As promised. 3 chapters in a row.

_________________________________________
Chapter 29 CountdownPasko na sinta ko, Hanap hanap kita…..Pinatay ko ang alarm ng cp ko. Oo alarm yun ng cp ko at December 24 na. Ilang oras na lang pasko na. Ang bilis ng panahon. Hindi pa tumawag si JP para batiin ako. Babatiin kaya niya ako?
Syempre naman. Kinekeep naman niya ang promise niya palagi. Yun nga lang ang promise niya na araw araw tatawag eh naging every other day tapos lately once a week na lang. Pero di naman ako galit or nagtatampo or whatever kasi alam ko naman na busy yung tao at mahal ang tawag noh. Di nga? Di ka nagtatampo Cass??
Ok. Ok. Fine. Nagtatampo kunti. Konti lang. Wag mo gawing big deal. Tsk tsk tsk.
Maaga akong gumising ngayon kasi bibilin pa ako ng gift para sa family ni JP. Hehehe. Close na kaya kami. Doon nga kami magpapasko ni Mommy sa bahay nila JP mamaya eh. Oh di ba close na kami.
So anyway pumunta ako ng mall at namili ng gift para kay Mom at sa family ni JP. Yung sa mga friendship naman namin nabigay ko na last week nung christmas party namin.
Fast forward…..
7PM
Honey…. Tapos ka na ba? Malelate na tayo. Yes mom. It’s still early. Ano ka ba Ma! Pababa na ako. Hay naku kahit kelan ang mom ko talaga palaging early.
So anyway pumunta na kami sa bahay nila JP. Hindi ko naman first time makapunta dito kais dinadala ako dito ni JP noong andito pa siya.
Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong kami ng buong family ni JP. Siya na lang talaga ang kulang. Hays…
Kita mo nga oh. 8PM na wala pa din tawag from him. Nakalimutan kaya niya na Christmas ngayon?
Nagbatian at nagbeso beso na kami.
It is such a pleasure that you’ve agreed to celebrate Christmas with us mare. Sabi ni Tita Cynthia. Yes mare na tawagan nila. Gosh!
The pleasure is ours mare. Considering na dalawa lang naman kami ni Cassie ang magcecelebrate eh mas mabuti nang I spend namin with you para mas masaya.Pamilya na rin naman tayo kaya dapat lang that we spend holidays together. So tara pasok na tayo. Sabi naman ng Dad ni JP.
Nagkakasayahan na sa bahay nila JP. Nag uusap usap sila ako naman kunyaring nakikinig at sumasagot naman pag tinatanong pero lumilipad ang isip ko sa US. Ano kaya ginagawa niya ngayon?
May nagbigay kaya sa kanya ng gift?
May bumati ba sa kanya aside from me?
Binati ko siya kanina nagtext ako pero di naman siya nagreply. Baka natraffic ang message kasi nga pasko di ba?
Tapos naka off kanina phone niya.
Kinuha ko ulit ang phone ko and I dialled his number. Tapos biglang may sumagot. Gosh! Babae……
The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please……

Ay damnit… kanina pa. Buti pa ang babaeng yan sinasagot ako pero si JP hindi. Ano na kaya nangyari doon?
9:30PM. Ni text wala.
10:00PM Nakalimutan na niya talaga ako.
10:30. I dialled his number again. Same pa din. Ang babae pa din ang sumasagot. Di ba siya napapagod at paulit ulit ang sinabi niya? Nababaliw na ako.

11:00. JP!!!!!!!!!!!!!!!!!! Why have you forsaken me!!! Awts ang drama.

11:15 Pumunta ako sa balcony ng bahay nila JP para pagsapit ng 12 makikita ko ang fireworks. Meron daw fireworks sabi kanina ng Mom ni JP.
11:30 Tatawagan ko kaya siya ulit. Makakasingit kaya ako? Di bali na tatawagan ko pa din siya. Tinawagan ko. Please naman JP, Answer naman the phone. Batiin mo naman ako please!

Di complete ang Christmas ko kung wala ka man lang kahit isang Merry Christmas.
11:45 Ay!!!!!!!!!!!!!!! Tangna naman JP!!

Pag di mo ako babatiin ngayon. Makikita mo!! Ay Di mo na ako makikita.

Baliw na ako. Wala na talaga. Nakalimutan na niya talaga ako. Geeeehhhh! Naiiyak na tuloy ako.

11:50 Balik na lang ako doon sa dining para at least di naman ako mukhang kawawa dito nag iisa sa pasko. Pero baka magtext siya at walang signal sa living rooom nila.
11:55 Seryoso na to. Nalulungkot na ko talaga. Imagine! First Christmas na kami tapos ni isang bati wala akong natanggap from him. Give love on Christmas day nga di ba? Eh bakit di niya maiparamdam sa akin ngayon yun? Malayo na nga siya eh. Kahit text na nga lang ok na sa akin.
11:56 Nawalan na ako ng pag asa. Buti pa ang stars nagsashine. Ako ito. Walang kakulay kulay at walang kaliwaliwanag ang Christmas.

11:57 ….
11:58 Last call ko na to.
The number you have dialled……11:59
Merry Christmas Cassie. Merry Christmas JP. And my tears started to fall……I feel so alone……
Tsk tsk… Ano ba yan! Paskong pasko umiiyak!