Chapter 7. NotesFriday. Dati rati excited ako pag Friday na kasi it means kinabukasan Saturday na wlang pasok d ba?

. Pero ngayon hindi. Kaya andito ako ngayun sa school. Wla pala si Kim. Absent daw siya kasi wla pa naman masyadong klase. Kunin ko na lang daw ang mga requirements at assignments kung meron man. Punta kasi sila sa beach over the weekend. So it means mag iisa na naman ako ngayon. Haysss!!! Lunch Time na pala . Nothing significant happened ngayong araw. Tinamad na rin tuloy ako. Pupunta na nga lang ako sa locker ko para kumuha ng gamit.
Sis nagkabalikan na ba sina Pres at Abby?Tanong nung isang girl na nsa locker din sa kasma niya
Huh? Bakit mo naman nasabi?Kasi tingnan mo oh. Andun sila sa may gazeboo nag uusap.Eh ako naman itong si tsismosa tiningnan ung tinuro nung girl. At nakita ko ngang may kausap si JP na girl At mukhang close sila kasi nga magkahawak pa sila ng kamay nung girl na Abby daw ang name. Tsismosa talaga ako ano? Mana sa Mommy
Pero bakit naman babalikan ni JP yang Abby naman eh kilala naman ng lahat kung ano ang ugali niya d ba?Malay mo mahal talaga siya ni JP kaya pinagpasensiyahan na lang. Pero if I were JP d na ako makikipagbalikan pa sa kanya.Bakit kaya ayaw nila na magkabalikan ang dalawa? Hays.. hay naku Cassie wla ka nang pakialam dun. At bakit ba naaapektuhan ka ha? Hayaan mo na nga sila. Pero bakit parang ganun? Crush ko lang naman si JP d ba? Bakit parang mas lalong lumungkot ako? Umalis na yung dalawang girl na nag uusap d ko man lang napansin. Bago ko binuksan ang locker ko tiningnan ko ulit si JP at yung girl at syet!!!!!!nahuli ako ni JP na nakatingin sa kanila at nagsalubong ang tingin namin. Shucks naman nakakahiya obvious tuloy na nakikitsismis ako. Gosh!! Iniiwas ko naman kaagad yung tingin ko at binuksan ang locker ko. Kumuha lang ako ng mga gamit at dali daling umalis. Never na akong nag glance sa kanila. As in.
Since vacant ko pa ngayon dun ako tumambay sa may student center. Humanity ang next ko na subject kaklase ko sila JP. Bakit ba JP palagi ang nasa isip ko? Pwede namang sabihin kong "kaklase ko ngayon sila Carl or kaya sila Tristan" kainis naman oh. Mukhang mighty bond na nakakapit ang pangalan ni JP sa utak ko. Hindi kaya ginayuma niya ako nung kumain kami?

Oh my Gahd!!
Hoy!Ay palakang ligaw!!Hoy ka din. Ano ka ba Carl! Nanggugulat ka naman eh. Ngek si Tristan at si Carl pala. D ba naghihiwalay ang dalawang yan?
Saan besty mo? Ang lalim kasi ng iniisip mo ehWala eh. Absent may lakad ata sila.Ganun? Kaya pala nag iisa ka diyan. Pwede bang dito muna kami tapos sabay na lng tayong pumunta mamaya sa room?Oo ba. Sure! At ayun nakaupo ang dalawang tsekwa sa tabi ko.
Cass musta naman ang lakad niyo ni JP last time? OK lang kaso isa lang ang nakuha namin so maghahanap pa tuloy kami ng dalawa pa.Dalawa pa? Akala ko isa na lang.Oo nga Cass. I heard isa na lng ang hahanapin niyo. Bakit hindi ko alam yun. E di sana d na ako namomroblema noh! Kainis naman.
Ganun? Isa na lang pala. Eh di mabuti. I feel bad talaga.
Hi guys. Speaking. Andito na si JP. I don’t feel like talking to him. Nainis ako at ewan ko nga ba kung bakit. Dapat nga matuwa pa ako kasi d ba hindi na kami mahihirapan sa paghahanap.
Oi repa! D ba 1 banda na lang ang hahanapin niyo? Sabi kasi ni Cass 2 pa eh.Ahh. Oo nga pala Cass nakalimutan kong sabihin sa’yo 1 na alng hahanapin natin. Nakakita na ako ng isa. So, nag solo flight siya sa paghahanap.
Nag smile ako. Pero may gahd it was a fake smile.
Oh e di mabuti hindi na tayo mahihirapan solve na ang problem natin. Ang plastic ko.
Hindi may isa pa din. Mamaya after ng class hanap tayo ulit.Nope. Wag na tayo maghanap mamaya ng isa. Ganito na lang to be fair ako na lang ang maghahanap ng isa pang band since ikaw naman ang nakahanap ng isa d ba? Aba siya lang ba ang marunong mag solo flight.
Pero Cass kailangang kasama mo ako and it’s not your job naman talaga eh…. Huh! D ba ini assign niya sa akin ito. Tapos sasabihin niyang it’s not my job? The nerve. Hindi ko na siya crush. Ngayon lang!
No JP it is my job. I broke some school rules and I was given a sunction and I am very much intent on doing that sunction. Di ba ikaw mismo ang nagsabi that we should be responsible…Cass… That’s final JP. Sasabihin ko sa’yo sa Monday ang name ng band. Alam ko na nagulat sila sa inasal ko kasi biglang tumahimik sila Carl at Tristan. Patingin tingin lang sa amin.
You guys have an LQ? Ano daw LQ. Bakit magbf ba kami ng mokong na ito?
Hindi ah. Ayan sabay pa kami.
Kasi parang LQ eh. D ba repa? Sabay batok kay Carl. Uso talaga ang batukan sa kanila.
Oo na d mo ako kailangang batukan. Sabay batok din kay Tristan. My gahd d kaya sila mabubugok sa pinaggagawa nila?
Tumawa na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ako tumitingin kay JP. Asa pa siya. Tseee!!
Oi guys punta muna ako sa toilet. Excuse me ha. Bka kasi pati ako batukan niyo eh. hehehe. Ngumiti ako kina Trsitan at Carl pero hindi kay JP. Excuse lang yun ayaw ko lang kasi makasabay si JP.
Balik ka agad ah. Sabay na tayo umakyat malapit na kasi mag time. Hindi mauna na kayo baka kasi matagalan ako malelate pa kayo.Hindi sama na tayo. Ang kulit ni Tristan.
Mauna na nga kayo. Cge sa toilet na ako. Bye. Sabay alis.
Ewan ko ba. Bigla akong nainis kay JP. Kunsabagay dahil nga sa crush ko siya eh kailangan kung umiwas kasi nga may gf na yung tao. Baka saan pa mapunta ang crush na ito. Hayss…
Umakyat na ako sa classroom namin sa humanity mas earlier pa nga ako ng mga 5 minutes. Sakto naming nagbell nung dumating yung tatlo.
Cassie naman eh. Nauna ka naman eh. Nang iiwan ka eh. Ang daya mo.Anong madaya? At kasi naman po akala ko umakyat na kayo. Kaya umakyat na lang ako. Good afternoon class… ayan dumating na ang prof namin.
This course is about blah blah blah…Tapos nagsulat siya ng mga requirements namin at ang coverage ng buong course. Ako naman sinusulat yun kasi nga d ba binigyan ako ng assignment ng bestfriend ko? Pasaway kasi yun eh.
Nagsusulat ako nung may binigay na notel sa akin si JP.
Binasa ko naman
Cass, galit ka ba sa akin? Huh?? Ano na namang drama ito? Pero infairness ha ang lakas ng pakiramdam niya.
Hindi ah. Bakit naman?Sinulat ko dn sa papel at binalik sa kanya.
Kasi parang kanina mo pa ako d pinapansin. Awts nakakaramdam talaga siya. Sabihin niyo nga am I that obvious?
Hindi akala mo lang yun. Bakit naman kita hindi papansinin? May rason ba? Wla nga ba Cassie? In denial ka talaga. Bakit nga ba dinedeadma mo siya?
Wala naman.Wla naman pla eh. Bleeeeehhhhhhh!!!!Pagkakuha niya ng papel tiningnan niya ako tapos ngumiti. Kahit nakakamatay ang ngiti niya deadma pa din ako. Kasi I must not feel this way. Remember Cassie he’s taken. Nagconcentrate na lng ako sa thought na yun at kasama na din un ang AIDS (As if Doing Something) para lang d niya ako istorbohin. Nung labasan na nauna na ako sa kanila kasi nakikipagchikahan pa ang 3 sa prof. D na ako nagpaalam pa. Dumiretso na ako sa locker ko. And guess what I’ve found?
Another note at may tatlong peach mango pie ng jollibee.
Ang nakalagay sa note:
Bee Happy!! Always smile because who knows someone might be falling in love with your smile.
Take care!Hala alam niya talaga kung papaano buksan ang locker ko. Pero strangely hindi naman ako natatakot kasi wla namang importante sa locker na ito. In fact nakocurious ako sa nag iiwan ng note. And dahil nga curious ako sinagot ko ang letter niya
Iniwan ko ang note tapos nilagyan ko lang sa baba.
Ang panget panget mo!!!!!Hahaha. Ewan ko ba. TTinutupak na naman ako. Tama ba yun? Wla akong maisip na isagot eh. For sure kasi pag tinanong kung sino siya wla dn ako makukuha kasi nagpapamysterious yung tao at bakit ko ba ibbreak ang mystery kung dun siya masaya d ba? At least hindi lang si JP ang pagtutuunan ko ng pansin kasi may stalker ako. Hahaha. At mukhang masaya pa ako nang may stalker.