Teentalk

Author Topic: .::Loving Darkness::. `ANG WAKAS.  (Read 178695 times)

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Loving Darkness::. READERS~may authors note sa page19! hehe.
« Reply #285 on: March 23, 2008, 09:33:07 am »
♥13♥
Post #3:

JINI PUNZALAN: Magpakasasa ka!




HAAAAY. Ang lalaking ito. Sana lang kahit minsan, wag syang mayabang masyado. ARGH. Bakit ba kasi ako pa ang ginawang date ng mokong na to? <--Click that

"Tsaka, baka isipin mo na may gusto ako sayo kaya kita ginawang date! EH Hindi no! Yun ang sabi ni Mama sakin! ::)"

Oo nga naman no? Bakit ko nga naman iisipin yun? HAHAHAHA. Ang mokong na to. NAKAKAINIS. Hampas-hampasin kaya kita ngayon.

Nasilaw ako sa mga ilaw at nawindang sa dami ng tao. Sa lagay namin ngayon, mukhang kami na lang ang hinihintay.
Pag apak ko... AYYY... MY GAWD red carpet!!! Wag ka! BONGGA! first time ko ba to? LOL. Pasensya na, mahirap eh.

Biglang hinawakan ni JR ang kamay ko at nagpapaka gentleman.
Nakita ko si Kenjie kasama si Tanya, Christina at Mikee. <--Click that2x

Nginitian ko si Christina syempre at kinawayan si Kenjie. Nakita kong tumingin si Kenjie kay JR.
Tumingin ako kay JR na nakatingala. Tumingala na rin ako.
Nakita ko yung babae na nakita ko sa school namin, at escort nya siiiiii...KING?

Kumaway si King kay JR, kumaway din si JR kay King. At nagngitian ang babaeng kasama ni King at si JR.
<--Click that

"Kita mo yang MAGANDANG babae na yan? Sya si Hayley." <--Click that

Ngumiti sya na parang batang nakita si santa claus.

"AH!"
Wala akong masabi.


"Lets all welcome, Lady Hayley Anderson and Lord King Alvarez"

So, mukhang alam ko na ngayon... WHAAAT?
Ang ganda ni Miss Hayley! Di ako makapaniwalang nakausap ko na syaaaa... YADAAAAYADAAA...

Busy na ang lahat ng mga tao.


"Jini. Pupuntahan ko lang si Hayley. ;)"

Anak ng, OKAY SIGE GOOOOO! Pupuntahan ko din kasi si Kenjie mister ungas!!! :(

"O SIGE! Go! Syempre! Magpakasasa ka!"

Hindi naman nya ako ininis pero naiinis akoooo! HUHUHU. :'(
Kaya, nagpatuloy ako sa paglamon ng kung anu-ano. May parang lasang pandan pero kulay pula akong nakain. May chocolate cake at cake na mukhang ilang taon ng nasa loob ng refrigirator at linagyan ng abo ng daga - oh well, masarap sya. looks can be deceiving.

Biglang hinawakan ni JR ang magkabilang pisngi ko ng kaliwa nyang kamay at...
"Tandaan mo! Kahit wala ako sa tabi mo, I will always know what you are doing!"

Tapos umalis sya na parang half running ang style.
Naku! Anong ibig nyang sabihin? Ang halimaw na yun!!! Siguro akala nya may gagawin akong hindi maganda dito sa party ano? Well, he's wrong! Kakain ako dito at aalis, yun lang yun. ASA KA!
:P :-[


" :( Tingnan nyo naman kung sinong dinala ni JR Te sa gabing eto!"

Aba. Hindi ko kilala ang babaeng ito. Pero, hindi ko gusto ang sinabi nya.

"Some BIAAATCH. HAHAHA ;D"

May dumagdag pa.

" >:( Tigilan nyo nga yan!"

Lumingon ako kahit may icing pa sa mukha ko na hindi ko naman alam na meron nga!
Pero, nalaman ko din dahil paglingon ko inalis nya naman kaagad!
Si KENJIE!


"Kenj! Asan si Tanya?"

Umalis kami sa lugar na yun at pumunta kina Christina.
OH WELL, hindi nya ako sinagot kasi, andun din si Tanya kasama nina Christina.
Looks like, nagkakamabutihan na sina Christina at Tanya ah!


"Jini! Bakit si JR Te ang Date mo?"
"A-a-actually, wala akong date, at wala din syang date. DYAN LANG SA LABAS k-KAMI NAG k-KITA k-KAYA a-AYUN!"

Hindi ako magaling mag sinungaling!

"AHHH. Ganun ba?"
GAAAA. Hindi man lang ako makatingin sa mga mata ni Christina.

Lumingon ako kay Kenjie.
SEEEEEEEEEEEESHH. Ano ba? Gusto nyo bang langgamin dyan sa ka switan?
Hindi ko talaga ma tantya kung ano ang nasa utak ni Kenjie. Kung gusto nya pa ba ako o hindi na! Sa lagay ko ngayon, parang gusto kong kaladkarin si Tanya. Magiging para akong witch sa kanilang fairytale.


"Jini. Ang ganda mo! GRABE." <--Click that
Akala nyo si Kenjie yun? Akala ko rin eh. Pero, si Mikee pala.

"Oo nga! Ang laki ng pinagbago mo! Siguro dahil first time ka namin nakitang ganito."
Si Kenjie yun! WAAAA... Kapag nakatayo ako ngayon, for sure hindi balanse ang paglalakad ko. WAAAA.
I still tremble pag sya na. PERO.
----na isip ko si @#---- ???

HEHEHEHE... Bakit ko ba sya iniisip.
Tumingala ako para tingnan kung andun pa ba sya sa taas o second floor ng napakalaki at malahiganting bahay na to. O SIGE, MANSION.

Nawindang ako nung nakita ko syang straight na nakatingin sakin, may dalang goblet at nakasandal yung mga elbows nya sa parang may balcony doon sa SECOND FLOOR NUNG BAHAY.
Demn it. Bakit sya nakatingin.
And now, he is half smiling. ;)

Kumuha ako ng tinidor at inaksyunang parang sasaksakin ko sya kahit malayo.

PERO, ang ginawa nya?
FLYING KISS. 8)
Nakita ko sa likuran nya si Hayley.
At ilang sandali, umalis sya ng nakangiti. MEOW.

Ano ang ibig nung sabihin?




jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #286 on: March 23, 2008, 09:41:50 am »
ahw..jr be gentleman naman for once..hehehe.lol ;D :D ;D

ay..jini..tanggapin mo na kasi ang kamay ni jr eh..ayiiiee.. :D :D

hahaha... LOL maPride eh.

the best ka talaga Jon!dala-dalawa ang update everyday...

woshooo!!!naku Jini ha...aayaw pa eh nahihirapan ka na nga mag heels eh...ma pride ka ah...


lol. thanks reg. hehe


ate !!

gaaah !! sobra sobra na to !!

sobra na akong kinikilig !!!

waaah !! hehe...ang sweeeeet ni JR..inabot niya yung kamay niya !!

*DREAMY* !! wahehehe !!

at dreamy talaga huh? ^-^


mali ata ako ha...mukhang nagkakagusto na si JR kay Jini... :)
haha!
kaya...JR pa rin ako! ;)

kay JR ka parin? Hahaha.. sigesige. tingnan natin sa next update ko. hahaha awwww.


susss... pakipot pa 'tong JR na to oh! hahaha... ;D aminin mo na nga! may gusto ka kay JIni anoh?! hehehe... ;D kinikilig talaga ako sa inyong dalawa ni JIni ahehehe... ;D :D ate next na po! ;) sa wakas naka habol din ako :)

oo nga binky! haha.. nakahabol ka rin. binagalan ko nga eh. haha. LOL


waaaaaaaaaa!!!!! omg sis!! naiihi ako sa sobrang kilig ng story mo.. hehehe.. nakakarelate kc ako eh.. post na ng next chap sis.. i'm gonna die na kc pag di ko pa nabasa ang next.. hehehehe... maxado na kong oa.. haha!! yanichel here

at naiihi ka? haha. Nakakarelate ka din? WHOA! ayun na ang update sis. mwuah


haha kilig! Okay ung writing style. Wala naman masyadong pinagbago

thanks sa pag comment sa writing style! Okay, ipagpapatuloy ko na ganyan? OK... hehe


puwaahahah !! ang cute tlga ng story!! :D
natutuwa aq.. hakhak.. lol

thanks sis. Suki na kita dito. haha  ;D ;D ;D

.GiEyeL.

  • jellybean
  • **
  • Posts: 110
  • Karma: +4/-0
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #287 on: March 23, 2008, 10:39:25 am »
Haha!
Si JR ba yung tinutukoy nyang nsa second floor?
Ang Kulet eh!
Si Kenjie naman epal pa!
Sinasaktan nya lang si Jini.!

regiereg

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2993
  • Karma: +171/-26
  • waiting on the world to change....
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #288 on: March 23, 2008, 10:41:50 am »
naki-second emotion pa si Kenjie...bakit kasi di nalang aminin?

i hate that Tanya...sarap sabunutan..mapapatay ko siya niya eh... >:( >:( >:(

simplyshane

  • jellybean
  • **
  • Posts: 266
  • Karma: +26/-7
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #289 on: March 23, 2008, 11:19:25 am »
waaa!! next na! next na! :D lol! i can't wait...

+suIcIdaL+

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +7/-0
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #290 on: March 23, 2008, 01:11:28 pm »
ang ganda ganda kac ate parang ikaw !! hhaha !!
nkka2wa kac ung story.. ^______________^

nNnyYyLLL

  • Guest
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #291 on: March 23, 2008, 01:34:45 pm »
ayiiee.. kinikilig na ako kay jr at jini.. :D ;D :D

naku ang sarap ilambitin ang mga babaeng epal na nagsalita ng masama kay jini.. >:( >:(


cute_weng

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1091
  • Karma: +68/-28
  • life's a bliss!
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #292 on: March 23, 2008, 02:09:02 pm »
wah! dapat jr sinama mo si Jinni at pinakilala kay Hayle...hay..kinikilig ako!hehehe jonah sorry ngayon lang ako nakabasa ulit nagout of town kasi kami...hehehe

yAnIcHeL zAnDeLeIgH

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +13/-10
  • i'm a PRINCESS born to SERVE...
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #293 on: March 23, 2008, 02:51:27 pm »
waaaaaaaaaaa!!!!!! may update na pala... sayang.. nahuli ako ng ilang oras... hehehe... ok lang!! nakahabol pa rin ako. hehehe.. nice update sis!! galing talaga! hehehe... pero ang eepal naman nung mga gurlz na nanlalait kay jini.. dapat sa mga un nililitson at pinapasakan ng apple sa pwet!! bwahahaha!!!
;D ::) ;D
go jini!!! carry mo yang party na yan!! hehehehe.. at ikaw kenjie tsupi ka na!! hahaha

honeyjoyish_marbols

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 936
  • Karma: +54/-18
  • i love you . =)
    • [:.It started with a TEXT.:], .It's YOU & ME.
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #294 on: March 23, 2008, 04:35:36 pm »
ang ganda. :]]
hahaha.
epal talaga 'yang tanya
na 'yan. hmmpf. :]]
"until the day i DiE...
..i'd spill my heart for YOU."

jhyniee

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 513
  • Karma: +35/-6
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #295 on: March 23, 2008, 05:48:45 pm »
kilig! ;D grabe...kakatuwa si JR...
next na sis! ;)

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #296 on: March 23, 2008, 09:17:46 pm »
Haha!
Si JR ba yung tinutukoy nyang nsa second floor?
Ang Kulet eh!
Si Kenjie naman epal pa!
Sinasaktan nya lang si Jini.!


yep2x. hehe...


naki-second emotion pa si Kenjie...bakit kasi di nalang aminin?

i hate that Tanya...sarap sabunutan..mapapatay ko siya niya eh... >:( >:( >:(


sabunutan mo sis! hehe... gusto mo i-extra kita para lang sabunutan sya. LOL. nyahaha.  :o


waaa!! next na! next na! :D lol! i can't wait...

up ko lang sis. Baka may hindi pa naka basa.


ang ganda ganda kac ate parang ikaw !! hhaha !!
nkka2wa kac ung story.. ^______________^

nyenye. haha. baka naman ikaw sis? LOL. haha... ^-^


ayiiee.. kinikilig na ako kay jr at jini.. :D ;D :D

naku ang sarap ilambitin ang mga babaeng epal na nagsalita ng masama kay jini.. >:( >:(



haha... mahulaan mo kaya kung sinong pinaka mahigpit na kalaban ni Jini? AWWW.


wah! dapat jr sinama mo si Jinni at pinakilala kay Hayle...hay..kinikilig ako!hehehe jonah sorry ngayon lang ako nakabasa ulit nagout of town kasi kami...hehehe

okay lang sis. haha. buti naman at nakahabol ka!


waaaaaaaaaaa!!!!!! may update na pala... sayang.. nahuli ako ng ilang oras... hehehe... ok lang!! nakahabol pa rin ako. hehehe.. nice update sis!! galing talaga! hehehe... pero ang eepal naman nung mga gurlz na nanlalait kay jini.. dapat sa mga un nililitson at pinapasakan ng apple sa pwet!! bwahahaha!!!
;D ::) ;D
go jini!!! carry mo yang party na yan!! hehehehe.. at ikaw kenjie tsupi ka na!! hahaha

nyaha. ang brutal mo naman. haha. at tsinupi pa si Kenjie. :P ;)


ang ganda. :]]
hahaha.
epal talaga 'yang tanya
na 'yan. hmmpf. :]]

thanks sis. :)


kilig! ;D grabe...kakatuwa si JR...
next na sis! ;)

up ko lang to sis. hehe. malalaman nyo din pag may update na. hehe ^-^



regiereg

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2993
  • Karma: +171/-26
  • waiting on the world to change....
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #297 on: March 23, 2008, 10:02:06 pm »

sabunutan mo sis! hehe... gusto mo i-extra kita para lang sabunutan sya. LOL. nyahaha.  :o


aba!sasabunutan ko talaga yang epal na yan...haha ;Deextra talaga ha...pwede rin..gusto ko yan...magtitimpi muna ako...pero once na may gawin siya kay Jini eh wala ng patawaran...

-xiArA-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3327
  • Karma: +225/-118
  • The one that got a way. <3
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #298 on: March 24, 2008, 08:35:06 am »
ang   kyut ni Jini   at JR..
akin na lang si Kenjie... :D ;D
.
Sometimes the right thing
is the hardest thing to do.

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Loving Darkness::. NEWREADERS PLEASE. Para mas masaya. =P
« Reply #299 on: March 24, 2008, 04:42:40 pm »
♥13♥
Post #4:


Joshua Rian Te: Will you be my girlfriend?


"Joshua! Can we talk? :-["

Nginitian ko si Jini.
Ang sarap nya talagang inisin no? Ako na ngayon ang nang-iinis sa kanya. ;D >:D

Sumunod ako kay Hayley. At nakarating kami sa room nya.
Napansin ko na antique ang madalas ang andito sa bahay nila. Napansin ko din ang isang librong luma na.
Bigla akong yinakap ni Hayley. ???


"Hey! Ang laki mo na ah!"
"Yeah! :)"
I'm still looking at the book.

"Joshua. Mag-aaral ako sa USM!"
"HUH? Hindi ka babalik sa America? ???"
"Hindi muna!"
"Good! 8) Ipapasok kita sa Camera Club."
"I wanna see you play soccer again."
" :-X Tsss. Alam mo naman na hindi ko ganun ka hilig ang soccer diba?"
"Hmmmm."
Nakayakap pa rin si Hayley sakin. Bakit kaya? We've been friends since highschool. And close kami. But she was never this intimate. ???

"I missed you."
She whispered.

*Krrrrriiiinnnnnnnnggg*

Cellphone ko yun! At tumatawag si... ??? Jini.


"Hello?"
"Hello? UHM. JR, aalis na ako ah! :'("
Malamya ang boses nya!
"HINDI! Mamaya na pwede ba? Sige ka! Pag-aalis ka-"
She didn't fight back! May nangyari kaya? Baka nagseselos na naman sya dun sa ex nya at kay Tanya?
"pag-aalis ka-mamamatay ako! >:D "
Asa ka! HAHAHA.
" >:( Asan ka?"
Binaba ko na agad. Nakita ko kasing masyadong nakikinig si Hayley.

"Sino yun?"
"Yun ba? HEHEHE ;)"
"Girlfriend? :-\"
Hindi ako nakapagsalita dahil napansin kong tumutulo ang luha sa kanyang mata! Bakit? Bakit?
Yinakap nya ulit ako.
"Wala ka pang girlfriend diba?"
"HUH? Girlfriend? Marami akong girlfriend nohhh!"
Well, she knows I'm a playboy!
"Seriously, I want you to take me seriously!"
Sabi nya yun sakin. GAAAAH. Ano to?

:o Bigla nya akong hinalikan. This isn't a normal kiss. I can feel her eagerness to kiss me. Syempre, westernized ang kanyang ugali. We can't expect her to be PAKIPOT or HARD-TO-GET. Pero, is she serious with this.

Habang hinahalikan nya ako. Nakita ko si Jini, nagtatago sa door. At of course, nakikita nya kami. Naramdaman ko ding hindi sya huminga nung nakita nya kami.
Parang, nafeel ng mga paa ko na kelangan kong...
Naramdaman ni Hayley na may ibang tao, kaya tumigil sya at nakita nya si Jini.

Tumakbo si Jini at sinundan ko sya. EWAN KO DIN KUNG BAKIT KO SYA SINUSUNDAN.
Well, she is going nowhere. Hindi sa living room kung nasaan ang party, kundi sa hindi ko alam na parte ng bahay nina Hayley.
Alam kong alam nya na sinusundan ko sya, pero bakit...


"Jini!"
Kinulong ko sya with my arms. ::) Hindi sya tumitingin sakin at namumula ang kanyang mga mata. PARANG DRAGON. Rawr.
"Will you be my girlfriend?"
Tumingin sya sakin at nanlaki ang mga mata nya!
Maganda sya ngayong gabe. Ang ganda ganda nya. I don't know kung kanina ko pa ba to naiisip o ngayon lang. ???
O baka naman, kanina ko pa to naiisip pero ayoko lang aminin. ARGH. Ano ba? Will you be my girlfriend? :o

Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko na nasundan din kami ni Heyley at ngayon, tinitingnan nya kami na parang nanonood sya ng sine.
Hindi parin nagsasalita ang babaeng-gusto-kong-maging-girlfriend.
Kaya, hinawakan ko ang kamay nya, at hinalkikan ko sya.

She tried to push me away but I pushed myself closer to her.

Naramdaman kung tumulo ang luha nya, kaya tumigil ako.

"Wag mo nga akong asarin!" SLAAAAAAAAAAAAP!  :-\Aray ang sakit nun ah!
Nag walk-out sya.
Naramdaman kong humina ang paglalakad nya nung nagKRUS ang landas nila ni Hayley. Si Hayley parang nagtataka pa.


"Wow. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sinasampal-sampal ka lang! :o"
Nanginginig ang mga bibig ni Hayley habang sinasabi yun. Alam kong she is faking it!

Si Jini, hindi pa nakalalayo samin.


"Jini!"
Huminto sya sa paglalakad at nakita kong pinunasan nya ang kanyang mga luha kahit nakatalikod sya samin.
"Jini ang pangalan ng girlfriend ko! Don't try to steal me from her because she will be sad! :P"
Ayokong saktan si Hayley. Pero, this is the least thing that I can do. KAIBIGAN ko sya. Matalik na KAIBIGAN. At kapag paiiralin ko ang pagiging playboy ko sa kanya..UGGHHH. Hindi pwede! Dapat friends lang kami.

Nagpatuloy na si Jini sa paglalakad. Buti na lang at hindi sya masyadong makulit ngayon. NAKU.


"Jini! Wag kang umuwi mag-isa! Hindi pa kita pinapa-uwi. You are not going home without me!"

SIGH. Ano ba tong mga nangyayari sakin? Bakit ba kasi nag confess ng love si Hayley. Yan tuloy nadamay si Jini.



« Last Edit: March 27, 2008, 02:21:25 pm by jonaxx »

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website