^ hay nako Star. :p
ABNORMAL NGA KASI SI DENNIS. (:
hahahahahahaha. 
NINETEEN.{ Dennis’ POV }*PAK*Yup, she slapped me.
Real hard. Feeling ko hanggang bukas pula parin ‘toh.

Pero what the hell, I deserved it. Tinaas niya ulit yung kamay niya. Suntukin niya man ako, okay lang. Maling mali naman yung ginawa ko sa kanya.
Umalis ako nga ganun ganun lang… Sino ba naman ang matutuwa sa ka tangahan ko. Hindi ko rin makakalimutan yung time na nalaman ng grupo yon…
{ Flashback }“Ihatid niyo na yan.” Hinawakan ni Sheila yung ulo niya na para ‘bang hindi malam kung anong gagawin.
“Kelan ba kasi natutong uminom yan?! At pano bay an nakapasok sa bar na yon?!”“Hindi ko alam. Wala kaming alam! D@mmit!” Akay-akay ako ni Chris, habang nakikipag-debate si Dom kay Sheila.
“Ba’t ba kasi kami sinisisi mo!”“Tumigil na nga kayong dalawa jan!” Hindi pa si Chris at Sheila nung mga panahong yon…
“Shei. Nagpapanick ka na. Ihahatid natin siya pauwi. Na-traffic lang si Manong. Saglit nalang, okay, calm dow—““Pano kaya ako hindi mag papanick?! Tingnan mo nga itsura niyan?! Ngayon lang naglasing ulit yan!”
“TAPOS NA, OKAY, TAPOS NA. Wala na tayong magagawa. Lasing na siya, that’s final. If there was anything that we could have done, we would have done it. Alam mo naman sa dami ng kaibigan ng Dennis nay an, eh kung san sang ka-g@guhan na napapasok yan. Tumigil na nga yan ‘eh. Ngayon, bumabalik nanaman. Swerte nalang natin, dahil cinontact kaagad si Chris nung kaibigan niya. Ngayon, kung mag papanick ka lang jan, walang mangyayari.” Umiyak na si Shei. Yinakap naman siya ni Dom.
“We’ll work this out.”Lumapit naman si Shei sakin, tapos hinawakan yung pisngi ko.
“Denz, uuwi ka na namin ha? Tinatawag lang ni Dom yung driver niya. Medyo traffic lang, pero don’t worry.” Nag-aalala na talaga siya nun. Ganyan lang talaga yang babaeng yan. Kaya naman inlab na inlab na jan si—
“I love you ILY!” [Eely] Napatingin yata silang tatlo sakin nun. Kung anuanng mga salita na yung lumalabas sa bibig ko, dahil nga lasing ako.
“Sino si ILY?!”“Malay ko, wala naming sinasabi samin yan.”“Baka yun yung dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.”Tatayo na yata ako nun, nang biglang nanghina tuhod ko.
“Holy~! Wag dito Dennis!” Naduwal ako ng konti, pero buti naman at hindi natuloy. Hilong hilo pa ako ng mga oras na yon, at walang ibang nasa isip ko. Siya lang.
“That’s your car, right?” Tinuro ni Shei yung kotseng paparating.
“Yeah.” Stinop naman ni Dom. Inakay na nila ako paloob, tapos nag drive na yung driver papunta sa bahay namin. Naguusap silang tatlo tungkol sa kung anuanong bagay, at ang naalala ko lang ay yung pinagsasabi ‘kong I love you kay ILY. At kung anuano pa…
“Put@ngin@! Mahal kita!” Tinaas ko yung kamay ko, tapos bumagsak din. If I’m not mistaken, yan yung time na tumba na talaga ako, at tuluyan nang umiyak si Sheila. Huuling narinig ko nalang ay si Dom…
“Hahanapin ko yang ILY nay an Dennis… Don’t worry brad… Don’t worry…” { end of Flashback }Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan yung pinagsasabi niya, hindi ko na rin naman sa kanya tinanong yon. Hanggang ngayon, hindi parin namin pinaguusapan yung tungkol doon. Hindi nila alam kung sino si ILY, at nagulat nalang sila nang malaman nilang si Jeanne yon.
Lahat ginawa ko para iwasan yung topic, pero ngayon, kaharap ko na mismo yung rason ng mga pangyayaring yon.
“Sorry Jea—““Hindi kasi SORRY yung word na makakapagbago ng mga ka-t@rantaduhan mo. Pero kung tutuusin, sorry nga dapat talaga yung word na gamitin mo. Pero… Hindi ko na yata kayang tanggapin yang sorry mo. Ay letch. Ang gulo.” Pinukpok niya yung ulo niya na parang bata.
“Please Jeanne…” Naglakad na siya papalayo.
“Don’t bother following me, malapit na bahay ko.”Tinawag ko parin siya,
“Jeanne!” “Dammit Dennis! Give me time to think!” Tumakbo na siya papalayo.
I will… I will give you time…
If faith approves.
{ end of POV }XOXO
“Puffy eyed ka nanaman.” Tiningnan ko ang napakagling ‘kong kapatid na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Tinalikuran ko siya, tapos pinunasan ko yung buong mukha ko.
“Umiyak ka ‘noh?”Pumasok siya, tapos sinara niya yung pintuan.
“Hinde ah.” Hinarap ko siya, tapos ngumiti naman ako.
“Talaga lang?” Nagtaas naman siya ng kilay.
“Boogs, ang hina ‘mong magsinungaling.”Kilala talaga ako nito. Tinuro ko naman yung mukha ko.
“Ganun ba talaga ka obvious?”Lumapit siya, tapos umupo sa kama ko, katabi ko na siya.
“Hindi naman, maganda ka parin naman.” Ngumiti ako sa kanya, wala ako sa mood para bumanat, kaya tumawa nalang ako.
“Ano nanaman ‘bang kailangan mo? Oo na, sige na, gwapo ka na.”Tumawa naman siya.
“Maganda ka naman ha?”“Ano ngang kailangan mo? Milagro naman na tatawagin mo akong maganda.” Oo, pag tinatawag niya akong maganda, may kailangan siya sakin. Si Kuya talaga, basang basa ko na.
“Teka, lemme’ think.” With matching turo-turo pa sa mukha yan ‘ah? Hahaha.
“Siguro, eto lang yung kailangan ko.” Hinatak niya ako bigla, tapos
yinakap ako.
“K-ku—ya?“ @___@ Teka, yinakap ako ni Kuya Kyle. Bago yun ‘ah?
“Nakakapanghina ka kasi tingnan pag umiiyak ka. Para ‘kang aso na tinapakan.” Tumawa naman siya. Loko talaga ‘toh.
“Jeanne. Pwede mo naming sabihin sakin ‘eh.” Napayakap na rin ako sa kanya. Hindi ko na maalala kung kailan niya ako huling yinakap, yung, yakap talaga? Mabibilis lang, pag nagkukulitan kami, pero yung huling yakap niya sakin na talagang masasabi mong yakap… Matagal na. Batang bata pa yata ako nun. Hindi ko naiwasang maluha… Actually, naiyak na talaga ako.
“Sige, labas mo lang.” Hinimas niya yung likod ko.
“Kuya-a… Bakit ba g-ganon sila?” Umiiyak na talaga ako nun. May hikbi hikbi pang nalalaman. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko sa mga lalakeng yan, peste.
“Anong ‘ganon’?”Hinimas niya yung buhok ko, sinandal ko naman yung ulo ko sa kanya.
“Subukan ‘mong tuluan ako ng sipon, babatukan kita.”“K-kuya naman e-eh…”Umayos na kami ng upo. Binigyan niya ako ng tuwalya, para punasan ko yung mukha ko. Nung medyo kumalma na ako, kinuwento ko na sa kanya lahat.
LAHAT,
as in lahat. Simula nung kung pano kami nagkakilala, hanggang sa nangyari kanina. Hindi niya ako sinumbatan, pinagalitan, o sinermonan. Hindi niya ako sinabihang ‘tanga’, o ‘mahina’, o kung anuano pa. Nakinig lang siya, tapos ngtanong ng isang tanong nung matapos na yung lahat…
“Jeanne… Mahal mo pa ba?”Hindi ko maiwasang maiyak ulit.
“Kuya, hindi ko alam.”continued...
BONUS! BONUS! BONUS!
Bibigyan ko kayo ng chance na magtanong ng kahit ano sa kahit kaninong character.
Kahit si Jeanne, Chris, Dom, Dennis..
Kahit si Gino pa yan, or yung Mommy ni Jeanne.
Kahit sino. (: Yung mga tanong, siyempre, dapat yung hindi pang spoiler.
Pero t-try naming sagutin lahat ng mga tanong ninyo. XD Okay?
Pero, comment muna kayo about the story. Hehehehe.
Thankiiiies~
Bale, ganito..
- Pipili muna kayo ng CHARACTER na pagtatanungan ninyo.
- Then, you may ask a question.
(Maximum of 2 questions only.)
- Wait for the reply.
(Siyempre, depende sa question yung reply.
Baka ma-spoil yung story pag sinagot ko lahat.
Hehehe.
So, try to be careful with your questions. :] Hahahaha.)
Sige na, magtanong na kayo. 
(Questions are valid till the next chapter.)