Chapter 6:Zahirah's POVMinsan nakakasawa ang buhay. Paulit-ulit ang nangyayari at lalo pang nakakasawa kasi alam mong uulit din bukas ang nangyari ngayon. Kailangan mong gumising ng maaga, maghanda para pumasok, makipag-siksikan sa tren, mag-trabaho, makinig sa sermon ng boss mo dahil pumalpak ka, makipag-usap sa pare-pareho ring klase ng tao, mapagod, umuwi ng bahay, manood ng tv, mag-pahinga. At bago ka matulog iisipin mo ano bang dahilan bakit ito ang buhay ko? May papatunguhan ba ang mga ginagawa kong ito? Masaya ba ako?
Eto na naman ako sa emo moments ko. Kadarating ko lang ng bahay at humiga ako sa kama. Lumipas na naman ang isang araw ng puro pagpapanggap ang ginagawa ko. Yup. Pagpapanggap. Nagpapanggap akong nagtratrabaho, nagpapanggap akong ndi nabobore at masaya ang ginagawa ko, nagpapanggap akong natutuwa sa mga client na kausap ko... buhay bakit ka ba ganyan? Pakiramdam ko isang araw na naman ang nasayang sa buhay ko.
So balik tayo sa emo moments...
Habang parang roller coaster na pinaiikot ang utak mo biglang papasok ang tanong na “tama ba ang desisyon kong ganitong klaseng buhay ang pinili ko?” Malulungkot ka, maalala mo ang mga bagay na nirisk mo at ni let go mo marating lang ang kinalalagyan mo. Maiisip mo mali nga ata... na sana hindi na lang ito ang pinili mo... papalubag-loob ka at sasabihin hindi okay lang “kaya ko ito”...
Suddenly bubukas ang pinto ng kwarto at itatanong niya...
“Kanina ka pa?” Abala talaga sa moment ko ang taong ito.
“Medyo.” “Kumain ka na? Magluluto ako?” Nilapag niya ang bag niya at naghubad ng polo. Tsh! May tao. Ninenerbyos sa hotness mo.

Jusmiyo tong best friend ko. Kailangan ba pinangangalandakan ang kayang magandang abs. Professional nga ugaling istambay pa rin kapag nasa bahay. Buti na lang sanay na ang lahat sa bahay na lagi siyang walang t-shirt. Okay lang hotness pa rin.
“Ndi pa. Sige bahala ka kung gusto mo di okay.” Sagot ko habang hindi inaalis ang mata sa TV. Kunyari. Bah ikaw ba makakakita ng sexy na lalake makakanood ka bang maige?
“Oh tara na magluluto na ako.” “Kailangan kasama ako?” sabay irap kay Justine.
“Sympre.” Tas nag-smile siya.
“Kailangan? Kailangan talaga?” Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sofa, pinatay ang TV at lumapit sa kanya.
“Namiss na nga kita buong araw pinapalayas mo pa ako.” Yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“Oy Oy ano yan pahalik-halik ka pa.” Kunyari pa akong ayaw pero kinikilig naman. Bakit ba ang sweet ng best friend ko?
“Sungit. Gutom na talaga ang darling ko.” Umakbay siya sa akin.
“Bakit kasi hindi mo ako hinintay wala ka tuloy kasamang umuwi?”“Kailangan aantayin kita?”“Oo hindi ka ba nag-aalala na baka mawala ako?”“Bakit ka mawawala?” I asked clueless.
“Baka may makita akong magandang babae?” “Oh di sumama ka. Pakialam ko.” I answered and pouted.
“Eto talaga. Wag ka ng magselos. Kain na lang tayo.”“Hindi ako nag-seselos? Bakit naman ako magseselos?” “Aminin mo na kasi, okay lang naman. Anong gusto mo pala corned beef, maling hmmm ano pa bang supply meron tayo?”“Bacon, tocino at chicken nuggets. Kung anong gusto mo okay lang sa akin.” Sabi ko naman. Hindi ko na sinagot yun pa-epal nyang tanong. Hahaba lang ang debate.
“Ikaw nga ang tinanong.” “Okay lang sa akin kung anong gusto mo.” Heto na naman kami, lagi nagatatalo sa ulam.
He rolled his eyes and raise an eyebrow.
“Why do you always ask me when I ask you? I said your choice.” 
Pikon.
“Maling?” Ang daming choice ano? Hirap pumili parang namili ka ng tinola, nilaga, sinigang o kare-kare.
“Di sige maling. Kaw naman darling pinapainit mo pa ang ulo ko.” “So galit ka na nyan?” Tarayan ko nga.
“Kailan ba ako nagalit sa'yo? Ang tyaga-tyaga ko ngang alagaan ka e. Sobrang kulit mo at ang tigas pa ng ulo mo.” He says habang nag-hihiwa ng maling at nagpapainit ng frying pan.
“Well sorry about that. May panunumbat?” “Kaw pa ang lakas mo sa akin e.” He smiled at me and winked.

Mapapailing na lang talaga ako at sasabihin sa sarili ko ang kasabihang “how can it be so wrong when it feels so right.”
Kumain kami tapos niyang magluto. Nakasaing na rin ako. Saglit na harutan, awayan, asaran, pikunan at natulog na rin kami. Ano kayang gagawin namin bukas?