amaine_ice
jellybean

Karma: +12/-1
Posts: 228
teehee ..
|
 |
« Reply #15 on: March 13, 2008, 07:38:32 pm » |
|
First si Amaine. Haha! -- uu nga noh? paano na lang kung si Gregg at Alexei yung magkatuluyan??  e di.. mapupunta na sa iba si Josh?  kanino mapupunta??  kay Amaine??  haha! jokeee! 
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
ako_to
bubblegum
  
Karma: +46/-13
Posts: 588
bakka watashi
|
 |
« Reply #16 on: March 13, 2008, 09:02:37 pm » |
|
o nga naman. time will tell! hay naku.. ambaliw talaga ni gregg!!
|
|
|
|
|
Logged
|
LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #17 on: March 14, 2008, 05:05:49 pm » |
|
First si Amaine. Haha! -- uu nga noh? paano na lang kung si Gregg at Alexei yung magkatuluyan??  e di.. mapupunta na sa iba si Josh?  kanino mapupunta??  kay Amaine??  haha! jokeee!  hahaha.. Ang kulit.. We'll see kung knino mapupunta si Josh.. Hehe.. Thanks for reading po!  o nga naman. time will tell! hay naku.. ambaliw talaga ni gregg!!
haha.. Tama ka sister! Baliw talaga si Gregg kahit kailan! Hehe..  thanks for reading ah! 
|
|
|
|
« Last Edit: March 16, 2008, 02:59:33 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
ako_to
bubblegum
  
Karma: +46/-13
Posts: 588
bakka watashi
|
 |
« Reply #18 on: March 14, 2008, 07:11:06 pm » |
|
haha.. Tama ka sister! Baliw talaga si Gregg kahit kailan! Hehe..  thanks for reading ah!  np un:) nga pla! mron n q nung new topic, sa bakasyon, try ko gumawa ng story, uulitin ko ulit ung nagawa ko eh:D hahaha.
|
|
|
|
|
Logged
|
LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #19 on: March 16, 2008, 01:39:34 pm » |
|
**Chapter 5** Early in the morning palang eh gising na ako. Waha! Excited? Uhmm.. medyo! Haha 
Excited lang ako pumasok sa school. Bumangon naman na ako at naligo na. Then nagbihis ng uniform at lumabas na ng room ko. It's exactly 5:37 am! Paglingon ko sa right side kung saan yung kwarto ni Mommy, nakita ko na medyo bukas siya.
Hmm... what time na kayang umuwi si Mommy kagabi?
Naglakad naman ako ng mahina papunta dun. Tulog pa kasi yung mga tao dito sa bahay. Ewan ko lang kung gising na sina Manang at Yaya. I open the door slowly. Nakita ko siyang nakahiga sa bed na parang pagod na pagod. I neared her.
"Hayy Mommy, you look so tired." tapos kinuha ko yung kumot niya at kinumutan ko siya. Then I kissed her on her forehead.
After that eh lumabas na ako at bumaba. Narinig ko naman na parang may nagluluto.
Gising na siguro si Manang Minay. Siya kasi madalas nagluluto ng breakfast. Nga pala, yan si Manang Minay eh matagal na siya nagtratrabaho sa Mommy ko. Hindi pa ata ako niluluwal sa mundo eh dito na siya sa family ng Mom ko nagwowork.
Kung nagtataka naman kayo kung sino si Yaya Rosa, ayun. Siya talaga nag-alaga sakin pati kay Kuya. And believe me, siya rin yung yaya ni Mommy! Lupit noh? Kaya parang kapamilya na namin sila eh. Simula pa sa lola ko sila nagtratrabaho.
"Oh hija, ang aga mo ata nagising." tapos nilapag niya yung plato sa mesa.
"Oo nga po eh." sabay hila ng chair, "Hmm.. mukha masarap po ito ah."
"Hehe... Sige na kumain ka na. Magtitimpla lang ako ng juice mo."
"Umm.. Manang, si Mommy po, anong oras umuwi kagabi?"
"Uh... Mga alas-10 na ata." sabay lagay ng juice sa baso ko.
"Eh si Yaya po, tulog pa?"
"Uh.. Oo. Napuyat din yun eh. Magkausap sila ng Mommy mo kagabi."
"Ahh..." ano kaya pinag-usapan ni Mommy at Yaya?
Oh well... Kumain na lang ako at exactly 5:54am eh lumabas na ako ng bahay. Nakita ko naman si Manong Jun na naglilinis ng kotse.
"Goodmorning Ma'am."
"Morning din po Manong. Aga niyo po magising ah!"
"Hindi po ako nakapaglinis ng kotse kahapon Ma'am eh."
"Ahh.."
"Papasok na po ba kayo ngayon? Sandali na lang po ito at ihahatid ko na kayo." tapos binibilisan niya yung pagpupunas ng kotse.
"Ay, wag na po Manong. Maglalakad na lang po ako. Exercise narin po." tapos ngumiti ako.
"Sigurado ho kayo Ma'am? Baka po magalit sakin Mommy niyo."
"Ay hindi po yan! Sige po Manong, mauna na ako." tapos naglakad na ako papuntang front gate. Nasa backyard kasi pinapark yung car namin eh.
"Ingat po kayo Ma'am."
"Sige po!"
Si Manong Jun, siya yung driver namin. And again, matagal narin siya dito. Asawa po niya yung Yaya ko at kapatid naman po niya si Manang Minay. Mabait yun at napakamasunurin kay Mommy. Pero dahil malaki na ako, wala na siyang nagagawa sakin. Dati kasi hindi niya ako pinapayagan maglakad dahil ayaw ni Mommy. Pero simula nung 3rd year na ako, nagstart na akong maglakad papuntang school. Lapit lang naman kasi eh. Wala naman na magagawa rin si Mommy.
Ang sarap talaga maglakad papuntang school lalo na kapag medyo malamig-lamig yung simoy ng hangin... Hayyyyyy...
"BULAGA!!!"
"WHAO!!!!!!" gulatin daw ba ako sabay kiliti! Tiningnan ko kung sino.
" Toknene ka Gregg! Ginulat mo 'ko!" langya talaga 'tong lalaking 'to! Lagi na lang akong ginugulat. "Pag ako namatay sa heart attack, mumultuhin talaga kita!!!"
Tumawa naman siya ng pagkalakas-lakas! Baliw talaga 'tong lalaking 'to!
"Ayus yun! Sa wakas makakakita narin ako ng magandang multo!" tapos tumawa na naman siya. Binatukan ko nga.
"Sira!!" tapos sabay na kaming naglakad.
"Aga mo ata pumasok ngayon." sabi niya sakin na nakatingin sa baba.
"Wala lang. Trip ko lang. Kaw? Ba't ang aga mo?"
"Hindi ko alam. Basta na lang ako nagising ng maaga." tiningnan ko naman siya.
"Ang weird ah."
"Hehe... Nga pala, may ibibigay ako sayo. Pero mamayang uwian na."
"Ano ba yun?"
"Basta."
Naglakad na lang kami. Kwentuhan ng mga walang kwentang bagay. Basta tawa lang kami ng tawa. Ang kulit nga eh. Ang dami niyang alam na kalokohan. Minsan yung mga joke niya ang corny pero matatawa ka parin kasi hindi pa niya tapos yung joke niya eh binabara na niya yung sarili niya. Ang kulit talaga! 
Nung nakarating na kami sa school eh wala pa nga masyadong tao. 6:10 pa lang kasi. Pero syempre nandun na si Manong Guard. Dumaan muna kami sa lockers area. Kinuha ko lang yung gamit ko for the first three subjects. At iniwan naman yung ibang laman ng bag ko. Si Gregg din eh may kinuha sa locker niya.
Nung papunta na kami sa classroom eh nadaan pa namin yung room nina Josh. Katabi lang kasi ng room namin. Wala parin naman tao dun.
"What time pumapasok si Josh?"
"6:30" sabi niya sakin ng nakatingin.
"Oh I see."
Pumasok na kami sa room nun. Wala pa ngang tao. Nagkwento lang si Gregg sakin about kay Josh. Sabi niya, magaling na drummer daw si Josh. Nagkaroon kasi sila ng banda nung 2nd year pa kami. Alam ko naman na drummer si Josh eh. Tapos sinabi rin sakin ni Gregg na tahimik daw talaga si Josh at bihira lang kung mag-ingay. Kahit sila-sila lang daw ang magkasama eh bihira lang mag-ingay si Josh. Tatawa kung may nakakatawa. Pero minsan naman daw eh nakikisali si Josh sa kalokohan nila tulad ng mangulit sa mga ibang tao.
At least now, may mga alam narin ako kay Josh. Nalaman ko narin na mahilig din palang magdota si Josh. Haha. Kala ko nga wala yung mga ganun sa kanya eh.
Mga 6:20 eh medyo umingay na yung labas at mukhang parami na ng parami yung mga studyante. Dumating narin naman si Shae.
"Goodmorning bhes!" bati niya sakin sabay beso.
"Morning." sabi ko naman.
Tumingin naman siya kay Gregg tapos nagnod lang siya. Si Gregg din naman eh nagnod din sa kanya. After ilang minuto eh dumating narin si Rhae. Yung mukha nga niya eh parang naiirita. Tinanong naman namin kung bakit parang badtrip siya, sabi niya...
"Si Kuya Glenn kasi eh! Ginulo pa yung buhok ko eh ang tagal tagal kong inayos!!" sabi niya na halata mong naiinis. Si Kuya Glenn yung nag-iisa niyang Kuya. Makulit din yun eh. Kabatch nga niya si Kuya.
Nabaling naman yung tingin ko sa labas at nakita ko na dumating na nga si Josh. Then napatingin din ako sa wall clock namin na nakasabit sa taas ng door eh eksaktong 6:30 nga. Tiningnan ko si Gregg nakatingin siya sakin. Tapos nagsmile na lang ako sa kanya.
Tama nga siya. 6:30 nga pumapasok si Josh!
Nagklase lang kami sa first three subject namin. Pinakopya pa kami ni Mr. Morales ng pagkahaba-habang notes. Grabe nga eh. Ang sakit na ng kamay ko. Tapos nabobore narin ako.
"Lex." lumingon naman ako nung tinawag niya ako. Nagulat ako kasi nakatutok yung index finger niya sa pisngi ko. Kaya naman paglingon ko eh tumama nga yun sa pisngi ko dun.
Siya naman eh ngumiti lang.
"Ang ewan mo talaga!" tapos nun eh medyo nabawasan yung pagkabore ko. Nagjojoke kasi siya eh. Kaya naman tawa kami ng tawa dun. Para nga kaming ewan eh. Yung tawa namin eh pabulong. Baka kasi pagalitan kami ni Mr. Morales eh. Sa english naman eh nagdiscuss lang si Mam at nagbigay ng seatwork.
Nagpatulong din sakin si Gregg kasi hindi rin daw niya gets yung lesson namin. Nasabi ko na ba na si Ms. Cora eh matanda na? I mean, lola na? I think hindi pa kaya sinasabi ko na ngayon. Si Ms. Cora kasi kapag nagtuturo eh oral lang. As in babasahin lang niya yung book then magbibigay siya ng few examples then seatwork. Ganun palagi!
Breaktime. Hindi na ako nakadaan sa garden kasi sabi sakin ni Gregg na kakain daw ngayon si Josh sa cafeteria. At ayun nga, sabay sabay na kaming kumain sa cafeteria. Si Alfred din pala eh makulit. Nakwento niya samin na kahapon daw nung umuwi siya eh nakita daw niya yung stalker niya. Kaya ang ginawa niya eh tinakbuhan daw niya. Tawa talaga kami ng tawa. Grabe 'tong apat na 'to! Habulin ng babae.
Ilang sandali lang eh nag-alarm na. Nagdiscuss lang din si Mam. Then sa Math naman eh ganun din. Nagdiscuss din si Mam. AT syempre, hindi mawawala ang seatwork. Then breaktime na ulit. Nagpunta kaming Science Lab. Matagal tagal din kaming nandun. Dahil nga 1 hour ang breaktime eh nagkaroon pa kami ng time na tumambay sa garden. Honestly, masarap talaga ang breeze ng air dito. Dahil nga bihira lang ang dumadaan dito. Nadadaanan lang naman 'to kapag pupuntang gym. Eh mga varsity lang naman ang pumupuntang gym tuwing breaktime.
***
Dismissal na. Nauna nang umuwi sina Rhae at Shae. Si Rhae kasi eh si Kuya Glenn yung sumundo sa kanya. Kinamusta pa nga ako ni Kuya Glenn pati si Kuya eh kinamusta rin niya. Naglalakad na ako papuntang gate nung biglang may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko eh si Gregg lang pala.
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Buti at naabutan pa kita." sabi niya na hinihingal hingal pa.
Sumabay naman siya sakin maglakad. Tinext ko na nga rin si Manong na huwag na akong sunduin at maglalakad na lang ako pauwi. Nung una ayaw pa pumayag. Pero dahil malakas ang convincing power ko eh napapayag ko rin naman. Bago pa kami lumabas ng gate ni Gregg eh nakasalubong namin si Josh.
"Hi..." sabi niya. Ako naman eh kino-control ko na yung sarili ko at baka bigla na lang ako matutula dito.
"Hello." sabi ko ng mahina. Tumingin naman siya kay Gregg at sinabing..
"Tol uuwi ka na?"
"Oo eh. Bakit?"
"Ah.. Wala naman. Sige ingat kayo." sabi niya sabay tinap ng dalawang bese yung balikat ni Gregg. Then tumingin din siya sakin at nagsmile. Ang gwapo niya talaga! "Ingat."
"Uh..eh.. Ingat din." tapos nagsmile naman ako. Wahh.. Kinikilig na naman ako.
Lumabas na kami ng gate ni Gregg nun. At parehas pala talaga ang direksyon ng bahay namin. Nagkukwentuhan lang kami sa daan nun.
"Ah.. Hatid na kita sa inyo ah." sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya nun. Nakatingin din siya sakin. Tapos nagsmile ako at tumango.
Dahil nga kwentuhan lang kami eh hindi namin namalayan na nalagpasan na pala namin yung bahay ko. Buti na lang eh dalawang bahay lang yung layo ng bahay namin sa kinatatayuan namin ngayon.
Tiningnan ko siya nun at sinabing...
"Lumagpas tayo." tapos tinuro ko sa kanya yung bahay namin.
"Oo nga." tawa naman kami.
Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.
"Uh.. thanks sa paghatid ah!" sabi ko sa kanya.
"Wala yun. Nga pala," tapos may kinuha siya sa bag niya,"ito yung ibibigay ko sayo." sabay abot sakin.
"Thanks." sabi ko na lang, "Gusto mo pumasok?"
"Hindi na. Aalis na ako." tapos nagpaalam na siya.
"Ingat!"
Pumasok naman na ako sa bahay at umakyat sa room ko. Nagbihis ng pambahay at humiga sa kama. Siguro nga naka-idlip ako dahil the next thing I know eh nasa tabi ko na nakaupo si Manang Minay.
"Oh Manang." sabay upo ko naman ng maayos. "Bakit po?"
"Gigisingin na sana kita eh. Kakain na tayo." sabi niya sakin at tumayo na.
"Oh sige po. Susunod na po ako."
Lumabas naman na si Manang sa kwarto ko. Ako naman eh tumayo na at nagtungo sa banyo para maghilamos.
Ok naman yung dinner namin. Sina Yaya, Manang, at Manong Jun lang yung kasabay kong kumain. Si Mommy kasi eh hindi pa dumarating. After kumain nun eh nagpaalam na ako kay Yaya at umakyat na ako sa room ko. Since hindi pa naman ako inaantok nun eh nagbukas muna ako ng computer. Then nag-sign in sa YM ko.
Nakita ko naman na online si Kuya. Waha. Piniem ko agad siya.
lexei_vii: BUZZ lexei_vii: KUYA!! lexei_vii: MISS YOU NA!!! kyle10: hey lil sis! kyle10: miss u 2! kyle10: msta kna jn? lexei_vii: e2 kuya, i'm fine  lexei_vii: kaw? kyle10: aus lng aQ d2! lexei_vii: ano b nMn yan kua lexei_vii: ala maN lnG kuLay fOnt mO kyle10: heh! aus na yn! klye10: d n kelangan! 
At nagkwentuhan pa kami ni Kuya. I miss him so much! Ang tagal ko na kasi siyang hindi nakakausap. Nung mga bandang 9 na eh nagpaalam na ako kay kuya. Pero bago pa ako nag sign out eh ang dami ko pang 'I miss you' sa kanya. Tawa lang naman siya ng tawa. Sabi niya eh..
kyle10: you really kyle10: miss me so kyle10: badly haha
Kaya ako naman eh nagsend sa kanya ng nakasimangot. Kaya ayun, sabi niya eh namiss din daw niya ako. Haha. Yung kuya ko talaga kahit kailan hindi nagbabago.
Nung pabalik na ako sa kama ko eh nakita ko yung binigay sakin ni Gregg na notebook. Kinuha ko naman na nakalapag dun sa desk ko. Then napahiga ako sa kama ko.
Uhmm.. Ano kaya 'to? In-open ko naman. Para kasing kakaiba 'tong notebook na ito eh. Nung nabuksan ko na eh medyo nagtaka ako.
Slam book?!!
Sensya na po if boring yung update ko.. Anyway, salamat po talaga sa nagbabasa nito.. Love you all..
|
|
|
|
« Last Edit: May 28, 2008, 05:43:42 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
ako_to
bubblegum
  
Karma: +46/-13
Posts: 588
bakka watashi
|
 |
« Reply #20 on: March 16, 2008, 03:07:43 pm » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #21 on: March 22, 2008, 03:26:58 am » |
|
**Chapter 6** Aba! Akalain niyong may slam book si Gregg. Hmm.. hindi kaya bading yung lalaking yun? Naku po! Sayang ang kagwapuhan kung bading nga siya! Haha.. Anyway, agad ko naman binuksan yung slam book.
Sa first page, ang nakita ko eh:
Name: Gregg Mathew Villareal Nickname: Gregg Birthday: November 4 Zodiac Sign: Scorpio Favorite Food: Spaghetti, Fried chicken , lahat basta masarap!!
Napatawa naman ako nung nabasa ko yun. Si Gregg talaga oh. Ang takaw siguro nung tao na yun! Haha. Nagpatuloy na ako sa pagbasa...
Favorite Color: Red Favorite Band: PNE Cake Flavor: Chocolate Who is your Crush?: L
Oopps.. Sino kaya si Mahiwagang 'L'? Ni minsan kasi eh hindi ako nakarinig na may crush pala itong si Gregg! Oh well, pano ka naman makakarinig ng ganon, ha Alex? Eh wala ka naman pakialam sa paligid mo!
Sabi ko nga! Pero honestly wala talaga. Ni naging girlfriend eh wala rin akong narinig. Eh bakit, kailangan bang ipagkalat niya kung may girlfriend siya, huh? Sa bagay. Personal na nga yun.
Ipinagpatuloy ko pa ulit yung pagbasa. Alam niyo, kahit isang page lang ito eh ang daming nakasulat. Paano ba naman kasi eh may kalakihan itong notebook at madami ang nakasulat.
Blah blah blah...
Ang daming tanong na nakasulat. Yung iba nga eh nileave lang na blank. Katulad ng 'Who is your favorite actor?' o kaya naman eh actress. Mga ganun. Pero namangha ako dun sa tanong na 'How do you define love?', kasi nasagot ni Gregg. And take note ha, may sense yung sagot niya! Haha. Eto kasi yung sagot niya dun eh:
'I can wait 'till the Girl I love sees me.'
Nung una parang hindi ko maintindihan. Naman kasi eh! Ang layo sa tanong yung sagot!Define love pero hindi naman niya denifine yung love! Pero nung medyo nag-sink na sa utak ko yung nabasa ko eh medyo nagets ko naman. Ang nais niya yatang iparating eh para sa kanya, ang love... kayang maghintay. Ay ewan! Hindi ko alam!
Flinip ko naman yung page at sunod na nakita ko eh yung kay Josh na. Naupo ako ng maayos dahil duper gusto kong magconcentrate na basahin ito! Haha..
Name: Joshua Jhon Flores Nickname: Josh Birthday: October 26 Zodiac sign: Scorpio Favorite Food: Kahit ano
Ay sayang. Walang specific na sagot. Hindi ko tuloy alam ngayon. Hayy naku. Ipinagpatuloy ko na ulit yung binabasa ko.
Favorite Color: Blue Favorite Band: Typecast Cake Flavor: Vanilla Who is your Crush?: A
Ooppss.. Tama ba itong nakikita ko? 'A' daw oh!! Wahaha.. could it be... me? Toink! Ang daming 'A' sa paligid Hindi lang ikaw ang may first letter sa pangalan na 'A'!!! Sa bagay. Pwede namang Alaine, Andrea, Anna, Anatomy! Ay ba't napunta tayo sa anatomy? Baliw ka na talaga Alex!
Pero pwede naman yun diba? Pwede naman yung 'A' na yun eh 'Alex'... Hayy.. how I wish! Sana... Sana... Sana Alex nga yung 'A' na yun!
Pinagpatuloy ko ulit yung pagbabasa ko. Nabasa ko naman dun sa 'How do you define love?' niya eh ganito:
'When you're madly inlove, You can do anything for her.'
Nax naman! Lahat gagawin para sa taong mahal niya. Nakakamangha naman! Sana ako yung mahal niya! Asa ka naman Alex! Argh... wag ka ngang kontra! Hayaan mo na akong mangarap. Hayy.. Baliw na nga ako.
Hmm.. Alam niyo, may napansin ako. Yung sagot kasi ni Gregg at Josh eh parang inlove ata sila. Uyy.. meron akong hindi nalalaman. Sa pagkakaalam ko kasi eh yung mga tanong na ganon eh nakokornihan yung mga lalaki. Pero itong nabasa ko eh kung tutuusin, ang corny ng mga sagot nila. Pero dahil babae ako eh medyo natouch naman ako dun. Biruin niyo, may mga lalaki pa palang ganun dito sa Mother Earth? Swerte naman nung mga minamahal nila.
After kong basahin yung kay Josh eh nawalan na ako ng gana. Ang sama ko talaga! Puro kay Josh na lang yung binibigyan ko ng pansin! Eh ganun talaga eh. Alangan naman na pansinin ko pa yung iba eh wala naman akong care dun! Arr.. Bad nga ako!
Hayy.. i'm really thankful to that makulit slash maloko Gregg. In this simple slam book, marami akong nalaman tungkol sa mga bagay bagay about kay Josh.
***
"Goodmorning!" sabay beso sa kanya.
"Morning."
Maaga akong pumasok ngayon. Wala lang. Ayoko rin naman sa bahay eh. Wala ako kasama dun. Hindi ko rin nakasabay si Gregg papasok dito sa school. Malamang eh late na nagising yun. And one more thing, ok yung gising ko kasi nga nakausap ko si Kuya! Wahh.. I miss him!
Naupo ako sa tabi ni Shae. Wala pa kasi yung seatmate niya. Wala rin pati si Rhae. Malamang eh maya-maya eh darating narin yun.
"Nga pala Lex, may meeting daw sa Theater Club mamaya."
"Talaga? For the first time!!" tapos medyo tumawa ako,"Anyway, bakit daw?"
"Ewan ko nga eh." sabi niya.
Nagkwentuhan lang kami dun. Ano kaya meron sa theater club mamaya? Kasi sa ilang Thursday na nagdaan eh ngayon lang nagpatawag si Mam ng meeting. Malamang may naisip na yun na play. Oh well, wala naman akong care dun eh. Sa props lang kasi ako sumali. Wala naman akong talent sa acting eh. Basta ang importante eh may grade.
Habang nagkukwentuhan naman kami ni Shae eh napatingin ako sa wll clock namin at nakita kong exactly 6:30. Napating naman ako sa window at ayun nga, dumaan si Josh. Pero this time, kasabay niya si Gregg. Nakita ko naman na paraan nagpapaalam na si Gregg at ayun, pumasok na siya dito sa room.
Nakasabay din niyang pumasok yung seatmate ni Shae kaya ako naman eh umalis na sa pagkakaupo ko sa tabi ni Shae at naupo sa sarili kong upuan.
Sinalubong naman ako ng ngiti ni Gregg at ako din eh ngumiti sa kanya.
"How's your sleep?" tanong niya sakin sabay upo.
Nagsmile ako sa kanya, "It's fine." tapos naisip ko naman yung slam book na binigay niya sakin, "Ei, salamat nga pala dun ah."
"Ah.. yun ba? Wala yun. You're welcome." tapos nagsmile siya.
Naisip ko naman na magtanong, "Teka, sayo yun? Nagaganun ka?" pagtatanong ko na may pagtataka. Kasi naman diba, lalaki siya. Tapos may ganun siya. Ang alam ko eh mga babae lang ang mahilig sa ganun.
Natawa naman siya sa tanong ako at pati narin siguro sa facial expression ko.
"Hey, don't thing that i'm gay ok." aba, nabasa ata niya yung utak ko ah! "Its my cousin's slam book."
"Ahh.." yun naman pala eh. Sa pinsan niya. "I thought it's yours." tapos nun eh tumawa siya.
Nagklase lang kami buong umaga. It's totally boring. Grabe! Duper boring! Kung siguro hindi lang ako matyaga eh malamang bagsak na ako sa mga subjects ko. Nagkaroon nga kami ng seatwork sa Physics after ni Mam magdiscuss. And guess what, si Gregg pa yung nagturo sakin. Haha
Kung boring ang Physics, nakuh! Mas boring yung klase namin sa SocStud! Ang boring talaga magturo ni Sir Morales! Pano ba naman eh ang tahi-tahimik sa classroom. Takot mag-ingay dahil duper strick si Sir.
Sa English naman eh medyo nabuhayan. Medyo pilyo kasi si Ms. Cora eh. Though medyo may idad na.
Breaktime has come. Waha.. Makikita ko na naman ang nag-iisang Josh! Nauna na nagsilabasan yung mga kaklase ko. Sina Shae at Rhae eh pinauna ko narin. Ewan ko ba, gusto ko magpahuli eh. Si Gregg nun eh mabilis na lumabas din. Nung wala nang tao sa room eh lumabas na ako.
Actually, medyo nagdadahan-dahan pa akong lumabas nun eh. Mukha na siguro akong ewan dun. Kaya lang nung pagturn ko eh biglang..
*BLAG*
"Ooppss.. Sorry po." nakupo naman ako at nakitulong sa pagpulot ng books.
"Hindi. Ayus lang."
Teka.. Am I dreaming? Tama ba yung naririnig kong boses. Para akong na-stuck dun sa kinakatayuan ko.
"Miss.. Uh.. Alex?!" nung medyo natauhan na ako eh tska ko lang siya napansin.
"Oh.. Josh." argh! Ganito ba talaga ako kapag si Josh na yung nasa harapan ko? Naku! Baka mahalata ako nito.
"Ahem. Ahem." at medyo inayos ko yung boses ko at tumayo na ako. Tinulungan pa nga niya ako.
Hayy.. Nahawakan ko yung kamay niya!
"Ay, libro mo nga pala." sabay abot ko sa kanya ng libro.
"Thanks." sabi niya.
And I can't believe what's happening right now! We're walking together in the corridor. Grabe! If this is just a dream, sana hindi na ako magising! Ngehh.. OA na! Heh! manahimik ka! Pagbigyan mo na ako. Sige na nga.
"Uh.. san punta mo?" tanong niya sakin. Malamang nabore din siya. Ang tahimik kasi eh.
"Uhmm.." teka, san ba ako pupunta? "Library!" yun na lang yung unang pumasok sa isip ko eh. And besides, may naalala ako bigla. May homework pala kasi sa Filipino. Kumuha ng halimbawa ng isang talumpati.
"Dun din sana punta ko eh." napatingin naman ako bigla nun sa kanya, "Gusto mo sabay na tayo?"
"Uh.. sure." sabi ko na lang.
Kanina lang sabay kaming naglalakad dito sa corridor. Ngayon naman sabay pa kaming pupunta sa library. God really loves me! Thanks you po Lord at mahal niyo talaga ako!
Nung nakarating na kami ng library eh naghanap agad kami ng mauupuan. Onti lang naman yung mga tao dito sa loob eh. Nilagay lang ni Josh yung isang pirasong notebook niya sa table at nagpuntang counter para isauli yung book na hiniram niya ata.
Ako naman eh nagpunta sa bookshelf na puro Filipino books. Sabi kasi ni Mam eh dun daw kami makakahanap.
"Hey.." lumingon naman ako sa kanya nun at nagsmile, "Ano hinahanap mo?"
"Uh.. actually, naghahanap ako ng book na may talumpati." sabi ko naman at nagtingin-tingin ulit dun sa mga libro, "Homework kasi namin sa Pinoy."
"Ohh.." sabi niya na may patango-tango pa, "Yun din hahanapin ko eh."
"Ahh.. hehe.." yun na lang yung nasabi.
"Oh.. let me help you." tapos naghanap narin siya.
Actually matagal maghanap ng talumpati. Lalo na't hindi lahat ng libro dito na Filipino eh naglalaman ng talumpati. Ang dami nga namin na kinuhang libro. Buti na lang at dun kami sa may corner nakahanap ng mauupuan kaya kami lang yung tao dun.
"Tingnan muna natin 'to kung meron." sabi niya sabay baba niya ng books sa table.
"Sure."
At ayun nga. Binuksan namin isa-isa yung mga libro. And believe me, sa 10 books na nakuha namin eh isa lang dun sa libro ang naglalaman ng talumpati. Kaya ayun, binalik ulit namin yung iba at kumuha na naman ng panibago.
This time, yung 5 na nakuha namin eh yung 3 libro eh may talumpati. Kaya ayun, naupo na kami para kopyahin na lang.
Since wala naman akong dala-dala na notebook or a piece of paper eh tumayo ulit ako.
Napatingin pa nga si Josh sakin nun eh. Sabi ko lang eh...
"Kukuha lang ako ng bond paper." tapos nagsmile ako.
Siya naman eh tumango lang at nagsmile din. Argh! Not just a smile.. a killer smile! Hay naku Alex, lagi namang killer smile yung mga smile ni Josh sayo eh! Oo na po! 
Kumuha lang ako ng bondpaper sa may printer. Dito kasi sa library namin eh may computer na sa loob at may printer narin.
Bumalik naman na ako kaagad sa kinauupuan namin ni Josh. Magkatapat kami actually. Nagsmile lang ako sa kanya then naupo. Siya din naman eh nagsmile na naman. Kinuha ko naman yung ballpen sa pocket ko. Then nagstart na akong magsulat.
Oh God. Bakit ngayon pa ako nawalan ng tinta. Argh.. Pinilit ko parin yung ballpen ko na magproduce ng ink kaso ayaw talaga eh. Naman oh! Mukha na siguro akong ewan dun kasi parang nanggigigil na ako eh. Parang malapit na ngang mapunit yung paper eh.
"Hey, are you ok?" napatingin naman ako sa kanya nun ng nakakunot noo. Naiinis na kasi ako sa ballpen ko eh. Tapos nagsmile din naman ako kaagad.
"Uh.. yung ballpen ko kasi eh.." tapos shini-shake ko yung pen, "Ayaw gumana eh."
"Oh." sabi niya tapos parang may kinakapa siya sa pocket niya.
Tska ko lang nalaman kung ano yung kinakapa niya eh nung inabot na niya sakin..
"Here.. take it." sabi niya ng nakangiti pa.
Kaya ako naman eh tinanggap na yung pen na inabot niya sakin. Grabe! Kung kayo yung nasa kalagayan ko eh duper bibilis talaga yung heartbeat niyo. Yun kasi yung nafeel ko eh. Anyway, ipinagpatuloy ko na yung pagkopya ko ng talumpati.
Tapos biglang may pumasok sa isip ko..
Si Gregg kaya meron na?
Kaya ako naman eh binilisan na yung pagsulat ko. Medyo maikli lang naman yun eh. After kong kopyahin yung para sakin eh kinuha ko yung isa pang libro. Napatingin pa nga si Josh sakin na parang nagtataka. Well, nginitian ko lang siya.
May nahanap naman din ako kaagad na talumpati dun. Maikli din kay mabilis din akong natapos sa pagkopya. Sakto naman na nagring yung bell.
"Tara na?"
Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad palabas ng library building. Saglit lang din eh nakarating na kami sa building namin. Binilisan kasi namin yung lakad namin. Umakyat na kami sa stairs and in no time, nasa tapat na kami ng room namin. Nakasalubong pa nga namin si Gregg eh. Binati naman niya si Josh..
"Hey bro!" tapos nag-shake hand sila na may paganito-ganyan pa. Guy thing, you know. Then pumasok na siya sa room.
Papasok na sana ako sa room nun kaya lang biglang hinawakan ni Josh yung braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Nagsmile siya sabay sabing...
"Thanks for the company!" And I just gave him my best smile ever!
|
|
|
|
« Last Edit: May 28, 2008, 05:47:04 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
ako_to
bubblegum
  
Karma: +46/-13
Posts: 588
bakka watashi
|
 |
« Reply #22 on: March 22, 2008, 03:47:04 am » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
|
|
|
sharrahs326
jellybean

Karma: +24/-2
Posts: 193
Bwahaha! He's back.
|
 |
« Reply #23 on: March 22, 2008, 07:24:29 pm » |
|
Ahihi... Support ko po to... Ayos eh...
Update na po... Thanks...Tc,gb, Labyu
|
|
|
|
|
Logged
|
If only I could paste to your lips all the smiles that I could collect just to keep you smilin', I would do so...
If only you'd allow me...
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #24 on: March 22, 2008, 07:27:51 pm » |
|
|
|
|
|
« Last Edit: March 23, 2008, 01:40:52 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #25 on: March 23, 2008, 03:55:42 pm » |
|
**Chapter 7** Thanks for the company...
Thanks for the company...
Thanks for the company...
Waaaahh.. Baliw na nga ata ako. Naman kasi eh! Paulit-ulit na lang na parang sirang plaka sa isip ko eh..
Napansin siguro ni Gregg na parang kanina pa ako wala sa sarili kaya sabi niya eh..
"Are you okey?" tiningnan ko naman siya nun at nagsmile.
"Yeah... I'm fine!"
Nagpass lang kami ng homewrok sa Filipino at nagcontinue na si Mam sa pagdiscuss niya. Binigay ko narin pala kay Gregg yung ginawa kong homework para sa kanya. And he is very thankful dahil nakalimutan daw talaga niya yun. Mabuti na nga lang daw eh naisip ko pang gawan siya ng homework. Sabi ko pa nga sa kanya eh...
"Syempre naman no! Makaklimutan ba naman kita!" tapos tumawa ako.
Siya naman eh nakitawa narin sakin. Ang ingay nga namin pareho eh. Si Shae at si Rhae eh masama na yung tingin samin pero syempre eh may halong pabiro.
***
After ng klase eh nag-ayos agad ako ng gamit ko. Then sabay sabay na kaming nagpunta nina Shae at Rhae sa auditorium. Kahit naman na props lang yung isinali namin dun eh syempre kailangan parin namin umattend. We're still part of the club.
Nung nakarating kami sa auditorium eh medyo wala pang tao. Lumapit naman kami kay Ms. Gucci, ang organizer ng Theater Club.
"Mam ano po meron?" tanong ko sa kanya.
"I'll tell it later." sabi niya tapos nagsulat ulit, "Kapag dumating na lahat."
"Okay."
Naghanap naman kami ng nauupuan. Then after siguro ng ilang minutes eh dumating narin yung iba. Nagcheck si Mam ng attendance before nagstart yung announcement. Pero laking gulat ko nung sinabi niya..
"Villareal!" tapos parang naghahanap siya. After siguro ang mga 5 seconds eh biglang bumukas yung door.
"Present Mam!" sabi niya ng hinihingal-hingal pa.
Aba. kasama pala sa Theater Club itong mokong naito! Malamang eh props din yung sinali niya.
"Okay.. Kompleto na tayo." sabi ni Mam dun sa mic. "I know you're wondering kung bakit ngayon lang ako nagpatawag ng meeting." yung iba naman eh sumagot ng 'Yes' then nagcontinue na si Mam. "We're not going to have a drama play. Wala kasi akong maisip ng magandang i-play kaya what comes into my mind eh magkaroon na lang tayo ng Musical play!!" sabi niya na medyo nilagyan ng buhay yung pagsasalita.
Marami sa mga members ang natuwa. Malamang mahilig sa mga music 'tong mga 'to. At syempre isa na ako dun. Mahilig ata ako sa musics.
"Magkakaroon tayo ng auditons for certain characters." tapos tumingin sa baba marahil sa papel iyon, "We're gonna play na parang sa High School musical!"
Nax naman.. Maraming sumigaw dahil narin siguro mahilig din 'tong mga 'to sa HSM.
"Yung mga kanta sa HSM eh yun yung mga kakantahin natin. This is open for all of you na member ng Theater Club. Yung mga hindi na lang matatanggap sa auditions eh pwede nang sa props na lang."
Maraming pang pinaalala samin ni Mam. Kailangan daw eh makapag-ipon na yung club namin ng money para daw sa presentation. Actually, gusto daw sana niya sa year end i-present. Para daw mapaghandaan namin ng maigi.
"The audition will start after your examination."
Ang tagal pa pala eh. Sa first week of August pa kasi yung examination namin. Sa bagay, malapit naman na mag-end ang July.
Sabi kasi ni Mam, maghahanap pa raw si ng pianist. Kaya ayun, magpapa-audition din si Mam para sa pianist. After ng meeting eh dinismiss narin naman kami kaagad ni Mam.
Palabas kami ng auditorium ng makasalubong namin si Gregg.
"Oy!" tawag sa kanya ni Shae, "Sumali ka pala ng Theater Club hindi ka man lang nagsasabi!!"
"Oo nga!" sabi ko naman.
"Si Gregg malihim na!!!" sabi naman si Rhae.
Sabay sabay na kaming naglakad palabas ng campus. Si Shae naman eh nandun na kaagad yung sundo niya. After ilang minutes eh si Kuya Glenn naman yung sumundo kay Rhae. Nakakapagtaka nga at siya yung nagsusundo kay Rhae nagyon. Sabi naman niya eh wala daw siyang klase kapag ganung oras kaya sinusundo na niya yung kapatid niya. Duper close kasi yang dalawang yan.
Syempre, hinatid na naman ako ni Gregg. Parang nawiwili na itong lalaking ito na ihatid ako. Haha. Ayos lang naman since gusto ko rin na maglakad. I wanna experience yung buhay ng mga studyante na naglalakad na pauwi ng bahay nila araw-araw.
***
Ilang araw na ang nakalipas. Puro lessons lang naman sa school. Syempre, ilang weeks na lang eh exam na. Medyo kinakabahan na nga ako kahit na alam kong medyo matagal pa naman din yun. Ganito kasi ako lagi eh. Kapag 1st quarter examination eh talagang kinakabahan ako. Syempre diba, hindi mo alam kung ano yung maaaring laman ng test papers niyo. Basta, mga ganun...
Sa bahay naman eh kapag wala akong ginagawa eh nagpapaturo ako kay Manang mag-bake ng cake. Mahilig kasi ako kumain nun eh. Syempre, gusto kong matutunan kung paano siya gawin. Alangan naman lumamon lang ako ng ganun eh hindi ko naman lang alam kung pano siya ginawa. Oh well... pwede narin. Hihi.. Pero actually, feeling ko nga eh dumadagdag na yung weight ko. Harhar
Yung deal naman namin ni Gregg eh okey na okey. Marami-rami na naman akong nalaman tungkol kay Josh. Sabi ni Gregg eh yung mga type na girl daw ni Josh eh yung mahaba ang buhok. Ehem.. para bang ako! Harhar. Yung tahimik daw. Uh, parang... ako!?! Err.. Medyo lang! Hihi.. May pagkamaingay rin kasi ako lalo na kapag kasama ko na sina Shae at Rhae.
Nalaman ko rin kung ano yung favorite food ni Josh. Diba kasi hindi naka-specify dun sa slambook? Kaya ayun, tinanong ko na lang kay Gregg. Ang sabi niya eh mahilig daw sa Japanese food si Josh!
Nung tinanong ko naman si Gregg kung ano yung favorite food niya, ang sagot ba naman eh..
"Uhm.." parang nag-isip pa siya, "Filipino food!" tapos naka-close fist siya nun pero yung pinky finger niya eh open. Para bang nagbibilang, "..American food!" then in-open niya yung ring finger niya, "..Chinese! Japanese! Jelly jelly fish--" binatukan ko nga!
"Tongek! Niloloko mo naman ako eh!" tapos tumawa siya.
"--gold fish!" tapos nagsmile siya na as in todo!
Nung birthday naman ng lola ni Shae eh inimbitahan pa kami. Syempre umattend kami. Ang gulo nga ni Gregg at Raymond dun eh. Si Lola Selya naman eh tawa lang ng tawa dun sa dalawa. Binigyan ko lang ng si Lola Selya ng maraming orchids. Mahilig kasi siya dun eh.
Ngayon naman nasa kama ako. Nakahiga at nakatingin sa kisame. Katatapos ko lang kasi maligo eh. Inaantok na nga ako kaso hindi naman ako makatulog. May klase pa naman din bukas. Hayy..
'Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Uuuyyyyy'
Bigla naman akong napaupo ng maayos. Kinabahan ako dun ah! Langyang Gregg na yun! Argh! Nirecord niya kasi 'to kahapon eh. Malay ko bang gawin niya itong message tone ko. 'Pag ito na narinig ni Josh, naku! Isang espesyal na batok abot sakin nung lalaking yun eh! Hmp!
Kinuha ko naman yung phone ko para tingnan kung sino ba itong naka-alala sakin.
Unknown number:
>helo po! 
Hala! Sino naman kaya ito?! Baka..baka.. stalker?! Waaahhh.. Toink! Stalker ka dyan! Tanungin mo kaya kung sino! May pa stalker stalker ka pang nalalaman eh! Sabi ko nga..
Mareplyan nga ng.. Teka, ano sasabihin ko? Hello din? Arr.. eto na nga lang.
>hu u?!
Nax! Sungit ah! Hindi naman kasi kami close diba? Yeah.. Whatever! Saglit lang din eh nagreply na siya.
>uhm.. c Josh po 2! =)
Uh.. Ano daw? Si Josh? Talaga? Tama ba itong nakikita ko? Si Josh? Itong? Nagtext? Baka naman niloloko lang ako nito! Hmp! Pero syempre, sinave ko na yung number niya. Baka kasi siya talaga 'to eh.
>uhm.. helo, sn u po nkuha # q?
Gaya kanina eh mabilis din siyang nagreply.
>bngy po skn ni Gregg. =) aus lng po b?
Ahh.. hihi.. Si Gregg talaga oh! Ang baet-baet! Thanks to you my dear Gregg! I mean, Gregg pala! Harhar.. So si Josh nga talaga ito! Wahaha.. Wala nang duda! Kay Gregg niya nakuha number ko eh! I mean, binigay pala sa kanya.
Anyway, nagreply naman ako sa kanya ng..
>hihi.. aus lang po un. =)
Then ayun, nagkwentuhan lang kami. Kumustahan. Mga ganun.. Nagkwentuhan ng mga walang kwentang bagay-bagay. Basta ba may topic kami. Matagal-tagal din kaming magkatext. Hate to do this pero nagpaalam na ako sa kanya. Syempre noh, nakakahiya naman kung hindi pa ako magpaalam. Baka sabihin niya eh gusto ko talaga siyang katext.. which is really true! Harhar.. Secret lang yun ah! *wink*
Pinatay ko na yung light ng lamp shade ko kasi nga diba matutulog na ako. Nagkumot narin ako ng maayos para hindi lamigin. Grabe! Mapapasarap tulog ko nito lalo na't katext ko kanina si Josh! Arr.. *kinikilig*
Hhhaayyy.. Malalim na ang gabi. Makakatulog na ako. Wala nang isto--
'Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Uuuyyyyy'
Arrr.. Sasabihin ko palang walang istorbo eh!! Naman! Anyway. sino naman kaya ito? Kinuha ko yung phone ko para malaman kung sino man itong nagtext sakin.
Gregg:
>]Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Oy si Josh nagtext! Uuuyyyyy!! hihi
Langya talaga 'tong lalaking 'to! Walang magawa sa buhay niya at sa load niya siguro 'to! Nireplyan ko lang siya ng..
>haha! m2log kNa nga! Tnx nga pLa ah! 
Akala ko hindi na siya magrereply eh. Pero nagreply parin ang mokong! Harhar
>ayiee.. tnx 4 wat?
Hay naku! Ang ewan talaga nito!
>tnx kc po tnxt aQ ni Josh kNna. Kw dw po ngbgy ng # q xknya. kya ty! hihi..geh po slip kNa! Gudnyt 
>Ah..hehe.. la un! ge po gudnyt! swtdrmz! Slptyt! haha 
Para talagang babae yung taong yun!
|
|
|
|
« Last Edit: May 28, 2008, 05:49:13 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
|
yahk07
|
 |
« Reply #26 on: March 23, 2008, 04:04:03 pm » |
|
Continuation...  "Malapit na ang Linggo ng Wika! For sure, magkakaroon na naman ng booth booth na yan!" sabi ni Shae sabay subo ng spaghetti niya
Nasa cafeteria na nga pala kami ngayon. Syempre, ano naman yung gagawin namin dito kundi kumain diba? Harhar..
"Ano ka ba naman Shae! Mauuna pa kay yung exam no!" sabi naman ni Rhae sabay kagat sa burger niya.
"Yeah tama si Rhae!" sabi ko naman.
"Eh syempre kailangan pag-isipan ko na kung anong booth natin!"
"Aahh.."
Si Shae kasi yung class president namin. Sabagay, kailangan na nga niyang pag-isipan yun habang maaga. Siya rin naman kasi yung uutusan ni Mam na mag-isip eh.
Kumain lang kami dun. Syempre, hindi mawawala yung kwentuhan. Tawa nga kami ng tawa eh. Yung mga nasa paligid namin eh ang sasama na nga tingin samin. Care ba nila? Hmp!
"Hey girls! Makikiupo, pwede po?"
Tiningnan ko naman siya nun. Nakangiti pa siya na parang ewan talaga. Nagsmile lang ako at nagnod.
Nakiupo na silang apat. Nagsmile lang sakin si Josh. Syempre, nagsmile din ako sa kanya. Hihi.. Ito naman si Gregg eh kahit anong pasimpleng asar niya sakin eh hindi ko naman siya mabatukan. Remember, may mabuti siyang nagawa last night diba? Harhar! Hmp! Pasalamat siya! hihi 
"Uh, nga pala.. may game kami sa Saturday. Soccer." sabi ni Josh. Wow! Hindi ko alam na kasali pa pala siya sa Soccer team. "Nood kayo ah!"
"Sure. San ba?" tanong ni Rhae.
"Sa may PC Compound. Dun sa soccer field nila. Malaki kasi eh." sagot naman ni Alfred. Aba pati rin pala siya.
"Inter-color lang naman." sabi ulit ni Josh, "Hindi siya kasama sa school. Pero nood parin kayo!"
Ah. Inter-color lang pala. Akala ko eh varsity rin sila ng Soccer team. Kasi kung oo, kawawa naman sila. Mahihirapan kasi silang i-divide yung time nila.
"Sure. Manonood kami." sabi ko naman. Syempre noh! Manonood talaga ako. Ito naman si Gregg eh ngitian ba ako ng nakakaloko sabay tingin niya kay Josh. Argh! Lakas talaga nito mang-asar!
"Yeah! We'll be there" sabi naman ni Shae.
"Haha! Panoorin niya kaming maglaro ng soccer!" sabi ni Gregg sabay tawa naman nilang apat.
So silang apat pala eh maglalaro. Aba, first time kong mapapanood itong si Gregg maglaro ng soccer. Sa basketball ko lang kasi siya nakikitang maglaro eh. Hindi ko alam mayu talent din pala siya sa pagsipa ng bola!
"Nga pala.." napatingin naman ako kay Gregg nun, "may audition ng vocalist for our band!" sabi niya habang pinupunasan yung bibig niya.
"Ay oo nga pala! Mag-audition kayo ah!!" sabi naman ni Josh.
Teka, magkakaroon ng audition para vocalist ang banda nila? Eh nasan yung dating vocalist nila?
"Uh, asan yung dating vocalist niyo?" tanong ko sa kanila.
"Ah yun? Balita namin eh nasa Australia na raw." sagot ni Raymond.
"So ano try niyo?"
"Ay hindi ako pwede Josh eh." sagot ni Rhae.
"Yeah.. ako rin. Marami pa akong kailangan unahin kesa dyan eh." sabi naman ni Shae sabay kagat sa french fries niya. "So that leaves.." sabay tingin sakin.
Napatingin din sakin yung apat na kolokoy. Napakunot noo na lang ako bigla. Ano ito? Ako?
"Hey! Why me?" sabi ko with matching pailing-iling pa.
Now they're looking at me as if na hindi mo maintindihan. Si Shae at Rhae eh nakatingin pa ng nakakaloko sakin. At si Josh, Raymond at Alfred eh nakatingin din at nakangiti. At ito naman si Gregg... Eh duper nakangiti talaga ng nakakaloko! As in to the max! Argh!
"Brilliant!!" sabi niya sabay akbay sakin, "Galing mo talaga Shae!" tapos nag high-five sila. Then tawanan. "So pano ba yan Lexei, 'kaw na lang!"
"Pero ba't ako?"
"Try mo lang.." sabi naman ni Josh ng nakangiti pa. Ang gwapo niya talaga! Ehem.. baka makahalata pa 'to na you-know-na..
"Yanga, no harm in trying!" sabi ni Rhae tapos nag high-five sila ni Shae.
Langya 'tong dalawang 'to! Pinagkakaisahan ako! Hmp!
"]Pano ba yan! Ikaw na talaga!" sabay gulo niya ng buhok ko. Tinggal ko na yung pagkakaakbay niya sakin.
"Per--"
"Oopss. No more buts!"
Argh! Wala na akong takas. I know I love music. Pero syempre labas na sa usapan ang banda banda na yan! Teka, bakit mo ba iniisip eh hindi naman sure kung makukuha ka nga. Sabagay, may point ka dyan! Harhar.. Try lang naman 'to eh!
***
Naglalakad kami nina Shae at Rhae nun sa corridor papuntang auditoruim nang makita namin na tumatakbo si Raymond. Papunta pala siya samin.
"Oh bakit hingal na hingal ka?" tanong ko sa kanya.
"Eh.. kasi.. kanina pa kita hinahanap!" huh?
"Eh bakit naman?!"
"Ngayon na kasi yung audition eh! Sa music room." HUWHAT??
"Ano?!?" tanong ko sa kanya na nakakunot noo na.
"Oo ngayon na! Eh Shae, Rhae.. excuse ko muna itong si Alex ah!"
"Sure."
"Sure."
At ayun nga! Tuluyan na niya akong hinila. Teka, pano na yung theater club? Baka pagalitan ako ni Mam!
"Kung inaalala mo yung theater club eh pinaalam na kita!" aba! Nambabasa ba ito ng isip? Oh well.. hindi na yun yung prob ko.
Ilang sandali lang eh nakarating na kami sa tapat ng Music Room. Pagpasok naman namin eh marami rami yung nakapila. Bigla naman akong kinabahan. What if mapahiya ako? What if pumiyok ako? Argh! Naman kasi eh.. pag ako talaga napahiya dito eh babatukan ko 'tong mga 'to! Kasama na yung dalawang dearest bestfriend ko! Hah! Kala nila ligtas sila.. *evil laugh*
Nakiupo naman ako dun sa mga mag-au-audition. Si Raymond naman eh tumakbo na papunta dun sa mini stage sa loob ng Music Room. Aba, sila pa pala yung tutug-tog. Ayus ah!
Nakita ko naman si Gregg na tumingin sakin. Nagsmile lang ako sa kanya. Siya naman eh nagsmile din tapos nabasa ko sa lips niya na sinasabing 'Goodluck'. Nagthank you naman ako through lip language din.
"Good afternoon everyone!" sabi ni Gregg dun sa mic, "Ako po si Gregg Villareal, lead guitarist at minsan eh vocalist." ang dami namang sumigaw na babae. Sinuway pa nga sila yung isa sa mga teacher. Isa siguro yun sa mga judges.. Hala, lalo akong kinabahan! "Si Alfred Casia on bass." kahit sinuway na yung mga babae sa pagsigaw eh hindi parin nila maiwasan na hindi sumigaw. "Si Josh Flores naman po sa drums!" then again eh maraming sumigaw at nagtilian na mga babae. "At syempre, hindi mawawala ang ating pinakapogi.." sumigaw na naman yung mga babae, "Raymond Gomez! Ang among band manager!!" palakpakan na naman at hiyawan.
Aba, akalain niyong band manager pala itong si Raymond! Haha.. hindi halata.
"And now, ang kulang na lang po eh Vocalist na babae! So guys.. let the competition begin!!"
At ayun nga, isa isa nang nagsiakyatan yung mga babae. Grawbe, ang gaganda ng mga boses nila. Parang nanliliit ako. Huhu.. Natatakot talaga akong mapahiya. Syempre naman diba, sa dami ba naman ng nag-audition eh.. nakakahiya talaga kung pumalpak ka.
Sa sobrang kaba ako eh hindi ko namalayan na ako na pala yung tinatwag.
Umakyat naman na ako sa stage. Inalalayan pa ako ni Gregg.
"Ano kakantahin mo?" tanong niya sakin.
"Uhmm.." ano ba kakantahin ko? "Pwede ba yung When you're gone na lang ni Avril?" yun na lang kasi yung unang pumasok sa isip ko eh.
Tumango naman sila at nagsmile sakin. Grabe! Duper lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Goodluck.." bulong niya sakin.
Nagsmile lang ako sa kanya. Then humarap na ako dun sa mga judges. Nagsmile ako sa kanila at ganun din naman sila sakin. Ok now! Here it goes..
"I always needed time on my own I never thought i need you there when i cry
And the days feel like years when im alone And the bed where you lie its made up on your side
When you walk away i count the steps that you take Do you see how much i need you right now
When you're gone The pieces of my heart are missing you When you're gone The face that came to know is missing to
When you're gone the words i need to hear To always get me through the day And make it okay I miss you
I've never felt this way before Everything that I do, reminds me of you And the clothes you left that lied on the floor And they smell just like you, I love the things that you do
When you walk away i count the steps that you take Do you see how much i need you right now
When you're gone The pieces of my heart are missing you When you're gone The face that came to know is missing to
When you're gone the words i need to hear To always get me through the day And make it okay I miss you
We were made for each other, Out here forever I know we were yeahh!!! I know I ever wanted was for you to know Everything I do I give my heart and soul I can hardly breathe I need to feel you here with me yeahh!!!
When you're gone The pieces of my heart are missing you When you're gone The face that came to know is missing to
When you're gone the words i need to hear To always get me through the day And make it okay I miss you"
Whew! Sa wakas natapos din. Bumaba naman na ako ng stage nun. Ang lamig na nga ng kamay ko eh. Nung pabalik na ako ng inuupuan ko nun eh nakita ko na ang 2 dearest bestfriend ko! Agad naman nila akong niyakap.
"Ang galing mo Bes!!" pabulong na sinabi sakin ni Rhae habang magkayakap kaming tatlo.
"Oo nga Bes! Galing galing!" sabi naman ni Shae.
At ayun nga.. naupo na kami. Sabi dun ni Gregg sa mic eh nagcacalculate pa daw ang mga hurado! Harhar.. Kinakabahan talaga ako.
"Ok.. tapos na po ang calculation ng ating mga judges. And now may we call on Ms. Cuya to announce the winner."
Nagpunta naman si Ms. Cuya dun sa gilid ng stage.
"Good afternoon every.. I just wanna congratulate all of you." nagpalakpakan naman, "You guys did a very great job! Pero syempre, in every competition... there is a winner.. So without any further ado.. I will announce the winner.." grabe.. kinakabahan na ako, "The winner is..." ano ba itong si Mam.. may pa suspense suspense pa!
"The winner is..." hay grabeh! Kinakabahan na talaga ako..
"Alexei Rodrigo! Congratulations!" Ano daw?!?
|
|
|
|
« Last Edit: May 28, 2008, 06:05:17 pm by yahk07 »
|
Logged
|
|
|
|
ako_to
bubblegum
  
Karma: +46/-13
Posts: 588
bakka watashi
|
 |
« Reply #27 on: March 23, 2008, 11:49:50 pm » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
|
|
|
|
|