CHAPTER 10
*mamaya na yan.. bumalik tayo kay Onyx...*
Onyx: Dun tayo sa may restau ni tita dun tayo magusap.
Pearl: Sige.
Pumunta na nga kami. Nagorder kami ng Watermelon Shake sarap! Habang umuiinom ng Watermelon Shake nagusap ulit kami.
Pearl: Kapag ba nagtapat sayo anong gagawin mo?
Onyx: Ng kanyang pagibig ang isang guy?
Pearl: Oo.
Onyx: Hindi na bago pero aayawan ko kasi mga bata pa kami at saka kailangan ko pa siyang kilalanin. Hindi mo alam ang gagawin mo kay Shane noh!
Pearl: Medyo.
Onyx: Ganito na lang, payo lang ito ha. Patuloy mong kilalanin si Shane pero huwag mo munang sagutin, alalahanin mo na aalis din siya at saka hindi mo pa alam kung siya na ang "The One" Saka malay mo you are not meant for each other.
Pearl: Tama ka.
Onyx: Matanong nga pala kita, may feelings ka ba kay Shane? Kahit kaunti?
Pearl: Siguro mga 10%..
Onyx: Pwede na. Malay mo madevelop parang picture!
Pearl: Corny! Anyways, ano ba hinahanap mo sa isang lalaki?
Onyx: Gusto ko yung mabait, matalino, may itsura kahit hindi na gwapo at artistahin, gentleman, maasikaso at faithful siyempre. Ikaw?
Pearl: Ako basta yung mahal ako at mahal ko.
Onyx: Nice. Speaking of hinahanap mo sa isang lalaki eto na ang guy of your dreams.
Pearl: Hindi kaya siya guy of my dreams.
Biglang dumating si Shane at umupo sa tabi namin.
Shane: O, anong pinaguusapan ninyo diyan? Mukhang seryoso ha?
Onyx: Wala. Alis muna ako. Magswswiimming lang ako. Maiwan ko na kayo.
Pearl: Nyx! Dito ka muna.
Shane: Sige. Ingat ka.
Iniwan kong naguusap si Shane at Pearl. Nagkakahiyaan pa.
*Si other narrator ulit..*
Pearl: Uhm.. aalis na ako. Pagod na ako eh. Sige.
Shane: Wait!
Papaalis na si Pearl nang hinila ni Shane ang kamay niya.
Pearl: Ano yun?
Shane: Napagisipan mo na ba ang sinabi ko sayo?
Pearl: Kung tatanggapin ba kitang boyfriend ko?
Shane: Oo. Bata pa lang tayo mahal na kita.
Pearl: Hindi pa natin alam ang salitang mahal nun.
Shane: Pea, ano nga?
Pearl: Ganito makinig ka. Napagisip-isip kong hindi kita kayang sagutin dahil mga bata pa tayo at kailangan nating kilalanin pa ang isa't-isa kahit matagal na tayong magkakilala. Malay mo we are not meant for each other.
Shane: Nahahawa ka na ba sa kapatid mong si Onyx na ang dami-daming nanliligaw pero walang sinasagot. Pinaglalaruan lang ata niya yung mga lalaking nanliligaw sa kanya eh..
Biglang... *PAK!* Sampal!
Pearl: Huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan! Hindi kasalanan ng kapatid ko yan! Porket hindi lang kita sinagot galit ka na! Hindi ako tulad ng mga babae sa probinsya natin Shane na wala pang isang araw pwede mo nang pasagutin. Hindi mo ako kayang pasagutin lang sa loob ng 5 araw. Ikaw pa lang ang lalaking nambastos sa akin ng ganyan! Hindi ito tungkol sa kapatid ko tungkol ito sa atin! Maiwan na kita!
Shane: Pearl! Basta hindi kita papakawalan!
Galit na galit na umalis si Pearl dahil masakit ang sinabi niya para lang sa isang sagot na pagiging girlfriend niya naging ganun siya.
Pearl: Nagbago na siya hindi siya katulad noong mga bata pa lang kami at tama pala ang mga sabi-sabi sa probinsya na chickboy siya katulad ni Nais.
Naglakadlakad siya at nakita rin niyang naglalakad si Onyx na may kasamang pamilyak na lalaki.
*Pumunta tayo kay Onyx*
Habang nagaaway sina Pearl at Shane, naglalakad si Onyx sa may dalampasigan. Biglang niyang narinig ang isang sigaw.
"Tulong! Tulong! Nalulunod ako!" sabi niya.
Dahil magaling magswimming si Onyx. Pumunta siya sa tubig at sinagip niya ito. Dinala sa dalampasigan at ginawa ang CPR. Swerte lang ng lalaking ito. Biglang nagising ang lalaki at sinabi:
"Nasa langit na ba ako? Bakit may isang magandang anghel?" sabi niya.
Onyx: Hindi. Hindi rin ako anghel. Ako si Onyx. Ako ang sumagip sayo.
Tumayo ito.
Onyx: Ok ka na ba?
"Ay oo. Salamat pala. Ako pala si Will. Akala ko talaga nasa langit na ako dahil akala ko anghel ka." sabi ni Will.
Onyx: Hindi ah! Palabiro ka pala.
Will: Hindi naman.
Onyx: Pero bakit ka ba nalunod?
Will: Kasi matagal na akong nagswiswimming kaya napulikat ang paa ko.
Si Will pala ay parang Guy-next-door ang istura pero medyo matanda na ang istura mga nasa 25-29 na ang age. Typical guy lang pero may itsura naman.
Onyx: Ang ganoon ba? Sige alis na ako.
Umalis si Onyx sinundan naman siya ni Will.
Dito siya nakita ni Pearl.
*Kay Onyx na.*
It's a nice feeling kapag nakatulong ka. Pero bakit naman ako sinusundan nitong niligtas ko wait parang kilala ko siya. Nakasalubong ko naman si Pearl.
Pearl: Sino ba yang lalaki sa likod mo? Parang aso.
Will: Hindi naman. Sino ka ba?
Pearl: Ako si Pearl ang-- Wait, parang kilala kita? Kuya Will? Pinsan? Ikaw na ba yan? Kailan ka pa bumalik galing France?
Will: Pearl! Insan! Ikaw na ba yan Onyx? Ang liit-liit niyo pa nung huli ko kayong makita. Hindi ko kayo namukahan!
Onyx: Weh! Hindi kita nakilala! Ikaw na ba yan Kuya Will?
Will: Ako nga!
Hi-nug ko siya! Wow! Reunion! Si Kuya Will ang pinakaclose ko na pinsan, siya ang nagaalaga dito noong bata pa. Parang siya ang Kuya na wala ako. Tagal na kaming hindi nagkikita dahil nga pumunta siyang France dahil sa work.
Will: Ang ganda ninyo na!
Pearl: Puro ka talaga bola Kuya Will.
Onyx: Bakit ka ba nandito?
Will: Inimbitahan kasi ako ni Tita Lany eh.
Onyx: Ikaw lang magisa?
Will: Oo. Lonely nga eh! Akala ko pa naman makakakilala ako ng magandang babae na pwedeng maging girlfriend, mga pinsan ko lang pala ang makikita ko!
Pearl: Kuya Will!
Will: Joke lang! Hehehe.
Onyx: Kadiri naman nahalikan ko ang sarili kong pinsan! Para akong humalik sa palaka!
Will: Kadiri ka diyan! Hindi yun kiss noh! CPR yun! Saka ako palaka! Kung wala ang CPR na yun wala na ang Kuya Will ninyo dito sa mundong ibabaw! Ako pa naman ang nagbibigay buhay sa mundo!
Onyx: Yabang!
Binatukan ako ni Kuya Will.
Onyx: Aray! Hindi ka pa rin nagbabago Kuya Will binabatukan mo pa rin ako.
Pearl: Nakakatawa talaga kayo!
Onyx: Halika na Kuya Will balik na tayo dun sa main hall nandun sina Mama.
Will: Kasama ninyo ba sina Ate Nareen ninyo?
Pearl: Hindi namin kasama nagaayos pa ng kasal.
Will: Ah oo nga pala. Sige halika na.
Pumunta na kami sa main hall. Nakakbay pa sa akin si Kuya Will. Don't take this the wrong way talagang sweet lang kami na may halong kalokohan ni Kuya Will. I can never love him. Hello? Pinsan ko siya!
*Other narrator! Yuhu!*
Cheeni: Ay oo. Ito pala si Erin ang panganay ko at ang bunso kong si Xandre. Yung kaage ng anak mo. Eto rin pala ang kaibigan niya si Nais. Nasaan na pala ang anak mo?
Caroline: Ah. Ayun oh. Onyx!
Biglang dumating si Onyx kasama sina Will at Pearl. Nakaakbay pa si Will kay Onyx na parang pinagselosan ni Xandre.
Onyx: Oh! Xandre! Nais! Bakit kayo nandito?
Cheeni: Magkakilala kayo ng anak ko?
Caroline: You mean magkakilala kayo ng anak ng high school best friend ko?
Pearl: Wait! Ang mama po ni Xandre ang best friend ninyo?
Caroline: Oo.
Cheeni: What a small world.
Pearl: Naki sabit ka pa pala Nais ha!
Nais: Siyempre!
Sumabat nanaman ang Mama ni Onyx.
Caroline: Mamaya na yang mga pagpapakilala. Kain muna tayo.
*Onyx*
Onyx: Ay Mama!
Pinakita ko sa kanya si Kuya Will.
Mama: O, Will kailan ka pa bumalik?
Will: Tita! Noong isang linggo lang po ako bumalik galing France.
Onyx: Mama magpapalit muna kami ng damit.
Mama: Sige.
Nakipagkulitan pa si Kuya Will papuntang kwarto namin. Ang kulit talaga ni Kuya Will.
*Other Narrator! Pasok!*
Nagseselos si Xandre kay Will. Kitang-kita 'to sa mukha niya.
Xandre: Sino ba naman yang Will na yan? Mukhang sila ni Onyx ha!
Nais: Hindi ko kilala yan. Pero tingin ko hindi sila.
Xandre: Bakit?
Nais: Never pang nagkakaboyfriend si Nyx noh! Cool ka lang parang galit ka. Nagseselos ka noh?
Xandre: Oo bakit masama?
Nais: Sorry! Chill lang.
Xandre: Halika na nga.
Pumunta na sila sa Dining Area at hinintay sina Onyx.
*Onyx. Ulit!*
Bumaba na kami para kumain nagugutom na kasi kami.
Sa Dining Area..