Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: Ugly But Pretty Swan (Poster on Page1) - Chapter 51 [Updated: 03-15-09]  (Read 107486 times)

inluvagal_08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2916
  • Karma: +134/-114
  • you will always be my prince =)
    • My Blogsite
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #45 on: December 18, 2007, 07:11:59 pm »
Thanks. Ilang stories na ba nagawa mo?


medyo marami na rin.
10 i think or more. HAHA.
welcome btw.
what could be the
FORTUNE of that
CHICKBOY? ___

curious.soul92

  • Guest
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #46 on: December 18, 2007, 07:17:47 pm »
Nice update. Anyway, to Daniel, "the more you hate, the more you love".

blue_berry

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 970
  • Karma: +97/-44
  • NIKAYOOOO.
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #47 on: December 18, 2007, 08:00:45 pm »
KUYA JIMEL! Grabe, di ko kinaya! KILIGGGGGGGGGG!  8) Dali, yung kasuod na! ::)
Keeping you safe is beginning to feel like a full time occupation that requires my constant presence.
- EDWARD CULLEN


Dakilang Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 5128
  • Karma: +709/-32
  • xJIMELx
    • Kulay Forum
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #48 on: December 18, 2007, 09:37:23 pm »
Grace: Thanks ulit sa support.

Emily: We'll see what Daniel is going to do in thex next chapters ;)

Nika: Hindi ba kinaya ng powers mo lol

blue_berry

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 970
  • Karma: +97/-44
  • NIKAYOOOO.
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #49 on: December 19, 2007, 10:42:12 am »
^haha. ;D hindi talaga! dali, next na! :D
Keeping you safe is beginning to feel like a full time occupation that requires my constant presence.
- EDWARD CULLEN


allaroundprincess

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2508
  • Karma: +399/-173
  • CC Queen Bee | Beta EC
    • A second look...
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #50 on: December 19, 2007, 11:29:43 am »
KILIG AKOOO SHEEEEEESH ;D
next na po please? pretty please?
kilig talaga ako kay Chris... ;)
If we could PARTY all night
And sleep all day
And throw all of my problems away
My life would be eaaaaaasy
My life would be eaaaaaasyy

angeline116

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2490
  • Karma: +129/-30
  • Sshh.
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #51 on: December 19, 2007, 01:18:06 pm »
huwwweeeet. neeeeexxxxxxxtttttttt..

wala naman. lolz ::) ang drama naten itech :D jowk.

*ehem*

kelan po ba ang next update? baka mamaya magrampage ay este magwala maluha na ang mga mata ko sa kakahintay :D

1 down and 1 to go ::) ayshush naman, sa dinadami ng pedeng magustuhan si Daniel pa? lolness...wait--diba si Chris Tiu true to life yun? ??? i mean yung name. weh. wahaha.

PS. pakiramdam ko bumilis ang flow ng story, o ako lang yun dahil naghahabol ako? weh. tubeeg ;D
I am Pinay Aussie.

joewhana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 585
  • Karma: +97/-37
  • black out
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #52 on: December 19, 2007, 02:49:10 pm »
Ganda ng characters! I'mma read it. You're Dakilang Procrastinator of Luna diba? I'm Joanna pala of Luna also. ;)
Where is it? Where is the thump-thump? :]

Dakilang Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 5128
  • Karma: +709/-32
  • xJIMELx
    • Kulay Forum
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #53 on: December 19, 2007, 04:05:59 pm »
Wow, I'm here again. YAY time na naman and to post a new update on this Kilig Love Story hehehe.... Hindi ko kayo matiis, pati ako kinikilig din sa kalokohan na sinusulat ko. Sana ituloy niyo pa rin ang support sa story. Thanks talaga sa lahat na nakaka-appreciate.

Nika: Heto na nga eh ;D Cool ka lang lol.

allaroundprincess: Thanks. I'm posting it right now.

angeline116: Mabilis ba? Nababagalan nga ako eh lol. Yup, the Chris Tiu as in the basketball player. Thanks sa support.

joewhana: Thanks for the compliment. Yup, that's me. Keep supporting the story. Kakakilig ito hehehe....


Chapter 6

Daniel’s car

Daniel’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pagkalabas namin ng hospital, napakatahimik ni Chris. I get the feeling na may nangyari dun na hindi ko alam. Should I ask him?

“Bro, ok ka lang ba?”


“Huh?” he said with uncertainty.

“Bakit ka ganyan? Ano ba nangyari?” Nag-alala ako pero deep inside gusto ko talaga malaman kung ano yung na-miss ko.


“Ah, wala yun. Teka, anong ginagawa mo dito?” Tumingin siya sa akin na para bang nagtataka tungkol dun sa nangyari kanina.

Alam ko naman na ayaw ko kay Nicole para sa kapatid ko. Sino ba naman ang makakatiis na mapapunta ang kapatid ko sa babaeng ubod ng pangit? I don’t want to accept that fact! I just can’t!

“Ah, wala naman. Sinundan lang kita kasi baka kung saan ka na pumunta.” Yun na lang ang  nasabi ko sa kanya. Ayaw ko naman mag-away na naman kami. Gagawa na lang ako ng ibang paraan para mapabagsak yang si Nicole para tigilan na niya ang kapatid ko!


Chris’ POV

Hay…. This is not what I expected. Akala ko masasabi ko na sa kanya. Siguro, next time na lang pero gusto ko pa rin mag-stay sa room niya para mabantayan man lang siya. Is it just me or nag-smile siya nung nakita niya si kuya? Siguro guni-guni ko lang yun.

“Bro, ok ka lang ba?” Tanong ni kuya. Nagulat ako sa tanong niya.

“Huh?” Yun na lang nasabi ko kasi hindi ko naman alam kung ok naman talaga ako.

“Ah, wala yun. Teka, anong ginagawa mo dito?” Yan ang sumagi sa utak ko. Bakit nga ba siya nandito? Pagkatapos niyang lait-laitin si Nicole, I just don’t understand why my brother is here. Daming tanong pero walang kasagutan.


“Ah, wala naman. Sinundan lang kita kasi baka kung saan ka na pumunta.” Napansin kong may halong pagkukunwari ang tanong niya. I know something is behind this but I can’t pinpoint what it is.

“Kuya, uwi na tayo, masama ang pakiramdam ko.” Talaga naman eh. Dalawin ko na lang si Nicole bukas or tawag ako kay Natalie mamaya.


“Ah ganun ba, sige.”

Pagdating naming sa bahay, nakita ko si Daddy na nagbabasa ng diyaryo sa terrace habang nagkakape.

“Oh, napaaga yata kayo…”

“Kasi itong si Chris, masama daw ang pakiramdam.”

Nagdere-derecho lang ako papasok sa loob, ni hindi ko na nilingon sina kuya.

“Anong problema nun?” Pagtatakang tanong ni Daddy.

“Masakit yata ulo ni Chris. Sundan ko lang.”

“Mabuti pa nga.”

Pagpasok ko sa kwarto ko, higa agad ako sa kama ko. Pero hindi pa natatagalan ay may kumatok.

“Chris….”

Si kuya ba yun? Ano na naman kailangan nito?

“Ano yun?” Sumigaw ako para hindi na siya pumasok.


“Pwedeng pumasok?”

Ano daw? Bakit naman niya gusto pumasok?

“Mamaya na tayo mag-usap. Masama pakiramdam ko.”


“Sige, tawagan mo na lang ako.”

Salamat. Umalis na din.

Ilang minuto na din akong nakatitig sa kisame, binabalik-balikan ang mga nangyari sa hospital. Nakakaramdam pa rin ako ng takot na baka isang araw, mawala na siya ng tuluyan sa piling ko. Ano kaya ang pwede kong gawin para mapigilan yun?

Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Nicole? Hindi ko maipaliwanag. I don’t even know her that much pero ganun na ako ka-affected. Inlove na ba ako sa kanya? Pero paano nangyari yun? Still, so many questions without answers.
 
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip.




Nicole’s recovery room

Nicole's POV

“Sweetie, you should eat something.” Si mommy, inaalok na naman ako ng pagkain. Katatapos ko nga lang kumain tapos heto na naman. Baka naman mabundat na ako niyan.

Nakita ko lang na tumawa si Tito Henry.


“Honey, baka naman busog na si Nicole. Mamaya mo na lang alukin.”

“Nagpaluto pa naman ako ng pansit, di ba favorite mo ito?” Nakatitig lang sa akin na parang hindi ako pwedeng tumanggi.

“I should get going.” Yun lang ang narinig ko kay Natalie. Kung sa bagay, kagabi pa yata siya dito, dahil sa kakabantay niya sa akin. I’m so relieved dahil ayos na kami. Ayaw ko na bumalik yung treatment naming na dati na para kaming aso’t pusa. Gagawin ko lahat para hindi na bumalik yun.

Papalapit sa akin si Natalie.
“Baka, bukas na ako makabalik. Sa bandang hapon.” Kitang kita ko sa mga mata niya ang sincerity niya.

“Ah ganun ba. Ok lang. I feel fine naman so don’t worry about me.” Sabay pitik sa forehead ko.

“Aray! Masakit kaya yun.” Naguluhan ako sa ginawa niya.


“Feel fine ka diyan! Magpahinga ka ng mabuti.” She sounds like a very concerned sister. I think I’m going to love this, who doesn’t?

“Honey, anong sabi ng mga pulis?” Si mommy ang nagtanong. Nagtataka ako kung may bakit may pulis na napasama sa usapan.

“Wala pa daw lead. Pero nandun sila kung saan nangyari yung aksidente.” Confused pa rin ako sa pinag-uusapan nila.

“Aba! Dapat na makulong lang kung sinong demonyo ang gumawa niyan!” Halos mapatalon ako nung biglang nagsalita si Natalie.

“Anong meron?” Naitanong ko sa kanila para magkaroon ng kasagutan ang kaguluhan sa utak ko.


“Nagpunta kami kanina sa police station.”

“Police station? Bakit po?” Naguguluhan pa rin ako.

“Hindi biro yung ginawa nila sayo. Attempted murder.”

“Ah, yun po ba.” Ay oo nga pala, against the law yun. Maling pumatay ng tao sa kahit ano pang kadahilanan. Hindi ko rin naman alam kung bakit may gustong kumitil ng buhay ni Natalie. Although she’s mean, but overall she’s not a bad person. I believe naman na every person has a dark side.

“Ibukas mo lang lagi cellphone mo, Natalie. Tatawag na lang kami ni mommy mo sayo.”

“Sige po, Dad. Bye Nicole.” Kumaway siya sa akin, kumaway din ako.

Mayamaya, napansin ko si Mommy na may binubungkal sa bag niya.


“Honey, anong ginagawa mo?”

“Alam ko nandito lang yun. Dito ko yun nilagay kanina.”

Nagtatalon si Mommy nung nakita niya yung hinahanap niya sa bag.

Inabot sa akin ni mommy.
“Ayan, kainin mo ito.” Isang bag ng mansanas ang nakita ko. Ano ba naman itong si Mommy, hindi naman siya makulit.

“Ayaw mo ba? Oh sige, ipagtatalop na lang kita.” Hay si Mommy talaga, hindi makaintindi.

“Honey, umupo ka dito sa tabi ko. Hayaan mo muna magpahinga si Nicole.” Sabay nagpout si mommy. Kakatuwa talaga sila. This is what I call family. Sana buhay pa si tatay para masaksihan niya ito. Alam ko naman na happy din si tatay para sa akin.

After a couple of minutes, biglang bumukas ang pinto.


“It’s time to check up on you.” Sabi ng isang nurse.

Kinuha nila yung blood pressure ko tapos chineck din yung vital signs ko.


“Nicole, bili lang ako ng dyaryo.” Mukhang nabobored yata si Tito Henry. Kung sa bagay, he’s a businessman. Tapos si Mommy naman, busy sa pagtatalop ng mansanas.

Nagulat na lang ako ng may ibinulong yung nurse sa akin.


“Swerte mo naman.”

Ano daw? Swerte pa ba yung nasaksak ka. Try mo kaya. Hmmmppphhhh!

“Gwapo naman ng boyfriend mo.” Yun ang narinig ko sa kanya. I’m not even sure kung yun nga ang narinig ko.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” Pati ako nagtataka. Nung lumipat ako sa Fitzgerald mansion, madaming nangyayari weird sa paligid ko. I can’t even explained it.


“Yung boyfriend mong si Daniel Tiu, dumalaw dito.”

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng nurse na ito. I know na nagpunta dito si Daniel kanina pero bakit naman nila iisipin na boyfriend ko si Daniel.

“Pero---” Hindi pa rin ako makapaniwala.


“Naku, don’t worry. Kung itinatago ninyo pa sa public ang relationship ninyo, ayos lang yun. Hindi ko naman ipagkakalat.” Biglang singit ng nurse. Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Hmmmppphhh!!!

Ano daw?! Me and Daniel. Kinilig ako dun in fairness pero hindi eh. Hindi ko siya boyfriend. Hay naku, Nicole, asa ka na naman. As if naman papatulan ka nun. Kuto nga tingin nun sayo. Kulang na lang eh tirisin ka niya ng pinong-pino.


“Pero one favor lang, Nicole.” Nababakas ko na may mangyayaring hindi maganda kaya kung pwede lang eh magdisappear na ako at this moment.

“Ano po yun?” Naiilang kong sagot sa kanya.

Inabot niya sa akin ang isang picture ni Daniel.


“Hingi mo naman ako ng autograph. I know naman na hindi ka niya matatanggihan.” She said with her eyes glowing.

Diyos ko?! Ano ba naman ito?! Ako nga hindi makalapit dun na hindi minamata eh ikaw pa kaya.

“Kasi ano….” Nag-iisip ako kung paano ko ihahandle ang ganitong situation. Actually, never ko pa maexperience ito.

Bigla na lang niyakap ako ng nurse. Ikinagulat ko yun. Hindi pa nga ako nakakapag-explain ng maayos eh bigla siyang magrereact ng ganun.


“Thank you talaga, Nicole. Bagay na bagay talaga kayo.” Nagblush ako sa sinabi niya.

“Don’t worry, lagi naman ako dito sa fifth floor. Lagi din kita pupuntahan para makita ko din si Daniel.” Hala naloka na ang nurse na ito. Naku nurse, wake up! Kung kilala mo lang si Daniel.

Pagkaalis ng nurse ay siya namang paglapit ni mommy sa akin. Inaalok na naman ako ng mansanas na tinalupan niya.


“Oh kain ka na. hinugasan ko na rin yan.” Si mommy naman talaga, gusto yata akong tumaba.

“Sweetie, what’s that in your hand?” Hala! Nakita ni mommy yung picture ni Daniel! What should I do? I’m really freaking out. Think Nicole think. Kaya mong lampasan ito.

Hinila ni mommy yung picture. Nilabanan ko yung hila niya kaya lang hindi ko kinaya. Aba naman, may pagka-amazona pala itong si mommy hahaha… Pero ano na lang iisipin niya, lagot ako.

Napapikit na lang ako nung nakita ni mommy yung picture ni Daniel.


“Wow naman sweetie, I didn’t know that you’re dating Daniel.”

Because I'm not really dating Daniel, that's the truth. Pati ba naman itong si mommy eh ang lakas din ng trip sa buhay. I just wish mag-disappear na talaga ako.

“So eat this while I’m calling Daniel’s mom.” Napanganga ako sa sinabi ni Mommy.

Syet! Why is she going to call Daniel’s mom. This is horrible, really horrible!!! Someone help me. Pleeeeaaaassssssssssseeeeee!


“Teka, ano bang number nun?” Hinahanap ni mommy yung number.

Pinilit kong bumangon pero itinulak ako. Siyempre, natumba ako. Sabi ko nga sa inyo na may pagka-amazona itong si mommy.


“Hello, mare!” Hala patay na! Magkausap na sila. I should do something bago pa lumala ang sitwasyon.

I stretched my arm to reach her cellphone pero hindi ko naabot. Tinakluban ni mommy bibig ko.

Hay, I’m so screwed :-[


“Oh mare, napatawag ka yata.”

“Hay naku, Mrs. Tiu, may nadiskubre ako.” Giggle ng giggle si mommy na para bang may chismis na nasagap. Mommy naman, wag naman ganyan. It’s wrong to gossip, don’t you know that?

“Ano naman yun?”

“I found out that your son Daniel and my daughter Nicole is dating.” She said with excitement.

Oh no! We’re not dating! I swear, and yung picture hindi sa akin. Dun yun sa isang nurse.


“Oh really, that’s good news. I heard that Nicole is a really smart girl.”

“Siyempre naman, mana sa mommy niya.” Tumawa ng napagkalakas-lakas si Mommy na para bang wala ng bukas.

“My husband told me that she’s one of the top 5 students in the university. This girl is good for my son. I’m sure of it.”

“So we should settle a date for a family dinner to talk about your son and my daughter’s future.” Kulang na lang eh sumabog si mommy sa sobrang saya.

Did she say future? Oh no! Anong ibig sabihin nun? Wag sana kung ano man yung iniisip ko.


“Well, it’s settled then.”

“Let’s just give them 2 weeks because my daughter is seriously hurt after the accident.” Tapos kinewento ni mommy yung aksidente kagabi.

“Hay naku, mare. Hindi na talaga safe sa panahon ngayon. There are many violent people. We should be more protective to our children.”

“I couldn’t agree more, mare. Regards na lang to your husband and my future son-in-law.”

Nanlaki na lang ang mata ko nung sinabi ni mommy yung son-in-law.

Cellphone hangup.

“Hay sweetie, dapat pagaling ka na kasi in two weeks time, you’ll meet his parents.” Her eyes still glowing.

“Mom, I don’t think you understand my point…” I said to end the misunderstanding.

She suddenly hugged me which made me confused.


“Oh, I get it.” Finally, nakuha din niya.

“Kung tinatago ninyo yung relationship ninyo, ok lang. Kung ayaw mo malaman ng Tito Henry, ililihim muna natin.” Hala! Lalong gumulo! Mommy hindi ganyan!

Biglang may nagsalita sa likod.

“Anong lihim yan?” Si Tito Henry habang hawak niya yung binila niyang newspaper.

“Our daughter is dating Daniel.” Oh my God! Shut up, Mom! Your making this a lot worse. Waaaahhhh!!!

Nakita ko na nagsmile lang si Tito Henry.


“Well that’s good.” Hala pati si Tito Henry, sumakay din sa misunderstanding issue na ito.

I have to think something to end this but before I did, my mom put a whole apple in my mouth. Diyos ko! Ito na yata ang papatay sa akin.


“Honey! What are you doing?” Tito Henry screamed. Nagpanic siguro. Sino ba naman ang hindi magpapanic kung isaksak ang buong mansanas sa bibig mo.

“Nicole need to rest immediately.” Tito Henry grabbed the apple from my mouth.

“Papatayin mo yata ang anak mo!” Finally, akala ko matotodas na ako.

“One of my dreams is going to come true.” She said with excitement. Obvious na obvious sa kinikilos ni mommy. Para bang nagmomonologue siya, ewan ko ba, lakas ng trip ni mommy.

“Ano naman yun?” Confused na tanong ni Tito Henry.

“One of our daughters will get married with one of the Tiu’s.”

Whoa?! Wait a minute! Wala naman tayong pinag-usapan na kasal. Don’t you think na dapat ako muna ang tinatanong ninyo. Oh no! What will Daniel say when he found about this horrible misunderstanding? Diyos ko, baka ipakulam ako nun!

“So after two weeks yung family dinner?”

“Yes, Honey. Dapat elegant ang lahat. That will be the event of the year!” Naku, hindi na talaga mapipigil si Mommy sa pagpapantasya niya. I’m sure madidisappoint siya once umayaw si Daniel sa set-up and I’m 100% that he will.

What should I do? Bakit ngayon pa nangyari ito ngayong wala si Natalie.

Dakilang Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 5128
  • Karma: +709/-32
  • xJIMELx
    • Kulay Forum
Re: Ugly But Pretty Swan (Photos on Page1) - Chapter 5 [Updated: Dec 18]
« Reply #54 on: December 19, 2007, 04:08:09 pm »
Continuation. Nag-exceed kasi lol. Stay tune for more kilig moments hahaha....



Tiu’s Residence. Dinner Room. 7:15 PM

Chris’s POV

Tinawag na ako ni Daddy kasi kakain na daw. Pero wala naman talaga akong gana. Sino ba naman ang gaganahan after ng lahat ng nangyari ngayon. Hindi ko nasabi sa babaeng mahal ko ang tunay kong nararamdaman tapos yung aksidente niya. Sana wala ng mangyaring hindi maganda ngayon. Baka magpatiwakal ako kapag may nalaman pa akong hindi magandang balita.

“Oh Chris, bakit ka nakasimangot, papangit ka niya.”  My mom said with smile in her smile. I find it odd because my mom rarely smile. I mean bihirang bihira talaga. Why do I get the feeling that something is up.

“Ayan, chibugan na!” Sinigaw ni kuya. Palibhasa, matakaw ito.

Nagstart na kami pero napansin ko na sobra sobra ang smile ni mommy. Napansin din ito ni daddy. As usual, si kuya busy sa pagkain. Hindi mo maiistorbo yan kapag kumakain. Naku, if ever you disturb him while he’s eating, magtago ka na! He’ll hunt you kahit saan ka magpunta.


“Oh, Honey, bakit nakasmile ka? May nangyari ba.”  Confused na tanong ni Daddy.

“Oh nothing.”  She still smiled.

I really smell something fishy. I know something is going on.


“Eh bakit parang nanalo ka sa lotto?”  Sabi ni Daddy. Hindi pa rin siya convinced sa sagot ni mommy. Even me, I’m not convinced.

Lumingon siya kay Kuya at sabay tanong.


“Danny, are you dating someone?”

I was shocked. Literally, my jaw dropped. My mom NEVER call Kuya as Danny. She always calls him Daniel. Definitely, something is going on.

“Huh?” Napalingon din si kuya.

“I’m asking you if you’re dating someone.”

Napakamot lang si kuya sa tanong ni mommy.

“Not that I know of. Bakit po?” Confused na din si kuya.

“Just say it, Honey.” Naiiritang sabi ni Daddy.

Hay naku, makasubo na nga. Kakagutom din itong family talk na ito. Pero nung susubo na ako…

“I found out that Daniel is dating Nicole.”

Nabitawan ko yung spoon na hawak ko.

Napaubo si kuya, literally.


“Huwwwwhhhhhaaaaaattttt?!?!” Sabay pa kami ni kuya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Nicole is mine pero paano nangyari yun?

Daniel’s POV

Busy ako sa pagkain dahil I’m so starved. Tapos sila busy sa family issues. Who cares?! I’m starving bahala kayo kung ayaw ninyo kumain.

“Danny, are you dating someone?” Ano daw?! Si mommy (yun na ang tawag ko sa kanya). Really weird? She never calls me Danny.

“Huh?” Yun lang ang nasabi ko sabay lingon sa kanya.


“I’m asking you if you’re dating someone.” Sinigurado ko lang kung tama yung narinig ko. Sabay kamot sa ulo. Ang weird naman ni mommy.

“Not that I know of. Bakit po?” Confused na tanong ko kay mommy. Since when pa naging concern si mommy sa love life ko.


“Just say it, Honey.” Napansin kong medyo inis na si Daddy.

“I found out that Daniel is dating Nicole.” Napaubo ako sa sinabi ni mommy. Parang may bomba na nalaglag kung saan.

“Huwwwwhhh
hhaaaaaattttt?!?!” Me and Nicole dating?! Totally unacceptable! Who would date that ugly girl? I won’t, I’m sure of that.



Sana nagustuhan ninyo yung update ngayon. Since boring yung Chapter 5, ginawa kong nakakatawa ang chapter 6. Comments naman diyan. Thanks ulit!


inluvagal_08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2916
  • Karma: +134/-114
  • you will always be my prince =)
    • My Blogsite
ang galing! *claps*
HEHE. ang saya naman neto!
OMG... sino kaya makakatuluyan ni Nicole?! EHEHE.
excited na ako para sa next... :D
what could be the
FORTUNE of that
CHICKBOY? ___

sweetpink_plush

  • Guest
GALING NI KUYA JIMEL :D
Excited na ako sa next update. Waaah.

Dakilang Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 5128
  • Karma: +709/-32
  • xJIMELx
    • Kulay Forum
Grace: Thanks. Baka bukas ulit ako makapag-update. I really can't wait hahaha....

sweetpink_plush: Thank you very much. Naeexcite na din ako lol.

allaroundprincess

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2508
  • Karma: +399/-173
  • CC Queen Bee | Beta EC
    • A second look...
wow!!! cool update! ^_^
away to death ito! ;D
this is one of the best ones I've read. ^_^
If we could PARTY all night
And sleep all day
And throw all of my problems away
My life would be eaaaaaasy
My life would be eaaaaaasyy

sweetpink_plush

  • Guest
Ngek. Excited na pero bukas maguupdate. Dapat now na! haha. nangulet.

 

Advertisement