choice?

"Hayy. Whatever! Halika na nga! Oo na." tapos ngumiti na naman siya. Ang ewan talaga ng lalaking ito. Tapos na upo na siya ulit.

Kinuha ko naman yung spoon niya at nilagyan ko rice at ulam. Then tinapat ko sa bibig niya. Nakangiti pa siya na parang ewan. Saglit lang din eh sinubo na niya.

Ganun lang kami the whole eating time. After namin kumain eh nagreveiw na kami. Mga 7 pm na akong nakauwi. Kagaya kahapon eh hinatid na naman niya ako.

"Goodnight!" sabi ko sa kanya ng papasok ako ng gate.

"Goodnight din!" at umalis na siya.

Pagpasok ko sa bahay eh wala pa si Mommy. Hay, parang hindi ka na nasanay Alex. Tinanong naman ako ni Yaya kung kumain na daw ba ako ng dinner eh sabi ko naman oo.

Pag-akyat ko sa room ko eh naligo ulit ako. Nagbihis ng PJ. Then inayos ko na yung dadalhin kong gamit sa school bukas. Exam naman kasi kaya half day lang. After that eh nahiga na ako sa kama. Nakatingin lang sa kisame. Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh.

Then biglang may pumasok as isip ko..

Kung nahihirapan si Gregg kumain kanina, how come nakakakain siya this past few days??!! Walang hiyang lalaking yun! Inuto na naman ako.. Hmp! Pasalamat siya good girl ako.. *angel face* haha..

***

YYAAWWWNNN.. Goodmorning Philippines! Goodmorning Alex! Haha.. Batiin daw ba sarili?

Mabilis lang naman akong kumilos at saglit lang din eh nasa school na ako. Wala pa sina Shae at Rhae nun dahil 5:45 palang naman. Aga ko no? Wala lang.. Gusto ko lang maagang dumating sa school para may time pa ako para mag-aral ulit.

Since si manong Guard palang yung tao at si Manong Janitor naman eh hindi pa ata dumarating dahil close pa yung room namin eh nagpunta muna akong garden.

Nilabas ko naman yung Physics notebook ko para magreview. Ito kasi yung first subject eh. Binasa ko lang lahat ng lectures namin. After that eh kinuha ko naman yung book. At ayun, binasa ko lang yung mga naka highlights.

Saglit lang din eh may naramdaman akong tumabi sakin. Lumingon naman ako para tingnan..

"Hey.." sabi niya ng nakangiti. Hay, ang gwapo niya talaga. Wet look pa yung hair niya. Umaga pa kasi eh. Teka, ang aga naman ata niyang pumasok. Dahil siguro exam ngayon eh gusto niya rin ng maaga.

Nagsmile naman ako sa kanya.."Hey.." hay, wala akong masabi eh.

"Nagrereveiw ka?"

"Oo eh. Mahirap yung Physics. Hindi ko nga magets yung iba eh." sabi ko naman sabay tingin sa notebook ko.

"Gusto mo tulungan kita?" hay naku Josh! Ang bait mo talaga! Kaya crush na crush kita eh!! *smile*

"Nakakahiya naman.." tapos yumuko ako. Syempre, kailangan magpakipot. *wink*

"Ito naman oh! Nahiya ka pa.. Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan eh." nung sinabi niya yun eh napatingin ako sa kanya. Talaga?! Friends na kami?! YES!!!

"Hehe.. Sige na nga." tapos nagsmile ako.

"Saan ba yung hindi mo maintindihan?"

Pinakita ko naman yung hindi ko magets. Syempre, tinuro niya sakin. Ang galing nga niya eh. Kaya no wonder na lagi siyang nasasama sa top. Habang nagtuturo naman siya eh tawanan naman kami paminsan minsan. Ang saya talaga.

After ng Physics eh nireveiw naman namin yung SocStud. Medyo mahirap din kasi yun eh. Maraming imememorize. Pero ayos lang naman. Then yung TLE naman.

Nung kanina na nag-aaral akong mag-isa eh dinadalaw ako ng antok ko. Pero ngayon, duper taas ng energy ko. Para bang, kompleto talaga yung araw ko! Hay, for sure.. matataas exam ko nito! May inspiration eh! LOL!

"Naku, salamat talaga ah!" sabi ko sa kanya nung natapos na kami magreveiw.

"Wala yun." then nagsmile siya.

Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay bagay na as usual eh walang kwenta. Mga about sa nangyari the past years nung nasa highschool.

"--late kasi ako lagi kaya lagi din akong napapasok sa Section B." sabi niya. Tinanong ko kasi bakit nasa section B siya eh matalino naman siya. YUn pala yung reason. Dito kasi sa school namin, paghuling dating ka eh kung saan section ka na lang ipapasok.

"Ahh.. Kaya pala."

Basta kwentuhan lang kami hanggang sa nag-alarm na.

"Tara na." sabi niya at tumayo na.

Tumayo narin naman ako at sabay na kaming naglakad papunta sa aming respective classroom.

"Goodluck sa exam." sabi niya nung nasa tapat na kami ng room ng Section A.

Nagsmile naman ako sa kanya, "Goodluck din." then nagsmile siya.

Hay.. Ang gwapo mo talaga Josh! Pumasok naman na ako sa classroom at nandun na nga yung mga kaklase ko. Nandun narin sina Shae at Rhae.

"Goodmorning bestfriends!! Goodluck sa exam." bati ko sa kanila habang naglalakad ako papunta sa seat ko. Nakatodo ngiti pa nga ako.

"Bestfriend, ha? Mukhang maganda ata araw mo ah?" sabi naman ni Rhae na nakangiti na parang nang-aasar.

"Goodmorning and goodluck!" sabi naman ni Shae ng nakangiti rin.
 
Bago ako naupo eh grineet ko muna si Gregg. Nandun narin kasi siya eh.

"Goodmorning Gregg!!!" then naupo ako."Goodluck sa exam."

Aba, walang katapusang goodmorning ito ah. Ayus lang, masaya araw ko ngayon eh! Haha.. Nakakwentuhan ko lang si Josh eh kompleto na araw ko.

Tumingin naman siya sakin at nagsmile, "Goodmorning. Goodluck din."

In a few minutes eh dumating na yung proctor namin. Nagkaroon lang ng prayer then nagstart narin kaming mag-answer ng testpaper.

Goodluck na lang sakin! Mukhang madugung pagsasagot ito sa Physics! Pero dahil tinuruan ako ni Josh kanina eh dapat ipasa ko talaga 'to! *smile*

After ng exam namin sa Physics eh breaktime. Saglit lang naman yun at ginamit na namin sa pag-aaral. Nag-group study kami nina Shae at Rhae. Syempre, sinama ko na si Gregg. Mahirap ata yung SocStud.

So on... and so on..

Finally, tapos na ang isang araw na paghihirap!! Two days more to go!!

Dahil maaga kaming natapos eh nagpasundo na ako kay Mang Jun. Feel kong umuwi ng maaga ngayon eh. Kahit wala naman kaming exam bukas eh gusto ko naman mag-aral parin.

"Hey bestfriends! Nandyan na si Mang Jun. UUwi na ako!" sabay hug ko sa kanila.

"Ingat." sabay nilang sinabi.

***

"Hayy.. Sarap matulog!" sabay talon ko sa kama. Namimiss ko narin ang tumalon sa kama ko. Hihi..

Nahiga naman ako na nagmuni-muni. Naiwan parin yung figure ng mukha ni Josh sa vision ko. Hayy.. Ang gwapo mo talaga. I think I'm inl--

*ZzzzZZzz*

Hay, panira naman oh! Kinuha ko naman yung phone ko. Sinet ko na kasi 'to sa vibration na lang. Ano ko, sira para gawing messege tone yung nerecord ni Gregg? Edi nabuking ako.. Hihi..

1 new message

Sina naman kaya 'to.

Gregg:

> Cheesy

Tsk tsk tsk.. Nagsasayang ata ng load yung mokong na yun eh! Tama bang smiley face lang ang isend. Hmm.. Mareplyan nga.

> Tongue

Haha.. isa pa ako eh. Wala rin kasi akong maisip na sabihin eh.

*ZzzzZZzz*

Gregg:

>hehe.. msta?

Ano ba naman itong taong 'to. Parang hindi kami nagkita kanina ah. Oh well, replyan na nga lang. Wala naman akong magawa eh.

>aUs lng. pRng hNd tau ngkta kNna ah.. =)

Magkatext lang kami mga ilang oras din. Actually, wala rin naman kwenta yun. Syempre yung iba eh may kwenta. Gaya na lang nung kinwento ko sa kanya yung kaninang umaga. Yun, may kwenta yun. *smile*

Tumigil lang yata kami sa pagttext eh yung tinawag na ako ni Yaya na kumain. At ganun din naman daw siya.

***

Medyo late na akong nagising the following day. Wala naman kasing exam eh. Pero syempre, may reveiw.

Breaktime. Sabay sabay kami nina Shae at Rhae na nagpuntang cafeteria. Kung kahapon eh hindi kami kumain nung breaktime. This time, kakain na kami. Hihi..

Bumili lang kami ng finger food. Hindi namin trip kumain ng rice at ulam ngayon eh.

Wednesday. Syempre, exam na naman. Nagpunta na naman ako kahapon kina Gregg. Nagreveiw lang kami. Nanood din kami ng TV. At hindi na naman nawala yung nagpasubo siya. Nakakalimutan ko kasing tanungin siya kung pano siya nakakakain kung hindi siya sinusubuan. Pero pwede rin naman na subuan siya ni Manang Kikay.

Oh well.. malamang trip niyang ako magsubo sa kanya. Gusto lang niya akong gawing yaya eh! Hmp!

Dumaan na yung mga araw ng paghihirap. At yes.. today is Friday! Katatapos lang ng exam namin.

"Oh san tayo ngayon?" tanong ni Shae nung nakalabas na kami sa room.

"Kahit saan!" sagot namin ni Rhae.

Lumabas naman na kami ng campus at hinintay yung kotse nina Shae. Sa kanila na lang daw kasi kami sasakay. Tinext ko na lang din si Mang Jun para hindi niya ako hanapin at para alam narin niya kung nasaan ako.

At the mall.

"Uy sa Bench muna tayo." sabi agad ni Shae nung makarating kami.

"Sure." sumunod naman ako sa kanila.

Then ayun, tingin tingin ng mga damit. Sukat dito...Sukat dun... Mga ganun. Ang dami nga namin nabili eh. Nung lumabas kami ng Bench eh meron na akong dalang 4 na paper bag.

Then lakad lakad sa mall. Tingin tingin kung saan saan. Tapos papasok sa ibang store at bibili ng kung anu-ano. Bumili pa nga kaming tatlo ng sapatos eh. And take note, pare-parehong design. Wala lang.. trip namin eh.

"Tara suotin na natin." sabi naman ni Rhae nung nabayaran na namin.

"Sige ba.." sabi ko naman, "Para pare-parehas tayo." tapos tumawa kami.

"At pare-pareho pa tayong naka school uniform!" then tumawa na naman kami. Mukha na siguro kaming baliw sa kakatawa dun. Nagtinginan pa nga yung mga tao dun sa store eh. Care ba nila?

Nung lumabas na kami dun eh pumasok naman kami sa mga accessories. Bili-bili doon. Bili-bili dito. Kung ano yung trip namin na maganda eh bibilihin namin.

"Hey guys.. bili tayo nito oh!" sabi naman ni Rhae sabay turo dun sa necklace na may pendant na 'Bestfriends'.

"Sure." sabi naman namin ni Shae.

Bumili kami ng tatlo. Ganito kasi kami mula nung mga bata palang kami. Gusto namin yung nagkakapare-pareho kami ng mga gamit. Pero minsan lang naman.

"Kain na tayo." pagyayaya ko naman sa kanila. Nagutom na kasi ako.

Habang naglalakad kami papuntang foodcourt eh nagtatawanan pa kami. Pano ba naman eh ang daming tumitingin samin. Kala nila siguro triplets kami. Pano ba naman pati pagtali ng buhok eh pare-pareho pa kami. Nakapony tails kasi kaming tatlo. Tapos pare-pareho pa kami ng kulay ng pantali.

"Psst."

Sino naman kayo yun? Nagtinginan lang kaming tatlo sabay nagkibit balikat. Hayaan na nga. Hindi naman Psst ang pangalan namin eh. Tsaka ayaw din namin lumingon. Hindi talaga gawain naming tatlo ang lumingon kapag may nagsusutsot. Syempre, baka naman kasi hindi kami yun diba? Edi napahiya pa kami.

"Psssssttt" aba, humaba pa yung psst niya.

Nagtinginan ulit kaming tatlo. Pagbago pa ako makatingin ulit na diretso eh biglang may nagtakip ng mata ko.

"Sino ito?" sabay kinapa ko naman yung kamay ng kung sino man yun.

"Hulaan mo."

Bigla ko naman tinanggal ko kamay niya at tiningnan ko siya ng nakakunot noo.

"Wala hiya ka! Magpapahula ka na lang eh obviuos pa. Kilala ko boses mo no!!" tapos dinuro duro ko siya sa braso niya.

Natawa lang naman sila sakin.

"Sungit mo talaga." tapos ginulo niya yung buhok ko.

Nagpout naman ako. Lagi na lang niya ginugulo buhok ko. napatingin naman ako sa may kanan niya. At nakita ko si Josh. Bigla naman yung pagpa-pout ko eh napalitan ng ngiti.

"Hi Josh.." tapos nagwave ako. Then napansin ko ein na nandun pala yung dalawa pa. Si Raymond at Alfred. Tagal kong hindi nakita 'tong mga 'to ah. "Hi Sa inyo." tapos nagsmile ako.

Then nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Saan kayo pupunta?" tanong naman ni Gregg.

"Sa foodcourt. Kakain sana." sagot ko naman, "Sama kayo, gusto niyo?"

"Sure." sabay sabay nilang sinabi.

Pansin ko lang ah.. Si Alfred eh nakatayo sa tabi ni Rhae. At si Raymond naman eh nasa tabi ni Shae. Tiningnan ko silang dalawa ng nakataas yung isa kong kilay.

"Hihi.." sabi naman ni Raymond na parang nanliliit sa tingin ko.

"Hehi.." sabi naman ni Alfred sabay kamot sa ulo niya.

Hmm.. what so 'hihi' about?

Yung dalawa ko naman bestfriend eh tiningnan ko rin ng nakataas yung kilay na parang nagtatanong ng 'anong-meron-ha?'

"Later." sabay nilang sinabi. Then nagsmile. Tsk tsk tsk.. mga bestfriend ko talaga oh! Hmp!

"Owhh.." sabi ko na lang.

Naiwan naman sa tabi ko yung dalawa. Si Gregg at Josh. Grabe, ang tatangkad nila. Nanliliit tuloy ako.

***

"Oh Gregg, bat burger lang inorder mo?" tanong naman ni Alfred sa kanya.

Nasa food court na kami ngayon at kumakain. Well, lahat kami eh umorder ng may kanin at ulam. Except for Gregg. Burger lang kasi yung main dish niya eh.

"Eh nahihirapan kasi akong kumain eh." sagot naman niya sabay tingin sakin. "Kaya ito na lang inorder ko. Atleast kaya siya ng left hand ko. Kapag kasi spoon and fork na eh nahihirapan yung right arm kong gumalaw." paliwanag niya.

Hay.. kala ko magpapapsubo pa siya eh. Buti na lang pala eh may konsiderasyon ang taong 'to! Good for him!

"Eh 'tol hanggang kailang bayang supporter mo?" tanong naman ni Josh at tinuro pa niya yung kamay ni Gregg using his fork.

"Uh.. Hindi ko nga alam eh."

Then ayun, kumain lang kami. Ito naman si Raymond eh ang kulit talaga. Minsan susubuan niya si Gregg. Si Gregg naman eh nag-a-act na parang baby siya. Haha.. Kulit talaga.

After namin kumain eh nagkayayaan na manood ng sine. 7 pm palang kasi nun eh. Tapos wala naman pasok bukas.

"Uy 'tol! The Grudge yung palabas! Ayos 'to!!" sabi ni Gregg yung nakita niya yung poster sa labas.

Nag-agree naman ang lahat. Sabi ni Josh eh treat niya daw kaya siya yung bumili ng tickets namin.

Grabe, nakita ko palang yung poster eh parang hindi ko aya kakayanin. Duper katakot yung mukha nung babae. Kaya hindi ko na ulit tiningnan.

"After 10 minutes pa daw." sabi ni Josh nung nakabalik na siya.

Bumili naman na kami ng makakain namin sa loob kahit katatapos lang naman namin kumain. Actually, yung mga boys lang naman yung bumili ng makakain nila dahil sinabi namin na busog pa kaming girls. Sabi naman nila eh magugutom din daw kami..Oh well.. Whatever

After 10 minutes eh nagsilabasan na yung mga tao sa loob ng cinema theater. At pumasok naman kaming mga susunod na batch.

Ang arrangement ng pag-upo namin eh Josh, ako, Gregg, Raymond, Shae, Rhae, at Alfred. If I know, yung Alfred at Raymond na yun eh nanggu-goodtime lang yung mga yun eh! Sinasamantala yung pagkakataon.

For sure, kapag natakot si Shae eh hahawakan siya sa kamay ni Raymond! Pss.. lumang style na yan Raymond! At ganun din naman kina Rhae at Alfred! hay..Whatever.

Nagstart naman na yung movie.

"Pagnatakot ka.. Hawakan mo lang ako." bulong ni Gregg sakin.

Sinapok ko naman siya. "Ano 'ko, duwag?"

"Bahala ka." tapos nagsmile siya.

Tiningnan ko naman si Josh nun. Napatingin din siya sakin. Uh.. Nagsmile na lang ako sa kanya.

"Nakakatakot yan." sabi niya sakin ng mahina.

"Bakit natatakot ka?" tanong ko naman sa kanya na may halong pang-aasar.

Nagsmile naman siya. Siguro natatakot nga siya. Haha! Ayos 'to! Kapag natakot siya o nagulat eh bigla nalang siya mapapahawak sa kamay ko! *grin* hihihi..

Nandun na yung scene na umakyat si Yoko [care giver] sa hagdanan. Then nung nasa taas na si Yoko eh pumasok siya sa loob ng isang kwarto. Then may nakita siyang parang pinto na tinakpan ng mga news paper. Tapos pinagtatangal niya yung mga news paper na yun. Tapos inopen niya at pumasok pa siya sa loob.

Dun palang sa scene na yun eh kinakabahan na ako. Tapos biglang dahan dahan nagmomove yung camera. Then biglang lumabas yung the grudge sa likod ni Yoko.

"WAAAHHH" nasigaw talaga ako. Ang panget kasi ng itsura nung babae eh!! Napasigaw din naman yung ibang mga manonood.

Sa sobrang takot ko nun eh bigla na lang ako napahawak ako ng mahigpit sa braso ng katabi ko. Tapos may naramdaman akong...














May humawak din sa akin ko. Oh-oh




Author's note: Alam niyo bang takot na takot ako nung sinusulat ko yung part na The Grudge.. Kahit title palang eh natatakot na ako. Naiimagine ko kasi yung picture niya eh.. WAHHH.. Paulit ulit na ngakong lumabas sa kwarto kasi mag-isa lang ako dun. Kaya rin medyo natagal akong tapusin 'tong Chapter 9.. Haha..
« Last Edit: May 28, 2008, 06:14:29 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
*khye*
jellybean
**

Karma: +12/-5
Posts: 225


[.I just want to see your smile.ÜÜ]


« Reply #61 on: April 02, 2008, 06:06:57 pm »

sis.sino yun??waaah,.kakaloka.excited na tuloy ako.. Cheesy next na^^
Logged

ako_to
bubblegum
****

Karma: +46/-13
Posts: 588


bakka watashi



« Reply #62 on: April 02, 2008, 06:09:38 pm »

sino nahawakan niya?? josh o gregg?? hahaha! sister miss you too! miss ko na kayo! haha.. hala ka, jan na yung nakasilip sa pintuan.. haha jok lang po! haha.. kunwari pa si alex eh Cheesy di daw takot? hahaha...
Logged

  LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
sharrahs326
jellybean
**

Karma: +24/-2
Posts: 193


Bwahaha! He's back.


« Reply #63 on: April 02, 2008, 11:25:59 pm »

Hehe.. Ayos alex..Chansing..Haha! Si gregg talaga. May subo pang nalalaman eh. Magaling na artista..Hehe

khay, kala mo ba ikaw lang natatakot. Ako rin noh! Habang binabasa ko nga 'to eh kinikilabutan ako. Tapos ngayong nagta-type ako eh kinakabahan ako. Mag-isa lang kasi ako sa kwarto. Geez, gusto ko na tumakbo!Hehe

khay, miss you nah!Naka-jawal ka na? Ayos ah! Nu # mo? Thanks nga pala. Bout dun sa clearance ko. Sensya na rin. Kala ko tapos na eh..Ahlabyuh!

Lalabas na ako ng room ko..
Logged

If only I could paste to your lips all the smiles that I could collect just to keep you smilin', I would do so...

If only you'd allow me...
ehlheighne08
taffy
***

Karma: +10/-3
Posts: 321


i heart you...


« Reply #64 on: April 03, 2008, 12:23:53 am »

khay!!natapos ko na sa wakas!!haha..ang bagal ko noh..
waah..si josh gusto ko!!haha..
Logged

FORBIDDEN to REMEMBER... TERRIFIED to FORGET...
phantasmagoria
taffy
***

Karma: +32/-3
Posts: 332



« Reply #65 on: April 03, 2008, 01:00:07 am »

haha.. kalalakeng tao ni Gregg ang arte..
thanks sa update!
next na..
Logged

i'm not weird.. i'm gifted.. anyway, i'm mhagz..
baby_banana
jellybean
**

Karma: +5/-1
Posts: 150


cohen <3



« Reply #66 on: April 03, 2008, 03:33:23 am »

KHAAAAY! im here!
di ko pa nabasa. hehe. gusto ko lang magpost para wag ko makalimutan Tongue
Logged

Stay with me <3
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #67 on: April 03, 2008, 05:10:42 am »

nax naman! ayos yun!! wahaha! ano na # m? pm mo na lang ako d2 or sa ym Cheesy muwah!

kei po.. ppm na lang kita  Smiley Smiley miss you sis..

bukas ah!
post ka na.. Smiley

haha.. ito na po yung update..

pasensya na if boring or what..





sis.sino yun??waaah,.kakaloka.excited na tuloy ako.. Cheesy next na^^

hehe.. thanks sa pagbasa sis.. ginagawa ko na next chap.. Smiley Wink pero di ko pa alam kung kelan ko mapopost.. Thanks ulit sis tc,gb

sino nahawakan niya?? josh o gregg?? hahaha! sister miss you too! miss ko na kayo! haha.. hala ka, jan na yung nakasilip sa pintuan.. haha jok lang po! haha.. kunwari pa si alex eh Cheesy di daw takot? hahaha...

haha.. malalaman mo rin sis.. hehe.. ginagawa ko na yung chap 10 pero di ko pa alam kelan ko mapopost.. haha.. Miss ko narin kayo! Thanks for reading sis..

Hehe.. Ayos alex..Chansing..Haha! Si gregg talaga. May subo pang nalalaman eh. Magaling na artista..Hehe

khay, kala mo ba ikaw lang natatakot. Ako rin noh! Habang binabasa ko nga 'to eh kinikilabutan ako. Tapos ngayong nagta-type ako eh kinakabahan ako. Mag-isa lang kasi ako sa kwarto. Geez, gusto ko na tumakbo!Hehe

khay, miss you nah!Naka-jawal ka na? Ayos ah! Nu # mo? Thanks nga pala. Bout dun sa clearance ko. Sensya na rin. Kala ko tapos na eh..Ahlabyuh!

Lalabas na ako ng room ko..

haha.. katakot kasi talaga yun eh! Lalo pa ako natakot nung tinatakot niyo 'ko nina Rogie eh! wahaha.. Sad( .. Miss you too! Kelan uwi niyo? Smiley si amal ba nakauwi na? La na ako balita sa kanila eh :-/ ..

Yeah.. Itong si Alex, chansing ito eh! Lol! yung dati kong # na jawal parin. Buti nga napulot ko pa uli yun eh. Matagal na kasi pakalat kalat yun! wahaha.. 0.23 .. di ko na kelangan pang bumili ng lod! Lol Cheesy Cheesy .. Anyway, thanks for reading! Mwah.. Kiss tc, gb
« Last Edit: May 28, 2008, 06:16:14 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
rave_mignon
peanut butter cup
*****

Karma: +278/-79
Posts: 4367


I love BOOS. Lol.



WWW
« Reply #68 on: April 03, 2008, 05:25:39 am »

YYAAWWWNNN.. Goodmorning Philippines! Goodmorning Alex! Haha.. Batiin daw ba sarili?

Hi Khay thanks for dropping by my story ah? i like yours too! and i love the lines above..haha. may kilala kasi akong ganyang ganyan magsalita!
Logged

yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #69 on: April 03, 2008, 05:43:05 am »

khay!!natapos ko na sa wakas!!haha..ang bagal ko noh..
waah..si josh gusto ko!!haha..

haha! Nakahabol ka na! !! Hehehe.. Yay to you! Hehe.. Buti may Josh na dito.. maka-Gregg sila eh! Lol Cheesy Cheesy thanks for reading po!

haha.. kalalakeng tao ni Gregg ang arte..
thanks sa update!
next na..

hehe.. No prob po. Smiley its my duty to update for my readers! Nax! Hehe..
Yeah, maarte talaga yang si Gregg! Hmp!
Cheesy Cheesy

KHAAAAY! im here!
di ko pa nabasa. hehe. gusto ko lang magpost para wag ko makalimutan Tongue


Cee! Good to see you here! Smiley Smiley hehe.. Ayos lang po yun! Smiley thanks for supporting!

YYAAWWWNNN.. Goodmorning Philippines! Goodmorning Alex! Haha.. Batiin daw ba sarili?

Hi Khay thanks for dropping by my story ah? i like yours too! and i love the lines above..haha. may kilala kasi akong ganyang ganyan magsalita!

haha.. thank you po.. and about dun sa line, i just got it somewhere here in CC.. haha Cheesy ganun ako kaadik dito.. Lol! Cheesy Grin i've read that line sa isang story and i think dun ko yun nakuha! Haha Cheesy .. thanks po ulit Smiley
Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
ilabyu*kath
sugar drops
*

Karma: +5/-0
Posts: 96


vintage spells L-O-V-E


WWW
« Reply #70 on: April 03, 2008, 04:12:32 pm »

ang cute ng story mo!!!! nakakakilig good job sis, I'll be an avid reader dito sa story mo..nakakaabang abang ehh...  Wink
Logged

sharrahs326
jellybean
**

Karma: +24/-2
Posts: 193


Bwahaha! He's back.


« Reply #71 on: April 03, 2008, 05:51:03 pm »

haha.. katakot kasi talaga yun eh! Lalo pa ako natakot nung tinatakot niyo 'ko nina Rogie eh! wahaha.. Sad( .. Miss you too! Kelan uwi niyo? Smiley si amal ba nakauwi na? La na ako balita sa kanila eh :-/ ..

Yeah.. Itong si Alex, chansing ito eh! Lol! yung dati kong # na jawal parin. Buti nga napulot ko pa uli yun eh. Matagal na kasi pakalat kalat yun! wahaha.. 0.23 .. di ko na kelangan pang bumili ng lod! Lol Cheesy Cheesy .. Anyway, thanks for reading! Mwah.. Kiss tc, gb


hehe.. No prob sis.. Di ko lam # mo sa jawal. Wala na ata ako nun eh..

Nakausap ko si arrianne kanina. Sabi niya asa pinas na si amal, babalik daw dito sa 29. Uuwi kami sa 27..Hehe..Bili ko na lang kayo ni nikki ng pasalubong. Hehe.

Geh sis, next na. Ganda na ng story mo! Love it! Keep it up! Hehe.. LaByuh! MizYuh
« Last Edit: April 03, 2008, 06:16:36 pm by sharrahs326 » Logged

If only I could paste to your lips all the smiles that I could collect just to keep you smilin', I would do so...

If only you'd allow me...
lyn0611
taffy
***

Karma: +9/-4
Posts: 312


--arf? arf?



WWW
« Reply #72 on: April 03, 2008, 11:45:33 pm »

ehem.ehem. ganda ah.. Smiley kaloka. haii naku sis. katakot nga yang the grudge na yan.. Roll Eyes nxt chap n.. hehe..

-*cOleen..
Logged

lyn0611
taffy
***

Karma: +9/-4
Posts: 312


--arf? arf?



WWW
« Reply #73 on: April 04, 2008, 12:43:56 am »

nice one... Wink

up na sis..
 Wink


-*cOleen.
Logged

yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #74 on: April 04, 2008, 01:10:07 am »

**Chapter 10**

WHOA! Akala ko si The Grudge yung humawak sakin. [talagang The Grudge yung tawag eh no? Sensya na, wala akong balak kilalanin siya. Nakakatakot talaga itsura niya. Ayan, kinikilabutan na naman ako! Huhu..] Anyway, ayun nga.. napahawak ako sa katabi ko.

"haha.. sabi na eh. Takot ka!" hmp! Asarin pa ako! Siniko ko lang naman siya. Eh sa nakakatakot talga yung mukha nung babae eh! Kasalanan ko ba yun? Hmp! Yung make-up artist sisihin niya kung bakit ako natakot! Hmp! (isama daw ba make-up artist ng The Grudge!?)

Tsaka, ano ba yan!?! Plano ko pa naman sana kapag natakot ako eh kay Josh ako hahawak! Pss.. palpak.

Pero nung napatingin naman ako sa humawak sa braso ko..

"Sabi ko sayo eh.. nakakatakot 'to." bulong niya sakin. Sa hindi ko malamang dahilan eh napangiti na lang ako. Kahit pala pumalpak ako sa plan ko eh nakabawi din! AYOS!! wahaha.. [baliw?]

"Oo nga eh. Ang panget ng itsura nung babae."

Hayy.. Kahit nakakatakot yung pinapanood namin eh na-eenjoy ko naman! As in DUPER ENJOY!! Waha.. Nanonood lang ako kapag wala si The Grudge sa scene. Pero paglalabas na siya, bigla na lang ako napapahawak kay Gregg.. Hayy.. Sira na naman plano ko! Lagi! Pero syempre, may bumabawi.. Kasi kapag lalabas na si The Grudge eh na papahigpit yung hawak sakin ni Josh!! Ayiee... kilig ka naman Alex? Hmm.. Secret!

I think, this is one of Gregg's plan!HAH! I knew it!! Kaya pala niya kami niyaya manood nito dahil siguro alam niyang takot si Josh. Ayie.. bait talaga ng mokong na yun! And take note, siya yung may plano na umupo ako sa tabi ni Josh! Ayiee.. smart ka talaga Gregg!! *salute*

Wait.. Speaking of the devil.. Ayun, parang nanonood lang ng comedy. Hindi man lang natatakot. Nakatutok talaga siya sa palabas. Pagnapapatingin ako sa kanya, lagi siyang nakangiti! Isa rin 'tong baliw eh!! Maybe iniisip niya na nagwowork yung plan niya! Hah!!

A thought came into my mind..

Ayos pala 'to! Sa susunod eh lagi ko na lang yayayain silang manood ng horror movie. Tapos tatabihan ko si Josh! Tapos.. tapos.. this time hindi na siya sa braso ko hahawak... SA KAMAY KO NA!! Waahhh..

*SNAP*

"Ok ka lang?" whoa. Bakit wala nang tao sa paligid?

"Tapos na yung movie?" tumango naman siya. Ano yun, kanina pa ako nagde-daydream!?!

"Akala ko tulog ka." sabi niya. Ano ka ba naman Alex! Nakakahiya kay Josh!

"Pasenya na ah.. May iniisip lang kasi ako eh." nagsmile lang naman siya at lumabas na kami ng sinehan.

Nakita ko sina Rhae at Alfred na may hawak na shake at ganun din yung dalawa pa. Teka, asan si Gregg?

"Sis, kala ko di ka na lalabas dun." sabi ni Rhae nung nakita niya ako.

"Akala ko din eh." sabi naman ni Shae. Tiningnan ko sila ng masama pero may halong biro.

Hmp! Iniwan nila ako dun. Itatanong ko sana kung nasan si Gregg kaso bigla na siyang lumitaw. Nakangiti pa ang mokong at may dalang tatlong shakes. Inabot niya yung isa kay Josh at yung isa eh sakin. Nakangiti pa siya..

"Tagal mo lumabas dun ah!" tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

Hinampas ko naman siya, "Heh!"

Nagkayayaan ng umuwi. Si Shae at Rhae eh sinundo ng kanikanilang driver. Sina Josh, Raymond at Alfred naman eh umuwi narin. Tinapik ko pa yung dalawa sa dibdib. Hindi nga makatingin sakin ng diretso eh. Tinataasan ko lang naman sila ng kilay pero laging may halong biro syempre.

Si Gregg naman yung nagvolunteer na ihatid ako. Nung nasa tapat na kami ng gate eh..

"Sorry kung napahigpit hawak ko sayo kanina ah." sabi ko na medyo nahihiya pa.

Tumawa naman siya. Tiningnan ko nga ng masama, "Sasabihin mo pa sakin 'di ka duwag!" tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Hey," tapos inalis ko yung kamay niya sa buhok ko, "But anyway, thanks ah! Di mo sinabi na takot pala si Josh sa horror movie." then tumawa na naman siya.

"Nagwork ba?" sabi ko na eh! Plano niya talaga yun!

Nagsmile lang ako sa kanya at ayun, nagpaalam narin naman siya.

Hindi na ako nagdinner dahil nabusog na ako sa shake na binili ni Gregg nung bago kami umuwi. Naligo lang ako at nahiga na sa kama. Hayy.. nakatingin na naman ako sa kawalan. Napapangiti.. Then bigla na lang ako napahawak sa braso ko kung saan napahawak si Josh.

"Hayy Josh.. I think inl--"

'Eeerrr.. nandyan na yung plane!!
Lalanding na!! Hahaha'


Ayiee may nakaalala sakin. *smile* Anyway, yung messege tone kanina eh yun na naman yung bagong record ni Gregg. Tokmol talaga yun! Yun kasi yung nagpapasubo siya eh. Para ngang bata.

Anyway, tiningnan ko naman kung sino ang nakaalala sakin. Whao. Si Josh pala! Ano ba yan, puro whao na lang ako ng whao! Whao! Waha..

Josh:

>ei, gcng kPa po?

Hay Josh.. Kahit tulog pa ako eh basta ikaw gising ako! haha.. Ayiee.. *kilig*

>yah.. dp Q an2k eh. kEt po?

Saglit lang din eh may reply na.

>la lng po. gs2 q lng po mgthnk u. xnxa na kNna. tkot lng tLga aQ s mGa horror muvi.. sori kung npskt mn ung pgkhwak q. =)

Hay.. ayos lang sakin yun! Sa susunod nga eh yayayain pa kita manood ulit ng horror eh! Para mahawakan mo na kamay ko! Wahaha.. Alex huh, kumekerengkeng! Hihi..

>la po un. aQ dn eh, ntkot dun. pRo tnong q lng po, y k po pumayg manuod nun?

Nagreply naman siya na pinili daw talaga siya ni Gregg na manood nun. Tsaka gusto rin daw niyang sanayin yung sarili niya na manood ng horror movies kasi yung tatlong unggoy daw eh sanay na sanay sa horror movies.

Hmm.. kaya pala parang wala lang kina Gregg, Alfred at Raymond yung pinanood namin eh! Sanay pala! Hmp!

***

"ANO??!! KELAN PA??!! BAKIT DI NIYO SINABI SAKIN?!!" nakahawak na ako sa ulo ko niyan. Grabe, nagulat talaga ako sa sinabi nila.

"Sasabihin naman talaga namin sayo eh." sabi ni Rhae. Tumango naman si Shae.

"Yeah girl. Sasabihin talaga namin sayo yun. Dapat nga kagabi yun kaya nagyaya kami nito na magmall tayo para tayo-tayo lang. Eh kaso nga dumating na sila." paliwanag ni Shae. Hay, kapag ganito eh si Shae talaga ang taga paliwanag.

Anyway, Saturday na at nandito ang dearest bestfriends ko sa bahay. Wala lang.. bonding lang.

Back to reality...

Naupo naman na ako ng maayos. Ok mahinahon na ako..

"Let me clear it.." tumingin ako kay Rhae, "Nanliligaw sayo si Alfred?" tumango naman siya. Then tumingin ako kay Shae, "At nanliligaw naman sayo si Raymond?" tumango din siya.

Tiningnan ko nga sila ng masama. As in seryeso talaga ako. Then...




















"WAAAAAHHH KINIKILIG AKO!!!" tapos hinug ko silang dalawa. Tumawa naman sila ng sabay. Then kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanila. "So kailan pa 'to?" nakasmile na ako niyan.

Haha, ganyan talaga ako. Pagnabibigla eh nagOOA kagaya nalang kanina. Hehe.. Sinabi naman nila sakin na nakakadalawang linggo na daw yung mga tokmol na yun sa panliligaw. Hah! Matakot nga sila pagnakita ko sila. Haha..

We spent the whole day sa kakakwento. Hindi daw nila kasi nasabi dahil tuwing sasabihin daw nila sakin eh wrong timing. Kung hindi ako uuwi eh busy daw ako. Basta mga ganun. Sabi ko naman eh pwede naman nilang itext sakin pero sabi naman nila eh pangit daw pag idadaan sa text. Walang emotion tsaka.. basta daw.

And I agree naman. Panget din pag idadaan sa text. Tsaka we're bestfriends kaya dapat talga personal na sinasabi sa isa't isa. Tsaka big deal samin ang hindi masabihan ng sikreto ng isa't isa. Feel kasi namin kapag ganun eh parang wala nang trust sa isa't isa, diba? Gets niyo ba yung point ko?

Advice ko lang sa mga readers ko.. pahalagahan niyo ang friendship. At wag magtago ng sikreto sa isa't isa kasi masakit bilang isang kaibigan na ipinagtaguan ka ng sikreto. Para bang wala siyang tiwala sayo. Gets niyo ba? What I mean, dapat alam lahat. Kasi a true friend trust his/her friend sa lahat ng secrets niya. And a true friend listen to his/her friend. Hay, so much for that..

***

Sunday. I was walking papauwi sa bahay dahil kagagaling ko sa kapitbahay namin dahil nakipaglaro yung isang bata dun sakin when I saw Gregg. Nakangiti pa at lumapit sakin. Then sabay na kaming naglakad.

"May gagawin ka ba?" tanong niya ng nakatingin lang ng diretso.

"Uhm.. wala. Bakit?"

"May papakita ako sayo. Tara." then hinila na niya ako. Ano ba naman 'to. May papakita lang eh kailangan pang manghila.

"San ba?"

"Basta." oh well.. Sakyan na nga lang.

After ng mahabang mahabang mahabang as in mahabang mahabang lakad.. I mean, hindi naman ganun kahabang lakad. NagOOA na naman ako. Haha.. Basta medyo mahabang lakad pero medyo lang naman.. Ay ewan! Ang gulo ko talaga kausap! Tsktsk.. Bago pa gumulo ang lahat eto na..

After ng mahabang lakad, [ay eto na naman! Pasaway ka ah!] eh huminto din kami.

"d-dito.." medyo hinihingal hingal pa ako.

Well, nandito kami sa tabi ng lake. And wow, ang linis at ang tahimik ng kapaligiran. Hinila na naman ako ni Gregg pero hindi naman masakit. At may tree house?! Cool.

When I saw this place, parang familiar. Oh well.. I have no idea.

Naupo naman kami ni Gregg sa may ilamin ng puno na may tree house.

"Pano mo nalaman 'tong lugar na 'to?" tanong ko sa kanya nung nakaupo na kami. Take note, sa root lang ng kahoy kami ng kaupo. Yeah.. malalaki yung roots ng tree na 'to.

"Matagal ko nang alam 'tong lugar na 'to. Bata pa lang ako."

"Owh.. what about the tree house?" sabay tingin ko sa taas. Napatingin din naman siya.

"Oh that?" tumango naman ako, "Matagal na akong di nakakaakyat dyan. Maybe 10 years ago na nung huli kong naakyat yan."

"Ahh.. gusto mo akyat tayo?" gusto ko kasing makita yung loob nun eh.

"Nahh.. tsaka na lang. Pag okay na kamay ko." tumango naman ako.

We stayed there until sunset. Yeah.. kita mo dito yung sunset. Ang ganda nga eh. Kumain din naman kami dun. Bumili si Gregg ng food and as usual, nagpasubo na naman siiya. Kapag ako talaga kasama nito, nang-aabuso eh! Hmp! Pero pagbigyan, okay naman yung ginawa niya nung Friday eh! Hihi..

Medyo madilim na nung naisip namin umuwi. Then ayun, naglakad ulit kami papauwi.

May mga humarang naman samin nung papasok na kami sa loob ng subdivision.

"Oy miss.. ganda natin ah!" oh no! Amoy alak sila. Dalawang lalaki yung humarang samin. Kahit payatot sila eh mukhang nakakatakot.

Hinarang naman ako ni Gregg nun. "Excuse lang ho manong, dadaan lang po kami." sabi niya nun.

"Ikaw pwede nang dumaan." sabi nung guy #2, "pero si miss beautiful eh iwan mo na." aba, alam kong maganda ako pero hindi ako pwedeng iwan dito no!

"Gregg, wag mo 'ko iwan.." humawak na ako sa shirt ni Gregg nun. Pilit kong tinatago yung sarili ko. Nakuh, oh lord! Injured pa naman 'tong kasama ko.

"Iwan na lang kaya kita para makaalis na ako." hinampas ko nga yung likod niya. Langya 'to! Uunahin pa sarili niya. "Joke lang, as if I could do that." sabi ko na eh, di niya ako kayang iwan! Waha!

Bigla namang lumapit yung guy #1 sakin at hinawakan ako sa braso. Pumiglas naman ako pero pinipilit niya.

"Sumama ka na miss.."

"Ayoko! Amoy alak ka!" tapos tinuklak ko siya. Si Gregg kasi busy dun sa guy #2 eh though nakahawak parin ako sa shirt ni Gregg.

"Lalaban ka pa ah." tapos bigla akong hinila ng malakas nung guy #1. Amf! Ambaho niya! Eeww.. he's kinda kadiri! Arte mo Alex. Nabitawan ko tuloy shirt ni Gregg.

Pinaghahampas ko naman siya nun.

"Ano ba!" sabi nung lalaki. Bwisit 'to ah. Pilit niya talaga akong hinahawakan sa magkabila kong braso. Arr.. naiiyak na ako! Bwisit na 'to. Ano ba gusto niya huh?

"Ano ba, bitawan mo nga ako!!!!" sigaw ko sa kanya.

"Narinig mo ba yun? Bitawan mo siya!!" sabay tulak sa lalaki at napaupo pa ito. Whao! Si Gregg pala! Teka..

Napalingon naman ako sa right side ko at nakita ko yung isang lalaki na tumba na! Whao. Galing ni Gregg ah! Yahoo!!

Tumayo naman bigla yung lalaki at susuntukin sana niya si Gregg pero buti na lang nakailag si Gregg. Tumabi naman ako para hindi na ako makaabala pa sa kanila.

"GO GREGG!!" haha.. nakuha ko pang magcheer.. Ngumiti naman ang loko. Then ayun, galing ni Gregg ilag lang siya ng ilag hanggang sa makatyempo siya at bigla niyang sinuntok yung lalaki then knock out! haha.. Dala na siguro ng kalasingan. Tumakbo naman ako ng mabilis papalapit kay Gregg. May pasa pala siya sa bandang kanan ng mukha niya pero nakangiti parin siya.

Napayakap naman ako sa kanya sa sobrang tuwa ko. "Ang galing mo talaga!!!" then yumakap naman siya. Mga one minute siguro kaming magkayakap dala narin sa tuwa at sa takot din. Grabe natakot talaga ako nun.

Bumitaw rin naman ako nun..

"Hayy.. tara na, gabi na." then inalalayan ko na siyang maglakad.

Sabi ko sa kanya eh pagkadating namin sa bahay eh magpahinga siya sandali at ipapahatid ko na siya kay Manong Jun. Pumayag naman siya dahil narin siguro sa pagod siya sa pakikipaglaban dun sa dalawa.

Nasa tapat na kami ng gate nun nung napatingin ako sa kanya. At ngumiti..

"Galing mo kanina ah."

"Ako pa." ang yabang talaga nito! Sabagay, magaling naman talaga siya eh. Natalo niya yung mga yunn kahit inju--

Hindi ko na natapos yung inside thought ko nung napatingin ako sa katawan niya. Napansin kong wala na yung supporter niya at... Bigla na lang tumaas yung kilay ko.

"Kelan pa nakakasuntok yang kanang kamay mo?" ngayon ko lang kasi naalala na kanan pala yung ginamit niyang pansuntok dun sa lalaki.

"HUh?!" tingnan mo 'to! Hindi nakikinig sakin. Pero yung mukha niya nun eh hindi mo maintindihan. Inulit ko naman sa kanya yung tanong ko.

"Ang sabi ko, kelan pa nakakasuntok yang kanang kamay mo?" nakataas parin yung isang kilay ko.

"Ito?" tinaas naman niya yung kanang kamao niya, "Nakakasuntok na ba 'to?" tapos tumatawa tawa siya pero halatang peke. Lalo ko siyang tinaasan ng kilay. "Ah..ehehe..magaling na pala 'to." nakapamewang na ako.

"Try again Gregg."

"Uh..Eh.." tinaasan ko na talaga siyang ng kilay at nakapamewang na ako at nakatayo ng tuwid. "Hihi.." then nagsmile siya. Smiley Smiley And I know that smile. Sinasabi ko na nga ba eh!















Matagal na akong niloloko ng tokmol na 'to!! Angry Angry
« Last Edit: May 28, 2008, 06:18:41 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 29   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.4 | SMF © 2006-2007, Simple Machines LLC