CHAPTER 11
Sa Dining Area..
Ako nagstart ng conversation.
Onyx: Hindi ko alam na ikaw pala yung anak ng best friend ng Mama ko, Xandre.
Xandre: Ako nga rin eh. Hindi makapaniwala.
Onyx: Small world! Small world! Hehehe. Pati si Nais kasama ah!
Nais: Siyempre!
Xandre: Nagpumilit eh.
Onyx: Ikaw talaga Nais!
Mama: Mamaya na yan! Kain na kayo!
Kumain na kami. Umukyat na rin para makapagpahinga. Nang umaakyat kami sa may hagdan napansin kong malungkot si Pearl.
Onyx: May problema ba? Bakit kanina ka pa malungkot?
Pearl: Wala.
Onyx: Bahala ka babasahin ko na lang ang iniisip mo.
Pearl: Hindi! Wag! Wag! Sasabihin ko na..
Umupo muna kami dun sa may coffee table sa taas. Kumuha din ako ng juice para mainom namin.
Onyx: Ano ba yun?
Pearl: Diba may tinanong ako sayo kanina?
Onyx: Oo.
Pearl: Sinunod ko yung payo mo. Sinabi ko kay Shane na hindi pa pwede kasi bata pa kami.
Nagaway kami kasi gusto niya maging kami na.
Onyx: Eh hello? Kahit ba magkababata tayo eh hindi na yun dahilan. Ang bilis niya kaya.
Umiiyak na siya.
Pearl: Oo nga eh! Hindi na siya yung dating mabait na lalaki na kilala ko. Tapos ang sabi niya nagiging katulad mo daw na ako. Kahit maraming nanliligaw hindi mo ito sinasagot. Ang sabi pa niya pinaglalaruan mo lang daw yung mga lalaking nanliligaw sayo. Ang sabi ko na wag kang isama dito. Nagalit talaga ako kasi dinadamay ka niya. Tapos sabi ko rin na totoo pala yung sabi-sabi sa probinsya na chickboy siya dun. Lahat napapaibig niya. Sabi ko hindi ako ganun. Kung ganun din lang yung attitude niya! Hindi siya tunay na lalaki dahil hindi siya marunong tumangap ng rejection. Nalulungkot lang ako na ganun na pala siya.
Onyx: Shane!
Sumigaw ako ng malakas. Rinig buong resort. Naglabasan lahat ng tao. Hinila ko si Pearl at nakita namin si Shane sa baba.
Onyx: Halika na Pea. Makinig ka Pea, hindi ako nagagalit sa sinabi ni Shane sa akin huwag mo na nang pansinin yun pero ang hindi ko matatangap ang sagot-sagutin ka niya.
Sinugod ko agad si Shane. Ganito ako kapag nagagalit basta ang argabyado ay ang taong mahal ko.
Shane: Ano yun?
Lumapit ako at *PAK!* sinuntok ko. Bumagsak siya. Walang kwenta! Nagulat ang lahat ng tao.
Onyx: How dare you! How dare you! Bakit mo ginaganito ang kapatid ko?! Ok lang na pagsabihin mo ako na pinaglalaruan ko lang ang mga lalaki na nanliligaw sa akin dahil alam ko sa sarili ko at ng mga tao dito na hindi yun totoo pero sabihin mo na ganun ang kapatid ko. Ibang usapan na yan. Hindi ka lang niya sinagot ganyan ka na. Nagbago ka na! Bumangon ka!
Bumagon siya sa pagkakahiga niya. Napalakas ata ang sapak ko. Narinig ko na lang si Xandre na kinakausap si Mama.
Xandre: Tita Caroline! Awatin ninyo si Onyx!
Mama: Xandre, hijo, isa lang ang sasabihin ko sayo once in a blue moon lang nagagalit ang anak ko lalo na kapag kami, ang pamilya niya ang inaaway o sinasaktan. Kapag nagagalit siya hindi mo siya maawat para siyang lalaki kapag nakikipagaway.
Hindi na lang nakakibo si Xandre.
Habang nakikinig ako sa usapan nina Mama at Xandre.... tinulak ako ni Shane.
Onyx: Aray!
Sinalo ako ni Kuya Will.
Kuya Will: Ano ba yan pare! Pati babae pinapatulan mo.
Onyx: Bitawan mo ako.
Kuya Will: Eh Onyx?
Onyx: Uulitin ko bitawan mo ako.
Binitawan ako ni Kuya.
Shane: Eh totoo naman eh. Si Nais niligawan ka niya bakit hindi mo siya sinagot? Saka maraming nanliligaw sayo pero hindi mo sinasagot? Ha?
Hinawakan ko ang t-shirt niya at sinabi..
Onyx: Gusto mong malaman kung bakit?
Shane: Oo gusto ko.
Onyx: Dahil..
Kuya Will: Tama na yan. Umalis ka na!
Shane: Fine! Bahala kayo. Marami pang babae diyan! Mga babae talaga!
Ang hangin! Sasapakin ko sana si Shane ulit pero hinila na ako ni Kuya Will at niyakap. Umiiyak ako. Naalala ko tuloy noong bata ako kapag nagagalit ako niyayakap lang niya ako iiyak ng kaunti ok na. Para ko na ngang tatay si Kuya Shane eh!
Kuya Will: Tama na yan. Umalis ka na!
Shane: Sige magsama kayo!
*other narrator please!*
Niyakap ni Kuya Will si Onyx. Kawawa si Onyx. Parang batang umiiyak. Pumasok na sina Kuya Will at Onyx sa may sala doon pinatahan siya ni Kuya Will.
Samantala..
Si Xandre! Ayun! Nagseselos nanaman kay Kuya Will! Kung alam lang niya!
Sa may sala.
Kuya Will: Tama na! Tahan ka na!
Onyx: Alam mo naman ako Kuya eh. Ayaw kong nasasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Galit na galit talaga ako kay Shane. Kung wala ka napatay ko na siya. Promise.
Kuya Will: Masama yun. Tama na. Sige tahan na.
Tumingin si Xandre sa sala at nandun nakita niya sina Kuya Will at Onyx na naguusap. Nagseselo pa rin. Hinatid na ni Kuya Will si Onyx sa kwarto niya. Sinundan ulit sila ni Xandre. Xandre talga! Si Shane naman umalis na kasama ang Nanay niya.
Bago umalis kumatok si Aling Mameng sa kwarto ni Onyx.
Onyx: Pasensya na ho kayo sa ginawa ko sa anak niyo. Sana ho patawarin ninyo ako. Nadala lang ako ng galit.
Aling Mameng: Hija, huwag kang humingi ng tawad bagay lang sa kanya yun. Lekson na yun sa kanya. Ewan ko ba nagbago na ang anak ko. Pasensya na kana sa kanya hija.
Onyx: Ok na po ako Aling Mameng. Ok na ho yun sa akin. Naiintindinhan ko ho kayo. Si Pearl ho kumusta? Hindi ko na ho kasi siya naisip nung nagagalit ako sa anak ninyo.
Aling Mameng: Ayun medyo maayos na. Aalis na kami.
Onyx: Pero hindi ninyo ho kailangang umalis.
Aling Mameng: Ok lang yun Onyx.
Onyx: Wala ho bang paraan para mapigilan kayo.
Aling Mameng: Wala hija.
Onyx: Sige ho. Ingat kayo.
Aling Mameng: Ikaw din. Sige matulog ka na.
Umalis na si Aling Mameng.
Sa may labas..
Nandun sina Will, Nais at Xandre nagiinuman. Hindi pinapahalata ni Xandre ang selos niya kay Will.
Nais: Nakakagulat si Nyx! Ang sama magalit!
Will: Hindi madalang magalit yun pero masama kung magalit.. pero lilipas din ang gali niya.
Xandre: Kung magkwento ka parang kayo ha?
Nais: Oo nga kayo ba ni Nyx?
Will: Kami? Ni Nyx? Hahahahhahahahaha!
Xandre: Bakit ka tumatawa?
Will: Wala. Bakit ninyo naman natanong?
Nais: Kasi itong si Xandre gustong ligawan si Onyx. Nagseselos nga sa iyo eh.
Xandre: Nais!
Will: Hahahahhaha. Sorry.. sorry.. Kami ni Nyx, bata pa lang kami... kami na!
Nais: Wala ka na palang pag-asa Xandre.
Hindi na lang nakasagot si Xandre. Ang totoo may balak si Kuya Will na pagselosin si Xandre para malaman niya kung nararapat ba ito sa pagmamahal ng kanya pinakamamahal na pinsan na si Onyx. Nagimbento pa nga siya ng storya eh! Sweet at the same time.. Naughty! Hehehehe...
*Onyx!*
Hindi ako makatulog kaya bumaba ako. Nakita ko dun sina Nais, Kuya Will at Xandre nagiinuman.
Nais: Oh Nyx! Inom tayo.
Onyx: Sorry. Hindi ako umiinom. Kayo na lang. Sorry nga pala kanina ah.
Nais: Wala yun.
Onyx: Salamat din at kinomfort mo ako ku--
Kuya Will: Wala yun. Gusto mo nang tubig Onyx?
Onyx: Huwag na ku--
Kuya Will: Nyx, samahan mo muna ako dun sa loob may sasabihin ako sayo.
Onyx: Sige.
Kuya Will: Excuse us ha!
Sa loob...
Onyx: Bakit ba hindi mo ko pinapatapos magsalita ha Kuya Will?
Kuya Will: Wala! Basta huwag mo na kong tatawaging Kuya Will ha! Will na lang. 5 taon lang tanda ko sayo. Ok?
Onyx: Ok, Will.
Will: Saka may sasabihin ako sayo. May hihingin kasi akong favor..
Onyx: Ano yun Kuya este Will?
Will: Dadating kasi yung ex-girlfriend ko I wanna win her back kaya pagseselosin ko siya gamit ka.
Onyx: Papaano naman yun?
Will: Magpapangap ka na gf ko sa harap ng lahat except sa mga nakakakilala na magpinsan tayo. Pero sa mga nakakalam paki sabi na lang na huwag sabihin kahit kanino na magpinsan tayo para hindi mabuko. Ok ba?
Onyx: Huwatt? Girlfriend? Will naman! Kadiri yun!
Will: Sige na! Please! Siyempre hindi na mauulit yung kiss ano!! Hindi aabot dun! Sige na insan please! Yakap lang at hold hands lang! Hanggan dun lang!
Onyx: Kadiri ka naman Will! Ginawa mo pa akong girlfriend mo! Nakakakilabot!!! Maginsan pa naman tayo!
Will: Sige na! PLEASE!!
Onyx: Sige na nga! Kundi ka lang favorite insan ko.
Will: Ok! Starting tonight!
Onyx: Ngayon agad? Pero tandaan mo walang totoohanan! Magpinsan tayo! Kadiri yun! Ayaw kong maging katulad ni Jerry Lee Lewis na pinakasalan niya yung 2nd cousin niya. Please?!
Will: Fine! Ok na ba?
Onyx: Ok na!
Bumalik na kami sa may labas. Nakita kong tahimik lang si Xandre at nakatingin sa amin. Bigla akong niyakap mula sa likod ni Will. Umupo na ako. Sa pagkahaba-haba ng kwentuhan tungkol sa childhood memories...
Onyx: Matutulog na ako Will, Nais, Xandre.. Inaantok na ako.
Nais: Sige. Sweet Dreams!
Xandre: Sige!
Niyakap ako ni Will. Kadiri! Binulong sa akin ni Will...
Will: Nice job!
Onyx: Humanda ka sa akin bukas, Will.
Will: Sige good night! Sweet dreams!
Onyx: Sige!
Umakyat na ako.
*other narrator!*
Si Kuya este Will talaga!
Nais: Kaya pala hindi sinasagot ni Nyx ang mga manliligaw niya may boyfriend na pala siya.
Will: Marami pala siyang manliligaw ha!
Nais: Oo! Ang ganda kasi ni Nyx eh!
Will: Oo nga eh! Kaya ko nga siya nagustuhan eh! Ay! Sige tulog na ako.
Xandre: Sige!
Nais: Sige pare!
Umalis na si Will.
Xandre: Pare hindi ako makapaniwala! May boyfriend na siya!
Nais: Malay ko ba?
Xandre: Hayy...
Nais: Kawawa ka naman. Tulog mo na lang yan!
Xandre: Wag na! Ikaw na lang! Matulog ka na!
Nais: Matulog ka na rin.
Umakyat na sila at si Nais tulog na tulog si Xandre naman hindi makatulog.. Pag-ibig nga naman!
Kinabukasan...
Sinabi na ni Onyx kayna Pearl, Nana Marie at sa Mama niya ang plano ni Will. Sumangayon naman sila wag lang daw aabot sa may masasaktan. Bumaba na si Onyx para magbreakfast. Nakita niya doon isang babae.
Onyx: Siguro ito yung sinasabi ni Will na babae.
Sa totoo lang kaibigan ni Will yung kinuha niyang babae. Mabait yung babae nagpanggap na dati niyang gf. Si Will talaga!
Will: Eto nga pala si Nolita. Kaibigan ko.
Umupo si Onyx sa tabi ni Will. At binulong..
Will: Siya yung sinasabi ko sayo...
Onyx: Ah.
Nagsimula nang dumating ang mga pagkain.
Caroline: Kain na tayo.
At kumain na sila.
*Onyx! Last na 'to Siya na ulit!*
Lalabas ako ngayon. Magsiswimming at kakain! hehehe. Break muna sa lahat-lahat!