Hello, guest!

Not yet a member? Register here

 News
Make sure to read the House Rules before posting anything!
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1] 2 3 ... 29   Go Down
  Print  
Author Topic: ♥Angel Of Mine♥ <chap18-I>POSTED NA PO!!! please read.. thanks po  (Read 12845 times)
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« on: February 21, 2008, 11:28:02 pm »

<Hello po! First story ko po ito! I was inspired to write a story dahil po sa mga authors/writers dito sa CC.. Sana po suportahan niyo ako! Thank you Very much po! Mwah!>




For easy Navigation:




Angel of Mine

...Introduction


Kanina pa ako nakaupo dito sa bench sa may garden. Hinihintay ko kasing dumaan yung aking long time crush. Hihi. Lagi kasi yun dumadaan dito eh. At hindi naman ako nabigo dahil dumaan nga. Kasama pa niya yung barkada niya.

"Hi!" nakangiti pa niyang bati sakin.

"H-hi.."

Argh! Nauutal na naman ako. Ganito kasi ako kapag nakikita ko siya. Minsan naman eh..

"Oy bruha! Tulala ka na naman!" natulala na naman ako!

"H-ha? hehe.." dinaan ko na lang sa ngiti at pekeng tawa. Naupo naman siya sa tabi ko.

"Nakita mo na naman si Josh no?" si Rhae talaga. Masyado na akong kilala.

Ngumiti naman ako at gets niya na yun.

"Sabi na eh."

"Hihi.. Nga pala, asan si Shae?"

"Nandun pa sa Main Office. Kini-claim yung books niya." napatingin naman siya sa right side niya, "Ayan na pala."

Nakita ko naman si Shae na papalapit na samin.

"Kapagod magbitbit ng mga libro!" sabi niya na hinihingal-hingal pa.

"Asan na yung mga libro?" tanong ko sa kanya.

"Nasa locker na yung iba!"

"Ahh ok. So tara na?"

"Let's go."

Pupunta kami ngayon sa mall. Nag-enroll lang kasi kami kanina eh. Medyo malayu-layo yung gate mula sa school garden kaya mahaba-haba pa yung lalakarin namin.

"Tingnan niyo oh!" turo ni Shae, "Ang kulit nina Gregg."

Nakita ko naman na kinukulit na naman ni Gregg yung isa naming klasmeyt na medyo maliit na lalaki. Ang loko talaga nung Gregg na yun. Kasama naman iya sina Josh, nakita kong tumatawa.

"Ang sabihin mo, si Gregg lang ang makulit!" sabi naman ni Rhae.

"Oo nga. Dinadamay pa niya si Josh sa kakulitan niya!"

Nagtawanan naman kami. Si Gregg kasi yung klase ng tao na duper kulit. To the max kung mangulit. Last year nga, ten times siyang pinatawag ng Guidance Office in just one day. Tapos wala lang sa kanya yun. Topak talaga.

Siguro alam niyo nang si Josh yung sinasabi kong long time crush ko. First year pa lang ako crush ko na yun. Crush lang naman. Si Josh kasi... gwapo, tahimik pero makulit din kung minsan. Hindi siya masyadong maputi, parang moreno.. oo ganun nga.. Medyo singkit tapos yung kilay niya nakataas. (hehe) Actually natural na nakataas. Matangos yung ilong at higit sa lahat mabait at matalino. Kaya you would find him attractive talaga.

I-compare mo naman siya kay Gregg na napakakulit. At least si Josh minsan lang. Eh si Gregg, walang pinipiling time. Basta trip niyang mangulit, kukulitin ka talaga niya. Pero kahit ganun yun, mabait naman yung mokong na yun eh. Nakita ko kasi nung minsan, last year ata yun, nasa isang store ako nun tapos may bata dun sa labas ng store na beggar. Then nakita ko si Gregg na lumapit dun sa bata, nagulat nga ako na nandun din pala siya sa store na yun, then inabutan niya ng P500 at isang kids meal ng Jollibee.

Natuwa nga ako eh. Kahit pala gano kakulit yung taong yun eh may kabutihan din. Haha. Hindi kasi kami close nun eh. Oo klasmeyt kami, pero bihira lang kami mag-usap. Mag-usap man, school related.

Past 8 na nung nakaalis kami sa mall. Well, marami akong nabili gaya ng notebokks and anything para sa school. Then nag-shopping din ako ng mga damit, shoes like rubber shoes and leader shoes. At syempre, nanood kami ng sine. Ilang araw na lang kasi eh mag-sstart na ang aming paghihirap. Lalo na't fourth year na kami.

Nagpasundo lang ako kay Manong sa mall at ilang sandali lang eh nakarating na kami sa bahay.

"Good evening po Ma'am."

"Good evening din. Manang paki dala na lang po ng mga pinamili ko sa kwarto ko."

"Opo Ma'am."

"Thanks."

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagpunta sa kusina. Nauuhaw na talaga ako eh.

"Oh nandyan ka na pala."

Nagpunta naman ako sa may ref at kinuha yung pitsel ng tubig. Then nilagyan ko ng tubig ang baso at uminom.

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na po Yaya. Kumain na po ako sa labas kanina. Kasama ko po sina Shae."

"Ahh.. Mabuti kung ganun."

After that eh umakyat na ako sa kwarto ko. Yung kausap ko kanina, yun si Yaya Rosa. Sa kanya na ako lumaki. Si Mommy kasi eh laging busy sa work niya. Si Daddy naman, oh well.. nasa Amerika. Ilang taon na siyang hindi umuuwi. Wala na nga rin akong communication sa kanya. Ewan ko lang sila ni Mommy kung nakakapag-usap pa ba sila. May isa rin akong kapatid. Si Kuya Alexis Kyle. Kaya lang nasa Canada siya ngayon. Nakakuha kasi siya ng scholarship dun, kaya ayun. Hindi kasi sila magkasundo ni Mommy, pano ba naman kasi, puro na lang trabaho inaatupag ni Mommy. Parang nakalimutan niyang may mga anak pa siya. At isa pa, pinalayas talaga siya ni Mommy. Nung nakaraang nag-away kasi sila eh sinagot niya talaga si Mommy. Dala na sirugo nung mga hinanakit ni Kuya kaya nagawa niya yun. Tama naman yung mga sinasabi ni Kuya eh. Tinamaan siguro ng husto si Mommy kaya duper nagalit siya kay Kuya.

Si Kuya lang yung karamay ko sa lahat ng problema ko. Kaya nung umalis siya, I really cry like a river. Kung nandito sana siya, hindi sana ganito kaboring. Mabait kasi yun eh. Understanding, at higit sa lahat.. Gwapo. Kaya maraming babaeng nagkakandarapa dun eh! 3 years ng nag-aaral si Kuya sa Canada. Pag bakasyon naman eh umuuwi siya dito. Yun nga lang, sa hotel siya nag-sstay. This vacation, hindi siya nakauwi. Nagkulang daw siya sa pera eh. Marami daw siyang requirements na pinag gastusan. Kaya ako naman, humingi kay Mommy ng pera. Sinabi ko kay Mommy na may bibilhin lang ako, pero ang ginawa ko eh nagpadala ako kay Kuya. Nagulat pa nga si Kuya eh. Hindi ko na sana daw ginawa yun. Ayaw niya kasing tumatanggap ng galing kay Mommy.

Kaya ako naman, sinabi ko na lang na sarili kong pera yun. Naawa na kasi ako sa kanya eh.

Hay Kuya... Kelan ka ba babalik? Miss na Miss na kita eh! Ang lungkot-lungkot dito.

Kelan kaya magiging masaya ang buhay ko?



uhm.. itutuloy ko pa po ba? comment kayo ah! thank you po
« Last Edit: August 22, 2008, 12:50:51 am by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
heidi.oink
jellybean
**

Karma: +8/-6
Posts: 127



WWW
« Reply #1 on: February 22, 2008, 01:25:42 am »

hello. first tagger ako. right? Heidi here. continue mo lang sis Smiley but.. anong pangalan nung bida?  Smiley hehe. wala kasing nakalagay eh.  Smiley hmn. read mo rin story ko i you have time. Hate That I Love You yung title Smiley thanks.  Kiss
Logged
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #2 on: February 25, 2008, 05:47:10 am »

hello. first tagger ako. right? Heidi here. continue mo lang sis Smiley but.. anong pangalan nung bida?  Smiley hehe. wala kasing nakalagay eh.  Smiley hmn. read mo rin story ko i you have time. Hate That I Love You yung title Smiley thanks.  Kiss

Thanks po sa pagbasa.

Khay here... Dont worry po, babasahin ko rin po story mo.. Smiley

pasensya na po if now lang yung update.. Phone lang po kasi gamit ko eh.. Anyway, thank you po talaga sa pagbasa.. Eto na po yung chapter 1 and 2.. Kasi baka po next week na ako magkakapag update uli.. May exam pa po kc kami.. Hindi ko na po maaayos gaya ng lagayn ng kulay kasi po cp lng po gamit ko.. Eto na po...

btw, hope you continue reading po.. Thank you.. Mwah
« Last Edit: April 19, 2008, 11:59:56 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #3 on: February 25, 2008, 05:55:50 am »

**Chapter 1**


"ALEXEI KAYERELLE RODRIGO!! WALA KA BANG BALAK BUMANGON!!!"

Ano ba namang alarm clock 'to!? Sa pagkakaalam ko hindi ito yung tunog ng alarm clock ko. Nagtakip ulit ako ng kumot.

"HOY!! 6:30 NA PO!! MAY PASOK PA TAYO!!"

Argh! Nakakainis na! Naupo ako at tiningnan ng masama si Shae. Alam ko kasi sa boses niya. Nakita kong nakapamewang na siya na nakatayo sa tabi ng kama ko sa left side.

"Anong pinagsasasabi mo?!"

"Anong 'anong pinagsasasabi'? FYI, first day of school ngayon!" nagulat naman ako sa sinabi niya.

Napakunot noo ako. Oh no! Nakalimutan ko yun ah!

"Oh God! Nakalimutan ko!" agad-agad akong bumangon at kinuha yung towel ko then pumasok sa CR sa room ko.

"Ayan kasi! Bilisan mo! First day of school, baka malate tayo!"

Nagshower na ako sa CR. Grabe, nakalimutan ko talaga. Napuyat kasi ako kagabi. Nag malling kami nina-Shae eh. Oh before I forget, maraming araw na nga pala ang nakalipas matapos ang enrollment na yun. At sa wakas, makikita ko na ulit si Josh! Waha!

Saglit lang din eh lumabas na ako ng banyo. Pumasok ako sa closet para magbihis. Habang nagbibihis ako eh kinakausap ko si Shae.

"Ei Shae, thanks for coming ah! Nakalimutan ko talaga eh. Hindi ko sinet alarm clock ko kagabi, kasi hindi ko alam na may pasok na pala ngayon." tumingin na ako sa whole body mirror.

"Ayos lang yun no. Dumaan ako dito kasi tawag ako nang tawag sayo. Eh naisip ko na lumabas pala tayo kagabi. Kaya ayun, dumaan ako dito kasi alam kong hindi ka sanay mapuyat!"

Kuniha ko yung comb sa dresser at nagsuklay palabas ng closet.

"Hehe.. Anyway thanks talaga."

"No prob. Tara na, 6:50 na oh! Ten minutes na lang."

After that bumaba na kami. Hindi na ako kumain ng breakfast kasi nga ten minutes na lang.

Nagpahatid narin kami kay Manong kahit malapit lang yung school samin. Para mas mapabilis.

After 5 minutes eh nakarating din kami. Thank God hindi pa time! Bumaba na kami ng car at pumasok sa school. Marami na nga ang mga studyante. Nagpunta na kami sa Senior Department at umakyat ng stair then naglakad hanggang dulo ng building. Then...

Chanan! Classroom na namin. Pumasok naman na kami at ang iingay ng mga kaklase namin. Nakita narin namin si Rhae.

"Oh, bakit ngayon lang kayo??" pamugad niya samin.

Hinanap ko na yung seat ko. Dito kasi, may seatplan talaga. Hindi ka pwedeng pumili kung san mo gustong umupo. At nakita ko rin naman yung upuan ko. Good thing na nasa harap ko lang nakaupo si Shae. Si Rhae naman, malayo ng five seats sakin.

"Ano ba naman yan bhes, wala bang goodmorning dyan?" sabi ko sa kanya.

"Oh well, goodmorning!" tapos nginitian ko lang siya.

"Eh kasi naman Rhae, etong si Alex, walang balak bumangon! Nakalimutan na naman daw niyang may pasok na pala ngayon!" tapos naupo siya sa chair niya.

Natawa naman si Rhae.

"Shae naman, parang hindi ka na nasanay ka Alexei! Eh lagi naman niyang nakakalimutan yung unang araw ng pasok eh!" tapos tumawa ulit sila.

Sumimangot naman ako ng pabiro. "Ang sama niyo! Pinagtutulungan niyo ko!" tapos tumawa ulit sila.

"Hindi na. Hindi na."

Ganito talaga kami pag first day of school. Lagi na lang kasi nilang naalala na lagi kong nakakalimutan ang first day of school. Ewan ko ba. Simula nung nag-aral ako, lagi akong late sa firstday of school. Wala naman kasing gumigising sakin eh. Si Yaya naman, hindi naman ako ginigising nun eh. Pag tulog ako, hindi talaga niya ako iniisturbo.

Anyway, dahil nga five minutes na lang bago magtime nang nakarating kami, saglit lang din eh nag-alarm na nga. Nagsiupuan naman na kami at nagsidatingan narin yung mga studyanteng nasa labas kanina.

Naupo na ako ng maayos. Then napansin ko namang dumating na yung seatmate ko. Tiningnan ko naman kung sino.. Si Gregg pala.

"Hi!!" bati niya sakin na napakataas ng energy. Grabe talaga itong lalaking 'to. First day of school, ang taas ng energy!

"Hello..." tapos tumingin na ako sa harap. Wala pa yung teacher namin.

"Ako nga pala si Gregg Mathew Villareal." tapos tiningnan ko siya. Nagooffer siya ng kamay para makipagshake hand. "And you?
"

Medyo napakunot noo ako dun. Ang tagal na naming magkaklase, hanggang ngayon, hindi niya alam pangalan ko. Pero kahit din naman ako eh, ngayon ko lang nalaman yung surname niya.

Tinanggap ko yung kamay niya, "Alexei Kayerelle Rodrigo. Alex na lang."

"Nice meeting you, seatmate!"

"You too." tapos kinuha ko na yung kamay ko.

Dumating narin naman yung teacher namin. Si Ms. De Gracia. Siya rin yung homeroom adviser namin.

"Good mornong class!"

Sabay sabay naman kaming bumati sa kanya, "Goodmorning Ms. De Gracia![/color]"

Wala naman kaming ginawa. Orientation lang. Sayang, hindi ko na naman kaklase si Josh. Mula nung first year, hindi ko na siya naging classmate. How I wish na maging close kami someday.

Sumunod na teacher namin si Mr. Morales. Ang pinakaboring na teacher. Kahit firstday pala ngayon, after orientation, nagdiscuss na agad. Ang boring talaga. Umagang-umaga pa nga lang eh inaantok na ako.

"Hayyy... Ang boring." sabi ni Gregg sabay stretch. Tinamaan pa nga niya yung noo ko. Tiningnan ko lang siya. Then nagsmile lang.

Loko talaga yun. Onti-onti ko nang nararanasan yung kakulitan niya. Dati kasi, nakikita ko lang.

Hindi naman kasi kami close para kulitin niya ako. Ngayon lang dahil siguro seatmate na kami.

Pero sila nina-Shae, medyo close sila. Nakikita ko minsan na magkakasama sila at nagtatawanan.

"Ang boring no?" pabulong niya akong tinanong.

"Oo nga eh." sagot ko naman.

"Tulog na lang tayo." bigla akong napatingin sa kanya ng nakakunot yung noo.

Loko talaga 'to!"Joke lang." tapos ngumiti siya. Nagsmile lang din ako. Yung sumunod naman na klase namin eh English. Si Ms. Cora. At ayun, boring din naman! Grabe talaga.

Firstday na firstday eh naboboring na ako.

Dahil sa sobrang boring ng klase, the next thing I know is breaktime na! Waha... Bumili lang kami ng food sa cafeteria at nagpuntang Garden.

"Bhes, musta naman seatmate mo?" tanong ni Rhae.

"Ayus lang. Niyaya nga niya akong matulog kanina sa klase ni Mr. Morales." natawa naman sila.

"Loko talaga yun!" sabi ni Shae.

Napatingin naman ako sa left side. Nakita kong paparating sina Josh. Kasama nga niya si Gregg eh.
 
Ang gwapo talaga ni Josh. Nililipad lipad pa yung buhok niya. Alam niyo ba kung bakit madalas siya dito napapadaan? Dahil dito ang daan papuntang gymnasium. Mahilig kasi silang magbasketball.

At of course, varsity yan!

*SNAP*

"Tulala ka na naman!" sabi ni Rhae.

Napahawak naman ako sa mukha ko. "Hihi... Eh nakita ko na naman siya." pabulong kong sinabi.

"Tsk tsk tsk. Hindi ka na ba nagsasawa dyan Lex? Nung first year pa yan ah!" sabi naman ni Shae na nag-aayus ng sapatos niya.

"Eeehh.. naman eh!"

Nung napadaan na si Josh eh nagdecide na kaming bumalik sa room. Malapit narin naman kasing magtime eh.

Dun na namin sa room hinintay mag-alarm. Saglit lang din eh nag-alarm na. Next subject, Filipino.

Boring ang filipino subject. Ewan ko ba, wala talaga akong interest sa subject na ito. Last school year, madalas ko 'tong natutulugan eh. Mabilis naman lumipas ang isang oras. Ang yahoo!

Math na! I love Math. Dun lang ako magaling eh. Yun lang din kasi ang subject na duper interested ako.

Alam niyo kung bakit? Naiisip ko kasi na sa syam na numero, bakit infinity ang counting of numbers, diba? Tapos ang daming pasikot sikot na formula kaya gustong gusto ko. At isa pa, hindi mo kailangan mag-memorize lahat ng nakasulat sa book. Ang kailangan lang naman eh mamemorize mo
yung formula. Pagnakuha mo na yun, tska... mapeperfect mo yung Math exam mo! Haha

"Goodmorning 4th year!" aba, taas ng energy ni Ms. Gina ngayon ah!

"Goodmorning Ma'am!"

Nagkaroon lang kami ng orientation sandali. After that, nagstart na si Ma'am ng new lesson namin.

Sayang daw kasi yung time. Yung topic namin ngayon, nagpag-aralan namin nung nasa 3rd year pa kami. Kaya medyo madali lang.

After na discuss si Ma'am...

"Ok class, since napag-aralan niyo na 'to last year... Get 1/2 sheet of paper. Seatwork lang."

Kinuha ko naman yung bag ko. Naghalungkat ako ng padpaper. Pero wala. Ay, nakalimutan ko! Nasa bahay pala. Nasa desk ko.

"Need one?" napatingin ko sa kanya, "Here.." inabot niya sakin yung 1/2 sheet of paper.

Nagsmile ako sa kanya at kinuha yung papel, "Thanks."

Mabilis ko naman nagawa yung seatwork. Madali lang kasi. Napansin ko yung seatmate ko na nagkakamot ng ulo.

"Need help?" tanong ko sa kanya. Then tumingin siya sakin.

"Ahh.. ano kasi eh.. nakalimutan ko na 'to. Pwede?"

"Sure." nagsmile naman siya.

Then ayun, tinuro ko sa kanya kung pano maghanap ng measure ng angles at sides sa triangles.

"Thanks!" sabi niya ng nakangiti.

"Welcome!"

Ayun, nagpass na kami. And thank God, perfect kami! Haha.

"Ei salamat ah!" sabi niya.

"Wala yun."

***

Dismissal na. Nag-ayos na ako ng gamit ko. Yung seatmate ko rin, nag-aayos na ng gamit niya. Nung natapos naman akong mag-ayos eh nag-excuse ako sa kanya para makadaan. Nasa tabi kasi ako ng wall eh, kaya kailang ko pa siyang daan para makaalis. Sina Shae naman eh naghihintay na sakin sa labas.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Yah..."

"Ingat!" napasmile naman ako.

"Ingat din." then lumabas na ako.

"Tagal mo naman bhes!" sabi ni Rhae.

"Eh nag-ayos pa ako ng gamit ko eh."

"Ohhh.." sabi ni Shae, "May pa ingat-ingat pa kayo ni Gregg.

" tapos tumawa siya.

"Ewan ko sayo Shae!" tapos naglakad na kami.

Bigla naman nagring yung phone nilang dalawa.

"Ei Bhes, uwi na ako!" then nagbeso sakin si Rhae.

"Ako rin Bhes." sabi ni Shae.

"Oh sige ingat kayo!"

"Bye-bye!" after that, umalis na sila.

Ako naman, nagpunta sa locker ko. Kukunin ko lang yung notebook ko sa Physics. Naiwan ko kasi tapos na homework pa kami.

Natripan ko naman na iuwi na lang lahat ng gamit ko sa bahay. Para kasing napuno yung locker ko, kasi nandito lahat ng libro ko. Iniwan ko dito nung enrollment.

After kong kinuha lahat ng gamit ko, hindi ko na napagkasya sa bag ko. Kaya hawak ko yung 5 books at 3 notebooks. Nilock ko na yung locker ko at naglakad. Hindi pa ako nakakalayo, biglang may nakabunggo sakin. At ayun, nahulog lahat ng hawak ko.

Nagmadali naman akong naupo para pulutin yung gamit ko.

"Sorry..."

Teka, parang familiar yung boses ah. Inangat ko naman yung ulo ko para makasiguro na siya nga yun..








Oh-oh.. Siya nga!
« Last Edit: June 19, 2008, 09:37:54 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #4 on: February 25, 2008, 06:15:02 am »

**Chapter 2**

Nagmadali naman akong pulutin yung gamit ko at tumayo na.

"Sorry ulit ah." Hindi parin niya inaabot sakin yung gamit ko.. "Tulungan na nga kita."

"Ah hindi ok lang ako. Akin na lang yung gamit ko." kukunin ko sana sakanya

yung gamit ko kaya lang yung dalwang kamay ko eh may hawak na.."Paki patong na lang."

"Ay hindi na, tutulungan na kita." Kinuha naman na niya yung libro na hawak ko.

Hindi narin naman ako nagmatigas. Mabigat din naman kasi yun eh. Naglakad lakad lang ulit kami.

Nag thanks naman ako sa kanya.

"San ka?"

"Uuwi na."

"Oh sige. Hatid na kita sa gate."

Saglit lang din eh nakarating na kami sa gate. Sakto naman na tumawag sakin si Manong na nandun na daw siya sa labas ng gate

"Salamat ulit ah" kinuha ko naman na yung gamit ko sa kanya.

"Anytime.." nax anytime daw! waha. "Josh nga pala."

Nakipagshake hands muna siya bago niya binigay sakin yung gamit ko. Kinilig naman ako dun! Waha

"Alexei." then kinuha ko na talaga sa kanya yung gamit ko.

"Nice meeting you Alexei."

"Nice meeting you too." yun na lang yung nasabi ko.

Umalis naman na ako nun. Nung nasa kotse na nga ako nakita ko siya na nandun pa sa labas at nung pinaandar na ni Manong eh nag-wave pa siya sakin.


Pagdating ko sa bahay eh straight agad ako sa room ko. Wala pa si Mommy. Nasa work pa siya. Oh well, lagi naman eh.

Nagbihis na akong nga pambahay at tinext ko kaagad sina Shae at Rhae.

>Ei, lam nio b, nbunggo aQ kNna ni Josh! Wahaha.. tpos tnulungan nya aQ! Waha. hntd p nya aQ hnggang gate!

Saglit lang din eh na reply na yung dalawa kong beloved bestfriend!

Rhae:

>Bhes! Nax nMn. Ang bait nMn ni Papa Josh! Waha..kinikilig me!

Haha! Si Rhae talaga! Mabilis kiligin 'tong babae na ito eh.

Nagreply naman ako sa kanya...

>sira k tLga! gEh, bye2x na! tC! luvyu! mwax

Then binisa ko naman yung isa pang text.

Shae:

>Nax nMn. Pro pano na si Gregg? =D

Ano ba naman ito! Bakit naman napasok si Gregg sa usapan.. Nireplyan ko siya.

>hEhe. ok n sna eh! bkT nMn npsok si Gregg sa uspn?

Saglit lang din eh nagreply na siya.

>Wla lng. Kw nMn, guilty k kaagad! uy, cguro my gs2 k ke Gregg no?

Aba, sira talaga itong si Shae.

>Toknene k! Wala!! gEh na po, bye2x na. Luvyu! Mwax!

After that nahiga na ako sa kama. Napagod ako dun ah! Pangiti-ngiti ako ngayon. Naaalala ko kasi yung nagshake hand kami.

*ZzZzzzz*

Kinuha ko naman yung cp ko. Nakavibrate lang kasi eh. Ayoko ng tumutunog yung cp ko. Nakakainis

kapag ganun. Minsan nga tinatanggal ko yung vibration nito kaya minsan hindi nila ako macontact dahil hindi ko naman alam na tinatawagan na pala nila ako. Haha.

Back to my phone. Kinuha ko at nakita kong may text.

Shae:

>Guilty! Grin

Loko talaga yung babaeng yun!

>Ewan ko sayo Shae!

Weeks have passed. Ok naman sa school. Madalas kong nakikita si Josh! Wahaha. Ang gwapo niya.

Nagkaroon din pala kami ng signing of clubs last week. Sumali ako sa Science at Theater club. As for now, wala pa naman kaming project sa club na yun.

Yung seatmate ko naman eh lalong naging makulit. Ang daldal pa. Grabe, parang babae. Everytime na mabobore siya, makikipag-usap siya sakin. Eh wala naman kwenta yung topic namin. Kesyo yung nabasa daw niyang news eh eh about sa corruption. Sasabihin pa niya sakin na...

"Dapat talaga, umalis na si Gloria sa pagkapresident niya eh!"

"Eh bakit ka sakin nagagalit? Hindi naman ako si Gloria ah!" tapos tatawa siya.

Ang ewan talaga niya. Tapos madalas din siyang magpaturo sa Math. Ang hirap daw kasing maintindihan. Idagdag mo pang ang sakit sa tenga yung boses ng teacher namin. Tapos medyo mabilis magturo yung teacher namin.

Kasalukuyan akong nandito sa garden. Mag-isa lang ako. Si Shae kasi eh nasa library, may
hihiramin daw siyang book. Si Rhae naman, nasa computer lab. May itatanong daw si kay Mr. Dulay, computer teacher namin.

Nakikita ko ngayon si Josh kasama yung dalawa niyang barkada sa field. Hindi ko naman kilala yung dalawa niyang barkada. Pinapanood ko lang si Josh na maglaro ng soccer. Sinusundan ko siya ng tingin kahit magmukha na akong ewan dito. Tingin sa left then right. Tapos left na naman then right. Wahaha. Mukha talaga akong ewan.

"Ah-huh!!" nagulat naman ako dun. Tiningnan ko kung sino.

"Toknene ka Gregg. Ikaw lang pala!" tapos naupo siya sa tabi ko. Sa bench ah.

"Magkakaheart attack ako sayo eh!"

"Hehe.. Sorry.. Napansin ko lang kasi eh.." napakunot yung noo ko nung sinabi niya yun.

Hala! Ano kaya yung napansin niya??

"Huh? Ano sabi mo?"

"Sabi ko, napansin ko lang na lagi ka dito tumatambay."

"Uhh..ehh.. ano kasi.. uhmm.. mahangin dito. Fresh air! Hihi.." tapos iniwas ko yung tingin ko. Sana naman maniwala siya.

"Ahh.. at isa pa pala." napatingin ako sa kanya nun.

"A-ano yun?"

"Ummm... may gusto ka ba kay Josh?" nagulat talaga ako sa sinabi niya.

Bigla kong iniwas yung tingin ko sa kanya. Grabe, feel ko ang init ng mukha ko. Siguro namumula na.

"W-wala ah!"

"Owwsss.. bakit hindi ka makatingin sakin??"

"Huh? W-wala lang..." argh! Bakit ba niya naisip na may gusto ako kay Josh!

"Oh c'mon!" tapos hinawakan niya yung chin ko at pilit na pinapaharap niya ako. "Meron no?"

"W-wala nga!" argh! Naiinis na talaga ako! Ganito kasi ako eh, pagnabubuking... Naiinis na ako!

"C'mon! Tell me! Hindi ko naman sasabihin kay Josh eh! If you want, tulungan kitang mapalapit sa kanya!"

Napatingin bigla ako sa kanya. Napakunot noo.

"So ano? Kapag hindi mo sasabihin sakin, sasabihin ko sa Josh na may gusto ka sa kanya!"

"Ehh.. wala naman ah!" tapos iniwas ko ulit yung tingin ko, "Tsaka kahit naman sabihin mo sa kanya eh hindi naman siya maniniwala sayo no!"

"Says who?" then napatingin ulit ako sa kanya, "Bestfriend niya ako. Maniniwala yun sakin! So ano na?"

Naku naman! Bakit ba niya gustong malaman?? Argjh... naiinis na talaga ako!

"Eh bakit mo ba gustong malaman??"

"Edi umamin ka rin!"

"Hindi pa kaya ako umaamin!"

"Eh ganun din yun! Sabi mo hindi ka pa umaamin ibig sabihin aamin ka rin! Lex talaga oh!"

"Ewan ko sayo Mr. Gregg!"

"Sige na, aminin mo na sakin..." tapos naging mahinahon yung boses niya,

"You can trust me."

Parang nadala naman ako dun sa boses niya. Kasi naisip ko, sabihin ko na kaya sa kanya? Seatmate naman kami tapos mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.

Tiningnan ko siya, seryoso yung mukha niya. Kaya ako naman, nagseryoso narin.

"Ok fine! Wag ka maingay ha?" then nag one sided smile siya.

"Sure."

Then bumulong ako sa kanya, "Yahh... crush ko si Josh..."

Then ngumiti siya ng nakakaloko.

"Gregg naman eh! Wag ka maingay ah!"

"Sinabi ko bang mag-iingay ako? Ngumiti lang ako eh!" then ngumiti na naman siya ng nakakloko.

"Ayoko yang ngiting yan eh!"

"Bakit?? May masama ba sa ngiti ko??" nagtanong pa. Eh naiinis ako sa ngiti niya eh. Para kasi nagsasabi ng 'ikaw-ha-uyy' errr...

"Oo! Nakakainis yang ngiti mo!"

"Bakit naman?" then nagsmile siya ulit, "Alam ko na!"

"Buti naman alam mo na yung dahilan kong bakit ako naaasar sa ngiti mong yan!"

"Ah-huh! Kasi sakin ka na naiinlove!" tapos tumawa siya. Binatukan ko nga!

"Loko! Naiinis ako sa ngiti mo kasi nang-aasar ka!"

"Aray naman.. hehe.. uyyy..." hinampas ko siya sa braso niya pero mahina lang naman.

"Eehhh... ang sama mo!" tapos sumimangot ako.

"Joke lang... Hehe..." tapos umupo siya ng maayos, "Ganito na lang.."

"Ano?"

"Since may gusto ka kay Josh!" hinampas ko ulit siya.

"Wag ka maingay!!!"

"Ok sorry, sorry. Since may gusto ka nga kay Josh..."

"Ano nga?"










"Lets have a deal!!"
« Last Edit: June 01, 2008, 04:38:53 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
idiosyncratic_heart
jellybean
**

Karma: +5/-1
Posts: 103

aMixou beStfriend!



« Reply #5 on: February 27, 2008, 02:36:58 am »

huwaaaa!!!!!! Cheesy story m na yan?? galing m tlga!!!  Wink pasend aq a!!

nhhrpan aq d2 e....lol!!!! labyu!! SIS!! Grin
Logged

just for one...Even just one...I want someone who will be afraid of losing me...
sharrahs326
jellybean
**

Karma: +24/-2
Posts: 193


Bwahaha! He's back.


« Reply #6 on: March 05, 2008, 02:46:19 am »

Wahahaha!! Pangalawang beses q n 2 binasa.. Haha! Update bgay m0h sakin agad ha? Hehe! LaByu,gb,yngat
Logged

If only I could paste to your lips all the smiles that I could collect just to keep you smilin', I would do so...

If only you'd allow me...
ako_to
bubblegum
****

Karma: +46/-13
Posts: 588


bakka watashi



« Reply #7 on: March 06, 2008, 04:21:39 am »

aiiee!! galing sister..
hahaha..
continue mo!!
sa wakas nahanap ko rin..
Logged

  LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #8 on: March 08, 2008, 02:56:42 am »

**Chapter 3**

Ano na naman kaya pumasok sa kokote ng lalaking 'to???

"Deal? Ano namang klaseng deal yan?" tanong ko sa kanya nang nakakunot-noo pa.

"Simple lang nama--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil nag-alarm na. Ano ba yan, wala parin sina Shae.

"Later na lang!" sabi ko sa kanya at tumayo sa pagkakaupo, "Time na."

Tumayo narin siya sa pagkakaupo, "Tara na. Sabay na tayo." then mabilis kaming naglakad papuntang classroom.

Pagdating namin eh wala pa yung teacher. Kararating lang din ni Rhae na kagagaling lang sa Computer Lab.

"Oy!" greet ko sa kanya. Si Gregg naman eh nauna nang pumasok sa room, "Ang tagal mo sa CL ah!"

"Eh ang gulo kasi ni Sir kausap eh!" sabi niya na parang inis na inis kay Sir.

"Hehe... Parang hindi ka na nasanay dun!" then pumasok na kami.

Nakita ko naman na nasa loob na pala si Shae. Nung nakita niya ako, nginitian pa ako.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Hindi man lang nagpuntang garden para samahan akong panoorin si Josh pagkatapos niya sa library! Hmph!

Naupo na ako sa chair ko at ganun din naman si Rhae. Mukhang may inaayos pa si Rhae about dun sa tinanong niya kay Sir Dulay. Magulo talaga kasi kausap yung teacher na yun eh. Palibhasa matanda na.

"Oy!" tawag ko kay Shae at lumingon naman siya, "Ba't di nagpunta sa garden nung natapos ka na sa library, ha?"

Nagsmile siya sakin, "Tinamad ako eh! Tsaka late na ako natapos sa library eh. At kararating ko lang po dito, siguro 5 minutes ago."

"Ahh..."

Saglit lang din eh dumating na si Mrs. Balanay, filipino teacher namin. Nagdiscuss siya about kay Padre Damaso. Hayy... ang boring talaga ng FILI. Mas gusto ko pa yung 'Ibong Adarna' at 'Florante at Laura'.

Napansin ko na parang busy yung seatmate ko at mukha may sinusulat sa papel. Hindi ko naman na pinansin at sumandal na lang ako sa wall. Grabe, inaatake na naman ako ng antok ko. Basta filipino time, aantukin na talaga ako. Sana mag-Math na!!

"Ei..." naramadam kong pino-poke niya pisngi ko. "Wake up Sleeping Beauty!"

Napakunot na lang noo ko. Akalain niyo yun? Nakatulog pala ako sa Filipino! Haha... Magaling na studyante!

"Tapos na yung Filipino?" tanong ko sa kanya at naupo ng maayos.

"Opo! Tapos na po."

"Ahhh... nakaidlip pala ako."

"Sinabi mo pa. Nga pala..." tapos may kinaha siyang papel, "Here's the deal." then nilapag niya sa desk ko, "Read it."

Aba! Talagang sinulat pa niya sa papel eh no? Well, binasa ko na lang. And ito goes like this:

ALEXEI AND GREGG DEAL

* Alexei will help Gregg in all his subject, particularly Math.
* Alexei will help Gregg in all his projects, reports, homeworks, etc.
* Alexei will follow Gregg's wants.

IN RETURN...

* Gregg will give Alexei all the information about Josh.
* Gregg will help Alexei get closer to Josh


 
Alexei Rodrigo   Gregg Villareal

Pagkatapos kong basahin eh nagtanong kaagad si Gregg, "Deal?"

"Uhmmm.." ano kaya? Mukhang hindi naman mahirap eh. Tsaka eto na yung pagkakataon ko para mapalapit kay Josh at maging friends kami! Cheesy "Deal!"

After that, nagsmile siya. Then nagsign na ako dun sa so-called contract namin. Siya kasi eh nagsign na bago niya pinabasa sakin.

May naisip naman akong itanong sa kanya, "Uhmm Gregg?" then tumingin siya sakin, "Until when 'to?" ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"Until I'll learn how to solve mathematics on my own. And until you and Josh become friends??"

Napataas pa yung kilay ko, "Uhmm Ok. Good idea!"

Easy easy pala ng deal na 'to! In short, tuturuan ko lang siya sa subject na Math at sa lahat din ng subject, tutulungan ko siya sa projects and everything niya... In return, he'll help me get closer to Josh! Waha! Finally, magiging friends narin kami ni Josh!

I hope so...

After how many minutes eh dumating narin si Ms. Gina at nagklase na kami sa Math. Actually, gawain na ni Ms. Gina na every after discussion eh may seatwork siyang binibigay. Kaya naman nagbigay siya ngayon after niyang nagdiscuss.

"Hey seatmate, pano ulit kunin yung x?"

Naglean naman ako sa desk niya at tiningnan yung work niya, malapit naman na kasi akong matapos eh.

"Uhmm.. since congruent sila, all you have to do is... 2x+4=6x-4"

Sinulat naman niya yung sinabi ko, "Tapos ano na?"

"Then transpose, transpose."

"Ok. I'll try to solve it."

"Ok." then bumalik na ako sa work ko. Nasa number 5 naman na kasi ako eh. After ko naman i-solve yung number 5 eh tinawag ulit ako ni Gregg.

"Tama ba 'to?"

Tiningnan ko ulit yung gawa niya. I see x=2. Ok naman pala siya eh.

"Yah! Galing ah!" tapos nagsmile siya.

"Magaling nagtuturo eh!" then nagwink siya. Napailing-iling na lang ako at nagsmile.

Lunch break na. Nagyaya si Shae na kumain sa cafeteria. Hindi raw kasi siya nakakain kaninang recess at hindi rin pala siya nakapagbreakfast. Si Rhae naman eh gusto rin daw niyang kumain dahil hindi rin siya nakakain kanina.

"I guess I won't see Double J this time..." sabi ko sa kanila. Double J codename namin kay Josh. Ang fullname niya kasi eh Joshua Jhon Flores. Kaya ayun, Double J.

Hindi ko kasi siya nakikitang kumain sa cafeteria eh. Kahit nung first year palang kami. Never ko talaga siyang nakita sa cafeteria. Hindi ko nga alam kung san siya kumakain eh. Or kumakain pa ba siya? Waha... Ano yun, robot na hindi kumakain? Alex talaga oh! Hindi nag-iisip.

"Hay naku bhes, ngayon lang naman eh! In fact, alam kong gutom ka na rin dahil hindi ka rin kumain kanina!" sabi ni Rhae.

"Yeah! And besides, nakita mo naman siya kanina diba?"

"Yap! Tara na nga, tama kayo... Gutom na ako!"

Then hinawakan ko na sila sa braso then I grab then papuntang cafeteria. Haha. Nagugutom narin kasi ako talaga eh. Bigla nalang inatake ng gutom. Haha

After namin bumili ng food eh naghanap na kami ng pwesto. Nakakita naman kami ng table na malaki. Hindi ganun kasi ganun karami yung tao sa loob ng cafeteria gaya ng usual na dami. I heard na may meeting daw kasi yung mga CAT kaya medyo umonti pero hindi naman ganun ka-onte.

Magkatabi naman si Rhae at Shae. Ako, naupo sa tapat nila. Gusto ko kasi para kapag nagkwentuhan kami, nakikita ko sila.

"Hey Lex, look who's coming." sabi ni Shae.

Lumingon naman ako para makita kung sino yung tinutukoy ni Shae.

Basta na lang napakunot-noo ako..







Don't tell me, inuumpisahan na niyang gawin yung deal? Oh no! Hindi pa ako ready!!!
« Last Edit: June 01, 2008, 04:39:50 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #9 on: March 08, 2008, 06:19:43 am »

huwaaaa!!!!!! Cheesy story m na yan?? galing m tlga!!!  Wink pasend aq a!!

nhhrpan aq d2 e....lol!!!! labyu!! SIS!! Grin

Thanks for reading ah! The best ka talaga friend! Nyahaha! Labyuh! Take care mwah mwah! hehe..

Wahahaha!! Pangalawang beses q n 2 binasa.. Haha! Update bgay m0h sakin agad ha? Hehe! LaByu,gb,yngat

haha! Geh, bigay ko kagad sayo! Wahaha.. Thanks sis! Mwah! Labyuh, tc.. gbu

aiiee!! galing sister..
hahaha..
continue mo!!
sa wakas nahanap ko rin..

Thanks for reading ah! The best ka talaga sister! Nyahaha! Labyuh! Take care! Mwah mwah.

Thanks sa support po! Mwah
« Last Edit: April 19, 2008, 11:43:47 pm by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
ako_to
bubblegum
****

Karma: +46/-13
Posts: 588


bakka watashi



« Reply #10 on: March 08, 2008, 11:21:57 pm »

hehe.. lgot k alex.. dyan n c greg..

hay.. la mgwa d2... Grin
Logged

  LYiNG TEARS hurt others while LYiNG SMiLE hurt oneself
idiosyncratic_heart
jellybean
**

Karma: +5/-1
Posts: 103

aMixou beStfriend!



« Reply #11 on: March 12, 2008, 11:51:46 pm »

...tpusin mo na story moh hbang vcation pah!! Wink Wink...npano na?? Cheesy
bsahin mo din akin ah...la pa title eh...whahahaha Grin...tke care! kip up!
Logged

just for one...Even just one...I want someone who will be afraid of losing me...
amaine_ice
jellybean
**

Karma: +12/-1
Posts: 228


teehee ..


« Reply #12 on: March 13, 2008, 12:32:02 am »

Hi. New reader here. Amaine po pla. Ahm.. name mo po?
Logged

i'll be yours,
`till hell freezes.
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #13 on: March 13, 2008, 03:57:44 pm »

hehe.. lgot k alex.. dyan n c greg..

hay.. la mgwa d2... Grin

hehe! Thanks for reading sis.. Labyuh! Mwah..

...tpusin mo na story moh hbang vcation pah!! Wink Wink...npano na?? Cheesy
bsahin mo din akin ah...la pa title eh...whahahaha Grin...tke care! kip up!

hehe! Thanks sis! Mwah! Yeah, tatapusin ko talaga ito! Mwah!

geh, babasahin ko rin yung sayo! Hehe.. Thanks ulit! Mwah! Labyu.. Take care din!

Hi. New reader here. Amaine po pla. Ahm.. name mo po?

hey, thanks for reading..
It's khay here.. nice to meet you..
« Last Edit: April 20, 2008, 12:16:50 am by yahk07 » Logged

Hey Guys! JOiN OUR F O R U M...
Smiley
yahk07
cotton candy
*****

Karma: +132/-18
Posts: 2081


I have a crush on HiM.



WWW
« Reply #14 on: March 13, 2008, 05:37:25 pm »

**Chapter 4**

Oh no! *gulp*

Humarap na ulit ako kina-Shae. Nanginginig na yung kamay ko. Argh! Kinakabahan ako.

"Oy! Ayos ka lang?"tanong ni Shae.

"Yeah... I'm fine." tapos ginagalaw galaw ko yung food ko sa sobrang kaba ko.

"You have something to tell us later Lexei." sabi ni Rhae nang nakataas pa yung kilay at nagkangiti ng nakakaloko.

"Yeah, I guess so." hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila yung deal namin ni Gregg. Baka kung ano iniisip ng mga 'to.

"Palapit na sila Lex." sabi ni Shae

Lalo akong kinakabahan. Wahh! Nanginginig na yung paa ko. Saglit lang din eh nasa side table na namin sila...

"Hi Lexie!" tiningnan ko naman siya ng bakit-ka-nandito look, pero nginitian lang ako ng loko. "Pwede kaming makiupo?"

Tiningnan ko naman si Shae at Rhae na parang nagtatanong kung papayag ba sila...

"Sure" sabay nilang sinabi. Nagsmile na lang ako kina-Gregg na sign of pwede na silang makiupo.

Nausog naman ako sa dulo para makaupo sila. Katabi ko ngayon si Gregg. Then sa tabi niya, yung isa pa niyang kabarkada. Sa tabi naman ni Shae, si Josh at yung isa rin nilang kasama.

Nung umupo nga sa tabi ko si Gregg, nakita kong nakangiting nakakaloko si Shae. Hayy nakuh po! Iba ata iniisip nitong babaeng 'to. Si Rhae din eh, parang nagtataka. Oh well, later ko na lang sasabihin sa kanila.

Nung tingnan ko naman si Josh, nagsmile siya sakin. Syempre, nagsmile back din ako! Oh kilig ka naman, ha Alex? Smiley

Bago kumain yung apat [Gregg, Josh, at yung dalawa], eh pinakilala muna ni Gregg isa isa yung mga kasama niya.

"Nga pala, ito si Alfred." yung katabi niya, "Ito naman si Raymond," yung katab ni Josh," and this is Josh." sabay sagi niya ng paa ko. Bwisit na lalaking 'to! Mang-aasar pa.

"Hello." sabi nung tatlo.

"Tol, ito si Shae." sabay hi ni Shae, "Ito naman si Rhae." nagwave lang ng kamay si Rhae. "At syempre, ang dakilang seatmate ko... Si Alexei."

"Hello." sabi ko sa kanilang tatlo.

"Nice meeting you girls." sabi ni Raymond at nakipagshake hand pa. Kaya yung dalawa rin eh nakipagshake hand.

Si Josh yung pinakahuling kinamayan ko. Parang ayoko na nga bitawan eh. Pero syempre, binitawan ko. Nakakahiya naman. Ito naman katabi ko eh sinagi na naman yung paa ko. Tapos titingnan ko siya ng mamaya-ka-sakin pero ngingitian lang ako ng nakakaloko. Argh! Gusto ko sanang batukan kaya lang hindi pwede. Baka masira image ko kay Josh. Wahaha.. platik? Hindi naman. Ganun lang talaga tayo kapag yung crush na natin yung nasa harapan natin diba? Wink hihi

After that, kumain na kami. Tinuloy ko narin yung pagkain ko. Bka sabihin pa ni Josh eh nagsasayang ako. Wahaha.. paimpress daw ba?

Napansin ko na si Raymond pala ang sumunod na makulit sa kanilang apat. Si Gregg kasi yung number 1 eh! Magkasundong magkasundo si Gregg at Raymond pagdating sa mga jokes. Minsan corny pero matatawa ka hindi dahil sa joke kundi dahil sa way ng pagkakajoke nila.

Si Alfred naman, makulit din. Pero hindi tulad nung dalawa. Parang lang siya si Josh. Makulit pero hindi masyado.

"Nga pala Josh, matanong ko lang... Bakit ngayon lang ata kita nakitang kumain dito?" hayy.. buti na lang Rhae tinanong mo yan! Kanina ko pa gustong itanong yan eh!

"Oo nga Josh. Kasi mula nung first year pa tayo, hindi ka pa namin nakikitang kumakain dito." sabi naman ni Shae.

"Hindi naman talaga ako kumakain dito eh." sabay inom niya ng coke.

"Ahhh... Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman si Gregg na nagpipigil ng tawa. Alam niyo yun? Parang nang-aasar na hindi mo maintindihan yung itsura ng mukha niya. Kaya this time, ako naman yung sumagi ng paa niya. Tingnan niya ako ng masama na may halong biro. Hindi ko na lang pinansin.

"Marami kasing tao dito eh. Tska kaya lang naman ako kumain ngayon dito kasi nanlibre 'tong si Gregg." sabay turo niya kay Gregg.

Si Gregg naman eh ngumiti lang tapos nag gesture pa siya na parang sinasabing 'ako-pa'! Hay naku!

Kumain lang naman kami dun sa cafeteria. At syempre nagkwentuhan. Hayy... this is the best lunch I ever had in my highschool life. Imagine? Kasabay mong kumain yung crush mo. Tapos panay pa ang ngiti sayo! Oh God! Thank you for this moment...

***

Dismissal na. Bilis ng oras no? Oh well, wala naman nangyari sa klase namin kanina. Pero syempre, todo smile ako kay Gregg. Hindi ko nga siya tinaray after that lunch event. I owe him right? Pero syempre kailangan naman talaga niyang gawin yun no! Kasama yun sa deal namin. Pero wrong timing parin yung pasok niya kanina kasi hindi ko ine-expect yun eh! But oh well, ayos narin yun! Hihi Cheesy

Sinabi ko narin pala kina Shae at Rhae yung about sa deal namin ni Gregg.

"Nice idea! Magiging friends narin kayo ni Josh!" sabi ni Rhae.

"Yeah... Pero pano nalaman ni Gregg na may gusto ka sa kaibigan niya?" sabi naman ni Shae.

"Uhmm... Nagtanong siya. Tapos pinilit niya ako na sabihin yung totoo. Ayun! Nasabi ko. Then siya na yung nakipagdeal sakin."

"Ahh... Eh baka naman sa halip na maging close kayo ni Josh eh baka si kayo pa ni Gregg ang maging close."

"Alam mo Rhae, hindi naman maiiwasan na maging close kami ni Gregg eh! Actually, that would really happen kasi nga diba, tuturuan ko siya sa lahat ng subjects niya. Tapos tutulungan niya akong mapalapit kay JOsh. Syempre mangyayari at mangyayari na maging close kami!" totoo naman diba?

"Yeah... Tama si Alex, Rhae! Pero..." sabay tingin niya sakin ng nakakaloko, "Pano na lang if mainlove ka kay Gregg and vice versa!" tapos tumawa siya.

"Oo nga Alex!" sang-ayon naman ni Rhae. Tapos tumawa rin siya. Binatukan ko nga silang dalawa.

"Tongek! Hindi mangyayari yung no!"

"Bahala ka!" sabi ni Rhae.

"Who knows? Time will tell!" sabi naman ni Shae. Hindi ko na nga naiintindihan mga pinagsasasabi nila eh.

"Ewan ko sa inyo!" Ang ewan tagal nung dalawang yun!














Hindi naman talaga mangyayari yun diba? Tss...



thanks po sa pag-basa.. err.. continue ko pa po ba?
« Last Edit: June 01, 2008, 04:41:19 pm by yahk07 » Logged