Sorry naman po kung late ang post ko nito. Kararating ko lang sa bahay galing bowling tournament. Luckily, we lost. hahaha.. Pero masaya naman kasi ang pogi ni Frans yung kateammate namin sa bowling na doctor at ang galing galing pa. At take note may sarili siyang bola (bola ba tawag doon?) .

Kinikilig tuloy ako!! Weeeee....Hahahaha....
Dami kong kwento... hahhaa.. Ito na. Ito na!!
__________________________________________________
Chapter 34. Ano ba talaga Kuya?March na. Malapit na ang graduation nila Tristan and Carl and yes... JP and they’re also busy. SO far 1 month na din kaming di nag uusap ni JP. Habang buhay ko na atang iiwasan ang taong yun. Hanggat makakaya iniiwasan ko talaga siya. At pag kasama rin ang barkada niya they make sure na wag I mention ang kaibigan nila kasi they knew that I would be upset. Masakit pa rin kasi tuwing nakikita ko siya. Hays.. Buti na lang maganda ako. Connection?

Madami nang nagbago sa akin. Marunong na akong magdrive tapos deans lister ako. Oh di ba? Palagi kasi ako sa library tumatambay kasi di naman pumupunta sila JP doon. At ang free time ko naman pag weekends nag aral akong magdrive. Ang gamit kong car ay ang service car ko dati. Di ko naman need ang bagong car. Pero gusto kong magpabili ng truck kay Mom. Pwede na siguro ang ten or sixteen wheeler truck or backhoe para pag nakasalubong ko ang car ni JP sa road eh sasagasaan ko na lang. Wahehehehe.

. Violent!
Andito na naman ako sa library, my official tambayan, gumagawa ng assignment na due pa 4 days from now. Naku sa sipag kong to di pa ba ako magiging deans lister niyan? Bestfriends ko na nga ang librarian at mga SA dito sa library.
Excuse me miss, pwede bang makishare ng table?Sure. I said na di man lang tumitingin sa pangahas na umupo sa table ko. Oo table ko to. Pagmamamy ari ko. Hehehehe. Anyway dededmahin ko na lang siya. Kung sino man siyang Pontio Pilato.
After 15 minutes….
Hanggang kelan mo ako iiwasan at di kakausapin? Ay takte! Istorbo naman to. Nag aaral ang tao eh. Ano daw??

Bigla akong napatingin sa pangahas na nakishare sa table ko. Holy Ghost!!!! Si JP pala ang kanina pang ka share ko sa table. As usual ang pogi niya pa rin. Walang kupas. Ano ka ba naman Cassie remember sinaktan at niloko ka ng lalaking yan. Wag mo nang pagpantasyahan.

Bigla kong kinuha at niligpit ang mga gamit ko. Pero bago pa ako makatayo, hinawakan na niya ang braso ko.
Cassie, pwede bang mag usap tayo? Please…..Hindi ba niya alam how much pain it cost me just seing him? Tapos mag uusap pa kami? Gusto ba niyang tadtarin talaga ang puso kong sugatan na at duguan pa?
Patawarin mo na ako Cass… Alam kong kasalanan ko ang lahat. Buti alam mo!
Kahit anong gusto mo gagawin ko patawarin mo lang ako. His voice broke. Gusto ko siyang tingnan para makasure kung umiiyak ba talaga siya o hindi pero pinigilan ko ang self ko. No way! Subway!
Please Cass… Mahal na mahal kita.. Nahihirapan na ako. Di ko naman talaga gusto si Emilie eh. Masyado lang siyang persistent. Oooohhhh please don’t give me that bullshit.
Ikaw talaga ang mahal ko. Talaga lang ha.
Di ba sabi ko sayo ikaw ang papakasalan ko. Di mo ba ako pinaniwalaan noon? Dati oo pero ngayon hindi na. Neknek mo! Lolokohin mo pa ako. Di mo na ako maloloko oi.
Makipagbalikan ka na sa akin please… Loves… Please…. Lumuha ka man ng dugo di na ako makikipagbalikan sayo.
Loves kausapin mo naman ako. Magdusa ka.
Gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo para mapatawad mo lang ako. Lumuhod ka. Yun ang gusto mo eh.
Ay takte. Lumuhod nga. Shet! Nagtinginan ang mga tao na alam kong kanina pa nakikiusyoso. Anong gagawin ko? Ok Cassie don’t panic. Walang sunog. May lumuluhod lang sa harap mo. Be calm. Breathe in, Breathe out. Yan. Good girl.
Siempre akala niya bibigay na ako dahil sa luhod luhod effect niya? Hindi noh. Hayaan mo siyang gawin kong anong gusto niya. Ginusto niya yan di ba? So mga 10 minutes na siyang ganyan at ako naman ay nagscribble ng 8 sa notebook ko. Unending talaga ang number 8 ano?
Maya maya dumating ang princess in shining armor niya.
JP!! What the hell are you doing? May pagkatanga din si Emilie ano? Alam naman niyang lumuluhod nagtanong pa.
Why did you let him do it?Gusto niya eh.You are cruel. Tara na JP. Stop this nonsense. And so the Princess in shing armor drag ng knight in distress. Hahhahaha.

After they left. A tear fell from my eye.

__________________________________________________
Sorry kung boring ang update.