[ikatlong laro]
may mga nagpakilala sakin na girly-like.In short,at sa aking kalkulasyon,e mga badingerzi sila.Pero,mababait naman silang lahat.Except for...someone,ang nagiisang hindi pa nagpapakilala sakin,na gwapo.Shiyet,ang gwapo nya...
"Ah eh...Gusto ko ng pumunta sa cafeteria,ilang oras pa recess dito?"
"1 hour and 30 minutes,tara samahan ka namin!"
1 hr and 30 Minutes?Ang haba naman!ang sarap naman ng buhay ko dito!
Hinatak ako nila Olin,Julio,Xelo at Marco papuntang Cafeteria,Ang daming tao.Siksikan,pero malaki ang space,at marami rin ung mga nagseserve,at dahil sa medyo may kaliitan ako.Nakasiksik ako at nakabili agad.
Kinuha ko na ung order ko tapos pinuntahan ung table kung san sinabi ni Marco,na 'TABLE NILA' nangaangkin ng table to.
"Yey~ makakalamon na rin sa wakas!"
"NEJI!grabe..ok ka lang?!bakit ang dami nyan?!"
"Eh,mukha kasing masarap mga pagkain eh!"
tinuro ni Xelo ung mga binili ko.,tapos sinabi ni Julio ung mga pangalan para raw maging familiar raw ako.
RAW.RAW.RAW.
"Tempura,Tokiyaki,Kare-Kare,Curry bread,Caesar's Salad,2pc.Chicken,Porkchop,ham and cheese sandwhich,Flour bread,Tuna bread,Mango Crepe,at...Mocha Shake."
"Sigurado ko bang hindi sasakit tiyan mo?!"
"sanay na ako.."
"na masakit tiyan mo!?"
"na kumain ng madami"
"Yun naman pala eh,masyado ka kasing exxage Xelo."
"whatever..baka kasi mangamoy ang CR mamaya"
"oo nga.."
"inaasar nyo ko no?"
"hindi ah!pramis!cross my heart!mamatay ka man."
"HAHAHA!OO NGA NEJI!mamatay ka man"
"ang sasama nyo ah,tapos na akong kumain..saan na?wala pa ngang 1 hour..."
"TAPOS KA NA?"
"aray.eardrums po,masakit."
"grabe..."
"lamon talaga ginawa mo no?!"
"ah eh,medyo.san na tayo?"
"tour ka namin.."
"okay"
tinour nga nila ako.May Auditorium na super sa laki,may mga vacant clubrooms na pwedeng i rent for free.,May 20 CRs.Ang dami...Mayroong botanical garden,may Techno-room.,at kung ano ano pang pang-sosyal ang meron.Astig.
Bumalik na kami sa room,at 15 minutes na lang ang natitira sa vacant namin.,pumabilog ung 4 na lalaki sa upuan ko tapos sinabi ni Olin na nasa 'HOT SEAT' ako ngayon..
sana naman wala silang itanong na nakakasuspet-cha.
"saang school ka dati?!"
"ah-eh...sa St.Cloud Academy"
"WOW!Prestigious un ah?!nice.yaman nito pare~"
"next question,honor student ka ba?"
"nasasama lang sa top 5,walang line of 85 pababa..."
"Wow,nerd?"
"hin-deee."
"next Q,nagkagirlfriend ka na ba?"
"ahmm...h-hindi pa eh"
"OH NO o___o"
"anong OH NO?"
napatakip sila ng bibig nila ng sabay sabay tapos tinuro nila si Cosh,ung isa sa mga 'AY~GIRL AKO!'
"hoy hindi ako bakla!"
"ohhhhws...well~17 ka na ata right?or whatever.Sa edad mong yan hindi ka pa rin nagkakachicks?"
"Mapili lang talaga ako,hindi ako bading"
"Shiet.,So ano,pustahan na lang?!"
napa-huh na lang ako sa kanila tapos umiling.Mga lalaki talaga!
"Get a girl,TODAY.Kung hindi...well,madaling ipagkalat na bading ka,DIGNITY AS A SUPERSTAR,LOST!"
"ANOOOOO!?!??!"
"Mwahahaha!"
"Bwahahaha!"
"Grahahaha!"
"hehe..pagpasensyahan mo sila ah,mga mukhang kwarta yang mga yan e"
"Ah-eh...salamat sa hindi pagsapi sa pustahan nila"
"Anong salamat?SASALI AKO NO!"
T____T
kinahapunan ng araw na ring iyon,silang apat,ang apat na mang-gagantso!
Habang nagkakasaya sila sa pagpusta ng libo libo,eh hinugot ko ung cellphone ko ung cellphone ko para tawagan si Nana,ang bestfriend ko.Ang isa rin sa mga kilala ng tunay na katauhan ni Neji Hyung.
"hello?"
"hello!hello!Nana!di ba sa Onna University ka?katabi nung Okita?"
"oo...BAKIT?anong gulong pinasukan mo mare?!"
"eh,kasi...nagpustahan tong mga nakilala ko sa Okita na kailangang may ma-FLIRT ako ngayong babae.chicks raw e,mgnda ka naman eh!please!"
"fine fine,pero mare ah!gwapuhan mo!grabe..kelangan ko pa atang mag-panganda!"
"bakit?!"
"haller~ang gwapo gwapo kaya ng mga estudyante dyan!"
"haaay nako!dali!now na,kunwari naglalakad ka,este,dumadaan dito.BABOO!"
"bye"
binaba na nya ung cellphone tapos tinago ko narin ung akin.Lumapit ako sakanila,at buti hindi napansin ni Julio un,dahil alam kong napaka-super duper mega Observer to.
Pagkatapos ng 5 minutes ng pagkainip.May nakita silang babaeng dumadaan,at mukhang si Nana na yun!tinuro nila sakin si Nana tapos pina-go na nila ako.
Lumapit ako tapos nag-guy mode.
"Hello miss.."
"kyaaa~ Neji Hyuuuuung!"
bigla akong niyakap sa leeg ni Nana,na ikinagulat ko. O___O hinahalikan pa nya pisngi ko!
"akong bahala alam ko namang ignorante ka sa mga bagay na ito"
"aba't nanlait pa"
"game na"
kinuha nya ung kamay ko tapos inakbay nya sa balikat nya,na parang mag-sweethearts blahblahblah.Medyo nakakailang pero...okay na rin.
Nagulat nalang ung apat na mang-gagantso,si Julio,napakibit balikat tapos ngumiti lang sakin,si Marco naman humahagulgol dahil 10,000 raw ang binet nya na hindi ko makukuha ung babae,si Olin naman natatawa dahil 50 lang ang tinaya ka no worries raw,si Xelo,nagmumura dahil 10,000 rin ung binet.
teka,e kanino napunta ung pera?
"Ah ... eh,asan ung pera?sakin ba mapupunta?Dignidad ko lang ung pinagpaguran ko...hindi pera nyo no,wala akong habol dyan"
"Hindi naman talaga sayo eh...bigla na nga lang syang nakisali sa laro"
"sino?!"
"si Kyle Mirch...wala eh,binet nyang makakakuha ka."
tumingin ako sa likod nila,ung lalaking nakahiga sa may bench tapos pinapaypay ung pera na nakuha nya.Siya ung kaisa-isang lalaking hindi pa nag papakilala sakin ah!Tumayo sya tapos naglakad papunta sakin,sa gilid ko siya huminto tapos yumuko sya
"alam ko ang sikreto mo Ms.Neji Hyung"