[ikaunang awit]
'kyaaa~ ang gwapo talaga nya!!'
'diyos sa ng mga pogi!'
'hari natin sya!'
'waaa!pwede na akong mamatay!'
habang sumasayaw ako kasabay ang mga dancers ng grupong Neeeyoi,marami akong nakitang mga dalagang kumukuha ng pic ko,swerte lang nila kung mapicturan akong nakatingin at may kasamang killer smile sa photo.
mayabang ba ako?hindi naman e.
natapos na ung kanta,at pinaakyat ako sa malaking concert stage..Na naglalaman ngayon ng 90,000 people o higit pa.
"Thank you Mr.Neji for accepting our request to have you as a guest star in this wonderful concert"
"The pleasure is all mine Mr.Chu,I'm very glad to be of...umm,ano ba uli english nun?!"
"hahaha!as usual,humor is your middle name.So..if we may ask,is there someone who you are going out?Relationship?"
JACKPOT QUESTION NG SPIN THE WHEEL ITO.
Wala akong Girlfriend,ni boyfriend wala.Marami ngang babae ang nagkakagusto sakin dahil lang sa physical features ko.,at dun ako nalulungkot.
"Well,I'm open for any .. that's all"
'YAAAAAY!'
isang napakalakas na WOOHOO!YEHEY!YIPEE!at KYAAA~ ang narinig sa buong concert stadium.Maraming babae ang ayaw na magkaroon ako ng karelasyon kung hindi sila mismo yun.Sakim..tsk tsk.
"Ah,so who's gonna be the lucky girl ei?"
"Noone in particular...YET"
"Yet!uh-mmm...we'll see that in the future Mr.Neji.."
"I hope so,hahaha!"
GIRLFRIEND?AKO?MAGKAKAROON NUN?
sheesh.
Nakipagshake hands nalang kami ng Grupong Neeeyoi sa mga 'fans' at 'guest stars' ng concert,may mga nagpupunas ng panyo nila sa damit ko,kaya feeling ko Sto.Nino ako o kung ano mang banal na bagay.
Pagkatapos ng kamayan at hawaan ng pawis,pumasok na ako sa Personal Room ko,kasama ang manager ko.Nagpalit ng damit tapos kumain.
"Okay na okay ang dance concert ng Neeeyoi dahil sayo Neji"
"As usual,feeling ko gusto na nila akong sakmalin dahil ako lang ang kumuha ng atensyon ng mga nanood"
"Well,most of the viewers kasi,ikaw ang habol...Sa pogi mo naman!Sinong hindi magpapakamatay para lang makakuha ng ticket sa concert mo"
"Hahaha,magkakahydrocephalus ako nyan..pinapalaki nyo ulo ko"
"Seriously Neji,sa Okita University ka ba talaga magaaral this year?It's a all-boys school,I'm Warning you"
"Warning me?Look..Ilang taon narin akong aktor,or should I say actress sa pagpapanggap ko!"
"Shush!Baka may makarinig..I'm just warning you and that's all...Be careful not to reveal anything"
"Ya ya,I'm good."
Lumabas ang manager ko habang nagpapasok ako ng magpepedicure sakin,Babae,Dalaga.at mukhang in trouble ako dito kung magpapakatotoo ako dito with my JOLLY personality.
"Good evening po Mr.Neji...ako po ung magpepedicure sainyo"
"Yah,just...go ahead"
pinatong ko na ung dalawang paa ko sa may stool nya at sinimulan nya akong linisan ng kuko.
"Pwede po ba magtanong?"
"Nagtatanong ka na"
"Ahmm..."
Medyo napahiya ung babae,pero okay naman ata sya.Makapal ang mukha perhaps?
"Totoo po ba talaga na wala po kayong karelasyon?!"
Chismosa ah?!
hindi nya ako tinitignan nung tinanong nya un,dirediretso lang sya sa paglilinis ng kuko,at napataas lang ako ng kilay.Suplado effect ata ang kelangan nito.
"None of yer business,and look.I just revealed it earlier.I have noone"
"Ah..."
Napataas ako ng kilay,at napapout ng labi dahil sa chismosang to.
"ako po!wala akong boyfriend!maganda po ako!"
Napabalikwas ako ng upo ko dahil sa sinigaw nya sa harap ng mukha ko.Kaya natulak ko sya ng onti papalayo sakin tapos napasimangot ako.
"Naniniwala ka naman sa nanay mo na maganda ka?"
"Pero...wala akong boyfriend!"
"Not interested."
Tinapos na nya ung trabaho nya tapostumakbo paalis,Pero nahagilap ko pa sya at hinarap sakin,Umiiyak ung babae.Pero wala e,suplado ako kaya tinulak ko sya at sinabihang wag nang bumalik.
tae naman o.
Pagbalik ko sa upuan ko,biglang dumating ung manager ko tapos sinuot ung salamin nya ga-higante na para bang tutubi.
"Ah-ha...may pinaiyak ka nanamang babae?"
"Wala naman akong magagawa diba?"
"Haaay naku Neji..wag mong sobrahan yang pagkasuplado mo..yan ung total turn on kasi ngayon ng mga babae..pag medyo suplado ung ginugusto nila,mas gugustuhin pa nila lalo.Get it?"
"I don't even care..."
"Oh really?"
"Manika lang ako.Kinokontrol nyo"
walkout na lang ang drama ko.habang pilit na hindi pakinggan ang sigaw ng manager.
Huminto ako nung nakita ko ung grupong Neeeyoi na nakacivilian tapos nakasimangot sakin..
UH-OH...